Chapter 12
“There you are, B*tch!” Natigil si Selestina dahil kay Irish. Hinarangan nito ang daan papunta sa kanyang silya. “Ha! Alam mo bang pinagalitan ako dahil because of you?” galit nitong tanong sa kanya.
Napangiwi siya. “Alam ko,” walang ganang sagot ni Sel. Ubos na ang kanyang pasensya sa babae lalo na sa mga pinagsasabi nito tungkol sa kanya.
“Wow! And you are proud of what you did?”
“Hindi! Sino naman ang magiging proud sa ganoon? Baka ikaw? At pwede bang tigilan mo ako? Tapos na. Nangyari na. Alangan namang ibalik ko ang kahapon para lang makapasok ako? Hindi ako time machine. Para isang liban lang sa klase, uusok na iyang ilong mo? Hindi mo na problema kong ano ang mangyayari sa akin. Ang daming satsat hindi mo man lang muna inalam kung anong nangyari sa akin? Alis!”
Marahan niya itong itinulak upang makadaan siya. Mabilis na napahinto si Selestina nang higitin nito ang kanyang buhok. “Aray!” angil ni Selestina. Kaagad na winaksi ni Sel ang kanyang ni Irish. “Ano ba? Ano ba ang problema mo?” nauubusan ng pasensya na tanong niya rito.
Namaywang ito sa kanyang harapan. “Itatanong mo ba talaga kung ano ang problema ko? Puwes mabuti ng alam mo!” Dinuro siya nito. “Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kung hindi ka na lang sana nagpakita, wala sana akong problema!”
Halos pumiyok sa pagsigaw dahilan upang masgsitinginan ang mga kaklase nila.
“Tss. Ang aga-aga, ang ingay ng bunganga mo,” sagot ni Sel. Pinandilatan siya nito. “Hoy, babae. Huwag mo akong daanin sa palakihan ng mata. Hindi ako nasisindak sa ganiyan. Tusukin ko pa ‘yang mata mo nang matauhan kang impakta ka. Unang-una, wala akong pakialam kung naging impyerno ang buhay mo dahil sa pagdating ko dahil impyerno na ‘yan in the first place. Wala akong kinalaman sa mga pantasya mong hindi naman natutupad. And for your information, hindi kita kilala at never kilang kikilalanin dahil you are waste of my time. Maghanap ka ng papatol sa mga ka-weirduhan mo.” Tinalikuran niya ito at kaagad na naupo.
Narinig niya pang nagsipagtawanan ang mga naroon ngunit wala siyang pakialam. Natanaw na lamang niya si Irish na nagmartsa palabas ng silid. “Grrr!” gigil nitong singhal.
Sumandal siya bago huminga nang malalim. “My god! Ano ‘yon?” kaagad na tanong ni Jordan sa kanya. Hindi niya napansin ang dalaga na nasa tabi na pala niya at tahimik na nagmamasid sa sagutan nila ni Irish.
“Ewan ko ba sa kanya? Ang init ng ulo niya sa akin kahit na wala akong ginagawa sa kanya. Praning ba siya? Ang dami niyang naiisip na gawin para lang mapansin ko. Pero in fairness, ang dami niyang oras para makipagbangayan, ah,” komento ni Selestina.
Tumawa ang ilan. “Hay, naku! Natutuwa nga ako at may pumapatol na sa kanya. Ganiyan na iyan si Irish. Masama talaga ang ugali niyan,” komento ng isa nilang kaklase. Nasa likuran ito ni Selestina ngunit hindi niya maalala ang pangalan.
“Talaga?” tanong ni Sel. Sabay na tumango ang dalawa at may ibang sumang-ayon sa sinabi ng babae.
Huminga na lamang nang malalim si Selestina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kasama ang tingin sa kanya ni Irish. Wala naman siyang kinalaman sa mga nangyari sa buhay nito. Ang alam lang niya, may kamukha siya at naiinis sa kanya si Irish dahil doon. But it does not give her the right to manhandle her.
Hindi niya alam kung ilang beses siyang bumuntonghininga sa umagang iyon. Malaki ang pasasalamat niya ng matapos ang kanyang pang-umagang klase. Humihikab siyang nag-ayos ng kanyang mga gamit. Nalaman niyang hindi totoo na nagalit ang kanyang prof dahil hindi siya nakapasok. Nag-alala pa ito nang kausapin siya dahil nalaman nito ang nangyari sa kanya.
Ngunit nagtaka siya dahil ang tumawag sa kanya si Jordan ay sinabi nitong nagalit nga ang prof nila at napagalitan pa nga raw si Irish. Pero nalaman niyang hindi totoo ang mga iyon. Wala sa sarili niyang nilingon si Jordan na abala sa pakikipag-usap sa kasama nito sa group project. Pinagmasdan niya ngunit mukhang imposible ang mga naiisip niya tungkol sa dalaga.
“Oh! Sel, mauna ka na. May gagawin kami ng ka-group ko,” tawag sa kanya ni Jordan.
Tinanguan lang niya ito. “Sige. Wala naman akong gagawin kaya sa library ako tatambay,” aniya. Ngumiti lang ito at nagpatuloy na sa ginagawa kasama ang ka-grupo.
Bumaba siya at nilakad ang ilang metrong layo papunta sa library. Kailangan niyang mag-aral. Ngunit iba ang pakay niya. Wala siyang internet sa bahay at isa siyang kuripot kaya mas pinili niyang mag-research sa loob ng library. May libre computer room sa tabi nito at minsan lang may gumamit doon dahil minsan ayaw nilang maghintay at pumila.
Swerte niya ngayon dahil kaunti lamang ang gumagamit ng computer. May ilang nakabukas ngunit walang gumagamit kaya pumasok siya. She swipe her university identification card at kaagad siyang tinuro sa computer number 12. Kaagad siyang naupo at tiningnan ang paligid. Mag-isa siya sa isle na iyon. Dahan-dahan siyang nagtipa sa keyboard.
She typed the name of the woman. Celestine Lim. Ilang articles ang lumabas ngunit wala roon ang mukha ng hinahanap. Pinindot niya lahat ng nakita at binasa lahat ngunit puro walang kabuluhan ang mga naroon.
Until something caught her attention. It was an old article. Pinindot niya ito at ganoon na lamang ang gulat sa kanyang mga mata. Nanikip ang kanyang dibdib. Kumabog nang mabilis ang puso na parang tatalon ito mula sa kanyang ribcage.
Ramdam niya ang pagpipigil niya ng hininga. Hindi niya napansin ang pamumuti ng kanyang mga buko dahil sa pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Celestine Lim, the girl she knew nothing about, was staring at her through the screen.
Nahigit niya ang hiningang kanina pa pala niya pinipigilan. Halos mahilo pa siya dahil sa ginawa. “Oh my god!” impit niyang bulalas. Natutop niya ang sariling bibig. “Magkamukha nga kami,” aniya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Magkamukha-magkamukha nga sila. Pati ang paraan ng pagngiti ni Celestine ay ganoon din kay Selestina.
Kinikilabutan siyang pinatay ang monitor ng screen. Para siyang nakatingin sa sariling repleksyon. Hindi siya makapaniwala. Iiling-iling siyang huminga ng malalim. Hindi niya alam kung paano magre-react. Hindi niya aakalaing matatakot siya dahil sa nalaman.
Nanginginig siyang tumayo. Kaagad siyang napakapit sa mesa nang muntik siyang matumba. “Hey, ayos ka lang?” tanong sa kanya ng front desk. Estudyante rin ito at mukhang iskolar din ito ng school.
Tumango siya at ngumiti. “Oo,” pilit niyang sagot. “Ayos lang ako. Kulang yata ako sa tulog,” pilit ang ngiti niyang dagdag.
Ngumiti lang ang kausap ngunit pansin niyang hindi ito naniniwala sa kanyang sagot. Kaagad siyang umalis sa lugar. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa dahil sa sobrang panginginig ng kanyang katawan. Kinakabahan siya at nanghihina.
Napaigtad siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong kinuha at nagitla nang makitang tumatawag ang kanyang ina. Natigilan siya.
Ina nga ba?
Kagat-labi niya sinagot ang tawag. Ayaw niyang komprontahin ang ina. “Hello,” garalgal ang boses niyang sagot.
“Sel!” malambing na tawag ng inang si Cynthia. “Kamusta ka na, Anak? Kamusta ang pag-aaral mo? Ayos ka lang ba riyan? Hindi kita mabibisita dahil hindi ko maiwan itong paninda natin,” mahabang kuwento nito.
Ngumiti siya ng pilit. “Ayos lang po ako, Mama. Saka huwag na po kayong mamroblema. Kaya ko po ‘to. Para naman akong hindi lumaki, eh,” natatawa niyang sagot kahit na parang hinahati sa dalawa ang kanyang puso.
Hindi niya maiwasang isipin ang mga tanong na nabuo sa kanyang isipan.
“Alam ko naman, Anak. Naninibago kasi ako dahil nasanay na ako na magkasama tayo palagi. Nami-miss na kita, eh. Kailan ka ba uuwi?”
“Mama naman! Kabubukas lang ng klase. Huwag po kayong mag-alala. Miss ko na rin po kayo. Saka mag-aaral po ako ng mabuti,”
“Aasahan ko iyan, Sel. Basta huwag ka munang mag-nobyo. Bata ka pa. Mag-aral ng mabuti, ha?”
“Opo.” Ilang minuto siyang nakinig mula sa kabilang linya dahil may costumer ang kanyang ina. “Ma,” tawag niya.
“Oh, Anak! Pasensya na at may bumili ng pansit palabok. Ano na pala ang ginagawa mo?”
Natutuwa siya dahil sobrang magiliw ang kanyang ina. Mabait din ito at maunawain kaya hindi siya nagsising ito ang naging ina niya. Biglang pumait ang kanyang ngiti.
“Ma, may tanong po ako,” seryoso niyang sabi. Huminga muna siya nang bago nagpatuloy. “May kapatid po ba ako?”
Narinig niyang napasinghap ang ina sa kabilang linya. Ganoon na lang din kabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi siya mapakali. Natatakot siya sa magiging sagot ng ina.
“Hay, naku! Ano ka ba namang bata ka! Bakit mo naman naitanong ‘yan? Alam mo namang wala na akong naging boyfriend simula nang iwan tayo ng Papa mo. Huwag kang mag-isip ng hindi importante.”
“Sige po. Naitanong ko lang po, eh,” pigil-hininga niyang sagot.
“O, siya. May gagawin pa ako. Huwag kalimutan ang bilin ko, ha? Bye! I love you!”
Napatingin siya sa cellphone pagkatapos na ibaba ng ina ang tawag. Hindi man lang nito hinintay na sumagot siya. Basta na lang nitong ibinaba ang tawag na mukhang umiiwas sa kanya.
Buntonghininga siyang napasandal sa pader. Nakatayo siya sa hagdan at hirap na hirap siyang maglakad. Hindi kinaya ng kanyang utak ang mga nalaman at mukhang mahihirapan siyang hanapin ang katotohanan.
Ang tanong, sino nga ba siya?
Nakapikit siyang sumandal sa pader. Wala naman sigurong dadaan sa parteng ito lalo na at malayo ito sa mismong mga building.
“What are you doing?”
Mabilis siyang napadilat dahil sa pamilyar na boses sa kanyang unahan. Nakatayo sa harap niya ang binatang nagpapakulo ng kanyang dügo. Si Third. Kunot ang noo nito at mukhang hindi ito masaya na makita siya.
“Huwag mo akong pansinin dahil wala akong lakas para patulan ka,” aniya sabay upo sa hagdan. Pagod niyang isinandal ang ulo. Nanatiling nakatayo ang binata na nagtataka sa inasta niya. “Bakit? May problema ka ba? Kailangan mo ba ng tulong ko?” sunod-sunod niyang tanong.
Umiling lang ito. “I was just asking out of concern, okay? You looked pale honestly. Ang dami mo na kaagad sinabi,” inis nitong sagot. “Nuts,” parinig pa ng binata habang paakyat ito.
“Nyee! Nyee! Nyee!” pang-inis ni Selestina.
“B@liw!”
“Bakla!”
Sabay silang natigilan. Palihim niyang sinaway ang sarili. Nilingon niya ito at nasalubong niya ang masama nitong tingin. Salubong ang kilay ng binata at hindi maipinta ang reaksyon nito. Parang umuusok ang ilong nito sa sobrang inis.
Pinandilatan niya ito. “Ano? May kailangan ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa akin, ah. Hindi kita type at lalong hindi ako pumapatol sa bakla kaya alis. Shoo!” pagtataboy ni Sel kay Third na lalong ikinainis ng huli. Mabuti na lang at hindi na ito pumatol sa kanya at baka iba ang lumabas sa kanyang bunganga.