Kabanata 21

1848 Words
"Sandali lang ho, Elena? Elena ho ba ang pangalan niya?" Tumango ang ginang sa tanong niya. Mukha na siguro siyang tanga dahil nakabuka ng malaki ang bibig niya at nakamulat ng malaki ang kanyang mga mata. Hindi niya maatim na isiping may pinatay sa mismong kuwarto na inuukupa niya. Hindi lang basta pinatay kundi ginahasa pa. At ngayon ay dalawa na ang estudyanteng namatay na tumira sa kwartong iyon. Ang kaibigan niya ang pangalawa doon. Bakit hindi man lang niya naramdaman ang mabigat na awra sa kwartong iyon? Unang pasok pa lamang niya sa kuwartong iyon ay magaan na agad ang loob niya sa silid. Nang matapos sa pagkukwento ang ginang ay tumayo na ito at kinuha ang bag. "S-san po kayo p-pupunta ma'am?" Nilingon siya ng ginang nang akma na itong lalabas ng pintuan. "Pinapatawag ako ni Ma'am Dayanghirang , Elena. May importante kaming pag-uusapan tungkol sa darating na accreditation." Gusto niyang pigilan ang pag-alis nito. "Po? Eh s-sino pong maiiwan d-dito ma'am?" Humarap ng tuluyan ang ginang sa kanya. "Ikaw." Sinabi ito ng ginang na para bang hindi siya makaintindi ng salita. Pero ayaw niyang maiwan doon. Nasa ikaapat na palapag ang opisina ng librarian at ang ibang staff ay sa unang palapag namamalagi. Napansin ng ginang na parang natatakot siya kaya lumapit ito sa kanya at hinimas ang magkabila niyang braso. "Huwag kang mag-alala, Elena. Alas kwatro pa naman." Tinuro nito ang malaking bintanang salamin at ipinakitang maliwanag pa. Kinamot niya ang ulo. Bakit naman kasi ito nagkwento ng ganun tapos mang-iiwan pagkatapos. "Sige na. Mauuna na ako. Ikaw na ang bahala rito." Wala nang nagawa ang dalaga kundi tumango at ihatid ng tingin ang librarian. Narinig nalang niyang nagsara ang double doors sa ibaba. Hudyat na wala na sa ikatlong palapag ang ginang. Napabutong hininga nalang ang dalaga. Tiningnan niya ang history book na hawak at ibinalik ito sa shelf. Marami-rami ang mga librong kailangan niyang ibalik sa orihinal nitong ayos kaya hindi na niya namalayan ang oras. Napalingon si Elena sa wallclock at nagulat na malapit na palang mag-alas siyete ng gabi. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Ngayon lang niya naramdaman ang sobrang gutom. Tiningnan niya ang cart at nakitang dalawang libro nalang ang kailangan niyang ibalik kaya't minadali na niya ang kilos. Nang chineck na niya ang mga computers ay nakarinig siya ng mga kaluskos. Natigilan siya sa pagshushut down ng isang PC dahil palakas nang palakas ang naririnig niyang kaluskos. Kinuha niya ang isang makapal na libro at nilapitan ang entrada. Doon niya naririnig ang mga kaluskos. Nararamdaman niya ang sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Pumikit siya at bumilang ng tatlo. Nang lalabas na sana siya ay biglang lumitaw si Berto. "P*tangina! Ano bang problema mo hija?" Muntik niya itong mahampas ng libro. "Ano hong ginagawa niyo dito kuya Berto? Diba sa hardin ng administration building kayo na-assign?" Gusto niya itong murahin pabalik dahil tinakot siya nito ngunit pinigilan niya ang sarili. "Nalipat ako dito. Hindi na ako hardinero. Bakit bawal na ba akong maglinis dito?" Umiling siya at tumabi upang makapasok ito. Agad itong nagwalis sa buong palapag habang siya naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Tahimik lamang silang dalawa. Iba ito sa dating na assign doon na palakuwento at madaldal. Nang matapos si Elena ay kinuha na niya ang bag at nilingon si Berto. Atubili siyang magpaalam dito dahil baka hindi siya nito sagutin. Pinaglaruan niya ang ID lanyard at nag-isip ng pwedeng sabihin. Ayaw niyang maging bastos dito. Habang nakatalikod si Berto ay nagsalita ito. "Ilang oras ka pa bang tatayo diyan, ineng?" Napatuwid siya ng tayo sa gulat dito. "Mauna na po ako, kuya Berto." Hindi ito sumagot sa kanya kaya nagpasya na lamang siyang bumaba. Bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig niyang nagsalita ito. "Mag-ingat ka sa roomate mo, ineng. Unahan mo na siya bago pa mahuli ang lahat." Lumapit siya rito at pumunta sa harapan nito. "Kuya Berto, ano po ang alam niyo tungkol kay Jane?" Hindi ito sumagot sa kanya bagkus ay tumalikod ito at nagmop sa kabilang dako ng silid. Sinundan niya ito at muling nagtanong. "Binayaran po ba kayo ni Jane upang ituro si mang Kulas?" Ngunit muli itong tumalikod at nagmop sa bandang mesa ng librarian. Sinundan niya ito at muling pumunta sa dakong harap nito.With a determined step, she firmly planted her foot on the mop, forcing the janitor to pause. Her eyes were filled with urgency, and her heart raced—she was desperate for an answer, unwilling to be ignored any longer. Napatigil si Berto sa ginagawa at napatingin sa kanya. Blanko lang ang expresyon nito nung una ngunit unti-unting nagiging malademonyo ang ngisi nito habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at pinatigas ang leeg. Nauubos na ang pasensya niya rito. "Hindi ko obligasyon na sabihin sa iyo ang katotohanan. Sino ka ba? Hindi naman kita kaano-ano hija. Magpasalamat ka nalang sa babala ko." Hinawakan niya ng mahigpit ang strap ng backpack niya. Bakit ba ganitong mag-isip ang mga tao sa St. Claire? Sa inis sa lalake ay padabog siyang umalis sa lugar. Muntik na niyang sipain ang balde nito upang matapon ang tubig sa buong palapag ngunit inisip niyang lalala lang ang problema. Mabilis siyang pumanaog sa mga baitang. Hanggang sa makababa siya ng library ay abot-langit pa rin ang inis niya kay Berto. Tumingala siya at tiningnan niya ang malaking bintana sa ikaapat na palapag. "Kulang siguro sa romansa." Bulong niya sa hangin. Nang makarating sa dormitoryo ay agad niyang hinagis ang bag sa uluhan ng kama niya at patihayang tinapon ang sarili sa kama. "Bwesit na matanda." Sakto namang papalabas ang roomate sa banyo at nakita niyang nakapanty lang ito. Ni hindi ito nag abalang takpan ang dalawang bundok kahit may ibang tao rin sa silid. Sabagay pareho naman silang babae ngunit naninibago pa rin siya. "Oh? Bakit nakabusangot ang hampas lupang beshy ko?" Lumapit ito sa cabinet at naghanap ng maisusuot. Umirap siya dito. Ang hirap talagang magtimpi lalo na't ganito ka salbahe ang kausap mo. "Kumain ka na ba?" Tanong niya rito. Tumango ang dalaga at itinuro ang lamesa. May paperbag doon at isang large size na coke galing sa isang sikat na fastfood chain. "Sayo na 'yan. Sayang naman kung hindi mauubos." Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay pagkatapos ay kumuha ng plato at kutsara at agad na naupo sa hapag. ______________ Akala niya'y niloloko siya ng dalaga at puro buto ang laman ng paper bag ngunit nagkamali siya. Kanin iyon at dalawang fried chicken. Agad siyang nagdasal at nilantakan na ang pagkain. Habang kumakain ay napansin niya ang laptop na nasa ibabaw ng kama ng dalaga. Agad siyang nag-isip ng paraan. Ang dalaga ay nagsusuklay sa harap ng vanity mirror nito at may ipinapahid na likido sa mahaba nitong buhok. "Jane?" Sambit niya sa pangalan nito. Nakita niyang tumingin ang dalaga sa kanya sa repleksyon ng salamin ngunit hindi ito sumasagot kaya nagpatuloy siya. "Anong latest na mga movie ngayon? " Nakita niyang nag-isip ang dalaga. "What genre?" "Horror sana." Nakita niyang tumango ito. "International or not?" Siya naman ang nag-isip. Kahit ano nalang siguro. "International." Tiningnan ng dalaga ang mga kuko nito at inamoy iyon. "Which film director?" Elena snapped, her frustration boiling over at Jane's response. She could feel her patience wearing thin as Jane continued to annoy her, pushing her closer to the edge. "Kahit ano nalang na horror movie. Pwede bang manood sa laptop mo?" Lumingon ito sa kanya at ngumiti ng malapad kaya napangiti rin siya rito. "No, dear." At tumawa ito ng malakas. Sa isip ni Elena ay minura niya ito ng walong beses. Kinuha ni Jane ang tatlong libro at cellphone niya. "Saan ka pupunta?" Tanong niya rito. "Mag-aaral with friends. Diyan lang kina Carmelita." Carmelita? Ito yung kaibigan niya na nasa third floor. Hindi na niya ito sinagot dahil mukhang nagmamadali ang dalaga. Bumilang siya ng dalawampung segundo at inantay kung babalik ba ang dalaga o hindi. Madali niyang nilock ang pinto at kinuha ang laptop na dinala niya sa lamesa. Ngunit hindi ito bumubukas. Shutdown ba ito? Binuksan niya ang mga drawer nito ngunit wala siyang mahanap na charger ng laptop. Sinubukan niyang halughugin ang cabinet nito ngunit wala rin. Inilinga niya ang ulo at nakita sa sofa ang backpack ng dalaga at agad na binuksan iyon. Pawis na pawis siya habang isinasaksak ang charger sa outlet. Nanginginig ang mga kamay niya kaya natagalan siya sa pagkakabit nito. Agad na umilaw ang laptop ngunit napatigil siya. "Password." Isang salita na ayaw niyang mabasa. Sinubukan niya ang birthday ng dalaga. Kakacelebrate lang ng birthday nito dahil Virgo ang dalaga. "September12,2005" Ngunit mali iyon. Binaliktad niya ang birthday nito ngunit mali pa rin. "Sir Mike! Tama, kay sir Mike siguro." Sinubukan niya ang kaarawan ng professor. "May26,1977" Ngunit mali pa rin iyon. "s**t!" Sinubukan niyang baliktarin ang kaarawan ng guro ngunit incorrect pa rin ito. Tagaktak na ang pawis niya sa noo. "Anniversary. Oo nga!" Ngunit mali pa rin ito. Napayuko si Elena at sinubukang magtype ng random words sa laptop ng dalaga. "IhateyouElena, IhateyouLouisa, IloveyouMike, Iamthebest." Ngunit mali lahat ng iyon. Huminga siya ng malalim at nagtipa ulit. "IwillkillyouLouisa" nagulat siya nang sa wakas ay bumungad sa kanya ang desktop ng dalaga. Iyon pala ang password ni Jane? Agad niyang binuksan ang messenger nito at hinanap ang conversation nila ni Mike ngunit hindi niya ito makita. "Anak ng! Asan ba iyon?" Pumunta nalang siya sa photos ng dalaga at naghanap ng sagot doon ngunit mga selfies lang nito ang nakita sa folder na may folder name na 'ME'. Napasabunot sa buhok si Elena. Nafufrustrate na siya. Nabigla si Elena nang may pumihit sa doorknob. Mabuti nalang at nilock niya iyon. Kumakatok ang dalaga. "Elena, buksan mo ang pinto!" Agad niyang shinutdown ang laptop at ibinalik ito sa dating ayos. Mabilis niyang sinarado ang mga drawer at cabinet at ibinalik ang charger sa backpack ng dalaga. Nagpapanick na siya nang kinalampag ng dalaga ang pinto. "Elena, ano ba! Buksan mo ang pinto dammit!" Agad niyang inayos ang kama at inayos ang sarili at umaktong humihikab. Binuksan niya ang pinto at umaktong bagong gising. Wala na siyang ibang maisip na paraan. ' "Jane, akala ko mamaya ka na babalik?" Tinulak siya ng dalaga at padabog na pumasok sa kwarto. "Bakit mo nilock ang pintuan?" Nag-isip siya ng palusot. "Nakatulog kasi ako. Pasensya ka na. Nakalimutan kong nasa labas ka pala." Alam ng dalaga na naglolock siya ng pintuan tuwing matutulog na sila. Umakto siya na parang bagong gising at nagkunyaring inaalis ang muta sa mga mata. "Grrr! Bwesit ka talaga!" Lumapit ang dalaga sa study table nito at kinuha ang correction tape na kulay pink. Ito lang pala ang kukunin ng dalaga? Ngunit kinuha rin nito ang laptop at ipinasok ito sa backpack at padabog na isinara ang pintuan. Pinahid niya ang pawis at tinitigan ang bagay na nasa kamay niya. Isa itong flash drive. Napahugot siya ng hangin. "Mabuti na lang at lagi kitang sinasabit sa lanyard ko." Wika ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD