Chapter 22

1149 Words
Chapter 22 “Magandang umaga sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa!” Nagising sa malakas na sigaw si Selestina kinaumagahan. Inaantok siyang bumangon at tiningnan ang oras sa maliit niyang orasan na nasa maliit na night stand. Pasado ala-sais na at hindi pa siya nakagayak. Nagmamadali siyang kumuha ng tuwalya at kumaripas palabas ng kwarto. Tumakbo papasok sa banyo at kaagad na naligo. Bihis na siya nang tawagin si ni Jordan para mag-agahan. Dala na niya ang kanyang gamit pagbaba para hindi na siya aakyat ulit. “Good morning,” bati niya rito. “Giod morning. Ipinagtimpla na kita ng kape,” nakangiti nitong anunsyo habang paupo siya sa hapag. Inilapag ng dalaga ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan. “Salamat. Nag-abala ka pa,” nahihiya niyang sabi. Mukha siyang prinsesa dahil sa ginagawa nito sa kanya. Hindi siya sanay sa ganoon. Umitko lang ang mga mata nito. “Sus! Para timpla lang ng kape. Don’t worry. May lason naman ‘yan.” Kaagad niyang naibaba ang tasa nang akmang hihigop siya rito. “Loko ka, ah.” Tumawa si Jordan. “Ito naman. Joke lang ‘yon. Tsk! Bakit ko naman gagawin ‘yon? Kung mamamatay tao ako ay baka matagal ko ng nilason ang kapatid ko,” katwiran ng dalaga. “Tss,” napapailing na wika ni Selestina bago kumain. Binilisan namin ang pagkain dahil male-late na kaming pareho sa klase. Dahil may kayamanan si Jordan, sabay na rin ang dalawa sa pagpasok. Habang nasa biyahe ay panay ang pagkuwento nito sa kanya tungkol sa mga pangyayari sa buhay nito. May kabuluhan man o wala. Nakinig na lang din siya dahil ang iba ay interestante para sa kanya. Sabay silang pumasok at habang nasa klase ay panay ang lingon ni Selestina sa labas. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya. Siniko siya ni Jordan. “Hoy, ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansing palingon-lingon ka sa labas,” komento nito habang kunot ang noo sa kanya. Nagkibit-balikat siya. “Wala. May tinitingnan lang ako.” Sumilip ang dalaga sa labas. “Alin diyan? Yung pader? Wala ka namang makikita riyan, ah.” “Basta.” Tapos na ang klase at pareho silang nagutom kaya naisipan nilang bumaba para bumili ng snacks. “Ang hirap ng quiz natin. Tsk! Feeling ko bagsak ako, eh,” ani Jordan habang hindi mapakali. “Hindi ‘yon,” sagot ni Selestina. Talagang namomroblema ang kaibigan dahil hindi ito nakapagbasa sa libro nila kagabi. Nakatulog daw kasi ito kaagad at hindi naman nila alam na magko-quiz sila. “Talaga?” hindi naniniwala nitong tanong. “Mmm.” “Really?” “Oo nga! Magtiwala ka lang.” “Psh! Ewan ko lang.” “Hay, naku! Edi, huwag.” “Uy, ito naman!” nandidilat nitong sambit. “Kino-comfort ka na nga, kontra ka pa ng kontra. Paano gagaan ang pakiramdam mo niyan? Tss,” naiinis na wika ni Sel. Tumawa ito. “Napakaseryoso mo naman diyan. Bilib din naman ako sa talino mo, eh. Walang makakapintas.” “Talaga.” “Wow! Ang yabang, ah.” “Anak ng…” Hindi makapaniwala niya itong tiningnan. “Napakakontrabida mo ngayon, ah,” nakangiwi niyang sabi. “Bumabawi lang, no! Pinagtulungan n’yo ako kahapon. Psh!” “Tss.” Hindi mawala sa isip ni Selestina na may kapatid si Jordan na magandang lalaki. As in, magandang-maganda. Napagkakamalan niya nga itong bading dahil mukha nga itong babae. Makinis ang balat na parang hindi naarawan. Maputi, matangos ang ilong, matangkad, gwapo—este—maganda. “Alam mo, hindi kayo magkamukha noong kapatid mo,” komento ni Selestina habang papasok sila sa canteen. “Psh! Paano kami magiging magkamukha? Magkaiba kami ng nanay,” nakangiwi niyang kuwento. Gulat niya itong tiningnan. “Talaga? Edi, saan ka pala nagmana?” usisa niyang tanong. “Sa tatay namin. Kaya nga mukha pa akong lalaki kaysa sa kanya, eh.” Tinitigan niya ang mukha ng kaibigan at napagtanto niyang tama ito. “Pero maganda ka naman, ah,” hindi niya napigilang isatinig. Taas-kilay itong tumingin sa kanya. “Aba! Natural lang dahil magandang lalaki ang tatay namin! Hindi ko naman sinabing pangit ang tatay ko, no.” Natawa siyabg bigla. “Hindi ko kasi nakikita na mukh kang lalaki, eh. Hindi ko ma-imagine.” “Psh! Tingnan mo nga ang mukha ni Jude, pambabae. Mukha talaga siyang babae.” Natawa siya ulit dahil tama ang sinabi nito. Pumila sila at naghanap ng mauupuan habang dala ang kanilang pagkain. “Mabuti naman at hindi ka napapagkamalang lalaki?” “Psh! Kaya nga ayaw kong kasama siya dahil ganoon parati ang nangyayari. Iwas ako ng iwas, siya naman itong lapit ng lapit.” “Mahal ka lang talaga ng kapatid mo.” “Ew! Kadiri! Huwag mong sabihin ‘yan sa harap ko. Psh!” “Bakit ba? Ang dami kong inaarte, minamahal ka na nga?” “Well, hindi ko kailangan ng pagmamahal. Hindi kami bati ng mother niya kaya naiinis din ako sa kanya dahil dikit siya ng dikit sa akin,” naiinis niyang sabi. “Ah, ganoon ba? Sorry. Akala ko kasi—” Umiling ito. “Don’t worry about it. Ano ka ba? Kumain na nga tayo.” Patuloy sila sa pagkain at doon lang niya narinig ang bulung-bulungan sa paligid. “Alam n’yo bang may asawa na ‘yang si Jordan?” “Where?” “That girl over there?” “Saan?” “Yung babaeng kasama ng newbie. Girl, she’s a repeater also. Kaklase namin siya. Nakita lang din siya ng friend ko na may kasamang lalaki at mukhang nag-aaway pa ang dalawa.” “Really? I can’t believe it!” “Right? Ang bata pa natin, girl.” “Ganoon talaga kapag malandi.” Napabuntonghininga na lamang si Selestina dahil sa mga naririnig. Napansin niyang napayuko ang kasama at hindi na nito nagawang kainin ang pagkaing in-order. Kaagad na tumayo si Selestina at humarap sa mga nagchi-chismisan. “Alam n’yo, nakakasira kayo ng mood. Ang ganda na ng araw namin, sisirain n’yo lang dahil sa chismis? Tss.” May iilang nakarinig sa bangayan kaya marami rin ang nakiusyuso. “Girl, hindi namin kasalanan kung malandi ‘yang kasama mo, okay?” “Malandi na palaga ang pag-aasawa ng maaga?” palaban na tanong ni Selestina. “Of course!” “Ah, so, malandi rin pala ang mama mo?” palaban na tanong ni Selestina. Napansin niya ang pagtaas ng kilay ng kaharap. “W-What do you mean?” “Maagang nag-asawa ang mama mo,” ani Selestina. “W-What?” “Maagang nag-asawa ang mama mo.” Umugong ang tawanan sa paligid. “What the h*ll!” Kaagad na tumayo si Jordan at sinaway siya nito. “Sel, tama na ‘yan. Huwag mo ng patulan at sanay na ako sa ganiyan,” pagbibigay alam nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD