Tumingkayad si Mistia para maabot ang noo ni Javen. Nang mapagtagumpayan, hinampas niya ito ng tatlong beses.
"Baliw! Baliw! Baliw!"
Kinuha ni Javen ang kamay ni Mistia at galit na iniwakli ito. "Ano ba?! Ikaw ha, namumuro ka na!"
"Dapat lang 'yan sayo!" Idinuro ni Mistia si Javen sa mukha nito at matalim na tinignan. Nagpaikot-ikot silang dalawa habang nagtititigan. "Be my slave mo mukha mo!"
Galit na tumalikod si Mistia para umalis na. Pero napatigil siya nang may biglang sabihin si Javen na nagpawala ng tapang niya.
"You'll lost your scholarship."
That's what he said.
"Kung hindi ka papayag, mawawala ang scholarship mo. Baka nakakalimutan mo... We own that university. I can do that in one snap..."
Mistia turned at him with a blood shot eyes.
He's using his ace.
Javen knew that he can't tame Mistia in a soothing manner. Hindi ito matatakot sa kanya. And he came up with a plan...
To make her his slave...
"Walang kang puso!" Mistia shouted while gritting her teeth.
He chuckled half-heartedly. "Yes I am. I told you, hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Kaya ngayon, sinisingil na kita sa mga atraso mo, Miss Kabute..."
"Sobrang selfish mo!"
"Ganyan ako. Mula noon, hanggang ngayon. At wala ng magbabago do'n. Everyone is afraid of me. I am the king that they patronize. At ikaw, kabilang ka na do'n. Sasambahin mo rin ako..."
NANG gabing 'yon, hindi makatulog si Mistia habang inaalala ang napag-usapan nila ni Javen.
So that was the true him. The heartless evil beneath him. The soul that she failed to recognize.
Starting from tommorow, she will going to be Javen's slave. Lahat ng utos ni Javen ay susundin niya.
Wala na talaga siyang kawala.
NASA resting place ng apat na lalaki si Mistia kasama si Javen. They both decided to meet to talk about their agreement. There's only two of them because they need privacy. It's the matter between the two of them.
"Ano? Tatayo ka nalang ba dyan?" He chuckled. "Kung sa bagay, para ka lang namang nakaupo." panunukso nito.
Akmang aambahan ito ng suntok ni Mistia pero napatigil rin ito sa ere.
"Oops, Oops, Oops... 'Yong scholarship mo..." he threatened.
Later on, she chose to sit down beside Javen. Javen abruptly distanced himself and seemed like Mistia noticed that.
"Tsk. Arte." she murmured.
"Prevention is better than cure. Mahirap na. Baka may gawin ka sa akin."
"Asa ka naman! Baka mahawa pa ako sa kalansahan mo!" Mistia contradicted.
Tumagal pa ang pagtatalo o ang paglalaitan nilang dalawa before they proceeded to their goal.
"Una, dapat sumunod ka sa lahat ng gusto at mga utos ko. Pangalawang kondisyon, kapag kailangan kita, dapat nandiyan ka palagi."
Mistia's forehead curled upon hearing Javen's second condition. Mukhang napansin naman iyon ni Javen.
"Huwag kang assuming. Kahit dulo ng kuko mo, hindi ko gusto." depensa ni Javen.
"Pero itong labi ko? Gusto mo?" Mistia said in a flirting voice to tease him.
That made Javen gulped then his eyes suddenly fixated on her lips eventually. He gulped multiple times. Natauhan lang siya nang biglang tumawa nang pagkalakas-lakas si Mistia.
"Y-Yuck! K-kilabutan ka nga sa sinabi mo!" he reacted in a defensive way.
"Kinilabutan nga ako. 'Kadiri kaya!" natatawang sabi ni Mistia. "O sige na. Iyong pangatlo na."
"Third, bawal kang humindi sa mga utos ko. Pang-apat, walang makakaalam nito. At panglima..." The side of his lips rose up. "You will treat me as your 'Master'..."
"May master bang parang bunot ang buhok?"
"Korean style 'yan! Korean!" pikon na sigaw ni Javen. "Additional condition: huwag na huwag mo akong lalaitin!"
"O siya sige na 'Master' Chihuahua-"
"Tinawag mo akong Chihuahua?!" Kahit na mahina ang pagkasabi ni Mistia sa salitang "Chihuahua", mukhang narinig pa rin ito ni Javen.
"Sinabi ko ba 'yon? Sabi ko, aalis na ako 'Master'."
Akmang lalabas na si Mistia nang tawagin siya ni Javen. May kinuha itong isang paper bag at inilahad ito sa kanya.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Mistia habang sinusuri ng tingin ang paper bag.
"Buksan mo baka cellphone 'yan." Javen said sarcastically.
Nang buksan ni Mistia ang paper bag, nakita niyang cellphone nga ang laman nito. Namangha siya sa ganda at laki nito. Kumikinang pa sa sobrang bago. It was the latest model of the iPhone; iPhone 13.
"As my slave, you'll need that. Kailangan may contact ka sa akin. At kung may kailangan akong ipagawa sayo, matatawagan agad kita. Dahil sa isa kang hampas-lupa, ako na ang nag-provide sayo." he explained.
"Magkano kaya 'to?" curious na tanong ni Mistia.
"Almost seventy thousand..."
Nalula si Mistia dahil sa halaga ng cellphone na hawak niya.
"Benta ko kaya?" wala sa sariling tanong ni Mistia.
"Stupid!" sigaw ni Javen kasabay ng pagpitik nito sa noo ni Mistia.
JAVEN was fuming mad while looking at Mistia and Cedric who seemed enjoying the company of each other from a distance. They're talking and laughing and it's so sweet to look at.
Kaya ang ginawa niya, tinawagan niya si Mistia para madisturbo ang pag-uusapan nila ni Cedric.
"Sino 'yan, Mati?" Cedric asked to Mistia when he saw someone was calling her.
"A-ah... Wala 'to Edi..." then she let out a half-hearted laugh.
Cedric and Mistia were childhood friends and also neighbors before. Mistia calls him Edi while Cedric calls him Mati. They're good friends and they got the same vibe. But eventually, kinailangan ni Cedric lumipat sa ibang lugar nang mag-high school siya dahil sa trabaho ng papa niya. And after that, nawalan na sila ng communication.
And finally after ten years, they met and it happened that they both go in the same university. She is first year college while Cedric is in third year.
Mistia ignored Javen's call and continued talking to Cedric. Pero maya-maya, tumawag na naman ito. Wala nang nagawa si Mistia kundi magpaalam sandali kay Cedric para sagutin ang tawag ni Javen.
"Hello?!" may halong galit na sagot ni Mistia.
"Nasa'n ka?" he seriously asked from the other line.
"Bobo, nasa klase ako! Ano bang kailangan mo?" pagsisinungaling niya.
Naghalo ang inis at galit ni Javen nang marinig ang pagsisinungaling ni Mistia. "Klase pala ah..."
"Sige na, sige na. Nandito na 'yong profess-"
"Sinungaling! I know your schedule at Wala kang klase ngayon!"
Nalayo ni Mistia ang telepono sa taenga niya dahil sa sigaw nito.
"Ibigay mo ang cellphone sa 'lalaking' kasama mo. " he commanded emphasizing the word "lalaking".
Nagulat si Mistia at agad na ipinalibot ang mata sa buong field umaasang makikita niya si Javen pero wala.
"Go on. I'm watching you."
Mistia left with no choice, so, she gave the phone to Cedric. Cedric gave her a questioning face but she just signaled him to answer the phone.
"Hello? Who's this?"
Nagtagis ang bagang ni Javen nang marinig ang boses ni Cedric. It irritates him.
"Listen. Boyfriend niya 'to. Gusto ko lang sabihin sayo na ayaw kong dumidikit ka sa 'girlfriend' ko. Hindi naman siya tae para dapuan ng langaw. Kaya-"
Hindi na natapos ni Javen ang pakikipag-usap kay Cedric nang bigla nitong inagaw ang cellphone kay Cedric at pinatay ito.
Hilaw na tumawa si Mistia. "Pasensya ka na Edi ah..." ani ni Mistia.
"Okay lang..." The silence ruled temporarily until Cedric opened up the conversation. "May boyfriend ka na pala..."
"Ah- O-Oo..." Gustong masuka ni Mistia habang sinasabi iyon. As much as she wants to deny, she just can't dahil ang gusto ni Javen ang masusunod at walang pwedeng makaalam ng kasunduan nila. That's part of her job as his slave.
Cedric felt dismayed and Mistia seemed noticed it. "Ayos ka lang?"
"Yeah! Medyo nagtatampo lang dahil hindi mo man lang pinaalam sa akin... Para naman tayong hindi magkaibigan..." kunwaring nagtatampong ani ni Cedric. But deep inside, he was indeed disappointed yet jealous.
He was too late... Some guy already overpassed him.
Sa kabilang banda, dismayado din si Mistia dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin sa kanya ni Cedric. Mula noon, hanggang ngayon.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Cedric, pinuntahan ni Mistia si Javen sa engineering department. She just want to clarify what happened earlier. Kung bakit niya sinabi kay Cedric na boyfriend siya nito.
Maya-maya pa'y lumabas na si Javen. Nakangisi itong lumapit sa kanya. Bago paman maibuka ni Mistia ang bibig niya, inunahan na siya ni Javen.
"Uy bakit ka nandito? Bawal ang mga kindergarten dito!" kunwaring nag-aalalang sabi ni ni Javen sa mahinang boses ngunit nang-aasar lang talaga ito.
"Tumigil ka nga!" saway ni Mistia ngunit tumawa lang si Javen. "So bakit mo sinabing boyfriend kita kay Edi?"
Humilig ito sa wall at ang dalawang kamay ay nasa bulsa nito. He then tsked.
"Edi?" si Javen.
"Oo si Edi!"
"Edi wow..." pambabara ni Javen.
Maya-maya pa'y may lalaki na kaklase nila ang nakakita sa amin at nagkalakas- loob na tanungin si Javen.
"Uy Javen, girlfriend mo?" tukoy nito kay Mista.
"Hindi, kapatid ko." Napailing nalang ito dahil sa kalokohan ni Javen.
"Gusto ko bawiin mo ang sinabi mo sa kanya." biglang sabi ni Mistia.
Javen's forehead curled in confusion. "At bakit naman? Big deal ba sa kanya na may boyfriend ka?"
"Hindi..." mahinang sabi niya. "Pero... big deal 'yon sa akin, eh... Malay mo may pag-asa na ako diba?"
"You like him?" he coldly asked.
"Sobra. Mula pagkabata namin gusto ko na siya-" Napatigil si Mistia sa pagsasalita nang ma-realized na andami na niyang nasabi. "A-ano ba 'yon sayo?"
"Kung ganoon, walang magiging masaya."
"Bahala ka! Ako ang magsasabi sa kanya!"
Javen just chortled. "Ako na rin ang magsasabi sa scholarship mo na mawawala na siya..."
"Argh!!! Nakakainis ka talaga! Itong mga ginagawa mo sa 'kin, babalik rin 'to sayo! Sana hindi ka magustuhan ng babaeng mahal mo!"
Nadoble lang ang inis ni Mistia nang parang batang walang muwang si Javen nang umuklo ito at itinuktok ang kamao sa sahig.
"Ituktok mo sa bato baka magkatotoo. Mahirap masumpa ng duwende..."
Walang nagawa si Mistia sa pakikipag-usap kay Javen at alam niyang puro panunukso lang ang makukuha niya dito kaya napagdesisyunan niyang umalis nalang pero hindi pa siya nakakababa ng hagdan nang tawagin siya ni Javen.
"Magiging boyfriend mo ako hanggang sa magsawa na ako. But... I don't think I would... "