"Bakit 'yan ang dala mo? Sabi ko cheese burger, hindi hamburger!" Javen protested.
"Parehas na burger lang naman 'yon, ah!" Mistia fought.
Ilang beses nang nagpabalik- balik si Mistia sa cafeteria dahil palagi nalang nitong tinatama ang mga binibili niya.
At kung uutos naman nito ay wala pa sa cafeteria ang ipinapabili. Nangangalay na ang mga paa niya sa kakaakyat ng hagdan. Their suite is in the third building and in the second floor. And their cafeteria has a far distance from Javen's and his friends' suite.
"Oo nga Jave, hindi ka ba naaawa kay Mistia? Mas lalong hindi na tatangkad 'yan." Yashua commented.
Only Gladys and Javen's three friends know about their agreement; her being his slave.
Mistia scoffed. "Hoy ikaw Mr. Oishi, tumahimik ka nga!"
"Hiroshi. Ilang beses ko bang sasabihin sayo Mistia na Hiroshi ang apilyedo ko, hindi Oishi... " Nagagalit talaga si Yashua kapag tinatawag siyang Oishi ni Mistia. Dahil para sa kanya, tunog junk food. Eh hindi naman siya mukhang Junk food.
It's been a long time since they've known each other. Sa araw-araw na inuutusan siya ni Javen, palagi niya na ring nakakatagpo ang mga kaibigan nito. That's why they've got used to each other and get comfortable at the same time.
"Tumahimik nga kayong dalawa!" saway ni Javen saka bumaling kay Mistia. "Hoy ikaw, iwan mo 'yang cheese burger dito at bumili ka ulit ng sampung ice tea at dalhin mo dito." utos niya.
Napasinghap si Mistia dahil sa dami ng ice tea na pinapabili nito. "Bakit sampo? Apat lang naman kayo dito, ah?"
"Pake mo ba? Gusto ko ng sampo."
"Hindi ko madadala 'yon!"
"Problema mo na 'yan. Gamitin mo ang utak mo kung meron." Javen belittled her.
Mistia tsked and murmured. "Akala niya naman meron siya..."
NOONG sumunod na araw, habang naglalaba siya, bigla nalang siyang tinawag ng kapatid niya.
"Ate, may tumatawag sayo," ani ni Marvin at inilahad sa kanya ang telepono nito.
Pinunasan muna ni Mistia ang kamay niya bago tanggapin ang cellphone.
Napatakip sa ilong si Marvin nang maamoy siya. "Ate naman, ang baho ng kili-kili mo!" reklamo nito.
Walang hiya naman itong inamoy ni Mistia. "Hm, asim kilig!" kanta niya na parang nasa commercial.
She finally decided to answer the call. Pero, muntik niya nang mabitawan ang cellphone niya nang makitang nasagot na ito. Dahil sa katarantahan, she tapped out the end call.
"Sinagot mo?! Bakit mo sinagot?!" sigaw ni Mistia sa kapatid niya.
Gusto niyang ihampas ang cellphone sa kapatid niya dahil sa kapabayaan nito.
"Kanina pa kasi tumutunog 'yan. Kaya... sinagot ko na." Marvin explained. "Natakot nga ako dahil bigla nalang itong nagalit nang marinig ang boses ko pero kumalma rin naman agad nang sinabi kong kapatid mo ako."
"Sige na pumasok ka na! Sipain kita dyan eh..."
Imbes na magalit si Marvin, binigyan niya lang ng namimintang at nanunuksong tingin ang ate niya.
"Tinitingin-tingin mo dyan? Alis na!"
"'Sumbong kita kay mama at papa pagdating nila na may boyfriend ka na... Hala ka ate..." pananakot nito.
"T-tanginang 'to!" mura ni Mistia at tumakbo naman kaagad si Marvin patungo sa loob.
"Hoy hindi ko boyfriend 'yon!"
Kinuha ni Mistia ang tsinelas at akmang ibabato ito kay Marvin nang tumunog na naman ang cellphone niya.
Buti nalang talaga at wala ang mga magulang niya sa bahay dahil baka kung ano na naman ang isipin no'n kapag narinig ang mga pinagsasabi ni Marvin.
"Hello-"
"Ikaw'ng tangina kang gago ka— Anong pinagsasabi mo sa kapatid ko?!" bungad agad ni Mistia kay Javen. Ni hindi pa nga natapos ni Javen ang pag-he-hello niya.
"Gandang bungad naman no'n, Kabute. Kasing lutong ng mura mo ang fried chicken sa KFC."
"Hoy ikaw ah, wala akong panahon makipagbiruan sayo. Ano ba talagang sinabi mo sa kapatid ko at nagkagano'n 'yon!?" She was indeed not in the mood.
"Just chill, okay? Wala naman akong sinabing masama sa kapatid mo. Nagtanong lang siya kung sino ako. Tapos, sinagot ko siya na boyfriend m-"
"Ano?! Bakit mo sinabi 'yon!?"
"Aray naman! Ang sakit sa taenga ng boses mo!" reklamo nito sa kabilang linya.
Mistia didn't listen and continued throwing her rants. "'Yong kay Cedric, pinalampas ko, pero 'yong sa kapatid ko-" Mistia heaved a harsh sigh. "Bwiset ka talaga, e! Pa'no kung isumbong ako no'n kina Mama at Papa? Hindi ka ba nag-iisip?!"
"Huwag mo nga akong sinisigawan! Hoy ikaw babaeng duwende, slave lang kita! At ano ngayon kung malaman ng mama at papa mo? Edi magpapakilala ako bilang boyfriend mo." Magre-react na sana si Mistia pero dumugtong kaagad si Javen. "At saka, ikaw ang hindi nag-iisip! Ano ang gusto mong sabihin ko sa kapatid mo? Na-slave kita at ako ang master mo?"
"Master mo mukha mo!" huling sigaw ni Mistia at saka pinatay ang tawag.
While Javen on the hand was laughing so hard after talking to Mistia. He was alone in the living room and lying on the long sofa. He couldn't imagine what would Mistia's face looked like after their conversation. He's sure that her face is as red as the blood right at that moment. He could picture it out basing from the tone of her voice.
Sigurado siyang kasing asim ng kili-kili ni Mistia ang mukha nito.
Tinawagan niya lang talaga 'to dahil wala siyang magawa at sobrang boring ng bahay nila. Wala rin ang mga kaibigan niya dahil ang dalawa, nambababae at si Fen naman, bumisita sa isang art gallery.
However, he didn't expect that it was Mistia's brother who answered the call. Noong una nagalit pa siya dahil lalaki ang sumagot 'yon pala kapatid niya. He didn't know why he reacted violently. Bakit nga ba?
Looking back at the conversation of him and Mistia's brother, honestly, they had a small talk. He introduced himself as her sister's boyfriend when he asked who am I.
Wala lang.
It's so good to introduced himself as her boyfriend. It just came out from his mouth naturally.
Nabahala naman ang kapatid ni Mistia na baka malaman ng mga magulang niya. At siyempre, kinuntyaba niya ang kapatid ni Mistia para hindi ito magsumbong sa mga magulang nito. He's not that bad at all. For the first time, he does Mistia a favor.
He promised to give Mistia's brother a phone kung hindi ito magsusumbong. At pumayag naman ito. He knew he does better when it comes to negotiation.
Problem solved!
But without Javen knowing, he was secretly getting filmed by Mr. Uy. The changes in him we're reported.
And the legend of all legends will come home sooner...
HABANG naghahain ng hapunan, hindi mapakali si Mistia at tila napansin ito ng mama niya.
"Ayos ka lang ba, anak?" her mother asked.
She was hesitant to answer at hindi na nga siya nakasagot nang si sumulpot si Marvin mula sa kwarto.
"Baka kinakabahan lang si ate, Ma."
Napatigil ang mama at papa niya at nagtataka siyang tinignan. Ayon, namutla na nga si Mistia dahil sa sobrang kaba niya na baka sabihin na nga nang tuluyan ng kapatid niya na may 'boyfriend' na siya.
Mistia laughed fakely to cut the heavy atmosphere. "Eto talagang si Marvin palabiro talaga... Nagmana sa ate niya..." she joked to divert the topic.
"Ah- hali ka na bunso kain na," malambing na alok ni Mistia kay Marvin. She even assisted it in sitting down. From getting rice and pouring some foods into his plates too. "Kain nang marami bunso ah, love ka ni ate..." ani niya habang nakangiting aso.
Sobrang plastic niya sa part na 'yan.
"Tubig bunso, oh..." sabay lahad ni Mistia ng tubig kay Marvin nang matapos na silang kumain.
Her parents noticed that Mistia was a little bit different than the usual. Parang bumait 'ata ito ngayon.
"Marvin, magpasok ka ng tubig dito sa loob." utos ni Hener— Mistia's father to Marvin.
"Pa! Ako na po! Magpahinga na po kayo... Alam kung napagod kayo sa pagtitinda sa palengke." Tarantang-taranta na talaga si Mistia dahil parang itutulak niya na ang mga magulang niya para lang makapasok na nang tuluyan sa kwarto nila.
Now it's time to divert his attention to his brother. "Pasok sa kwarto." she seriously commanded.
Marvin immediately obeyed.
"Anong sinabi sayo ni Javen, hm?" she know she sounded so strict.
Nagkibit- balikat lang ito na mas lalong dumagdag sa init ng ulo niya. "Ano nga?!"
Hindi ito sumagot. Sa halip, humiga lang ito. Kaya wala siyang nagawa kundi tapakan ang tiyan nito dahilan ng pag-igik nito.
"Seventeen ka na pero umaasta ka pa ring walang muwang! Sagot!" galit na sabi niya habang ang paa ay nasa tiyan pa rin nito.
"S-Sa amin n-nalang 'yon!" nahihirapang sagot ni Marvin.
Finally, she get rid of his brother's stomach.
"Isusumbong talaga kita kapag mananakit ka pa sa 'kin..."
Yeah. His brother know how to blackmail her.
Her life was being slandered because of that Javen!