Chapter 16
“Oh my God!” impit na bulalas ni Selestina.
Nanginginig na kinuha niya ang isang litrato. Dalawang batang babae ang magkatabi sa isang kulay kremang sofa. Pareho ang suot na damit at sapatos. Ganoon din ang palamuti sa buhok at tainga. Parehong nakatingin sa camera ang dalawang bata at nakangiti. Nabitawan niya ito at nahulog sa sahig.
Kaagad na bumalot ang pagtataka sa kanyang katawan. “Sino siya?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Bakit kamukha ko siya?” Nanginginig man, pinilit niya ang sariling pulutin ang nahulog na litrato. Halos malukot ito dahil hindi niya ito magawang hawakan. She flipped it around. May nakasulat sa likod nito.
Celestine Lim, Selestina Lim.
Born: August 1 1998
Napasinghap siya. Parang hinugot ang kanyang hininga. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Kaagad na gumapang ang tensyon sa kanyang katawan. Nanghihina siyang napasandal sa pader.
“Oh my God!” Napahilamos siya sa sariling mukha gamit ang kanyang mga kamay. Nanginginig siya lalo na at naalala niya kung paano siya tratuhin ng iilang kakilala ni Celestine.
“Hindi ito totoo,” aniya habang pilit na iniintindi ang mga nalaman. “Hindi ako makapaniwala na tama nga sila,” dagdag pa niyang sabi.
Huminga siya nang malalim. Kinakapos siya ng hininga dahil sa pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa impormasyong nalaman. Ibinaling niya ang paningin sa ibang laman ng box.
May hospital name tags ang naroon. Dalawa. Baby Girl Lim twin 1 at Baby Girl Lim twin 2. May ilan pang litrato ang naroon. Isang babae na nakahiga sa hospital bed at nakasuot ng hospital gown habang hawak ang dalawang sanggol. Nakangiti ito sa camera.
Maganda ang ginang. May hawig ito sa pagmumukha ni Selestina. Napantanto niyang ito ang kanyang tunay na ina. Kumunot ang kanyang noo.
Sino pala ang Mama Cynthia niya? Bakit nasa puder siya nito? Ano ang kinalaman nito sa pamilya Lim? Bakit hindi niya nakasama ang tunay niyang mga magulang?
Ang daming tanong na pumasok sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Biglang sumibol ang galit sa kanyang puso.
Binigay ba siya ng mga ito dahil siya kailangan ng pamilya? Ayaw ba nila sa kanya dahil iisang anak na babae lang ang gusto ng mga ito?
Matunog siyang tumawa hanggang sa napahalakhak at napahagulgol. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak gayong wala naman siyang maalala sa nakaraan. Ang alam niya ay isa siyang Alturas. Anak ng simpleng babae na nakatira sa tahimik na lugar. Simple lang din ang buhay nila. May maliit silang puwesto sa palengke sa maliit na munisipyo.
Hindi niya aakalaing may itinatago pala ang kanyang inang si Cynthia tungkol sa tunay niyang pagkatao.
Inayos niya ang mga litrato at ibinalik ito sa loob ng box. Itinago niya ang box sa loob ng kanyang lagayan ng damit at nilagay ito sa pinakailalim upang walang makakita kung sakali mang may bumukas sa kanyang parte ng cabinet.
Ngayong may nalaman siya tungkol sa kanyang tunay na pagkakakilanlan, nararapat lamang na mag-imbestiga siya tungkol sa mga taong sangkot sa kanyang nakaraan.
Napalundag siya nang may marinig na tatlong katok sa kanilang pinto. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili. Hindi pa siya nakakaligo. Sinipat niya ang sarili sa salamin binuksan nang marahan ang pinto at sumilip sa labas. Namataan niya ang binatang si River. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya upang batiin ito. “Good morning,” aniya. Pansin sa kanyang boses ang panginginig. “Bakit? Ano ang kailangan mo?” tanong ni Sel sa binata.
“Are you free?” seryoso nitong tanong.
Nagtaka si Selestina dahil hindi man lang ngumiti ang binata. Mukhang may iniisip ito at problema. “Bakit?” tanong ni Sel. “May lakad ka ba?” dagdag niyang tanong.
“It’s sunday. Yayain sana kitang mag-mall,” usal ng binata. “That’s if you want to go outside.”
“Bakit?”
“Why?”
“Well, wala lang pero bakit ang bilis naman yata ng transition natin? Paano kung may makakita sa atin?” namomroblema na tanong ni Selestina.
Napangiwi sa kanyang isipan si River. Natatakot ang dalaga na makita ito kasama siya habang lantaran itong nakipag-usap kay Third kanina lang. Nasa kalsada pa sila. Napabuntonghininga na lamang siya. Alam naman niyang wala siyang karapatan sa dalaga lalo pa at hindi naman niya ito kaano-ano. Hindi nga siya nito matawag na kaibigan.
Yumuko ang binata sa harap ni Sel sabay kamot sa ulo. “Masyado ba akong mabilis?” Bumuntonghininga ang binata sabay ngiti. “Sorry if I scared you being this way. Sa susunod na lang,” anang River at saka naglakad palayo.
Tatawagin sana ito ni Selestina ngunit hindi na niya nagawa. Masyadong malalaki ang hakbang ng binata dahil matangkad ito kaya hindi na niya ito nahabol.
Wala naman din siyang planong lumabas. Wala siya sa mood lalo na sa mga nalaman. Parang hindi pa niya kayang magpakita sa mga taong may koneksyon sa kanya. Paano na lang kung makita niya anh totoo niyang ina? Ano ang sasabihin niya rito kung sakali mang makilala siya nito?
Napabuntonghininga si Sel pagkatapos isara ang pinto. Tinatamad siyang maligo. Tinatamad siyang mag-ayos. Tinatamad siyang kumain. Parang nawalan siya ng lakas. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang litrato. Kung paanong isa siyang Lim at hindi niya alam kung bakit siya pinamigay ng mga ito.
Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at may load pa siya. She install Instagr@m. Tinipa niya sa social media ang pangalan ng kanyang kambal at may lumabas na mga litrato roon. May iilang kasama si River pero kadalasan, si Third ang kasama ng dalaga.
She kees scrolling hanggang sa dumating siya sa pinakahuli. A group picture na ikinagulat niya. Magkatabi si Celestine, Irish, Third, at River. Mas nagtaka siya sa caption. “Best friends for life,” basa niya sa itaas ng litrato.
Nagsalubong ang kanyang kilay. “Best friend? Bakit hindi na nagsasama ang tatlo after mong mawala?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. May iilang comments kaya binasa niya ito. Something caught her attention.
Snake friend. Sulutera. Mang-aagaw. Búlly.
Lalong kumunot ang kanyang noo. “Sino sa kanilang tatlo ang snake friend? Sino ang sumira sa maganda nilang samahan?”
Ibinaba niya ang cellphone. Biglang sumakit ang kanyang ulo dahil sa mga nabasa. Dumagdag pa itong nalaman niya na magkakaibigan pala ang tatlo. Ipinagtaka niyang hindi niya nakitang nagsama si Third at River. Mukhang may alitan na namagitan sa dalawa. Hindi rin pinapansin ng mga ito si Irish.
Kahit pagod at tinatamad, pinili niyang tawagan ang ina. Lumundag ang kanyang puso ng sumagot ito. “Ma!” bulalas niya dahil sa pagkasabik na marinig ang boses nito.
“Oh, Sel! Bakit? May nangyari ba sa ‘yo? Pupunta ba ako riyan?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
Mahina siyang tumawa. “Mama naman. Ayos lang po ako. Gusto ko lang po marinig ang boses ninyo,” aniya. Kahit papaano ay naibsan ang kaba sa kanyang dibdib.
Hindi niya magawang tanungin ang ina tungkol sa kanyang pagkatao dahil pakiramdam niya ay iiwas lamang ito kaya hinayaan na lamang niya ito. Siya na lang ang tutuklas tungkol sa kanyang pagkatao.
“Saan ka po nanggaling? Hindi po kayo nadatnan sa bahay kahapon. Bumalik na lang ako rito,” aniya kahit ang totoo ay natulog pa naman siya roon.
“Ha? Talaga ba? Naku! Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko. May birthday sa kanila. Doon na rin ako natulog dahil nakainom ako ng kaunti. Kaunti lang naman.”
Ramdam niyang nagsisinungaling ito sa kanya. Palaging ganito ang rason ng kanyang ina noon pa man. Hindi na siya umimik. Nag-usal lang sila ng ilang minuto at nagpaalam na siya.
Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama. Pinagmasdan niya ang kanyang cellphone at inalala ang mukha ng kanyang kapatid. Nakangiti ito at inosenti na tingnan. Iyon lang ang pinagkaiba nila. Seryoso siya, minsan lang tumawa. Pili lang din ang mga taong nakakakita ng totoo niyang personalidad.
Nasanay kasi siya na tahimik at seryoso palagi kaya ang palaging sinasabi sa kanya kapag may bagong kakilala ay ganito: “Friendly ka pala no? Iyang facial expressions mo lang talaga ang hindi. Kapag hindi ka nakangiti ay nakakatakot kang lapitan. Kapag naman nakilala ka ng lubusan ay saka pa lang malalaman at lalabas ang totoo mong personalidad. Parang facade mo lang iyang pagiging strict ng face mo.”
It helped her a lot. Ayaw niya rin kasi na kung sino-sino lang ang kaibigan niya. Mas nakapukos siya sa pag-aaral kaya nakakalimutan niyang maging palakaibigan. Siguro ito ang kaibahan nila ng kambal. Mukhang friendly ang mukha nito at ganoon na rin ang personalidad kaya siguro madali lang itong utuin. Hindi siya. Kahit nga si Jordan ay ramdam niyang tatraydor ito sa kanya kapag nagkataon. Hinayaan na lang niya itong madikit sa kanya dahil para itong linta kung kumapit.
Nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama. Hindi alam kung ano ang unang gagawin.
“Grrr!” inis niyang singhal. “Ang dami ko ng problema, dumagdag pa talaga ang mga ito,” naiinis niyang dagdag.
Napahilamos siya. “Ano na ang gagawin ko?”