Kabanata 11

1801 Words
"Gusto mo ba ng prutas o tubig Bel?" Napalingon siya sa binata mula sa passenger seat nang magtanong ito. "Hindi na, okay lang ako Paul. At mukhang wala namang nagbebenta dito. Mukhang wala ring mga nakatira." Nakita niyang tumango ito kaya ibinaling niya ulit ang paningin sa labas. Maraming mga puno sa paligid at tirik ang araw. Masarap din ang simoy ng hangin. Kahit na hindi na siya nakaligo ay hindi siya nanlalagkit. Palihim niyang inamoy ang kili-kili. Hindi mabango pero hindi rin mabaho. Kahit ang maalon niyang buhok ay hindi niya man lang nagawang suklayin. Napailing siya. Bakit ba siya natataranta tuwing nagtetext ang binata? "Is there something that bothers you, young woman?" Nagulat siya nang biglang magsalita ang binata. "H-ha?" Sa tingin niya ay mukha siyang ewan sa paningin nito. Tinuro nito ang mukha niya. May muta kaya siya? Dali-dali niyang tiningnan ang repleksyon sa side mirror. Wala naman siyang dumi sa mukha. Pinagtitripan ba siya nito? Narinig nalang niya ang malulutong na tawa mula sa katabi. "What the fudge? Bakit natataranta ka Elena?" Wika nito sabay tingin sa kanya. Nang wala itong nakuhang sagot mula sa kanya ay nagpatuloy ito. "Kanina ka pa kasi tahimik mula nang sunduin kita sa dorm. May problema ba?" Inisip ni Elena napapraning lang siya. "W-wala. Iniisip ko lang ang sagot ni kuya Berto kanina. Mukhang natakot ata natin siya noong tinanong mo siya ng paulit-ulit." Naipit pa ang hintuturo niya ng pagsarhan sila nito ng pintuan. Wala sa sariling nahimas niya ang daliri. Nakita niyang tumango ang binata. Tumingin siya sa kanang hintuturo at napansing namumula pa rin ito hanggang ngayon. "Masakit pa ba?" Tanong nito. Umiling siya kahit nasa daan ang tingin ng binata. Hindi niya alam kung naniniwala ba ito sa kanya dahil hindi naman talaga si kuya Berto ang laman ng isip niya kundi ito. Marami siyang gustong itanong ngunit nangangatal ang dila niya at nanlalamig ang dulo ng kanyang mga daliri kada susubukan niyang magtanong dito. Muli ay naging tahimik ang kanilang byahe. Base sa mga konting road signs na nakikita niya ay nasa Itogon na sila. Hindi pa gaanong naglalakbay ang diwa niya ng muling magsalita ang kasama. "Malapit na palang ikasal si Jane at si Mike." Kaswal na sabi nito. Natigilan siya. "A-ano?" Napalingon sa kanya ang binata. "Si Jane. Ikakasal na siya kay Mike. Hindi mo ba nakita ang proposal ni Mike sa f*******:?" Ulit nito sa kanya. Nakita yata ng binata ang pagtaas ng kilay niya. "Teka, kilala mo ba sila?" "Oo. Kaibigan ni El si Jane at nakasama ko na siya minsan. Si sir Mike naman-" Hindi niya magawang ituloy ang sinasabi niya. Papano niya babanggitin ang pangalan ng guro ng hindi nauungkat ang eskandalo nito at ng kaibigan. "Professor mo rin ba si tito Mike?" Natigilan siya. Tito? Parang nabasa naman ng binata ang nagtatanong na mga mata niya kaya ito na ang sumagot. "Kapatid siya ng Tatay ko. Kaya naging close si Lelay at tito dahil siya ang nagtuturo sa kapatid ko mula bata pa. Pareho silang mahilig sa math. Kulang ang sabihing nayanig ang mundo ni Elena sa narinig. Bakit hindi man lang nababanggit ng kaibigan ang totoong sitwasyon sa pamilya nito? Alam kaya ng dating asawa ni sir Mike na may relasyon ang dalawa? Gusto niyang maiyak ngunit pinigilan niya ang sarili. Gulong gulo ang isip niya. "Paul." Marahang tawag niya sa pangalan ng binata. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti. "Yes Bel?" Lumunok muna siya bago isatinig ang unang tanong. Una dahil parang rumaragasang tubig mula sa dam ang mga tanong niya. Sa dami nito ay hindi niya alam kung ano ang uunahin. "Bakit Bel?" Ulit nito. "Pwede bang malaman kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ni sir Mike at ng asawa niya?" Mabuti nalang at hindi siya nasamid. Iniliko ng binata ang sasakyan at para itong nag-iisip. Akala niya ay hindi ito sasagot sa kanyang tanong. "Highschool sweet hearts sila ni tita. Pareho silang madasalin. Sa pamilya namin, sila tito Mike ang masasabi kong malakas ang pananampalataya sa Panginoon." Tumingin ito sa kanya kaya tumango lamang siya at hinayaan itong magpatuloy. "Inakala ng lahat na habang buhay ang pagsasama nila pero nang magtatatlong taon na sila ay lagi na silang nag-aaway. Pareho silang naghanap ng pagkukulang sa isa't-isa. Si tita Beatriz ay hindi magkaanak. Sinubukan na nila ang lahat. Kung saan-saang bansa na rin sila pumunta para subukan lahat ng paraan. Naging workaholic si tita nung mga panahon na iyon. Si tito naman ay palaging dumadalaw sa amin dahil nawiwili siya kay Lelay. Matalino kasi ito kaya gustong-gusto niyang turuan." "Si Lelay ba ang dahilan kaya sila naghiwalay?" Tumago ang binata. "Nagseselos ba ang asawa niya kay El?" "Hindi naman. Pero tama ka, si Lelay nga ang dahilan." Naputol ang pag-uusap nila nang huminto ang sasakyan at magtanong ang kasama. May nagtitinda ng prutas sa gilid ng kalsada. Maliit lamang iyon at nag-iisang nagtitinda sa daan. Hindi na bumaba ang binata dahil nakita nitong lumapit ang babaeng tantsa niya ay nasa trenta ang edad. Mukhang kinikilig ito. "Bakit po sir?" "Kilala mo ba si Tanyo Mamaling?" Kaswal na tanong nito. Tumango ang babae at sinabi ang daan papunta sa lugar na tinutukoy ng lalaki. Masayang masaya ito at nagpresenta na samahan sila. Hindi pa man nakakasagot ang binata nang pumunta ito sa may pintuan sa likod at akmang papasok nang biglang magsalita ang lalaki. "What the f*ck do you think you're doing?" His voice sent shivers down her spine. Nakakatakot ito. Para namang natakot ang babae kaya lumayo ito sa sasakyan. Dumukot ng ilang libo ang lalaki at tinapon sa labas ng bintana saka pinaharurot ang sasakyan. Sinundan ni Elena ng tingin ang babae at nakita itong pinulot ang pera sa lupa. Nakasimangot ito. "Bakit mo naman ginawa yon?" Paiba-iba talaga ang ugali nito. Katulad na katulad ni El. "Ang dumi ng mga ngipin niya." Napailing na lamang si Elena. Parang bata kung mag rason. ___________________ Nang makita ang kubo na may malaking puno ng mangga sa gilid ay napagtanto ni Elena na ito na nga ang bahay ni mang Tanyo. "If that *sshole is not here, I swear I'm going to s***h that addict's throat when we come back to BC." Naririnig niya ang paglalapat ng mga ngipin ng binata. Naiinis rin siya kay kuya Berto dahil hindi nito direktang sinabi kung asan ang matanda. Sinabi lang nito na hanapin ang lalaking nagngangalang Tanyo Mamaling. Napabuga siya ng hangin. Ang kasama naman ay panay ang tingin sa tinetext ng private investigator. Kausap na niya ito at hiningi ang natitirang mga impormasyon saka nagpadala ng malaking halaga. Tiniyak na ng investigator na tama ang lugar na binabaybay nila. Ngunit bakit nito pinatigil ang investigator? Ano ba ang balak gawin ng binata kay mang Kulas? Ipinarada ng binata ang sasakyan sa harap ng mangga at mabilis na bumaba ng sasakyan. May kinuha ito sa ilalim ng upuan sa likod at nang mawari ni Elena kung ano iyon ay nanlaki ang mga mata niya. Baril! Iyon ang hawak ng binata. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan ng binata para pigilan ito. "PAUL!" Tawag niya ngunit hindi siya nito nililingon. Tinakbo niya ang binata at hinila ang manggas ng polo nito. "Paul kung anuman ang binabalak mo, hayaan nalang natin na ang batas ang magpahirap sa kanya." Nararamdaman niyang nanginginig ang binata. Tumigil ito sa paglalakad kaya nakahinga siya ng maluwag. Nang kumalma ang binata ay binitawan na niya ang paghawak dito. Agad nitong nilakad ang pintuan ng kubo at malakas na sinipa ang pinto nito. Napasigaw siya ng makarinig ng pagsigaw at iba't-ibang mga ingay na sinundan ng dalawang putok ng baril. Agad siyang tumakbo sa loob ng kubo at nakita ang magulong laman ng bahay. Sira ang lamesa na gawa sa kawayan. Ang mga upuan ay sira-sira ang mga paa. Nagkalat din sa sahig ang plato ng kanin at ginisang kalabasa. Mukhang nanananghalian ang matanda. Hinanap niya ito at nakita niyang nakaupo ito sa sahig at mababakas ang labis na takot. Nakita niya rin ang binata na nakayuko sa matanda at ang kamay na may hawak ng baril ay nakatutok sa bubong. Maya-maya pa ay ibinaba nito ang braso at itinutok ang baril sa ulo ng matanda. Taas-baba ang dibdib ng binata. Nakakatakot ang awra nito. Pawis na pawis ang katawan at nakatabon ang mga buhok sa mga mata. Nanginginig din ang pareho nitong kamay. "Maawa ka sakin sir." Nakita niyang umiiyak ang matanda habang nagmamakaawa rito. "Paul. Hindi ganito ang solusyon." Mahina niyang bulong dito. Alam niyang may posibilidad na hindi makinig ang binata. Sino ba siya sa buhay nito? Ni hindi siya nito kaano ano. "Paul. Makinig ka sakin." Dahan-dahan siyang lumapit sa binata at sinubukang hawakan ang kamay nito. "Hindi magugustuhan ni El na makulong ka." Lumipat siya sa harap nito at tiningnan ang kabuuan ng binata. Nakatingin lang ito sa sahig. Pareho nilang gusto na mabigyan ng hustisya ang kaibigan ngunit iba ang paraang gusto niya. "Paul, makinig ka sakin. Pag pinatay mo siya, mananagot ka sa batas. Oo may pera kayo, pero sabi mo sa akin na huling negosyo nalang na manokan yung nasa Tarlac diba? Nanganganib pa na masara iyon. Pag nakulong ka sino na ang mag-aasikaso non?" "Wala na akong pakialam kahit ano pa ang mangyari." Ito lang ang tanging tugon ng binata sa lahat ng sinabi niya. Pero hindi siya sumuko. Naikwento ni Paul noon na tinutulungan niya ang mga trabahante ng manokan na mapag-aral ang mga anak nila hanggang kolehiyo. "Paul pakiusap. Hayaan na natin ang batas ang pagparusa sa kanya. Gusto kong mamuhay ka ng malaya. Para madalaw mo ang puntod ni El kahit kailan mo gusto. Para makatulong sa iba. Nandito lang ako Paul. Tutulungan kita. Sasamahan kita sa hirap at sakit." Nang sa wakas ay bitawan nito ang baril na hawak nito. Lumikha ito ng ingay sa buong bahay. Tumingin ang binata sa kanya at sa matanda. Maya-maya ay lumabas ito ng kubo at nagpunta sa sasakyan. Nagwala ito at nagsisisigaw. Pinakinggan ni Elena lahat ng mura at sigaw ng binata. Umiiyak na kasi ito at pinagsisipa ang gulong ng sasakyan. Inabot ng isa at kalahating oras ang pagwawala ng binata. Hilam na rin sa luha ang mukha niya. Hindi na niya sinilip ang matanda sa loob. Nilapitan niya ang binata na maduming madumi ang suot na puting polo. Nakaupo ito sa lupa at nakayuko. Tinulungan ni Elena na makapasok ito sa loob ng sasakyan. Maya-maya pa ay dumating ang mga pulis. Nagtaka si Elena. Sino ang tumawag sa kanila? Agad na hinuli ang matanda na iyak pa rin ng iyak at nagmamakaawa. Bago pa ito makapasok sa police car ay may mga kataga itong binitawan. Hindi niya marinig ang boses nito dahil sa ingay ngunit nabasa niya ang bibig nito. Siya na ba ang susunod?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD