Chapter 9
“Holy sh*t!” Sabay nilang sigaw ng kaharap nang mapagbuksan siya nito ng pinto. “Sel? My goodness! Akala ko kung sino. Ihing-ihi na ako tapos ikaw itong makakaharap ko sa dilim!” pabulong nitong sambit.
“Pasensya ka na. Pati ako nagulat dahil sa ‘yo. Sige at matutulog na ako.”
Tumango lang ito at lumabas na ng kuwarto. Hindi pa man nakapasok ng banyo ang dalaga ay nahagip ng sariling paningin ang pigurang pababa ng hagdan papunta sa first floor. Nagtatakang nilingon ng dalaga ang kapapasok lamang na si Selestina at napangiti.
Sapo ni Selestina ang sariling sentido pagkagising. Napaungol siya nang maramdamang medyo kumikirot ito. Kulang siya sa tulog. Dahil sa puyat, pagod na pagod siyang bumangon at gumayak. Puro mukha ni River ang malayang nagpalutang-lutang sa kanyang isipan buong magdamag.
“Ano ba naman ‘to, oo,” naiinis niyang wika habang tinutupi ang kumot.
Ngumiti nang mala-demonyo ang kanyang kasama. “Why?” tanong nito habang pinapanood siya sa ginagawa.
Nagugulat niya itong nilingon. “Bakit?” nagtataka niyang tanong pabalik dito.
Ngumisi ito at biglang nangisay habang tumatawa. Taranta niya itong nilapitan. “Hoy! Ano ang nangyayari sa ‘yo? Hoy!”
Huminto ito at parang tanga na ngumisi. “Akala mo ba wala akong alam? Hmp! Hehehe! May ka-meet up ka kagabi.”
Natigilan siya at nagtatakang tiningnan ang kasama. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Meet up?”
Dinuro nito ang kanyang noo. “Hoy, babae! Nakita ko kagabi ang ka-meetup mo. Sabay kayo bumaba galing roof top, ano?”
Napalunok si Selestina dahil sa narinig. Itinikom niya ang sariling bibig. Hindi niya alam kung paanong napansin pa ito ng kasama. “H-Huh? Hindi ko alam iyang sinasabi mo,” maang-maangan niyang wika sabay iwas ng tingin dito.
“Hahaha!” tawa nito nang malakas. Impit pa itong tumili. “Hehehe! I’m sure I know that guy! I’m sure of it! What did you two do up there, ha? Did you kiss?”
Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa mga pinagsasabi ng kausap. Hiyang-hiya siya. “Hoy! Assuming mo naman! Tumigil ka nga!” angil niya lalo na at baka may makarinig sa mga pinagsasabi nito at magkaroon pa siya ng isyu.
Marami na siyang problema at ayaw na niyang dagdagan pa ito lalo na at mukhang sikat ang binata.
Umiling ito at mukhang walang planong tigilan siya. “Hmp! Huwag ka ng magsinungaling. Saka, nagkasalubong tayo kagabi. Nagmamadali kang pumasok kaya sigurado akong may nangyaring kababalagyan,” mahabang litanya ng kausap.
Napangiwi si Selestina. “Ang dami mong sinasabi. Nababakla ka lang,” aniya na pilit iniiwasan ang tanong nito.
“Weh? In love ka lang,” pang-iinis pa nito.
“H-Huh? Hoy! Ano ba naman iyang kababalaghang lumalabas sa bibig mo?” kinikilabutan niyang tanong. “Saka, hindi ba puwedeng nagkasabay lang? O kaya naman ay aksidente lang na nagkita?”
Namilog ang mata nito. “So, tama nga ako. May kasama ka sa rooftop kagabi? Yieeeh! Kuwapo ba?”
Inirapan niya ito. “Paano kung babae?” nakapamaywang niyang tanong.
“I know a man’s build, Ms. Alturas. Saka matangkad ’yong anino niya. Hooded jacket at nakatingin pa nga siya sa ‘yo, eh. Hinintay niyang makapasok ka bago siya bumaba. Sino ‘yon? Was that River Smith? I know from one of the boys na kalilipat niya kagabi. So? Care to share the blessing?” nanunukso pa nitong tanong sa kanya.
Natahimik siya at kusang bumalik ang ala-alang pilit niyang binalewala. Nag-init ang kanyang pisngi at umangat ang sulok ng kanyang labi.
“Sh*t!” Gulat niyang tinapunan ng tingin ang kaharap nang bigla na lang itong tumalon mula sa pagkakaupo sa sariling kama. “Who got you smiling like that, ha?”
Napalunok siya. “Uhm…”
“Hala! Oy my god! Gusto mo ba siya? May crush ka sa kanya? Well, ano na?” sunod-sunod nitong tanong.
“Ang dami mo namang tanong!” inis niyang reklamo rito. “Mahuli pa ako sa klase dahil sa ’yo.”
“You’re evading the question, Dear. Hindi mo naman maikakaila. And I know he’s famous, and gorgeous. Right?”
Tumawa siya nang mahina. “Oo na. Ayos na? Saka, crush lang naman and my goodness! I still have a lot of troubles kaya hindi puwede. Steady na muna ako ngayon sa pag-aaral at ang daming nanggugulo sa akin.”
Bigla itong nalungkot. “Right. Marami rin akong naririnig tungkol sa ‘yo and they are right. It creeps me, really. But I don’t know her, and I know you. Well, medyo nakilala kita in the short period of time na nagkasama tayo rito and mabait ka. Sana hindi mo hahayaang guluhin nila ang buhay mo. Lumaban ka rin. Huwag kang magpa-api dahil ang nagpapaapi ay pangit .”
“Eh?”
“Anyway, aalis na ako. Mauuna na ako sa ‘yo. Bye!” Sing-bilis ng kidlat itong lumabas ng silid.
“Tss.”
Pagod siyang napahiga sa kama kahit na nakagayak na siya. Parang nawalan siya ng ganang pumasok lalo na nang maalala ang ginawa sa kanya ni Irish. Pinilit na lamang niya ang sariling bumangon. Wala sa sarili siyang bumaba ng hagdan. Napahinto siya nang makitang nakikipagtawanan ang binatang si River sa mga kasamahan nito. Nasa hallway nagtutumpukan ang iilang nakatira sa dorm at nakikipagbiruan si River sa mga ito.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Nagpalinga-linga siya. Naghahanap ang kanyang mga mata kung saan siya puwede magtago. Napalunok siya nang magtagpo ang kanilang paningin. Sumeryoso ito at naglakad papalapit sa kanya. Napahakbang siya paatras ngunit para siyang napako sa kanyang kinatatayuan.
Sinalubong niya ang tingin nito. Saka niya lang napantantong matangkad ito. “A-Ano’ng k-kailangan mo?” utal-utal niyang tanong dito.
Itinabingi ng binata ang sariling ulo saka nanunuksong ngumiti. “Wanna come?”
Napayuko siya. Kinagat niya ang sariling labi. Kunot na kunot ang kanyang noo lalo na at nakatingin sa kanila ang iilang kasama ni River. “Ano’ng ginagawa mo?” nakayuko niyang tanong dito. Pilit niyang itinatago ang sarili lalo na at ang daming nakatingin.
Tumawa ito nang mahina. “Why are you hiding?” natatawa nitong tanong.
Nagsalubong ang kanyang kilay. “May nakatingin, eh. Huwag ka ngang tumawa,” naiinis niyang saway. “Hindi tayo close. Alis.”
Tumawa lang ito lalo. Tawa na para bang tuwang-tuwa itong makitang nahihiya siya at hindi mapakali. “Who is that, dre? New chick?” rinig niyang tanong ng kasama ni River. Naglakad ito palapit sa kanila.
Lalong humalukipkip si Selestina na animo’y kayang takpan ng malaking katawan ni River ang kanyang pagmumukha. Mabilis siyang yumuko at umiwas sa dalawa. Para siyang kidlat na lumabas sa building at nagmamadaling pumara ng tricycle kahit na wala siyang planong sumakay.
Kinakabahan siyang lumingon. Nahagip ng kanyang paningin at tumatawang mga kaibigan ni River habang pinaghah@mpas ang binata. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng binata at ganoon na lamang ang naging reaksyon ng mga kasama nito.
Iiling-iling siyang umayos ng upo hanggang sa makarating siya sa paaralan. Hindi siya mapakali lalo na at bigla na lang nag-over take ang sasakyang pamilyar sa kanya. Ang sasakyan ni Irish. Parang sas@bog ang kanyang dibdib habang iniisip na makakasalubong ang dalaga kahit na nasa iisang silid lang naman sila buong klase. Malakas siyang bumuntonghininga.
“Ano ba naman, Ineng. Kay aga-aga pa,” saway sa kanya ng drayber.
“Sorry po,” kaagad niyang paghingi ng paumanhin.
“Ang laki naman yata ng problema mo?” nag-aalala nitong tanong. “Pasensya ka na at nakikialam ako. May anak din akong nag-aaral sa paaralang pinapasukan mo. Kaya nag-aalala ako na baka may nangyayari na sa kanya na ayaw niyang ipaalam sa amin. Ayaw ko ng ganoon at lalo lang lalaki ang problema kung hindi aagapan.”
Napangiti si Selestina dahil sa narinig. “Pasensya na po. Ayos lang naman po ako. May nangyari lang po na hindi ko inaasahan. May kakilala po kasi ako na bigla na lang nagiging cute sa paningin ko at hindi nagugustuhan ang nararamdaman ko. Nakakakilabot na hindi ko maintindihan.”
Natawa ang drayber sa paraan ng kanyang pagkukuwento. “Bakit naman?” usisa nitong tanong.
“Eh, kasi po, hindi naman kami close. At hindi rin kami magkaibigan pero bigla na lang po ang pangyayari na siya na lang laging nakikita ng mga mata ko at nakakainis po, eh. Dahil ayaw ko ng problema,” pagkukuwento ni Selestina.
“Bakit naman? Pangit ba siya?”
Mabilis na humiling si Selestina. “Hindi po. Sa totoo nga po ay sobrang gwapo niya. Talagang lahat ng babae ay may gusto sa kanya—”
“At isa ka na roon, ano?” natatawang tanong ng drayber.
Napangiwi si Selestina at umiling. “H-Hindi naman po,” tanggi niya.
“Ayos lang ‘yan. Pero basta ang importanti, mag-aral ng mabuti at huwag pabayaan ang sarili,” pangangaral nito. “May pamangkin akong pharmacy student din. Mabuting bata, gwapo rin, at napaka-gentleman. Kaya lang nag-iisang babae lang ang tinitibok ng puso nito. Ayon lang at may ibang gusto ang babae at sa mismong best friend pa ng pamangkin ko nagkagusto ang babaeng nagugustuhan niya.”
Napasinghap si Selestina. “Aray! Ang sakit naman po, non?”
Tumango ito. “Alam ko. Kaya nga halos hindi na namin siya makausap ng maayos pagkatapos mawala ng babae sa hindi malamang dahilan. Bigla na lang itong ibinalita na wala na. Pero nagpapasalamat din kami at bumabalik na sa normal ang pamangkin ko. Sana magkakilala kayo. Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Selestina po,” magalang na sagot ni Selestina.
Biglang sumilip ang drayber at tiningnan siya nang may pagtataka. Napansin niya ang pagkagulat sa mukha nito. Namutla at nakanganga itong nakatingin sa kanya.
“Celestine…” nagugulat nitong usal. “Celestine.”
Pumiyok ang boses ni Selestina nang lumabas mula sa kanyang lalamunan ang nakakatakot na sigaw. Mabilis na natapakan ng drayber ang preno dahil sa pagsigaw ni Selestina. Muntik na silang mabangga ng nakasalubong n sasakyan.
Mabilis silang pumarada sa tabi ng daan. Hingal na hingal at naiiyak na bumaba si Selestina habang ang drayber ay tulala at hindi makausap ng maayos. Hindi na niya naibigay ang bayad dahil nawala siya sa tamang pag-iisip.
Muntik na silang mabangga. Hindi iyon matanggap ng kanyang isipan. Muntik nang mawala ang kanyang pangarap na tutuparin. Hingang-malalim ang kanyang ginawa at pinigilan ang panginginig ng kanyang katawan. Inaatake siya ng anx*ety. Nagdidilim ang kanyang paningin at parang sasabog ang kanyang dibdib dahil sa kabang naramdaman.
Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Walang lakas ang kanyang buong katawan.
“Sel?”
Hindi niya nakilala ang taong tumatawa sa kanyang pangalan. Para siyang nabibingi dahil sa malakas na tunog na naririnig ng kanyang tainga. Umiikot ang kanyang paningin at hindi niya alam ang gagawin lalo na at nasa tabi siya ng daan.
“Selestina? Sel, can you hear me? What’s happening?”
Nag-angat siya ng paningin ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Parang hinahalungkat ang kanyang sikmura. Ilang beses siyang kumurap.
Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok at dahan-dahan siyang inakay papunta sa itim na sasakyan. “Hey, it’s me. River.”
Saka pa lang niya napansin ang mukha nitong nag-aalala at sobrang lapit sa kanya. Mabilis niyang iniikot ang paningin sa kabuuan ng sasakyan. “B-Bakit ako nandito? Ano ang nangyari? Bakit ka nandito? Sandali! Si Manong drayber, nasaan na?” sunod-sunod niyang tanong.
Mabilis siya nitong inawat. “Calm down. Calm down. Ikaw lang ang nakita ko. Wala kang kasama. Naglalakad ka na parang wala sa sarili. Akala ko nga matutumba ka na, eh.”
Bigla siyang napahagulgol. Nagugulat si River na abala sa pagpapakalma sa kanya. “H-Hey! What did I do? Hindi kita inaaway!” taranta nitong sambit habang hindi alam kung paano siya pakalmahin.
“Muntik na kaming mabangga,” usal ni Selestina na nagpatigil ng hininga ni River.