Kabanata 6

1932 Words
Masakit ang mga paa ni Elena habang tinatakbo ang kahabaan ng Education building. Hinahanap niya ang kaibigan. Pagkatapos ng klase ay dumiretso raw ito sa Graves Park. Hindi niya ito inabutan dahil nag extend ng 10 minutes ang instructor nila upang e update ang groupings nila para sa isang proyekto. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at denial ang numero ng kaibigan ngunit napabuntong hininga na lamang siya nang maalalang wala nga pala siyang load. Nang matanaw niya ang pamilyar na pigura ay agad siyang naglakad palapit dito. Malamang ay inis ito sa kanya dahil inabot siya ng dalawampung minuto sa orchidia. Hindi niya namalayan ang oras at nang bumalik ito sa bench ay mukha ng pikon na Louisa ang nadatnan niya. Umiiral na naman ang pagka moody nito, sa isip niya. Magbibiro pa sana siya nang itaas ng kaibigan ang braso nito sa ere upang ipakita ang relong suot na anim na minuto na silang huli sa klase. Magsasalita pa sana si Elena nang tumayo ito at mabilis na naglakad. "El." Sa wakas ay narating na niya ang Graves at naupo sa tapat ng kaibigan. Nagsusulat ito sa kwarderno. Inihanda na niya ang mga korni niyang jokes ngunit nagulat siya nang ngitian ng kaibigan. Inakala niyang aabutin na naman siya ng dalawa o tatlong araw para kausapin ulit nito. Hinawakan niya ang zipper ng kanyang bagpack upang ipakita sa kaibigan ang kanyang nabasa sa kahon nang unahan siya nito. "Oo ang sagot ko kay Mike." Nung una ay hindi niya pa maintindihan ang tinutukoy ng kaibigan ngunit nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin ay nagulat siya. Si sir Mike? "Tungkol saan ba ang oo na yan? Para ba sa panliligaw o para sa date?" Panunukso niya. Namula naman ang pisngi ng kaibigan. Ang cute talaga nito. Hindi na talaga napigilan ng kaibigan ang mahulog sa professor nito. Isang 47 years old na lalaki na nagparamdam ng paghanga sa 19 years old lang na kaibigan. "Masaya ako dahil nobyo ko na siya. Alam mo yung destiny?" "Destiny?" "Oo. Marami kaming pagkakatulad El. Pareho pa kaming Gemini. Parang soulmate hindi ba?" Habang nagkukwento ang kaibigan ay panay ang ngiti nito. "Pano na yan? Hindi ba may mga anak si sir Mike na ka edad lang natin?" "Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan El, ngunit kampante ako na hindi ako iiwan ni Mike kahit ano pang mangyari." Mula sa di kalayuan ay nahagip ng mga mata niya si mang Kulas. Mataman itong nakatingin sa kanilang dalawa. Nasisiguro niya iyon dahil sila lang naman dalawa ang tumatambay sa Graves. Nang mamalayan nitong nakatingin rin siya sa dako nito ay mabilis na itong naglakad. "Weird." "Ano yun El? May sinasabi ka ba?" Hindi niya namalayan na naisatinig pala niya ang iniisip. "Ah, wala." Hinayaan niya ang kaibigan na mag kwento tungkol sa kanila ni sir Mike. May mali. Sa loob loob niya ay nararamdaman niyang may mali sa nararamdaman niya sa relasyon ng dalawa. Ngunit bakit? Naiingit ba siya sa kaibigan? Hindi. Noon pa lang ay may usapan na sila na kung sino ang unang magkakaroon ng nobyo ay susuportahan ito ng isa. Nagseselos ba siya? Sa isip niyay hindi rin ang sagot. Wala siyang gusto kay sir Mike. Kahit pa may kaya ito sa buhay at may kagwapuhan ang guro ay ayaw niya naman sa mga matatanda na tipong kasing edad ni sir Mike. Kung ganoon, nalulungkot ba siya dahil hindi na niya madalas na makakasama ang kaibigan dahil ang nobyo na nito ang aagaw sa oras na nilalaan nito para sa kanya? Hindi rin. Bukod kay Louisa ay mero naman siyang ibang mga kaibigan sa Arts Club at mga kaklase niya. At hindi siya yung tipong magseselos na parang bata dahil lang sa hindi pagbibigay ng sapat na atensyon. Sa lahat ng konklusyon niya ay mali lahat ng sagot. Ibig bang sabihin nito, may isa pang rason? "Hindi, hindi." Bulong niyang narinig pala ng kaibigan. "Ano bang sinasabi mo El? Parang ang weird mo today. May problema ba?" Tiningnan lang niya ang mukha ng kaibigan. Blanko ang expresyon niya ngunit alam niyang kailangan niyang mapanatag ang kalooban ni El kaya ngumiti na lang siya ng malapad. Pinilit niyang alisin sa utak niya ang huling rason na naisip niya. Impossible. Impossibleng mangyari iyon. Kinuyom niya ang mga kamao at pinakalma ang sarili. Inabot ng dalawang oras ang pagkukwentuhan nila sa Graves at nang mag-aalas singko na ay inaya na niya itong umuwi sa dorm. Habang naglalakad sa mapunong daan ay may tinted na sasakyan ang huminto sa tapat nila. Kotse iyon ni sir Mike. May usapan ba ang dalawa na mamamasyal? Lumabas ito sa driver's seat at binati siya. "Oh miss Honobre, uuwi ka na rin ba?" Nahihiya siyang yumuko rito upang magbigay galang. Maya maya ay bigla nitong hinila ang kaibigan at hinalikan ito ng mapusok sa mismong harapan niya. Mabilis na napalinga sa paligid si Elena upang tiyakin na walang nakakakita sa ginagawa ng dalawa. Nakita niyang ipinulupot ng babae ang mga braso sa leeg ng nobyo nito at ang huli ay inilagay ang braso sa likod ng kaibigan para idiin ang katawan nito. Nang sa wakas ay natapos ang paghahalikan ng dalawa ay bumalik si sir Mike sa kotse nito at pumunta sa likurang pinto. Nang bumalik ito ay may hawak na itong bouquet ng white roses. Maganda ito at halatang mamahalin. Akala niya ay magtatagal pa ang lalaki ngunit ibinigay lang nito ang mga rosas at hinalikan ang kaibigan sa noo. Matapos ay sumakay na rin ito sa sasakyan at mabilis na iyong pinasibad. Malapad ang ngiti ng kaibigan nang tumingin ito sa kanya. Kumikinang ang mga mata. Namumula rin ang mga pisngi nito. Nahabol na nito ang paghinga ngunit pinagpapawisan pa rin ito. Naramdaman na naman ni Elena ang emosyong hindi niya mapangalanan. Ayaw niyang bigyan ng pansin ang hindi kaaya ayang emosyon dahil alam niyang hindi ito maganda. Dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan. ___________________________ Elena's reminiscing was interrupted because of an incoming call. She looked at the time. It was already 6 a.m. Napahaba pala ang paglalayag ng diwa niya. Inabot niya ang cellphone at tiningnan kung sino ang nasa kabilang linya. Si Paul? Ano kaya ang sadya nito ng ganitong oras? Bago pa umapaw ang mga tanong niya ay sinagot na niya ito. Garalgal ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Halatang kagigising lang din nito. Hula niya na tungkol ito sa kaso ng kaibigan at tama nga ang hula niya. "Magkita tayo bukas ng hapon. Mga bandang alas dos sa tapat ng She Sips. Doon ko nalang sasabihin ang lahat ng detalye ng nalaman ko." Pumayag siyang makipagkita sa lalaki. Nilagay niya sa planner ang oras at address ng lugar na pupuntahan niya bukas. Ginagawa niya ito para kahit maging busy siya ay hindi niya pa rin makalimutan ang mga importanteng gagawin. Nag desisyon siyang maligo at magbihis na. Ngayong siya nalang ang naiwan sa kwarto ay nabibingi siya sa katahimikan. Gutom siya ngunit ayaw niyang mag almusal. Naisip niyang may mga pagkain ang naiwan ni Louisa sa cabinet nito. Lumapit siya sa cabinet at umaasang may mga pagkain pang natira doon na hindi pa expired. Pagbukas niya ng cabinet ay nakita niyang marami pang mga biscuit na naka imbak doon. Sinuri niya ang mga detalye sa pakete at nang malamang sa susunod na limang buwan pa masisira ang pagkain ay kumuha siya ng tatlo. Baka sakaling gutomin ulit siya, ayaw na niyang bumalik ng dorm dahil may kalayuan ito. Naging busy si Elena buong araw dahil marami siyang mga research na kailangang gawin. May mga upcoming events din ang Arts Club para sa nalalapit na school fair na magaganap sa susunod na buwan. Bilang president ng club ay puspusan ang pagpaplano niya at ng ibang members dahil kailangan nilang magkaroon ng painting contest at ilagay ang mga obra sa museum ng SCBC. Palibhasa ay perfectionist kaya medyo stress na siya sa pag oorganize. Mabuti nalang at cooperative rin ang lahat kaya hindi na siya nahirapan sa pagpaplano. "So, this coming Friday, we're going to plan on our budget for the painting materials and-" Habang nag sasalita siya sa harapan ng lahat ay may biglang dumating. "Hi, sorry guys I'm late." Si Jane. Tumatawa ito habang naglalakad papasok na parang umattend lang ng birthday party. Tinaasan niya ito ng kilay dahil hindi man lang siya nito binati ngunit sadya sigurong manhid ang babae. Umupo ito sa bandang kanan na katabi ng mga canvas. Naka dekwatro ito at may nakakalokong ngisi. "Jane? San ka ba galing at kanina ka pa namin kinokontak? Patapos na ang meeting girl." Imbes na tumingin kay Grace at sagutin ang tanong nito ay siya ang tinitigan nito. "May date lang with boyfriend." Ngiting tugon nito ngunit nakapirme lang ang tingin nito kay Elena. "Opss sorry, I mean fiancee pala." Bumungisngis pa ito. Naiintindihan ni Elena kung bakit ganon umakto ang dalaga. Ayaw nito sa kanya. Noong nagbotohan ang club kung sino ang magiging president nila ay nagpresenta si Jane na siya nalang ang maging president ng AC. Galing ito sa marangyang pamilya. Mas mayaman pa kaysa sa pamilya ni Louisa. Meron na rin itong sariling gallery sa Ortigas at ilang beses ng nagkaroon ng art exhibit. Palibhasa ay maykaya sa buhay kaya hindi na nila problema ang ipopondo sa hobby nito. Nagbotohan ang mga members noon at siya ang nanalo. Kaya mula noon ay napansin na niyang matalas ang dila nito sa tuwing nakikipag-usap siya rito. Hindi na niya pinansin ang huling sinabi nito at nagpatuloy na sa pagsasalita. "So, as I said a while ago, this Friday we will meet to discuss the budget for the materials and the overall expenses. We need to prepare tokens and/or certificates for the judges as well as their food since aabutin ng 3 to 4 hours ang contest. We also need to plan about the prizes of the possible winners from 3rd place to first place. And the most important thing ay ang pag aanunsyo. Kung papano natin mahihikayat ang mga Claries to join the contest. I will also assign the making of posters and social media posts on the same day." Nakikita naman ni Elena na nakikinig ang lahat sa mga sinasabi niya. Ang secretary nila ay masipag rin sa pag tetake ng notes para sa plano. Nang mapansin niyang matamang nakikinig ang lahat, she offered the floor for opinion-sharing and discussion. Nang biglang magsalita si Jane. Hindi niya inaasahan na magbibigay ito ng komento dahil wala naman itong pakialam sa nangyayari sa club. "I have an idea." Panimula nito. "What if instead of acrylic paints or watercolor, we try other sources for example blood for red and wet human hair for darker colors? Mas may thrill yun and the results will be exciting!" Ngisi nito na parang walang mali sa sinabi niya. Agad naman niya itong kinontra. "We can't use those options because it will be hard for students to find all colors. Instead of exciting them, we might frustrate and discourage them or maybe scare them. Art should send calm feelings hindi takot." "Okay." Ito lang ang tanging tugon ng dalaga. Natapos ang meeting na hindi na ulit ito nagsasalita. Hindi rin naman bakas sa mukha nito na naoffend ito sa komento niya. Umalis na ang lahat sa room at siya nalang ang naiwan sa loob. Bago lumabas ang babae ay tiningnan na naman siya nito ng nakakaloko. Matagal na niyang napapansin na may kakaiba sa babae ngunit ayaw niyang dumiretso sa konklusyon dahil wala naman siyang ebidensya. Ngunit aalamin niya iyon. "Malalaman ko rin ang tinatago mo Jane."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD