Kabanata 20

1940 Words
"Napansin ko lang na mayroong kakaiba sa mga larawang nandito." Ipinakita niya ang mga ito at ipinakita rin ang oras kung kailan kinunan ang mga larawan. "Base sa unang larawan, alas otso y media ito kinunan. At tingnan mo Paul, clear ang shot na ito at nakafocus. Ibig sabihin hindi siya gumagalaw o tumatakbo." Tumango ang binata sa kanya. "Ibig sabihin, posibleng nang mga oras na iyon ay wala pang nangyayaring hindi maganda sa kanya. O baka wala pa siyang kasama." Inislide nito ang screen pakaliwa at nagkatinginan sila ng binata nang makita ang isang bagay na naka-agaw ng atensyon nila. "Kanino iyan?" Tanong ng binata. Ang larawan ay puting baldosa na may parte ng sapatos sa gilid. Maliit lamang ito at kung hindi mo izozoom in ang larawan ay hindi mo ito mapapansin dahil blurd ito at may kaliitan. Mukhang dalawa o tatlong metro ang layo nito sa kumukuha ng larawan. Nagkibit-balikat ang dalaga dahil wala rin siyang natatandaang may kakilalang babae na may pulang stilettos. Ang pangatlong larawan ay isa lamang anino ngunit hindi nila ito mawari kung sa babae ba o lalaki ang aninong iyon. Napatingin sila ng binata sa dulo ng hallway nang marinig ang mga hakbang ni Mateo. Mukhang tapos na itong magbayad. Sumenyas si Paul na bumalik na ito sa opisina niya at magalang naman itong nagpaalam. Mula sa hospital ay lumipat sila sa isang park. Ayaw nilang tumambay sa St. Claire dahil baka makapatay lang itong kasama niya. "Posible bang may kasama si mang Kulas sa pagpatay kay El, Paul?" Umiling ang binata. "May kutob ako na hindi si mang Kulas iyon, Elena. Posibleng nagkamali ako noon." Tumaas ang kilay ng dalaga. "Eh, sino?" Mataman na tumitig ang binata sa kanya. "Posibleng si tiyo iyon." Hindi nga malabo na ito ang may gawa noon. "Ito ba 'yong napag-usapan ninyo ni mang Kulas sa selda?" Atubiling sumagot ang binata. "Paul, sabihin mo sa akin. Mapagkakatiwalaan mo ako." Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng tingin ang binata at humugot ng hangin. "Pilit niyang tinatanggi na siya ang pumatay sa kapatid ko." Hindi na nagulat ang dalaga sa ginawa ng matanda dahil lahat ng kriminal ay iyon naman ang sinasabi upang makalaya sa pagkakakulong. "Wag mong sabihin na naniniwala ka, Paul?" Tumango ito. "Gusto kong malaman ang katotohanan ngunit ayaw kong magpakampante lalo na at lahat at posibleng suspect sa nangyari kay Lelay." Sumang-ayon siya dito. "Hindi mo iuurong ang kaso?" Tumango ulit ang binata. Sila lang dalawa ang nasa mapunong parte ng park. Ang ibang tao ay nasa malapit sa fountain at ang iba ay nagsialis na dahil tirik na tirik na ang araw. Ang iba naman ay nasa malayong mga bench at kumakain ng tanghalian. "Elena, may nakalap ka bang impormasyon kay Jane?" Pag-iiba nito ng usapan. Pinakisamahan niya ito. Isa sa mga pinakamahirap na nagawa niya buong buhay niya. Araw-araw niyang tinitiis ang mga kamalditahan nito. Akala niya'y nung gabing nakausap niya ito ay magiging mabait na ang dalaga sa kanya. Ngunit nang matapos ang usapan nila ay bumalik ang pagkademonyita nito. Kailangan niyang makuha ang loob ni Jane dahil hindi na nagpakita ang professor sa St. Claire. Nagresign ito ng hindi alam ng lahat. Ang ipinagtataka nila ay kung bakit agad-agad na inaprubahan ng Rector ng University na magresign ito gayong nasa kalagitnaan pa ang klase. Hindi rin matukoy ng mga kamag-anak ni Paul kung nasaan ang tiyuhin. O baka ayaw lang ng mga itong tumulong dahil walang pakialam ang mga ito kay Louisa. "Sa ngayon ay wala pa. Sinubukan kong buksan ang cellphone niya pero kailangan iyon ng finger print niya upang mabuksan" Ang laptop naman nito ay palaging nasa locker ng kaibigan. Bakas ang frustrations sa mukha ng binata. Hopeless na ito ngunit patuloy pa rin na lumalaban upang makamit ang katarungan para sa pinakamamahal na kapatid. "Kailangan mong ipagpatuloy ang pagmasid sa babaeng iyon , Elena. Kailangan kong mahanap si Mike kahit saang impyerno 'yon nagtatago." Tumango siya. "Siya nga pala, papano mo ako napalabas sa selda kahapon nang hindi dumadaan sa court? And paying the bail could take hours but you did it so quikly." Nangati ang mga kamao niya. "Pinaglaruan ka ni Jane, Paul. Malakas ang koneksyon ng pamilya niya sa pulisya. Tinawagan lang niya ito kahapon. Hula ko rin na may koneksyon sila sa RTC Judge o baka higit pa doon." "Tingin mo may koneksyon sila sa Presidente ng Pilipinas?" Tanong ng binata. Huminga siya ng malalim. "Hindi ako sigurado sa bagay na iyan, Paul. Pero sa tuwing nagtatalo kami ni Jane, palagi niyang ipinagmamalaki ang koneksyon niya kay Congressman Benjamin Silas. Iyon ang lagi niyang tinatakot sa akin kaya tumitiklop ako." Natawa ang binata. "Ganun ba? Pero kahapon nasakal mo siya. Hindi ka ba natatakot sa posibleng ganti niya sa'yo?" Natawa siya. "Nakahanda ako, Paul. Pero siguro huli na iyon. Naisip ko rin kasi ang pamilya ko." "Pero salamat, Elena. Malaki ang itinulong mo sa akin." Nginitian niya ito. "Handa akong tumulong, Paul. Para sa kaibigan ko." Tumango ang binata. "Kailan nga pala ang initial hearing kay mang Kulas?" "Tomorrow. Alas otso ng umaga. I asked my client's husband for help." Tumango ang dalaga. "Tatlo ang lawyer sa pamilya niyo pero ang tumulong pa sa iyo ay yung hindi mo kadugo. Nakakalungkot pakinggan." Meron ba talagang mga tao na ganoon? "Hanggang ngayon ay iniisip pa rin nilang si Leigh ang sumira ng pamilya ni Mike. Malapit si tita Beatriz sa pamilya ko kaya mas pinaniwalaan siya ng mga tita at tito ko." Naaawa siya sa binata. Mag-isa lamang itong kumakampi sa kaibigan niya. Kahit pader ang binabangga nito ay hindi pa rin ito sumusuko. "Papano kung magwala si Mang Kulas sa hearing bukas, Paul? Iniisip niyang makakalaya na siya." Gusto niya sanang sumama dito bukas ngunit may klase siya. "Edi magwala siya. Hindi ko siya pakakawalan hanggang hindi ko nalalaman ang katotohanan." ________________ "Wala bang planong tumulong yang babaeng yan, Elena?" Narinig niyang bulong ni Dahon-Laya sa kanya. Alam niya kung bakit ito bumubulong. Ayaw nitong asarin ni Jane na taong bukid. Bisaya ito at galing sa isang liblib na bayan sa Bukidnon. Isa ito sa pinakamahusay na magpipinta sa club nila. Kasalukuyan silang naglilinis ng Kwadro-Kanto, ang Multi-Purpose Room ng Education Building. Dito ginaganap ang lahat ng sayawan, kantahan at kung ano-ano pang kompetisyon. Ngayon ay sila ang gagamit nito dahil sa susunod na linggo na ang school fair nila. Tatlong araw iyon at kailangan na nilang linisin at ayusin ang Kwadro-Kanto ngayon dahil sa susunod na mga araw ay magiging busy sina Elena at mga kapwa niya freshman dahil sa P.E. subject nila. Nakiusap siya sa ibang member ng club na samahan siya sa pagliligpit ng mga kalat sa nakaraang Dance workshop na ginanap sa silid. Maraming bottled water ang nagkalat at mga balot ng pagkain. Napagkasunduan nilang hindi pupunta sa weekend dahil may iba na may church event at ang iba naman ay tinatamad na bumyahe. Apat silang bakante sa oras na iyon at yung iba naman ay mamaya pa darating. Ngunit silang dalawa lang ni Dahon-Laya ang naglilinis dahil ang dalawa ay sumasayaw sa harap ng cellphone. Ito yata ang tinatawag nilang t****k. Lumapit si Elena sa dalawa at sinubukang kausapin ngunit parang bingi ang mga ito. "Jane, pwede bang mamaya na iyan?" Hindi siya nito pinansin ngunit nakaangat ang gilid ng labi nito. Gusto niya itong batuhin ng walis tambo ngunit naalala niyang kailangan niya palang kunin ang loob nito kaya nagtimpi na lamang siya. "Gusto mo bang ibraid ko ang buhok mo? Mukhang bagay iyon sa'yo." Napatigil sa pagsasayaw ang dalaga at kumunot ang noo. "Oh, really? I’m genuinely curious—how much are you charging for this absolutely incredible service of yours? I can only imagine the level of expertise and skill that must come with such a remarkable offering!" Hindi niya alam kung seryoso ba ito ngunit hindi siya tumigil. Kailangan niyang maging mabait dito. "Ano ka ba, Jane. Siyempre libre lang. Gusto ko na mas lalo kang gumanda. Hindi ba sabi mo magtuturo kayo ngayong araw ng multi-grades? Magiging mainit mamaya." Tumawa ang dalaga. "Matagal na akong maganda, Elena. Ngunit matagal ka na ring hampas-lupa diba?" Uminit ang ulo niya. Elena felt a storm of anger brewing inside her, directed squarely at her for the careless jab of calling her poor. That single word hung in the air like a heavy cloud, a painful reminder of her family's struggles that she wished to forget. Paulit-ulit nalang ito. Ngumiti siya ng malapad. "Oo, pero matagal na rin naman akong mabait." Tumawa ang dalaga at tinapos ang pagvivideo. Lumapit ito sa shoulder bag na kulay pink at kinuha ang suklay nito. Umupo ito sa monoblock chair at tinap nito ang mesa sa likod nito na sinasabing maupo na siya. Narinig niyang nagsalita si Dahon-Laya sa gilid niya ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Mukhang minura siya nito sa ibang dayalekto. Lumapit siya sa lamesa at umupo roon. Nang mahawakan niya ang buhok nito ay gusto niya itong hilahin ng malakas ngunit pinaalalahanan niya ang sarili na magtimpi. Narinig niyang nagdabog si Dahon-Laya at mabilis na umalis. Hindi pa nila natatapos ang gawain ngunit importanteng malaman ni Paul kung nasaan ang tiyuhin nito. Nang mag-alas kwatro na ay dali-dali siyang pumunta sa library upang masimulan ang gawain. Sinimulan niyang e-check ang mga hiniram na libro ng mga estudyante at isinauli ang mga librong naiwan ng mga ito sa lamesa. "Ms. Honobre?" Napapikit si Elena nang marinig ang librarian sa kanyang likod. Sa isip niya'y lagot na talaga siya kay ms. Facundo. "Po?" Nilingon niya ito sa lamesa. Naglalagay ito ng lipstick na kulay pula. Kikay na kikay na naman ang librarian. "Kamusta ang pag-uusap ninyo ni Beth?" "Okay lang po, ma'am." Napalingon ang ginang sa kanya. "Malamang nagtataka ka kung bakit ka niya kinausap." Pagsisimula nito. Nilapitan niya ito sa lamesa habang hawak ang isang history book. Tama ito. Nakucurios nga siya sa ipinapakitang kabaitan ng matanda. "Si Beth ay dati kong kaklase. Saksi ako sa lahat ng saya at kalungkutan na dinanas niya sa buhay, Elena." Habang hawak ang libro ay mataman siyang nakikinig dito. "Mayroon siyang dalawang anak. Isang babae at isang lalaki. Pareho silang nag-aral na dito ngunit-" Nakita niyang parang naiiyak sa pagkukwento ang ginang. "Ma'am, okay lang po ba kayo?" Agad niyang kinuha ang box ng tissue na nasa kabilang mesa at inilagay iyon sa harap ng ginang. Natawa ito sa pagkataranta niya. "Salamat, Elena." Ngumiti siya rito at inantay na maging okay ulit ang ginang. Nang matapos ay shinoot nito ang tissue sa waste container na nasa gilid ng mesa nito. "Yung anak niyang lalaki ay arkitekto na ngayon." Arkitekto? Kilala kaya ito ni Paul? Sa isip niya. Pero hindi pa nga pala niya natatanong kung saan ito nag-aral dati. "Yung babae po ma'am? Saan na po siya ngayon?" Napansin niyang nalungkot ang mukha nito. Mali yata ang naging tanong niya sa ginang. Tumitig ito sa mga mata niya. Nanlumo siya sa naging tugon nito. "Ginahasa siya at pinatay. Sa dormitoryo na tinutuluyan mo ngayon." Hinimas niya ang batok. Naramdaman niyang nagtayuan ang mga balahibo niya sa parteng iyon. She felt a cold wave of shock wash over her as the librarian’s words sank in. Raped and murdered? In Room 202? Her heart pounded painfully in her chest as dread crawled up her spine. That’s the room she’s living in right now—the same room where someone had met such a horrific fate? The thought left her breathless, fear tightening around her like a vice. Kailangan niyang malaman ang kasagutan sa mga tanong tungkol sa nangyari sa dormitoryong iyon. "Si Elena."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD