Chapter 23

1959 Words
Chapter 23 “Huwag ka ngang sumali-sali rito ampon!” Napaigtad si Selestina dahil sa sigaw na iyon ng babae. Hindi niya alam kung bakit nasabi nitong ampon siya. “Tama na ‘yan. Halika na, Sel.” Hinigit siya ng kaibigan paalis ng cafeteria. “Naiinis ako,” aniya. “Bakit ba nila naisip na ampon ako? Huh?” “Hay, naku! Hayaan mo na sila. Wala silang alam.” Paakyat na sila ng building nang makasalubong nila ang binatang si River. Huminto ito at humarap kay Selestina. “Can we talk?” seryoso nitong tanong kay Selestina. Taka naman itong tiningnan ni Sel. “Bakit? May kailangan ka ba?” tanong niya. Tumango lang ang binata. Binalingan ni Selestina ang kasama. “Mauna ka na sa taas. Mag-uusap lang kami.” “Sige. Hihintayin kita.” Ngumiti lang si Selestina sa kaibigan saka hinarap ang binata. “Ano nga pala ang pag-uusapan natin?” “Bakit ka umalis?” seryoso nitong tanong. Hindi niya alam kung galit ba ito o hindi. “Huh?” “Bakit ka umalis?” “Ah, naglipat ako ng bahay. Si Jordan ang kasama ko.” “Bakit?” “Dahil gusto ko?” patanong din niyang sagot. “Bakit?” “Dahil gusto ko ng tahimik na kwarto. Teka nga! Bakit parang nagagalit ka?” naiinis na niyang tanong. “Look. Hindi ako nagpaalam sa ‘yo dahil hindi naman kailangan. So, yes. Lumipat ako ng bahay dahil gusto ko. Maingay sa room namin dahil may mga kasama akong walang konsiderasyon sa iba at istorbo sila. Sakto namang naghahanap ng roommate si Jordan kaya sumama ako sa kanya. Safe roon. Tahimik kaya ‘yon,” mahabang paliwanag ni Selestina. Biglang nalungkot ang mukha ng binata. Yumuko lang ito at parang batang nilalaro ang kanyang sapatos. “Okay. But, yayain sana kitang maging partner ko sa acquaintance party.” Nanlalaki ang mga matang tiningala niya ang binata. “Huh?” “Hindi mo alam? May acquaintance party tayong mga pharmacy students. Sa saturday na ‘yon,” pagbibigay alam nito sa kanya. Napangiwi siya sabay tango. “Walang nagsabi, eh,” pagdadahilan niya. Pati si Jordan ay hindi pa alam na may party. O baka naman siya lang talaga ang walang alam? “Ahm, hindi ko alam kung pupunta ako. Sabihan na lang kita. Puwede rin namang si Jordan ang yayain mo. Sure akong pupunta ‘yon,” nakangiting suhestiyon ni Selestina. Nalukot naman ang mukha ni River. Hindi niya alam kung bakit nag-suggest pa itong si Jordan ang yayain niya samantalang si Selestina naman ang gusto niyang makasama. Umiling na lamang siya. “Sige. I’ll go solo na pang din,” napapahiya niyang sabi. Nagpaalam kaagad ang binata kay Selestina. Nagtataka namang sinundan ng tingin ni Selestina si River habang nakayuko itong umalis. Pwede naman kasing si Jordan ang yayain nito. Umiiwas na nga siya dahil ayaw niya ng isyu pero kusa naman itong lumalapit sa kanya. Napangiwi siya habang paakyat pabalik sa kanilang floor. Hindi niya alam na sa Saturday na pala ang party. Hindi naman nag-iingay ang kanyang mga kaklase. Pagpasok ay kaagad siyang umupo sa kanyang silya at hinarap ang kaibigan na abala sa pagpipindot sa sarili nitong cellphone. May pinagkakaabalahan na naman itong laro. “Hey, may acquaintance party raw tayo this saturday?” untag niyang tanong kay Jordan. Umarko ang kilay niya saka nilingon siya. “Huh? Sino ang nagsabi sa ‘yo?” nagtataka nitong tanong sa kanya. “Si River,” kibit-balikat niyang tanong. “Huh? Really? Hindi ko alam,” gulat nitong sabi. “Wala pa namang ini-a-announce ang president natin,” dagdag pa nitong sabi. Mayamaya pa ay may dumating na isang lalaki. Kumatok pa ito at may ipinasang papel. Kinuha ito ng kaklase nila na nasa harap nakaupo at binasa sa buong klase. “Guys, acquaintance party raw sa sabado,” anunsyo nito kaya nagsimula ng mag-ingay ang paligid. “What the h*ck? Bakit ngayon lang sinabi hindi tayo nakapaghanda?” reklamo ng ilan. “Right? Parang nagmamadali naman, eh. I’m sure my babayaran na naman tayo.” “Of course! Magpapa-cater sila.” “Sus! Ayaw kong sumali.” “Kuripot ka lang talaga.” Hindi na niya pinakinggan ang mga bulungan. Buntonghininga siyang sumandal at nag-isip. “Sasali kaya ako?” buntonghininga niyang tanong sa kaibigan. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Bakit naman hindi? Required tayong sumali, no? Ayaw mo noon? Baka may makita kang gwapo, hehe.” “Tss. Napapagod na ako hindi pa nga nangyayari,” reklamo niya. “What? Ball ‘yon. Paniguradong kailangan may partner tayo. Pero dahil wala ka namang boyfriend, tayo na lang ang magpares kahit hindi naman tayo talo.” Natawa siya nang bahagya dahil sa narinig. “Loko ka talaga,” natatawa niyang wika. “Actually, niyaya ako ni River na maging partner.” Nanlaki ang mga mata nito. “Talaga? So, tinanggap mo?” Umiling siya. “Ayaw ko, eh.” Nanlulimo itong tumingin sa kanya. “Bakit naman tumanggi ka pa? Grasya na nga ang lumapit sa ‘yo, tinanggihan mo pa. Engot ka talaga.” “Eh, sa ayaw ko. Bakit ba? Saka sinabi kong ikaw na lang dahil available ka naman,” anunsyo niya. “Anak ka ng kagang. Bakit mo naman binenta ang kaluluwa ko?” nandidilat nitong tanong. “Huh? Anong binenta? Sinabi ko lang na ikaw ang yayain, hindi kita binenta. Pero dapat pala iyon ang ginawa ko no? Para naman may pakinabang ka,” tumatawa niyang sabi. Binatukan siya ng kaibigan. “B@liw!” “Hahaha!” Pababa na sila ng bigla na lang dumausdos pababa sa ulo ni Selestina ang isang baso na may lamang… “Ano ‘to?” gulat niyang tanong. Inamoy niya at ganoon na lamang ang inis niya. “Syrup? Pakshet! Ang lagkit!” “Oh my goodness!” tili ni Jordan nang makita siya. Lumagapak kasi sa semento ang basong nilagyan ng syrup. Nagugulat ang dalaga na tumingin sa itaas ng hagdan. Nakangisi sa kanya si Irish na parang nauulol na aso sa sobrang pagkangisi. “Mabango ba?” tumatawa nitong tanong. “Ha. eh, kung ikaw kaya buhusan ko ng ganito? P*ste ka!” singhal ni Selestina. “Oh my goodness! Hala! Paano na ‘yan? Ano na ang gagawin natin?” taranta na tanong ni Jordan. “Hahaha! Iyan ang bagay sa ‘yo. Mukha ka kasing basura. Ang pangit pa. Che!” Nagmartsa pa ito pababa ng hagdan at saktong dadaan ito sa tabi ni Selestina kaya naman idinikit niya ang kamay sa mukha ng dalaga. Matinis na sigaw ang lumabas mula sa bunganga nito. “What did you do?” galit nitong sigaw sa kanya. “Nangyari na, eh, may magagawa ka pa ba?” pang-iinis niya rito saka mas lalo pang dinikitan ang dalaga. Kumapit sa damit nito ang malagkit na syrup kaya laolo itong nagtitili sa inis. Panay naman ang pagtawa habang nanonood si Jordan. “Psh! Napakaarte! Ayan ang napapala mo! Psh! Kulang pa ‘yan, Sel. Sa kanya naman kasi galing ‘yan kaya lagyan mo pa siya sa mukha! Hahaha!” panggagatong pa ni Jordan. “You!” Kaagad na lumayo si Selestina kay Irish. “Grrrr!” “Tss. Hindi ka magkakaganiyan kung hindi mo inumpisahan. Tss. Ang arte!” Pinandilatan niya ang dalaga. “What did you do?” anang boses na hindi pamilyar kay Selestina. “What did you do?” Gulat na napalingon si Selestina sa nagsalita. Si Third. Kunot na kunot ang noo nito at galit na galit ito sa kanya. Kaagad naman na lumapit sa binata ang dalagang si Jordan. “Babe, dinikitan niya ako! Ang lagkit ko na,” umiiyak na sumbong ni Irish sa binata. Babe? “Eh? Anong babe? Magjowa na ulit kayo?” nagugulat pang tanong ni Jordan sa dalawa. Hindi naman makapagsalita si Selestina. Pagkatapos sumunod sa kanya ng binata sa pamamahay niya ay ito ang malalaman niya? Tss. Para silang mga bata. Laro-laro lang. “What did you do that?” seryosong tanong ng binata kay Selestina. “Hoy! Iyang kabit mo ang nag-umpisa! Huwag kang engot. Tss. Nasisira ang araw ko dahil sa mga katulad ninyong walang utak.” Bumuntonghininga siya at tiningnan ang kabuuan. “Don’t you dare touch my girlfriend again. You hear me?” banta ng binata sa kanya. “Bantayan mo ‘yang girlfriend mo. Dahil sa oras na makita ko ‘yang pagala-gala, hindi lang ‘yan ang aabutin niya. Tara na!” Inis niyang tinawag ang kaibigan. “Kainis! Nanlalagkit ako, letche!” reklamo niya. “Paano ‘yan? Wala akong panyo! Maghugas ka muna sa may fountain o kaya sa comfort room. Samahan kita,” presinta ni Jordan. Kaagad na tumango si Selestina. “Sige at mukhang nag-iinit lalo ang ulo ko. Tss.” Nagmamadali silang naghanap ng bakantang banyo sa first floor ng building nila. “Nakakaimbyerna talaga ang babaeng iyon! Nakakainis!” singhal niya habang ibinababa ang bag niyang natapunan ng syrup. “Grrr! Ano ba naman ‘to,” reklamo niya pa. “Hindi naman magkandaugaga ang kaibigan sa pagkuha ng tissue para tulungan siyang magpunas. Dumikit ito sa kanyang damit at pati na rin sa kanyang balat. “Ang init sa pakiramdam. Sobrang lagkit! Lalanggamin ako nito, eh,” nakanguso niyang reklamo. “Ano ba kasi ang nakain ng babaeng ‘yon? Hay, naku! Hindi ko siya maintindihan. Nagpapapansin lang talaga ’yon. Alam niya sigurong dadaan ‘yong Third na ‘yo kaya gumawa na naman ng eksena? Alam mo ‘yon, gawain ng papansin. Psh! Maka-eksena lang, ah,” sunod-sunod na wika ng dalaga. Lalong napangiwi si Sel. “Ewan ko ba roon? Akala ko nga tatahimik na ang buhay ko tapos bigla na naman siyang susulpot. Ano ‘yon, nagoahinga pang siya saglit? Kainis siya, ha! Diyos ko! Gusto ko siyang kuyugin, eh! Naiinis talaga ako!” buntonghininga niyang singhal. “Hay, ewan ko ba sa babaeng ‘yan. Bakit ba hindi na lang siya magtino? Psh! Di ba? Para siyang may saltek sa ginagawa niya, eh. Hindi nakakatuwa.” Nang medyo nawala na ang syrup ay huminga siya ng malalim. Malagkit pa rin sa pakiramdam niya pero kahit papaano ay hindi na ito didikit sa upuan ng sasakyan ni Jordan. “Salamat,” seryoso niyang sabi. “Sus! Wala ‘yon! Gusto ko ngang patulan siya kanina kaso baka tayo naman ang mapasama at sabihin pa na binubulky natin siya. Siya naman ang nauna.” “Alam ko, pero kasi stock holder ang parents niya kaya hindi tayo makaganti,” ani Selestina. “Kaya nga. Maganda sana, pangit naman ang ugali. Waley rin, Psh!” komento ng kaibigan. “Oh, ayan. Puwede na ‘yan. Maligo ka na lang kaagad pagdating natin.” Sabay silang bumaba at naglakad papunta sa parking lot. Nadatnan nila sina Irish at Third na mukhang nag-aaway kaya naman palihim silang nanood. Hindi sila napansin ng dalawa dahil sa tindi ng sugatan ng mga ito. Hanggang sa bigla na lang sumakay ng sasakyan si Third at iniwan si Irish na tulala at halatang galit na galit. “Tss.” Napalingon ito sa gawi nila. “What now, losers?” nanghahamon nitong tanong. “Wow! Nagsasalita pala ang langaw rito, no?” tanong ni Jordan habang kunyaring nagtatakip ng ilong at kunyari ring winawagayway ang kamay na animo ay nagtataboy ng langaw. “What?” “Ang sabi ko, maganda ka na sana, kaso bingi! Psh!” Kaagad na binuksan ng dalaga ang sasakyan saka pumasok sa loob. Tatawa-tawa namang sumunod si Selestina sa kaibigan. Tiningnan pa muna niya si Irish na masama ang tingin sa kanya. Selestina raised her middle finger at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD