"Bigyan mo ako ng katanggap tanggap na paliwanag."
Pabulong ngunit mariin na wika ni Paul sa pulis na parang hindi siya sineseryoso. Hanggat maaari ay ayaw niyang maglabas ng pera dahil umaasa pa rin siya na gagawing prioridad ng pulisya ang kaso ng kanyang kapatid. Nasa SCBC siya at nakatayo sa ilalim ng mga mayayabong na pine trees sa tagong parte ng unibersidad. Nalaman niya na ang janitor na siyang posibleng may gawa ng karumaldumal na pagkamatay ng kapatid ay wala na sa tinitirhan nito na nakadikit sa pader ng paaralan. Sa kasamaang palad ay sira ang nag-iisang cctv na hagip ang bahay ng matanda. Wala na rin ang asawa nito. Ang tanging naiwan ng mag-asawa ay ang kanilang aso na nakatali sa maliit na puno ng langka. Ang mga kubyertos, banig, mga balde at galon ng tubig, at ang mesa at dalawang upuang gawa sa plastic na may tatak na property ng paaralan na isinulat gamit ang marker.
"Eh, kasi sir hindi namin inaasahan na-"
"P*nyeta! Ano bang pinag gagagawa niyong lahat? Mas marami pa ata akong nakalap na impormasyon sa inyo partida arkitekto ang propesyon ko!"
Marami pang dahilan ang sinabi sa kanya ng pulis ngunit mas lalo lang siyang nagagalit habang nakikinig dito. Akala niya ay tuloy tuloy na ang pag-iimbestiga ng mga ito ngunit sa di niya malamang kadahilanan ay huminto ang mga ito. Akma na nga niya itong susuntukin ngunit pinigilan niya ang sarili. Umalis siya sa lugar at hinanap ang kotse niya sa di kalayuan. Nang makapasok ay dinukot niya ang cellphone upang tawagan ang sekretarya. Nalungkot siya nang makita ang lock screen niya na larawan ng dalawang batang nakangiti. Siya na 16 years old at naka upo sa sahig na puting baldosa at ang kapatid na 4 years old na nakatayo at nakayakap sa leeg niya. "Hahanapin ko ang pumatay sayo Leigh, pangako yan ni kuya."
Tatawagan na sana niya ang sekretarya nang may pumasok na bagong email mula sa private investigator. Tatlong araw lang mula ng e hire niya ito ngunit marami na itong nakalap na impormasyon. Sinuri niya ang walong files na binigay nito. Mula sa mga nakaraang records ng janitor hanggang sa bagong lugar na nilipatan nito ngunit hindi tiyak ang eksaktong bahay nito. Napabuga siya ng hangin at napasandal sa upuan. Alas siete pa lang at hindi pa siya nag-aagahan. Habang tinitingnan ang mga estudyanteng paroo't parito ay naalala niya si Elena. Agad niyang hinanap ang number nito at nagpadala ng mensahe na agad din namang sinagot ng dalaga.
KARINDERYA NI ALING ROSA
"Kailan mo balak puntahan si manong Kulas?"
"Pagkatapos nating kumain." Nakatingin lang ang dalaga sa kanya. Magaspang pa rin siguro ang pananalita niya.
"Hindi mo naman siguro balak na ilagay sa mga kamay mo ang batas?" Nag-aalalang tanong nito.
Ayaw niyang bigyan ng direktang sagot ang dalaga. Pero sa ngayon ay mukhang mahihirapan siyang hanapin ang eksaktong lungga ng matanda. Hayop na matandang yon. Sa isip niya.
"Wag kang mag-alala Bel, hindi ako mapapahamak."
Nakita niyang natigilan ito. Hindi na ulit ito sumagot sa kanya. "Bakit? May problema ba?" Nakita niyang kumakain na ito ng turon na may langka. Nakayuko lang ito at hindi tumitingin sa mga mata niya.
"Wala naman. Nagulat lang ako na alam mo ang second name ko." Sa mga mata ng dalaga ay nakikita niyang may gusto itong sabihin sa kanya.
"Ano ba iyon? May gusto ka bang sabihin sakin?" Nginitian niya ito dahil parang naiilang ang dalaga sa kanya.
Sa wakas ay tumingin din ito ng direkta sa mga mata niya. "Gusto ko lang sanang itanong kung" Nag-aalinlangan nitong simula.
"Hmmmm?"
"Noong hinatid mo ako sa school pagkatapos nating magkape"
"Yes, what about that?" Nagtataka siya. Ano bang nais sabihin ng dalaga?
"Ano kasi, bumalik ka ba sa school dahil may dinalaw kang kaibigan?" Napalunok ang dalaga. Bumalik?
"Hindi kita maintindihan. Ano ba ang ibig mong sabihin?"
Para namang natigilan ang dalaga sa sinabi niya. "Pagkatapos kitang ihatid ng gabing iyon ay umuwi na ako sa bahay. Hindi ako bumalik ng St. Claire."
Tango lang ang naisagot ng dalaga sa kanya. Tapos na rin pala itong kumain. Nakita niya na dumukot ito ng 500 sa wallet nito at akma na sanang magbabayad ngunit inunahan na niya ito.
Nang matapos ay agad nilang sinimulan ang pag-uusisa sa mga dokumentong ipinasa sa kanya. Nabasa niya ang text ng private investigator at nalaman na nasa Itogon na pala ang matanda ngunit mag-isa lamang itong nagtungo roon. Nagtataka siya. Papanong mag-isa eh matanda na rin ang asawa nito? Ibig bang sabihin ay iniwan ito ng asawa? Mabuti naman. Sa isip niya. Dahil baka madamay lang ito sa gagawin niya.
"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka. May problema ba?" Puna niya sa dalaga na nakayuko at matamang nakatingin sa mga dokumento. Tumingala ito at parang natatakot.
"Tingin ko ay kailangan nating makausap si kuya Berto, Paul." Berto? Sino naman iyon?
"Bakit? Anong kinalaman niya sa kaso ng kapatid ko?"
"Kahapon kasi ng umaga, nakita ko si mang Kulas na kausap si kuya Berto." Mahina nitong sabi.
"Ano? Ba't ngayon mo lang sinabi sakin ang bagay na iyan?!"
"Sinubukan kitang tawagan kahapon pero hindi ka sumasagot." Paliwanag ng dalaga. Ipinakita pa nga nito ang mga mensahe sa cellphone at ang mga call attempts na ginawa ng dalaga. Mula 11 a.m hanggang 10 p.m. ay tumatawag ito. Napamaang siya.
"Bakit hindi mo ako nagawang sagutin kahapon?"
Kahapon ay naging busy siya sa trabaho. Kinuha siyang architect para sa bahay na ipapatayo ng ex niya. Dahil nangako siya noon na siya ang mag didesenyo ng bahay nila pag ikinasal sila. Gusto niya pa rin talagang magpasikat sa dating kasintahan. Matapos ang meeting nila kinagabihan ay dumiretso na siya sa bar.
Madali silang nagpunta sa tinutuluyan ng hardinero. Kinakailangan pa nilang dumaan sa mga nagtatayugang puno.Isa itong maliit na kubo di kalayuan sa paaralan. Nang makarating ay agad silang pumasok sa gate nito na gawa sa kawayan.
__________________
"Anong ginagawa niyo rito?"
"Sh*t!" Narinig ni Elena ang malutong na mura ni Paul ng magsalita ang hardinero sa gilid nila. Hindi nila ito napansin dahil ang atensyon nila ay nakapukol lamang sa pintuan ng bahay. Nagkakape ito habang nakaupo sa malaking bato. Nakakatakot ang istura nito. Malaki ang eyebags, mahaba ang balbas at ang buhok nito na hindi nakatali. Nakasuot ito ng jogging pants na tinabas ang dulo at manipis na tshirt na kulay dilaw. Hindi ba ito giniginaw?
"Magandang umaga po kuya Berto. Ako po si Elena. At ito naman po si Paul. Estudyante po ako sa St. Claire." Pagpapakilala niya rito. Hindi naman umimik ang kasama.
"Bakit kayo nandito?" Kakaiba ang tingin niya sa hardinero. Parang hindi ito mapakali. Sasagot na sana siya rito nang magsalita ang binata.
"Gusto ko lang malaman kung nasaan ang magaling mong kaibigan." Sing lamig ng hangin ang boses nito. "May nakapagsabi sa amin na nakita ka kahapon na kasama si Kulas." Dugtong nito.
"Mga pulis ba ang nagsabi niyan sa inyo?" Natataranta nitong tugon. "Kasama niyo ba sila ngayon? Magsabi kayo ng totoo!"
Nagulat si Elena sa inasal ng hardinero. Totoo nga bang gumagamit ito ng illegal na droga?
"Are you going to tell me where your friend went, or should I call the police and have you arrested- "
"Wag mo akong englisen dahil hindi kita maintindihan!" Nakikita ni Elena na nawawalan na ng pasensya ang kasama niya kaya nang akma na sana itong susugod ay hinawakan niya ito sa braso.
"Paul, ako na" Presenta niya.
Nilapitan ni Elena ang hardinero at kinausap ng mahinahon. "Kuya Berto, kailangan naming malaman kung nasaan si mang Kulas ngayon. Tutulungan po namin kayo. Basta po ay tulungan niyo rin po kami."
"Hindi ko alam kung nasaan si Kulas ngayon."
"Anak ng-" Susugod na sana ang binata ngunit sinenyasan niya ito na huminahon.
"Wala nga akong alam. Miniwala kayo sakin." Sa tingin ni Elena ay hindi nagsisinungaling ang hardinero. Naiiyak na ito at palingon lingon sa paligid. Tuwing titingin ito kay Paul ay mas lalo itong nanginginig. Hindi naman niya masisisi ang hardinero dahil konti nalang at mapipigtas na ang pisi ng binata sa likod niya.
"Pero ano po ang dahilan kung bakit siya umalis?"
"Ang alam ko ay pinagbibintangan siyang pumatay sa isang estudyante na teacher." Sagot nito.
"Estudyante? Teacher? Niloloko mo ba ako?"
"Paul, ang ibig niyang sabihin ay parang guro ang uniporme ng estudyante." Nakasuot si El ng uniform noong natagpuan ang bangkay nito.
"Ano pa ho ang alam ninyo? Narinig ko pong sinabi ni mang Kulas na pareho kayong madadamay pag nag sumbong ka. Bakit po niya iyon nasabi?" Nagulat ang hardinero sa narinig. "Narinig mo kami?" Pagtitiyak nito. Tumango siya. Nakita niya na parang nag-iisip ang matanda. Matagal bago ito nagsalita.
"Kapag sinabi ko ba sa inyo, titigilan niyo na ako?" Imbes na siya ang sumagot ay si Paul ang nagsalita.
"Hindi lang titigilan. Tutulungan pa kita." Natigilan si Elena at napalingon sa binata. Seryoso ba ito?
"Okay sige. Payag na ako."
Naupo si Paul sa katabing bato at parang handa ng makinig. Malamang ay nangangalay na ito.
"Si kuya Kulas ang nagpasok sa akin sa trabaho bilang isang hardinero. Naging matalik na magkaibigan kami. Ako ang nag udyok sa kanya na gumamit ng ipinagbabawal na droga." Nakita ni Elena na matamang nakikinig ang binatang kasama.
"Noong ikawalo ng Nobyembre, nakita ko si kuya na naglalakad palabas ng Orchidia. Basang basa ang damit at puro putik ang siko at tuhod. May hawak siyang grass shears na basa at parang bagong hugas." Tumigil sa pagsasalita ang hardinero kaya nagkatinginan silang dalawa ni Paul.
"Magpatuloy ka." Wika ng binata.
"Kinausap ko siya nung araw ding iyon. At ang tanging isinagot niya sa akin ay wag kong sabihin ang nalaman ko dahil isusumbong niya rin ako sa mga pulis."