Chapter 11

1196 Words
Chapter 11 “Hoy! Bawal ka rito! May makakita pa sa ‘yo!” tarantang sambit ni Selestina habang pilit na itinutulak palabas ang binatang si River. Tumawa lang ang huli. “Huwag kang tumawa,” angil ni Sel. Takot siya na baka may masabing masama ang mga taong nakakita sa binata. Magkaroon pa siya ng isyu at ayaw niya itong mangyari. “It’s fine, Sel. I own this place.” Gulat siyang napatingin sa kaharap. Kampante itong nagpalinga-linga sa paligid. Sinuyod ng binata ang kabuuan ng silid at pinagmasdan ang lahat ng gamit na naroon. “Ano?” hindi makapaniwala na tanong ni Selestina. “Tama ba ang narinig ko?” naninigurado niyang tanong. Tumango si River sabay upo sa kama ni Selestina. “Yes. You heard me alright.” Nahigit ni Selestina ang hininga. Hindi suya makapaniwala sa narinig. Hindi tuloy niya mapigilang isipin na sinusundan siya ng binata upang mapalapit ito sa kanya. “Talaga ba? Sinusundan mo ba ako kaya ka narito?” naiinis niyang tanong. Kaagad itong nagtaas ng dalawang kamay na parabg sumusukong kriminal. “Whoa! Not quite right, Miss,” depensa ni River kahit na totoo naman ang akusasyon ng dalaga tungkol sa ginawa niya. Totoong sinundan niya ito dahil gusto niyang mapalapit dito. Alam niya kasing hindi ito makikipagkaibigan sa kanya lalo pa at inakusahan ito ng karamihan na impostor. Mabilis na nag-iwas ng tingin si River pagkatapos siyang pukulin ng masamang tingin ni Selestina. “Sinungaling,” bulong ng dalaga. “Alam ko na ang mga galawan mo. Hindi mo ako maloloko,” dagdag pa ng dalaga. Natawa si River saka ngumiti. “Fine. Tama ka. Pero wala akong balak na awayin ka or whatsoever. I just want to be your friend.” Inirapan ito ni Selestina. “Hmm? Talaga ba? Sinong niloko mo,” tukso niya rito sabay tawa. “Asan na ang pagkaing sinasabi mo? Bigay mo na bago pa magbago ang isip ko at palabasin kita rito,” kunwari ay pananakot niya sa binata. Kaagad itong tumalima at ibinigay sa kanya ang paper bag na may lamang take out food sa galing sa isang fast food chain. “Salamat. Bakit ka nga pala napunta rito?” kapagkuwan ay tanong ni Selestina habang kumakain. Hindi na niya inalok ang binata dahil busog pa naman daw ito. “Huh? Ah, to give you food,” nauutal na sagot ng binata. “Mmm. Thanks. Ang bait mo naman kung ganoon,” ani Sel ngunit bigla suyang natigilan. Pinanliitan niya ng mata ang binata. “Sigurado ka ba na pwede itong kainin? Baka mamaya may gayuma ‘to?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ng binata. “Hey! That’s foul!” reklamo nito. “Pinag-iisipan mo ako ng masama, ah. I’m just trying to be friendly,” dagdag nitong rason. Nagkibit-balikat si Selestina. “Pero kasi, ang creepy ng approach mo. Hindi kasi tayo magkakilala tapos bigla kang may paganito? I get, but, still. Nakapagtataka lang.” Lumipas ang isang oras bago naisipanng magpaalam ng binata kaya naman inaantok na si Selestina habang nag-aayos ng sarili. Nakahiga na siya sa kama at nakatingala sa kisame. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari. Kinikilabutan pa rin siya. At mukhang hindi na niya mababago iyon. Ang daming pumasok na mga tanong sa kanyang isipan. Nakatulugan na lamang niya ang lahat ng iyon. Maagad siyang nagising dahil sa ingay ng kanyang mga kasamahan na maagang gumayak para pumasok. Ganoon na rin ang ginawa niya. “Good morning, Sel,” bati sa kanya ni Ate Joy. Nginitian niya ito. “Good morning din po.” “Kamusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalala nitong tanong. Ngumiti si Sel bago sumagot. “Ayos lang po ako, Ate. Huwag po kayong mag-alala.” “Mabuti naman kung ganoon. Sige at mauuna na ako sa ‘yo,” paalam nito bago lumabas ng silid. Bumangon siya saka nag-inat ng katawan. Wala siyang ganang pumasok. Natatakot pa rin siya lalo na dahil sa nangyari kahapon. Mukhang hindi pa niya kayang mag-isa. Pinilit na lamang niya ang sarili dahil siguradong mamomroblem na naman sa kanya si Jordan kapag hindi siya papasok. Napaigtad siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong hinanap at sinagot ang tawag. “Hello?” aniya. Tahimik ang nasa kabilang linya. Naririnig ang bawat paghinga nito. Mabigat ngunit parang nag-iingat. “Hello?” tawag niya ulit ngunit hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen ngunit unknown number ang tumatawag. Ibinalik niya sa tainga ang cellphone ngunit kaagad itong nawala. “Tss. Ang aga-aga, istorbo,” nauubusan ng pasensya na wika niya. Nilagay niya ito sa bag at lumabas na para maligo sa common bath. Mabuti na lang at halos patapos na ang halos lahat kaya may vacant na room. Kaagad siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay umalis na. Pigil-hininga siyang nakatingin sa kalsada lalo na nang may dumaang tricycle sa kanyang harapan. Halos mahilo siya. Kumabog nang mabilis ang kanyang dibdib. Hindi siya makahinga. Isang tapik sa kanyang balikat ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo. “Sel? Are you okay? Kanina pa kita napansing nakatingin sa kalsada?” boses ni River ang kanyang narinig. “Ayos ka lang ba? Ano ang nangyari? Namumutla ka,” sunod-sunod na wika ng binata. Napailing si Sel. “Ayos lang ako,” aniya na mas kinukumbinsi ang sarili. “Kinakabahan lang kasi ako.” “Sumabay ka na sa akin. I’m going to school too,” alok nito. Hindi na siya nakatanggi nang akayin siya nito papasok sa itim na sasakyang minamaneho ng binata. “Ayos lang ba sa ‘yo ma makasabay ako?” nag-aalala na tanong ni Sel. “Huh? Bakit naman hindi?” “Baka kasi may magalit?” Tumawa ito. “I’m single, Sel. Don’t worry about it. Kung may magagalit man, wala akong pakialam sa kanila. Now, relax. Aalis na tayo.” Ngumiti lang si Selestina at sumandal sa upuan. Tahimik sila buong biyahe ngunit hindi nakaligtas sa pakiramdam ni River ang pagiging tensyonado ni Selestina. Ramdam niyang na-tr@uma ito dahil sa nangyari kahapon. Ilang minuto lang ay narating na nila ang destinasyon. Unang bumaba si River at dinaluhan nito ang dalaga. Tahimik lamang na nakasunid si Selestina sa bawat galaw ng binata. “What the h*ll?” “Bakit sila magkasama?” “That’s weird?” “Sila na ba?” “What? No way!” “Hibang lang ang papatol sa babaeng ‘yan.” “Right?” Napayuko si Selestina dahil sa mga bulung-bulungan na kanyang naririnig habang nilalakbay nilang pareho ni River ang pathway papasok ng unibersidad. “Tsk. Don’t mind them, Sel. Nagseselos lang ang mga ‘yan,” usal ni River. Tumikhim si Selestina. Bigla suyang nakaramdan ng kirot sa kanyang puso. Tama ang mga ito. Hindi sila bagay. At ayaw na niyang dagdagan ang nokanyang problema. Kailangan niyang iwasan ang binata. Mabilis siyang magpaalam dito. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Hingal na hingal siya nang makaakyat sa ika-apat na palapag ng kanilang building. Hindi pa man siya nakakaupo ay sinalubong na siya ni Irish na masama ang tingin sa kanya. “There you are, b*tch!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD