Chapter 15

1982 Words
Chapter 15 “Aray ko! Bitiwan mo ako!” sambit ni Selestina pagkatapos siyang ikulong ng binata sa mga bisig nito bilang depensa. Ganoon na lang din kabilis siyang binitawan ng binata pagkatapos nitong marinig ang kanyang sigaw dahil sa sakit. Nagugulat na lumayo si Selestina sa binata at pinanliitan ito ng mga mata. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong hilahin siya at ikulong sa mga bisig nito. Nagtataka si Third dahil sa nangyari. Hindi niya alam na ganoon ang ginawa niya kay Selestina. Nakaidlip siya pagkatapos ipikit ang mga mata at hindi niya inakala na lalapit sa kanya ang dalaga. Inisip niyang may nagtakang manakit sa kanya kaya ganoon na lang kabilis ang kanyang kilos upang depensahan ang sarili. “Bakit ako nandito?” tanong ni Third. Inilibot ng binata ang paningin sa paligid. Pinandilatan siya ni Selestina. “Bakit ba ako ang tinatanong mo ng ganiyan? Ikaw ang humiga riyan sa sofa namin tapos tatanungin mo ako kung bakit ka nandito? Aba! Ang tindi naman yata ng topak ko? Malay ko ba sa ‘yo? Alangan namang binuhat kita pauwi?” sunod-sunod na sabi ni Sel. Lalo niya pang pinanlakihan ng mata ang binata. “Bakit ka nga ba nandito? Sinundan mo ba ako? My goodness! Ano ba ang nakain mo at nandito ka na sa harap ko?” naiinis niyang tanong. Nakalimutan niyang darating anumang oras ang kanyang ina dahil sa inis sa binata. Sumandal si Third sa sofa at nag-isip. Sumulyap siya sa mukha ng dalaga ngunit mabilis din siyang nag-iwas ng tingin dahil sa nanlilisik ang mga mata nito. “Sorry. I stalked you. Gusto ko lang malaman kung saan ka nakatira,” malumanay niyang paliwanag. Napangiwi si Selestina. “Tss! Talaga ba? Puwede ka namang magtanong bakit susunod-sunod ka pa? Para kang may sayad dahil sa ginawa mo. Paano na lang kung nandito sa Mama?” Lalong nanlaki ang mga mata ni Selestina ng mapagtanto ang kanyang sinabi. Mabilis siyang napatakip sa kanyang bibig. Kaagad niyang hinila ang binata papasok sa kanilang bahay. Gulat namang sumunod ang binata. “Sa kwarto tayo,” wala sa sariling usal ni Selestina habang hila-hila sa braso si Third. Saka pa lamang niya napantanto ang ginawa matapos umupo ang binata sa kanyang kama. Biglang nag-init ang kanyang pisngi. “Well, whatever! Dito ka lang.” Kaagad siyang lumabas ng kwarto at maingat na isinara ang pinto sa kanyang likuran. Lumabas siya ng bahay at tiningnan kung may naiwang ebidensya ang binata. Mabuti na lang at suot pa rin nito ang sapatos. Ni-lock niya ang pinto at hinayaang nakabukas ang tv para kahit papaano ay mawala ang katahimikan sa bahay. Bumalik siya sa kwarto at pinagmasdan ang binatang nakatayo habang nakatingin sa isang litrato na nakasabit sa dingding. Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Bakit ka nga ba nandito?” tanong niya. Kaagad itong lumingon sa kanya. Umiling ito. “Nothing,” seryoso nitong tanong. Bumuntonghininga si Sel. “Ano? Paano na ‘yan? Saan ka matutulog? Walang hotel dito o kaya motel.” “Sa labas,” diretsong sagot ni Third. “I can sleep anywhere,” mayabang pa niyang sabi kahit ang totoo ay hindi siya makatulog kapag walang aircon. Kaagad niyang tinampal ang leeg. Kinagat siya ng lamok. “Ang daming lamok dito,” reklamo niya pa. “Puwede kang umuwi kung gusto mo,” suhestiyon ni Selestina at inayos ang kanyang higaan. Inaantok na rin siya at wala siyang planong tulungan ang binata na maghanap ng matutulugan. Lumabas siya at pinatay ang tv bago naghilamos at nagsipilyo sa banyo. Kaagad siyang humiga sa kanyang kama pagbalik niya sa kanyang silid. Nandoon pa rin ang binata nakatayo at tahimik na nag-iisip. Mukhang nagsisi na itong sundan siya dahil wala naman itong mapapala sa kanya. At hindi sila close! Ang kapal naman ng mukha nitong magpakita sa kanya pagkatapos nitong isipin na isa siyang impostor at pagsabihan ng kung ano-anong masasakit na salita. Magsama sila ni Irish. Pareho silang may sira sa utak. Sinuot niya ang pantakip sa kanyang mga mata. Pinakinggan niya ang paligid. Gumalaw siya at sumilip mula sa takip ng kanyang mga mata at nakita niyang nakatayo ang binata habang nakasandal sa kanyang pinto. Bumangon si Selestina at tinitigan ang binata. Nakapikit ang mga mata nito at nakayuko ang ulo. Banayad din ang paghinga nito na animo'y talagang natutulog na. “Hoy,” mahinang tawag ni Selestina sa binata ngunit hindi ito natinag sa kinatatayuan. “Hoy.” Walang reaksyon. “Hoy!” mahinang sambit niya sabay bato ng unan dito. Nagugulat itong tumingin sa kanya. “Why?” napapalunok nitong tanong. “Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba talaga uuwi sa inyo?” Umiling ito. “It’s dark outside. Wala na akong masakyan,” rason nito sabay buntonghininga. “Ha? Nag-commute ka? Ang tapang mo naman? Wala ka bang sasakyan?” sunod-sunod na tanong ni Selestina. “I have, but I choose not to drive. May tracker ‘yon and I don’t want my parents to know my whereabouts,” paliwanag ni Third. Masyado kasing maraming bawal ang ina niya kaya ayaw niyang malaman nito na umalis siya. Mas lalong hindi nito magugustuhan kapag nalaman nitong may sinundan siyang babae. “Tss. So, tatayo ka lang ba riyan? Hindi ka man lang nag-isip nang maayos bago ka naglayas,” sermon ni Sel. “Hindi ako naglayas.” “Anong tawag diyan sa ginawa mo? Tour? Tuleg ka talaga,” nakangiwi niyang sabi. Tumayo siya at kinuha ang isang bedsheet at nilapag ito sa sahig. Kumuha rin siya ng kumot at unan. Iminuwestra niyang mahiga na ang binata. “Ngayon lang magiging maayos ang trato ko sa ‘yo dahil nandito ka sa pamamahay ko. Worst, wala pa si Mama at malalagot ako kapag nalaman niyang may pinatuloy akong lalaki na hindi ko naman kaano-ano at pinatulog ko pa sa kwarto ko.” Hindi na nagreklamo si Third at bukal sa loob siyang nahiga sa higaang inayos ng dalaga para sa kanya. Masakit sa katawan, masyadong manipis, at mainit. Hindi siya komportable ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Marahan siyang huminga nang malalim. Kung hindi lang sana siya umalis at sumunod, sigurado siyang wala siya sa ganitong sitwasyon ngayon. Maraming tanong ang pumasok sa isip ni Third. Sakto lang ang bahay ng dalaga. Wala masyadong palamuti maliban sa iilang awards at medals na nakasabit sa itaas ng pintuan ng kwarto ng dalaga. May ilang nakasabit sa pader kasama ang mga picture frame ng dalaga. Puno ng halaman ang paligid at tahimik ang paligid. Nagtataka siya kung bakit wala pa ang ina ng dalaga gayong gabi na. Hindi niya ito matanong dahil naririnig niya ang marahan nitong hilik senyales na tulog na ang dalaga. Pinilit niya ang sariling matulog kahit hindi siya komportable sa kanyang higaan. Nagising sa marahang tapik sa pisngi si Third kinabukasan. Nakaayos na ang dalaga at mukhang handa na itong umalis. “Babalik na ako sa siyudad. Ginawa kita ng sandwich at kape. Bilisan mo na riyan at ayaw kong maabutan tayo ni Mama rito.” Kaagad na bumangon si Third at akmang liligpitin ang kanyang higaan nang pigilan siya ng dalaga. “Ako na. Punta ka na lang sa kusina at kumain. Aalis kaagad tayo.” Kaagad namang sumunod sa sabi ni Selestina si Third. Inayos niya ang higaan ng binata at kinuha sa ilalim ng kama ang nakatagong box mula sa attic. Pinasok niya ito sa kanyang backpack at isinara itong mabuti. Ilang minuto lang ay nasa daan na sila. Pumara siya ng traysikel at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Akala niya ay tatabi sa kanya ang binata ngunit umupo ito malayo sa kanya. Hinayaan niya lang dahil hindi naman sila malapit sa isa't isa. Ngunit napansin niya ang pagdikit ng ilang kababaihan sa binata. Pinagmasdan niya ang reaksyon nito. Kunot ang noo at salubong ang kilay. Gusto niyang matawa sa kanyang nakita. Hinayaan niya lang ito. Magdusa kang bading ka! Ayan! Ang daming arte sa katawan tapos nakuha pang mag-commute. Napapansin niya ang hagikgikan ng ilang kababaihan sa harap ng binata at alam niyang ito ang pinag-uusapan. Nagkibit-balikat siya. Wala siyang pakialam. Narinig niya ang pagbuntonghininga ng binata sa kanilang pagbaba. “Oh? Bakit nakasimangot ka na riyan?” natatawa niyang tanong. Gusto niyang nakitang naiinis ito at hindi komportable. “Nababading ka ba?” pang-iinis pa ni Sel sa binata. Nanlaki ang mga mata ng binata. “What?” tanong ni Third. “What are you talking about?” Ngumisi si Sel. “Napansin ko kasing hindi ka komportable sa mga katabi mo. Gusto mo bang lalaki ang katabi mo? Diba, bading ka?” “What? Are you cr@zy?” gulat na tanong ng binata. “Tsk! You’re unbelievable!” paasik nitong sabi. “Unbelievable rin naman ‘yong mga reaksyon mo kanina.” “God! Naiipit ang itlog ko, okay? Sino ba ang matutuwa sa ganoon?” Kaagad siyang natigilan dahil sa sinabi ng binata. “Ha?” Gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa dahil ramdam niyang nasaktan ito. “Ayan kasi. Magmaneho ng ka ng sarili mong sasakyan ng sa ganoon ay hindi maipit iyang itlog mo, okay.” “Tsk.” “Mauna na ako sa ‘yo at may gagawin pa ako. Huwag ka ng sumunod dahil ayaw ko sa mukha mo,” malumanay na wika ni Sel sabay lakad paalis. Lalakarin niya lang ang ilang dipang layo papunta sa kanyang dorm. dahil malapit lang naman ito sa babaan ng jeep. “Ha? Wait!” Tumakbo palapit sa kanya si Third. “Where are you going?” Hindi makapaniwalang nilingon niya ang binata. “Ano ba? Uuwi na ako. Saan ba dapat ako pupunta?” inis niyang tanong. “Umuwi ka na rin. Ang baho ng hininga mo.” “Hey.” “Huwag mo akong ma-hey-hey riyan. Hindi ka pa naghihilamos. Ang oily ng mukha mo. Hindi ka pa naliligo. Ang sticky ng buhok mo. Kaya umuwi ka na muna,” pagtataboy niya rito. Napansin niya ang pagbagsak ng mga balikat ng binata. Inilabas nito ang selpon at may tinawagan. “Hey, pick me up.” Ganoon lang at ibinaba na nito ang tawag. Taas-kilay niya ito tiningnan. “Sino ‘yon?” usisa ni Sel. “Why do you ask?” Inirapan niya ang binata. “Nagtatanong lang ako, bading.” Napansin niyang parang umusok ang ilong nito dahil sa inis. “Sus! Ang daming arte sa katawan. Diyan ka na nga! Dumugin ka sana ng mga babae,” aniya sabay alis. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng binata. Ihing-ihi na siya at may kaunting distansya pa mula sa kanyang dorm. Malalaki at mabibilis ang hakbang na kanyang ginawa. Tinakbo niya ang hakdan pagkatapos niyang makapasok sa loob at halos hingalin siya pagdating sa second floor. Kaagad siyang pumasok sa banyo. Naghintay pa muna siya ng ilang minuto bago lumabas dahil bigla na lang siyang kinabahan. Hawak pa rin niya ang bag na may lamang maliit na box. Plano niyang buksan ito ngunit iniwasan na muna niya dahil natatakot siya sa nalaman. Inisip niya lang na sana walang nakakita sa maikling pag-uusap nila ni Third. Ang akala ni Selestina ay walang nakakita sa pag-uusap nila ni Third. Nagkakamali siya. Nasa rooftop ng dormitory si River habang nagtatakang nakatingin sa dalawa. Nagtataka si River dahil hindi naman ganoon kalapit ang dalawa sa isa't isa pero parang nagkakamali siya. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa ng hindi niya alam. Lumabas si Selestina ng banyo at pumasok sa kanyang silid. Hindi pa nakakabalik ang kanyang mga kasama kaya may panahon siyang tingnan kung ano ang laman ng box. Isinarado niya nang maigi ang pinto at siniguradong naka-lock ito. Nagbihis muna siya ng pambahay saka hinarap ang maliit na box na nasa kama. Tumikhim siya sabay hawak dito. Sinipat muna niya ang box. Luma at maalikabok. Nilagay niya ito sa sahig at doon dahan-dahan na binuksan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD