Chapter 20

1305 Words
Chapter 20 Nagising si Selestina dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone kinaumagahan. Pikit-mata niyang hinanap ang kanyang cellphone. Humihikab siyang sinagot ang tawag. “Hello?” inaantok niyang bungad. Narinig niyang humihikab ang nasa kabilang linya. “Gising ka na ba?” tanong ng kaibigang si Jordan. Napangiwi siya. “Inaantok pa ako,” nakasimangot niyang sagot. Umikot siya at inayos ang kanyang kumot. Giniginaw siya. “Psh! Mataas na ang sikat ng araw. Bumangon ka na,” anito sa inaantok na boses. “Tss. Sinong niloko mo? Alas singko pa lang,” nakangiwi niyang sabi. “Mauna ka na roon. Magpapaalam pa ako.” “Sige. Hintayin kita.” Humikab siya pagkatapos ibaba ang linya. Napalingon siya sa gawi ng kanyang kasama. Nakatalukbong ito ng kumot at base sa banayad nitong paghinga ay himbing pa sa pagkakatulog si Ate Joy. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa gilid ng kanyang kama. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kanyang silid. Iiwan na niya ang apat na sulok na ito ng kwarto kasama ang iilang alaala kasama XMang binatang si River. “Tss. Ang corny ko,” kinikilabutan niyang saway sa sarili. “Magkikita lang din naman kami sa school. Ang daming arte sa katawan.” Kaagad siyang tumayo at nag-inat ng katawan. Lumagutok ang kanyang buto sa likod. “Whoa! Ang lakas noon, ah,” nagugulat niyang bulong. Naghanap siya ng pamalit na damit bago lumabas ng kwarto at pumasok sa common bathroom. May mangilan-ngilan naliligo pero maswerte siya at may bakanteng isa kaya mabilis siyang pumasok at baka maunahan pa. Nagmuni-muni siya habang naliligo. Kumalam ang kanyang sikmura kahit hindi pa siya natatapos maligo kaya binilisan niya ito. Dahil siguro ito sa lamig ng tubig. Nanginginig siyang nagbihis bago lumabas ng banyo. Sinipat niya muna ang sarili sa salamin bago bumalik sa silid. Nakaupo na sa kama nang mabungaran niya si Ate Joy. Kaagad niya itong binati ng magandang umaga. “Ate,” panimula ni Selestina. Inaantok pa itong nag-angat ng paningin sa kanya. “Bakit?” “Aalis na pala ako ngayon.” Gulat itong tumingala sa kanya. “Huh? Bakit?” “Lilipat kasi ako ng bahay ngayon. Kailangan, eh. Kahapon pa sana pero kailangan ko pang magpaalam sa inyo. Nakakahiya naman po kasi kung aalis lang ako ng walang paalam, eh, ang bait ninyo sa akin,” nahihiyang sabi ni Sel. “Sus! Akala ko titigil ka na sa pag-aaral. Huwag kang mag-alala. Ayos lang sa akin. Alam ko namang hindi ka komportable rito lalo na at may mga kasama tayong hindi man lang marunong magdahan-dahan. Walang konsiderasyon sa mga kasama nila. Malalakas ang bunganga kahit kita nang may natutulog,” anito. Napangiti si Selestina. “Salamat, Ate, sa pag-intindi ng desisyon ko.” Umiling ito. “No worries. Tulungan pa kitang mag-impake ng mga gamit mo,” presinta nito. Napangiti si Selestina at umiling. “Ayos na po, Ate. Kaunti lang naman ang mga gamit ko rito. Mag-iingat po kayo sa trabaho. Mami-miss ko po ang kabaitan ninyo sa akin.” “Ikaw rin. Mag-ingat ka palagi at mag-aral ng mabuti.” Nagyakapan pa ang dalawa bago tuluyang umalis si Selestina. Isang malaking maleta lang naman ang hatak-hatak niya palabas ng dormitory. Nagmamadali pa siya at ayaw niyang makita ang binatang si River. Baka mamaya ay pigilan pa siya nito. Mabilis siyang pumara ng traysikel at sumakay rito. Kumakaway na bumungad sa kanya si Jordan mula sa nakabukas na pinto ng bago nilang titirhan. Nakangiti siyang kumaway pabalik at ibinaba ang dala niyang maleta bago nagbayad sa drayber. Dahan-dahan niyang hinatak papasok ng gate ang kanyang dala. “Hmm. Pwede na,” aniya habang inililibot ang paningin sa buong paningin. “Psh! Pwedeng-pwede na ‘to dahil tayong dalawa lang naman ang nandito.” Tinulungan siya ng dalaga na ipasok ang kanyang gamit. Malaki ang sala at may hagdan sa gilid paakyat sa second floor. May dalawang kwarto sa itaas at talagang solo nila ang bawat kwarto. May kitchen din at kompleto sa gamit. Napangiti siya. “Mas gusto ko ‘to. Walang istorbo rito.” “I know right? Kaya nga sabi ko ay sasama ka sa akin. Bukod sa solo natin ang bahay na ito, gaganda pa ang buhay mo!” “Huh? Paano naman gaganda ang buhay ko kapag kasama kita?” “Duh! Dahil maganda ako?” patanong nitong sagot kaya natawa siya. “Tss.” Umakyat na siya sa taas upang tingnan ang kanyang kwarto. Kaagad siyang napangiti dahil saktong-sakto sa taste niya. Kaagad niyang pinadalhan ng mensahe ang ina at picture para makita nito na lumipat na nga siya. Tinawagan siya nito. “Ma,” bungad ni Sel. “O, anak. Nakita ko ang litratong pinadala mo. Ang ganda. Nagustuhan mo ba ang nilipatan mong bahay?” “Opo, Mama. Tapos solo ko po ang isang kwarto. Maganda po siya at walang istorbo dahil dalawa lang kami ng kaklase ko. Mas ayos po rito kumpara roon sa dati kong dormitory.” “Mabuti naman kung ganoon. Mamaya ko pala ipapadala ang pera, ha? Tatawag ako kapag nasa palawan na ako. iti-text ko lang ang code baka hindi mo matanggap.” “Opo. Sige po, Ma.” “Sige. Mag-iingat ka riyan. Bye.” Pabagsak siyang umupo sa kanyang magiging kama. Napangiti siya dahil sobrang lambot nito para sa kanya. Mas matigas kasi ang dati niyang kama kaya palaging masakit ang kanyang likod kapag gigising sa umaga. Nagpaikot-ikot siya at nagpagulong-gulong. “Ang ganda,” hindi niya napigilang komento. Lalo siyang napangiti. “Ngayon, makakakilos na ako ng maayos ng walang matang nakabantay sa akin.” Bumangon siya at bumaba. “Wala pa tayong groceries pero nagdala ako ng kanin at ulam kanina. Bumili lang ako sa labas para kakain tayo rito pagdating mo. Halika na,” anyaya ng kaibigan kay Selestina. “Ang galing mo naman. Takam na rin ako at kanina pa ako gutom.” “Maupo ka. May kape na rin. I don’t know your type of coffee pero sweet sa akin,” kuwento ng kaibigan. “Same. Ayaw ko ng mapait.” Kaagad silang kumain. Ninanamnam ang bawat pagsubo. Unang kain nila sa bago nilang tirahan kaya naman naging kampante si Selestina. Siya ang naghugas ng pinagkainan pagkatapos nilang kumain. Nagwawalis naman ng sahig si Jordan habang nakikinig ng kanta sa maliit na bluetooth speaker. Nasa isang village ang tirahan nila at malapit sa isa't isa ang mga bahay dahil hindi naman ito pang-mayaman. Hindi rin alam ni Selestina kung bakit ito ang napili ng kaibigan dahil mukha itong pulubi sa paningin niya kahit maganda ang dalaga. Mukhang hindi nito afford ang ganito kamahal na renta. Naisip niya na baka nagmumukha lang itong pulubi pero may-ari pala ito ng buong Pilipinas? Napangiwi siya. Nasobrahan yata siya sa pagbabasa ng mga fiction na libro. Inayos ni Selestina ang kanyang mga damit sa sariling cabinet ng kanyang kwarto pagkatapos niyang maghugas. Inayos niya pati ang kumot at unan, may sarili siyang bed sheet pero marami ng gamit sa cabinet. Mga punda, at kung ano-ano pang abubot. Sinabi naman ng may-ari na pwede nila itong gamitin kung sakali. Binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto at bumungad sa kanya ang malaking bintana ng katabing bahay. May distansiya man pero kita niyang nakabukas din ito. Hinayaan niyang umihip ang hangin dahil gusto niyang huminga ang kanyang kwarto. Malaki ang bintana kaya sigurado siyang papasok ang hangin. Nakahinga siya ng maluwag. Maayos na ang kanyang kwarto kaya puwede na siyang magpahinga. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at tiningnan niya ang text. Nagpadala na ang kanyang ina pero hindi na ito tumawag. Lumabas siya ng kwarto at nakitang nakabukas ang telebesyon at pinto ng sala palabas. Narinig niyang may nagsisigawan kaya naman kaagad siyang bumaba. Gulat siya nang makitang papasok si Jordan habang nakabusangot kasunod ang isang magandang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD