Chapter 10

1929 Words
Chapter 10 “What did you say?” hindi makapaniwala na tanong ni River sa dalagang si Selestina. Hindi pa rin kasi ito humihinto sa pag-iyak. Mukhang kinilabutan ito sa nangyari. Humagulgol ang dalaga sa pag-iyak. Hindi niya alam kung paano ito aluin. Napatingin siya sa suot na relos at mukhang huli na siya sa kanyang klase. Hindi naman niya magawang iwan ang dalaga lalo na at nanginginig ito sa takot. “Nakikipagkuwentuhan kasi ang drayber tapos bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang hindi makagalaw. Tinawag niya akong Celestine tapos dahil doon muntik kaming mabangga,” umiiyak na kuwento ni Selestina. Gulat ang rumihestro sa mukha ng binata. Saka niya binalikan sa kanyang isipan ang nangyari kaninang umaga. Mabilis na nawala sa kanyang paningin ang dalaga dahil kinuyog siya ng mga kasama kaya hindi na niya ito nakita paglabas. Mukhang sumakay ito ng tricycle at muntik pang madisgrasya. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi lang sana niya tinukso ang dalaga kanina, hindi sana ito sasakay, at hindi ito iiyak ngayon sa harap niya. He felt guilty ngunit parang hinaplos ang kanyang puso habang katabi ang dalaga at umiiyak sa loob ng kanyang sasakyan. Bumuntonghininga si River at pinaandar ang sasakyan. Lumiko siya sa kanan at huminto sa tapat ng seven-eleven. Bumaba siya at pumasok sa loob. Naghanap siya ng puwedeng pampalubag-loob sa dalaga. Bitbit na niya ang isang supot na kulay puti paglabas. “Here’s some ice cream,” anunsyo niya pagpasok ng sasakyan. Saka pa lamang huminto sa pag-iyak si Selestina. Nilingon niya ang binata. Tiningnan niya lamang ang hawak nito. “Bakit?” “Hmm?” “Bakit mo ako binilhan?” nagtataka niyang tanong dito. Bigla itong natigilan. “Well, naisip ko pang na baka makatulong ito. Comfort food ko kasi ito kapag masama ang pakiramdam ko kaya nagbabakasakali akong pwede rin sa ‘yo ‘to,” mahabang rason ng binata. Napangiti si Selestina at kaagad na tinanggap ang alok nito. Binuksan niya ang supot at tumambad sa kanya ang tatlong piraso ang magkaibang ice cream popsicle. “Salamat,” aniya habang nakangiti. Tumango-tango si River bago nag-iwas ng tingin sa dalaga. Pinanood niya itong kumuha ng isa at binuksan iyon bago kumain. Nakangiti na ito ngayon. Bakas pa rin sa mukha ng dalaga ang mantsa ng luhang dumaloy mula sa sariling mga mata. Sumibol ang kirot sa kanyang puso. Hindi niya mapigilan ang sarili na isipin si Celestine, ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso. Isang taon na ang nakalipas mula ng mawala ito sa mundo. Natutuwa siya na nakikita niya ang babaeng minahal sa pamamagitan ng pagmumukha ni Selestina ngunit hindi niya rin mapigilan magalit sa sarili dahil alam niyang magkaiba ang dalawa. Ibang tao si Celestine, at ibang tao si Selestina. Unti-unti niyang natatanggap na hindi ito ang babaeng minahal ng ilang taon. Nagtatakang nilingon ni Selestina ang binata. Tahimik itong nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ng binata ang bawat galaw at ekspresyon ni Selestina at doon nito napagtantong ang nasa isipan. Hindi ito si Celestine. “Bakit?” takang tanong ng dalaga. Umiling si River saka bumuntonghininga. “Naisip ko lang, ibang-iba ka kay Celestine. You looked more fierce than her. Pero deep in that fierce image of yours, it’s just a facade,” komento ng binata. Napalunok si Selestina sabay iwas ng tingin. “Bakit mo naman naisip? Ganito na ako. Hindi ito basta facade lang. Ito ang totoong ako.” Tumango lang ang binata. “Wala ka bang pasok?” kapagkuwan ay tanong ni River. Kaagad na bumalatay ang gulat at kaba sa mukha ng dalaga. “Hala! Anong oras na ba? Oh my god!” taranta nitong sambit habang hinahanap ang cellphone sa dalang bag. “Hala! Paano na ‘to? Hindi pwede ’to!” “Wala ng pasok ngayon,” kalmadong anunsyo ni River dahilan para matahimik si Selestina. “It’s past noon.” Namilog ang mata ng dalaga. “Hala! Pasensya ka na. Nadamay ka pa. May pasok ka ba? Bakit hindi mo na lang ako iniwan kanina para makapasok ka? Sinamahan mo pa akong magmukmok dito,” namomroblema na wika ni Sel. Tumawa lamang si River sabay iling. “It’s fine. Minor lang naman ang klase ko ngayong araw,” kalmadong sagot ng binata. “Talaga? Baka naman nagbibiro ka lang? Hindi ito pwedeng mangyari!” Binuksan ng dalaga ang kanyang cellphone at sunod-sunod ang pagpasok ng mga mensahe mula kay Jordan. Hinahanap siya ng kaibigan. Napalundag siya nang bigla itong tumunog. “Hello?” kaagad niyang sagot. “Hoy! Nasaan ka na? Ilang beses kitang tinawagan at tinext hindi ka sumasagot. Alam mo bang galit na galit si Irish? Siya kasi ang napagalitan dahil wala ka. May quiz tayo,” mahabang kuwento ng kausap. “H-Huh? Talaga ba? Hala, paano na ‘to? May nangyari kasi, eh.” “Bakit? Nasaan ka ba?” “Nasa highway. Muntik kasi akong mabangga—” “Ano?” gulat na tanong ng kausap. “Sandali lang. Patapusin mo muna ako. Muntik na akong mabangga kanina kaya hindi ako nakapasok. Nawala sa isip kong papasok pala dapat ako, eh. Pasensya na.” “Talaga? And then. what happened? Ayos ka lang ba? Anong ba ang nangyari?” “Hay, saka ko na lang ikukuwento at may kasama ako,” pabulong na sagot ni Sel. “Sino?” “Si River,” diretsong sagot ni Sel. Narinig niyang napatili ang nasa kabilang linya. Natahimik ito bigla at bumalik ulit sa pagtili. “Hoy, ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong. “Napaano ka? Ang ingay mo,” reklamo ni Sel. “Gaga ka ba? Sinabi mong magkasama kayo tapos pipigilan mo ang kilig ko? Nakakainis ka, ha! Nakikikilig na nga lang ako, galit ka pa.” Tumawa siya. “Tss. Nahihibang ka na. Ang hilig mo kasong manood ng telenobela kaya ayan, assuming ka masyado.” “Pakyu!” Tumawa ito nang malakas kaya napangiti na lamang si Sel. Nagpaalam na siya rito dahil wala na silang pasok. Uuwi na lang muna siya para magpahinga. Nilingon ni Sel ang binata na kanina pa nakamasid sa kanya. Ngumiti ito. “What?” “Uuwi na ako. Wala na akong pasok, eh. Salamat, ha? Naabala pa kita,” nahihiya niyang usal. Nagkibit-balikat ang binata. “Ayos lang. I’m happy I can be of help to you,” nakangiti nitong sagot. “Ihahatid na kita.” “Hindi na,” kaagad niyang tanggi. “I won’t no as an answer. Alam kong hindi mo pa nakalimutan ang nangyari. I want to make sure you’re safe para hindi ako mag-alala. Saka malapit lang naman tayo.” “Salamat. Mukhang wala pa akong lakas maglakad ngayon,” sagot ni Sel na kaagad sinang-ayunan ng binata. Kaagad nitong pinaandar ang sasakyan at dumiretso sa isang eskinita na pwede itong mag-u-turn. Tahimik silang dalawa. Malalim ang iniisip ni Selestina at ganoon din si River. “We’re here,” untag ni River sa kanya paghinto ng sasakyan. “Salamat. Mag-ingat ka,” ani Sel bago bumaba. Ngumiti pa muna siya sa binata kaya naman parang hinaplos ang puso ng kasamang binata dahil sa kanyang ginawa. Walang malisya ang mga iyon para sa kanya ngunit malaki ang epekto nito sa binata dahil na rin sa kamukha ni Sel ang babaeng minahal ni River. Aligaga siyang pumasok ng building at umakyat sa ikalawang palapag. Hindi niya alintana ang mga tingin sa kanya. Maging ang guwardiya ay hindi niya nagawang batiin. Wala siya sariling isip. Hindi mawala sa kanyang ala-ala ang pangyayari. Nanginginig ang buo niyang katawan. Naninikip ang kanyang dibdib at umiikot ang kanyang paningin. Kinapa niya ang kanyang dibdib at pinagtatapik ito nang malakas. Nahihirapan siyang huminga. Napakapit siya sa pinto ng kanilang silid. “Sel?” anang boses ng kalalabas lang na kasamahan sa silid. “Hoy! Ano ang nangyari sa ’yo?” bulalas nitong tanong. Kaagad siya nitong dinaluhan. Inalalayan siya nito papasok sa kanilang kwarto. “Ang putla mo, day. Diyos ko! Ano ang nangyari? Nanginginig ka!” Umiling si Selestina. Wala siyang lakas magsalita. Gusto niyang sumagot ngunit kusang nanatiling tikom ang kanyang bibig. Kaagad siyang pinainom ng tubig at pinagpahinga. Ilang minuto ang lumipas bago siya kumalma. “Ano? Ayos ka na ba? Babae ka! Nag-alala ako sa ‘yo!” naiinis na sambit ng kasama. Dahan-dahang tumango si Selestina. Pinakiramdaman niya ang sarili. Banayad na ang t***k ng kanyang puso at nawala rin ang panginginig ng kanyang katawan. Bumalik na rin ang kanyang boses. “Medyo ayos na ang pakiramdam ko,” aniya. Kinuwento niya sa kasama ang nangyari simula pagbaba niya ng hagdan hanggang sa muntikang pagkabangga nila at tinapos niya ito sa kuwentong sinamahan siya ni River. “Hay, naku! Alam mo, ang dami kong naririnig tungkol sa ‘yo at talaga namang nag-aalala ako para sa ‘yo. Mag-ingat ka palagi. Naku! Huwag ka ng sumakay. Maglakad ka na lang. Kinakabahan ako para sa ‘yo. Hindi naman kita kaano-ano. Hindi mo nga alam ang pangalan ko pero, Diyos ko! Ang kaba ko ay hindi ko maintindihan.” Ngumiti si Sel. “Salamat sa pag-alala. Hindi ko makakalimutan ang kabaitang ipinakita mo sa akin.” “Sus! Wala ‘yon. Saka, hindi ko kayang makitang may hindi komportable rito. Para na rin akong ate mo dahil mas matanda naman ako sa ‘yo. Tawagin mo na lang akong Ate Joy. Dahil ako ang nagbibigay ligaya sa mundo.” Natawa siya. “Sige po, Ate Joy. Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo ay baka natumba na ako kanina. Bigla po talaga akong nanghina, eh.” “Pero ayos ka na ba talaga? May lakad ako, eh. Kailangan ko ng umalis. May ipapabili ka ba sa labas? Ipadala mo na lang sa akin para hindi ka na aalis at baka mapaano ka pa sa daan.” Umiling lamang si Selestina. “Ayos na po ako. Salamat po.” Nagpaalam na sa kanya. Tahimik siyang nakahiga sa sariling kama at nakatitig sa kisame. Biglang bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari at hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit bigla na lang naging malapit sa kanya ang binatang si River. Hindi man lang ito nagdalawang isip na tulungan siya. Para itong anghel na bigla na lang sumusulpot kapag kailangan niya ng tulong. Dahan-dahan niyang kinapa ang sariling dibdib. Naramdaman niyang kumabog nang mabilis ang kanyang puso. Biglang nag-init ang kanyang pisngi habang inaalala ang guwapong mukha ng binata. “Hindi ito tama,” bulong niya sa sarili. “Hindi puwede. Hindi ito nararapat,” paulit-ulit niyang saad. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng marinig ang isang mahinang katok sa pinto. Dahan-dahan siyang bumangon kahit na tinatamad at wala pa ring lakas. Nahihilo siyang naglakad palapit sa pinto at binuksan ito nang bahagya bago sumilip sa labas. Nabungaran niya ang puting t-shirt. Nag-angat siya ng paningin at nasalubong niya ang mga mata ng binatang si River. Nakangisi ito sa kanya at inipinakita nito ang dalang brown paper bag. “Bumili ako ng pagkain para sa ‘yo,” anunsyo nito. Kunot-noo na napalunok si Selestina. “Bakit?” taka niyang tanong. “Dahil gusto ko,” sagot ni River. “Hindi mo ba ako pagbubuksan?” tanong ng binata. Mabilis na umiling si Sel. “Bawal ka rito. Nasa baba ang floor ng mga lalaki,” paalala niya sa kausap. Tumawa lang ito. “I own this place. No worries,” mayabang nitong sabi sabay tulak ng pinto at diretso itong pumasok. Nagugulat itong sinundan ng tingin ni Selestina. “Hoy! Anong ginagawa mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD