"Bakit ba kasi may naglalakas loob pa rin na gumawa ng crime sa loob ng company kahit na alam naman na may CCTV?" her brows furrowed as she leaned on her table with her lips pouting.
"Do you really have to ask that?" pang-aasar ni Kulas kay Jewel as he put both hands on her table looking straight to her face.
"Of course. Ikaw ba? Do you think hindi ka mahuhuli? Iyon ngang walang CCTV sa lugar nila nahuhuli. Iyon pa kayang mayroon?" giit ni Jewel.
Well, gusto niya lang naman talaga pag-usapan nila ang case na hinawakan niya. Minsan kasi nabo-boring na siya na laging movie or food ang pinag-uusapan nila. Gusto niya yung nacha-challenge siya mag-isip. Pero hindi rin talaga. She just wants to brag how good she was in that case. Though that was a very simple case that she handled from all the cases she had.
"That's the point. The more you show the people that the place is secured the more they'll think that it was only a show-off. Like in my primary school before. We have CCTV just to scare kids that whatever they do, they know that they were being monitored. Only to find out na hindi pala nagana 'yong CCTV do’n." instead of rebutting, she stood up and went to the door.
"Fine. I'll just go to the toilet." paalam niya sa binata.
Alam naman na ni Kulas kung bakit pupunta ng toilet si Jewel. She'll talk to herself and agree to whatever she told herself. Crazy but yeah she always does that. Hindi na pinansin ni Kulas ang dalaga. Wala rin naman patutunguhan ang usapan. Agad niyang binuksan ang email niya nang maka-received siya ng memo. It's for everyone. A broadcast message.
“Attention to all Alfonso Brewery Employees. We will be having a year-end celebration for the successful sales for the entire year. Everyone's invited to this event. Wear your best suit and dress. We expect everyone to participate in this event.” basa niya sa invitation.
At galing daw ito sa CEO. Super hands-on din kasi ang CEO nila sa company but he finds it weird. Alam niyang kalat na may allergy sa alcoholic drinks ang CEO nila pero nagma-manage ito ng brewery. Sabagay marami namang may ganoong case. May nagta-trabaho nga sa factory ng cigarettes pero hindi naninigarilyo.
Samantala ay busy naman ang secretary ni Manuel sa pag-aasikaso sa gaganaping event. Two weeks na lang ay Year End Party na nila and Manuel expect for everything to be in order.
"Mr. Alfonso, everything's settled except the catering service. They preferred us to be there to check the quality of the food and the list of the food to be served. They only serve what's best so they want to ensure they're giving quality service." saad ni Angelina.
"Okay, Angel. Please make an appointment with them. Do I have free time today?" tanong ni Manuel. Plan kasi niyang umuwi nang maaga dahil wedding anniversary ng kanyang King and Queen.
"Your schedule is full, Sir. But we can cancel your afternoon and evening appointment with Dela Vegas Company. They said that they can give us more time before we decide to sign the contract." she said while scanning Manuel's schedules.
"Great. Then cancel the appointment. I actually haven't decided on that yet. But probably move it two days after our event." as he formed a wide smile in his lips.
"Noted, Sir. That's all for now. Please be ready for the meeting conference at 10 o'clock." saka ito lumabas ng opisina. Agad namang inihanda ni Manuel ang sarili. Pero bago ang lahat ay nag-message muna siya sa group ng Alfonso Brothers para sa family dinner mamaya.
Matapos ay nag-proceed na siya sa meeting. Halos ilang discussion din ang naganap bago mag-decide ng bagong project ang mga ka-meeting niya. Alam naman kasi nila na people don't settle anymore sa bitter taste ng mga beer and other alcoholic drinks nila. So they come up with the lady-friendly drinks na may alcohol.
"Since milk tea has been popular with everyone, we came up with this project called MTea Beer. It's a milk tea flavored beer that you'll love to empty your bottle. (Empty Tea Beer at the same time ay abbreviation na rin sa Milk Tea)." saad ng isa nilang veteran employee.
Mahilig uminom ng alak ang matandang ito pero at the same time ay mahilig din itong uminom ng milk tea. Some say that Milk Tea has a weird taste, but for this old man, it tastes like heaven aside from beer.
"We already have created a formula to make it happen. We're just waiting for the CEO's approval and the production of sample drinks." saad naman ng production team representative.
"That's quite new to me and I'm sure people will be curious about how it will taste. But I'm sure Milk tea companies will be against it. It might affect their sales due to the possible production of Milk Tea flavored beer. Any thoughts on this?" natahimik ang lahat. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi nila naisip ang bagay na iyon. All they care about is the company's success though it is successful, they strive more to make it known in the country.
"Since no one wants to speak up then let's just call it a day. The production will not be approved without finalizing everything. Please remember that we aim for the best and not stepping into someone else's business. Clear?" he said firmly.
"Yes, Sir." malakas na sagot ng lahat. Saka lumabas ng conference room si Manuel. Pero hindi pa man siya nakalalayo ay tinawag na siya ni Angelina. Paano'y nalimutan nito ang mobile phone niya.
Pero sa kasamaang palad ay may isang bulto ng tao na hindi niya napansing naglalakad nang mabilis. Sa kamalas-malasang pagkakataon ay tumama ito sa dibdib niya. Napasapo naman ang nakabangga sa kanya sa pisngi nito. Hinihipo-hipo pa nang dahil sa tigas ng tinamaan niya.
"Teka. Bakal ba ang nabangga ko? Ang sakit." saad niya sa isipan habang sasapo-sapo pa rin sa pisngi niya habang hindi kumikilos sa pagkakabangga.
"Excuse me, Miss?" dinig niyang saad na tinig ng babae sa likod niya. Pero hindi niya alam kung bakit parang ayaw niyang umalis sa dibdib nito. Ang bango rin kasi at lalaking lalaki ang amoy.
"Miss." tawag muli ng babae.
"Ano ba naman kasi ang kailangan nito?" nakaismid na saad ng isip niya sabay lingon sa likod pero hindi pa rin naaalis ang pagkakayapos niya sa lalaki.
"Uhm... Ang k-kamay mo?" pilit na ngiting saad ni Angelina pero halatang iritable sa kanya dahil nakataas pa ang kilay nito. Saka lang naalala ni Jewel na nakayakap pa rin pala siya sa lalaking kaharap. At ang masama pa ay nalagyan niya ng lipstick ang suit nito. Agad siyang bumitiw sa pagkakayapos at naitulak nang bahagya ang lalaki.
"I'm sorry." halos gusto na niyang lamunin siya ng sahig sa sobrang pagkakapahiya.
Clumsy alert.
Bakit ba kasi tumakbo pa siya? Saad ng isip niya habang ang lalaking kaharap ay nakatitig lang sa kanya. He looks so puzzled. Not because of anything. But because he's thinking about where he met this clumsy girl.
"Miss, this suit is worth 20,000 pesos." saad ni Angelina.
"I know." sagot naman ni Jewel sa isip niya. Napalingon siyang muli sa suit nang ma-realized niyang nalagyan na pala niya ito ng lipstick niya.
"Gosh, I'm sorry. I'm really sorry." saad niya. Tangkang papahirin na niya ang liptick sa suit ni Manuel nang eksakto namang dumating ni Kulas.
"I'll buy a new suit." saad nito. Sabay-sabay naman silang napalingon dito.
"I'll just buy a new suit in exchange for that." pag-uulit ni Kulas. Agad na kumurba ang kilay ni Jewel.
"Aba naman nagyayabang pa 'to e ako nga gumastos sa one-day meal niya last time." bulong ni Jewel.
"Never mind." seryosong saad ni Manuel. ng kaninang maaliwalas nitong mukha ay napalitan nang seryosong awra nang dahil sa narinig. Tumalikod ito at tangkang lalakad na nang magsalitang muli si Kulas.
"Really.” saad muli ni Kulas giving assurance sa lalaking nakabangga ni Jewel.
“We'll just buy a new suit – " pag-uulit pa ni Kulas pero bago pa man matapos ang sasabihin niya ay naharang na siya ni Angelina at naglakad naman si Manuel.
"You heard my Boss, right? Just save your money. He doesn't need a new suit." saad nito. Saka dali-daling humabol sa Boss niya. Hindi na rin sila muling nilingon pa nito.
"Ikaw kasi nagmamarunong ka pa. Nagalit yata ang love life ko. Hmp!" inis na sambit ni Jewel saka iniwan si Kulas. Napakamot na lang sa ulo ang binata.
"Ako na nga ang nagmagandang loob e. Tss." bulong niya. Ayaw na ayaw kasi niyang may umaagrabyado sa bestfriend niya. Pero mukhang napasama pa dahil tinalikuran sila ni Manuel. Bumalik na lang siya sa opisina nila pero hindi pa rin siya kinikibo ni Jewel.