Kabanata 12

1738 Words
Gutom na si Elena. Gusto niyang pumasok sa kubo at maghanap ng pagkain pero pinigilan niya ang sarili. Inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit puro ito palayan. Tiningnan niya ang binata sa loob ng sasakyan. Tulog pa rin ito. Pagkatapos magwala ng binata ay nakatulog ito sa kotse. Hinayaan nalang niya ito. Tirik pa rin ang araw kaya pumasok na siya sa loob. Inabot siya ng halos tatlong oras sa paghihintay hanggang sa magising ito nang mag-aalas tres na ng hapon. Hindi ito nagsasalita. Pinaandar lang nito ang sasakyan at humugot ng malalim na paghinga. Habang nasa byahe ay panay ang lingon ni Elena kay Paul. Gusto niyang kausapin ito ngunit hindi niya alam kung papano sisimulan ang tanong. Marami kasi siyang tanong tungkol sa kaibigan at ni sir Mike. Pati rin sa asawa ng huli ay may mga katanungan rin siya. Hindi niya namalayang naghuhum na pala siya ng kantang paborito ng nanay niya. Ang kantang Ikaw at Ako ni Johnoy Danaw. "I'm sorry kung natakot kita kanina." Nagitla siya sa malakas na boses ng lalaki. "Naiintindihan kita Paul dahil tao ka lang. Pero lagi mong tandaan na andito lang ako palagi." Ngumiti siya kahit na hindi nakatingin ang lalaki. "Iniwan din kasi ako ng best friend ko almost seven months ago. Nasa kinder pa lang ay magkaibigan na kami. Pakiramdam ko nawalan ako ng dalawang kapatid." Naramdaman ni Elena na kailangan niyang makinig sa kwento ng binata. Kailangan nitong ilabas ang lahat ng hinanakit. "Na kwento rin ito ni El sa akin. Umuwi siya noong araw na nalaman niyang may nangyari sa kuya niya. Akala ko ikaw yong tinutukoy niya." "Noong gabi ng kaarawan niya ay nag-inuman kami. Tatlo kami non. Sa aming tatlo ay ako lang ang may kotse kaya nung maghiwa hiwalay kami ay sumabay sa akin si Ansel habang si Henry naman ay magjejeep dahil iba yung daan ng bahay nila at ang sabi niya ay susunduin niya ang nanay niyang nagmamajong. Labis ang pagsisisi ko nung gabing yon Bel. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Kung sana ay hinatid namin siya, hindi sana siya napahamak." Naramdaman ni Elena ang pait ng boses nito. "Ano ba ang nangyari sa kanya, Paul?" Napabuga ng hangin ang binata. "Pinagbabaril siya habang naghihintay ng jeep. Alas onse na kami natapos kaya wala ng gaanong pasaherong nag-aantay. Noong iniwan namin siya sa waiting shed ay mag-isa lamang siya. Gusto namin siyang samahan doon pero pinauwi na niya kami dahil malayo pa ang bahay ni Ansel." Marami palang pinagdaanan ang binata sa loob lamang ng isang taon. Gumilid siya upang makita ng maayos ang mukha ng binata. "Nagtaka ako dahil nang makauwi ako ay tumawag si tita. Umiinom ako ng tubig nun. Nagmumura siya dahil hindi siya sinundo ni Henry. Kaya tinawagan ko siya pero nung sinagot niya ay boses ng babae ang narinig ko. Saka ko pa lang nalaman ang nangyari sa kaibigan ko." Hinawakan niya ang manggas ng polo nito. Hindi siya sanay na makita ang binata sa ganitong estado. Nasasaktan siyang makita itong parang bata na nagsusumbong. Parang maliit na tuta na iniwan sa gitna ng daan habang umuulan ng malakas. "Mayayaman ang mga sangkot sa pagkamatay niya kaya umikot lang ang kaso. Tinapatan ko iyon ng malaking halaga kaya lang hindi pa rin sapat. Ngayon ay nasa US na silang apat kasama ang mga pamilya nila. Ni hindi sila nakulong at nagdusa. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari sa kaibigan ko." Umiiyak na ito kaya hinagod niya ang likod ng binata. "Makalipas lang ang tatlong buwan, nalaman kong namatay ang tunay kong ina. Sinabi sakin ng kapatid ko sa ina na nasa maynila na inatake si nanay sa puso." "Paul, ihinto mo muna ang sasakyan." Bulong niya rito. Hindi pa sapat ang pagwawala nito kina mang Tanyo. Hindi pa sapat ang iniyak nito. Nararamdaman niyang hindi pa nito inilalabas lahat ng problema. Inihinto naman ng binata ang sasakyan sa gilid ng palayan. Sila lang talaga ang naririto. Wala ring sasakyan ang dumadaan sa lugar. "Hindi pa natatapos ang 40 days ni mama, nalaman ko na may iba ang fiancee ko.Naging busy ako sa pag-aasikaso sa burol ng nanay ko. Ako ang nag asikaso ng lahat dahil ako ang panganay kaya hindi ko siya nabigyan ng oras. Kinompronta ko siya ngunit siya pa ang galit. Akala ko ay kaya ko pa El. Pero nang malaman ko na namatay ang kapatid ko ay parang gusto ko na ring mamatay at sumama sa kanilang tatlo. Dumagdag pa ang pag-iwan ni Ada sa akin at pagpapakasal niya sa iba at sinabi niyang ang dinadala niya ay hindi akin. Iniwan niya ako kung kailan ko kailangan ng masasandalan. Para akong pinatay ng paulit-ulit." "Paul, hindi ko alam kung paano mapapagaan ang loob mo. Pero wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari." Umiling iling ito sa sinabi niya. "Paul kailangan mong patawarin ang sarili mo nang sa ganon ay makawala ka sa sakit ng nakaraan. Maaring kaya hindi mo hinatid si Henry dahil kung nagkataon ay tatlo kayong mamamatay nung gabing yon. Hindi mo hawak ang buhay ng nanay mo. Ang Diyos lang kaya hindi mo kasalanan yun. Sinuportahan mo naman siya at ang mga kapatid mo kahit magkalayo kayo kaya wala kang pagkukulang. At si Lelay. Paul alam niya na mahal mo siya. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Kasalanan ni mang Kulas iyon. Hindi mo rin mapipilit si Ada na piliin ka. Pero piliin mo ang magpatawad. Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan mo pero wag mong isisi sa sarili mo ang lahat ng nangyari dahil wala kang kasalanan." Tumango-tango ang binata habang nakikinig sa kanya. Kailangan muna niya itong pakalmahin dahil baka mapano pa sila sa byahe. Nang maging okay na ulit ang binata ay nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Nang makahanap ng maliit na karinderya ay nagpark agad ang binata. Malamang ay gutom na rin ito. ____________________ "Mahilig ka ba sa turon?" Napangiti si Elena sa tanong ng binata. "Oo, pero hindi lang turon kundi lahat ng kakanin. Wala kasing binibenta na puto ang ale kaya turon nalang." Tumango naman ang binata. Tumayo ito at nagpunta sa ale. Mukhang magbabayad na ito. Nagulat siya ng pagbalik nito ay may supot na itong dala. Inilapag nito ang supot sa gilid ng plato niya. "Ano to?" Ngumiti naman ang lalaki. "Turon." Sagot nito. Pero bakit ang dami? Nabasa ni Paul ang mga mata niyang nagtatanong kaya natawa ito. "Niramihan ko dahil pinagaan mo ang loob ko. Pagpapasalamat na rin dahil sinamahan mo ako. Tsaka pasensya na rin dahil alas tres na tayo nakakain." "Salamat Paul." Ngumiti siya sa binata. "Dapat lang talaga na magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sakin, baka inaresto ka na ngayon." Pabiro niyang wika. "Oo nga pala, ikaw ba ang tumawag sa mga pulis?" Umiling-iling ang binata sa tanong niya. Hindi si Paul? Eh sino naman kaya yun. Si kuya Berto ba? Mas lalong imposible. Takot nga itong makakita ng pulis dahil sa paggamit at pagbibenta ng shabu tapos tatawag pa kaya? Natawa siya sa naisip. Mukhang naligtas nito ang sarili dahil sa pagsasabi ng totoong lungga ni mang Kulas. "Gusto mong mamasyal muna sa mall, Bel?" Napatingin siya sa damit ng lalaki at napangiwi. Madumi kasi iyon at siya naman ay nakapambahay lang. Simpleng t-shirt na may maliit na butas sa isang manggas at short na hanggang tuhod. Marumi din ang tsinelas niya. "Pasyal nalang tayo sa St. Claire. Sabado naman eh." Suhistyon niya na agad namang sinang-ayunan ng binata. Pabor sa kanya iyon dahil didiretso nalang siya sa dorm pagkatapos. Hindi na siya mag jejeep. Nang matapos ay nagpatuloy na sila sa byahe papuntang Baguio City. Mabuti nalang at maganda ang panahon buong araw. Nang makapasok ay dinala niya ang binata sa Graves Park. Sa simbahan sana ngunit may gumagamit nito ngayon. Ayaw niya namang dalhin ito sa Orchidia dahil sa masakit na nangyari doon. Malamig ang hangin. May mga huni rin ng ibon ang maririnig sa lugar. Masarap talagang matulog doon. May nakikita siyang mga esudyante sa college nila. Mukhang mga estudyante sa Graduate School dahil sa mga edad nito. Habang nakaupo sa isang bench ay bigla nalang humiga ang binata sa hita niya. Nagulat siya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Nakikita niya ang ganitong mga eksena sa laptop ng kaibigan ngunit hindi niya pa ito nararanasan. "Pahiga lang saglit, Bel. Napagod ako sa nangyari." Wika nito habang nakapikit at ang isang braso ay itinabon nito sa mga mata. "O-okay l-lang. Sige matulog ka muna. Gigisingin nalang kita mamaya." Nakita niyang ngumiti ito. Tiningnan ni Elena ang lumang samsung niya. Sixteen percent nalang ito. Chineck niya ang mga gagawin bukas. Magsisimba, maglalaba at magpaplantsa sa umaga. Sa hapon ay mag-aaral ng Phyics subject Unit I, gagawa ng reflection para sa kanyang history subject at sasagutan ang dalawang activities sa trigonometry. Habang iniisip ang mga deadline ng requirements ay naramdaman niyang yumakap ang binata sa baywang niya. Parang kinuryente ang buo niyang katawan dahil lang sa simpleng ginawa ng binata. Tiningnan niya ang oras. Sampung minuto nalang at mag-aalasais na. Dumidilim na pala. Gigisingin ba niya ang binata? "Paul." Mahinang tawag niya rito. "Hmmm" Tanging sagot ng binata. Tinapik niya ang pisngi nito at nang dumilat ay napabaling ang mata niya sa harap. Ang sexy! Sa isip niya. Gusto niyang haplusin ang mukha nito ngunit pinigilan niya ang sarili. "Bakit Bel?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ay pinakita nalang niya ang screen ng cellphone. Sa halip na tingnan ang oras ay iba ang tiningnan nito. "Favorite character mo ba si Pikachu?" "H-ha?" Napangiti ito sa reacksyon niya. "Alasais na Paul. Umuwi ka na." Hindi siya mahilig sa Pokemon. Wala lang talaga siyang makita na maayos na wallpaper kaya ito ang sinet niya. Umupo ang binata at nag-unat. Ang cute nito. Parang bata. Sa isip niya. Inaya na siya nito at hinatid siya hanggang sa gate ng dorm nila. "Maraming salamat Elena." Bumaba pala ito ng sasakyan. Ngumiti siya. "Salamat rin sa pagbabayad ng pagkain at sa mga turon Paul." Tumawa ang lalaki. Maya-maya pa ay lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Dalawang minuto na mula ng makaalis ang sasakyan ng lalaki ngunit ang halik pa rin nito ang laman ng utak niya. Papasok na siya ng gate nang maaninag ang pigura ng tao sa gilid ng mga tanim na bulaklak na nasa paso. "Sino ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD