Chapter 13

1927 Words
Chapter 13 Nanatiling nakaupo si Selestina ilang minuto na ang nakalipas. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga nalaman hanggang ngayon. Pati na rin ang pag-iwas ng ina sa kanyang mga tanong. “What are you doing here?” nagtatakang boses ang narinig ni Selestina. Kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan nito. “Nagpapahinga lang ako saglit,” pagod na sagot ni Selestina sa binatang si River. Naglakad ito palapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Ilang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa. “What happened? You seemed lost for a moment,” komento ng binata. Tiningnan lang ni Selestina ang binata. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong nito o hindi. “Nothing happened. Ayos lang ako. Napagod lang talaga siguro ako,” tipid niyang sagot. “I saw you earlier with Third,” kaswal na anunsyo ng binata. Nagkibit-balikat si Selestina. “Talaga? Eh, di, nakita mo rin kung paanong nalukot ang kanyang ilong? Tss,” natatawang usal ni Sel. Kumunot ang noo ng binata. “Well, what happened? Galit na galit ‘yon. Hindi man lang ako napansin kahit na nagkasalubong kami. He even bumped on me Kumikibot din ang kanyang bibig,” pagbibigay alam sa kanya ni River. “Looking back, it’s funny. Para siyang tanga na kinakausap ang sarili.” Tumawa pa ito. “Nagalit siya sa akin. Sinabihan ko kasi ng bakla. Hindi niya nagustuhan. Ano ba ang pakialam niya? Tss. Ang weird lang na kinausap niya ako pagkatapos niya akong awayin,” pagkukuwento ni Selestina. Kaagad na rumihestro ang gulat sa mukha ng binata. “What do you mean? Inaaway ka niya? Why? That’s weird. Mukhang tama ka. Bakla nga siya kung ganoon.” Nilingon ni Sel ang kausap. “Diba? Kalalaki niyang tao, ang hilig niyang mambuyo ng babae. Bading, eh.” Tumawa si Sel. Bigla silang natahimik. Parehong nahulog sa pag-iisip. “Alam mo, hindi ko maiwasang hindi magtanong, eh. Kasi pagdating ko rito, bigla na lang akong nagulat dahil may mga taong naiinis sa akin. Wala naman din akong ginagawa. At ito pa, dahil din diyan sa babaeng si Celestine. Sino ba siya? Nag-search ako sa internet. Wala akong nahanap tungkol sa kanya. Until kanina sa com-lab. May nakita akong article sa kanya at isang litrato.” Sinadya ni Selestina na hindi tapusin ang sasabihin. Hinintay niya kung ano ang magiging reaksyon ng binata. “Really?” utal nitong tanong sa kanya. Tumango siya. “I saw myself in her.” Napalunok siya. Bumalik sa kanya ang kilabot na kaninang naramdaman. “Kinilabutan ako.” Matunig na ngumiti ang binata. “I know what you mean. Ganiyan din ang naramdaman ko nang makita kita. I was speechless. Stunned, scared, hopeful na sana ikaw nga si Celestine. Pero ibang-iba kasi kayo ng personality kaya naisip kong ibang tao ka, at iba rin siya.” Gumaan ang pakiramdam ni Selestina. Inisip niya kasi na ipipilit ng hinata na siya si Celestine. Ang daming tanong na nabuo sa kanyang isipan pagkatapos niyang makita ang litrato ng dalaga. Maging siya ay kinuwestiyon ang kanyang pagkakakilanlan. Sino nga ba siya? Siya ba talaga si Selestina Alturas? Kaano-ano niya si Celestine Lim? Bakit magkamukha silang dalawa? Bakit mabilis na umiwas sa kanyang mga tanong ang inang si Cynthia? Ang daming bakit pero wala siyang sagot maski isa. Hindi niya alam kung saan magsisimula at anong hakbang ang kanyang gagawin. “Uwi na tayo,” aya sa kanya ni River. Gulat niya itong tiningnan. “Bakit?” Tumawa ito. “It’s dark outside. Kanina pa tapos ang klase mo at ang klase ko. Swerte ko nga at dito pa ako dumaan dahil namita kita,” nakangiti nitong wika na halos mawala na ang mga mata sa sobrang pagkakangiti. Napangiwi siya. “Hehe. Oo nga pala. Nakalimutan kong nasa school pa ako. Gusto ko na nga na matulog dito.” Nauna itong tumayo at naglahad ng kanyang sa kanya. Kaagad niya itong tinanggap at hinila siya nito patayo. Pinagpag niya ang kanyang pang-upo dahil marumi ang hagdang inupuan niya. “Salamat,” usal ni Selestina saka nagpaumunang naglakad pababa ng building. Tahimik lang na nakasunod sa kanya si River. Mukhang maging ito ay malalim din ang iniisip. Saka pa lang ito nagsalita nang nasa ground floor na sila. “Punta tayong parking lot. Nandoon ang kotse ko,” anunsyo ng binata. Nagugulat itong nilingon ni Selestina na palabas na sana ng front gate. “Huh? Bakit? Akala ko ba uuwi na tayo?” Tumawa si River. “Uuwi tayo pero sasabya ka sa akin,” anito. Kumunot ang noo ni Selestina. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. “Pareho tayo ng pupuntahan. It’s not right na iwan kita rito while I drive to go home. Sumabay ka na lang para mas safe ka,” rason pa nito. “Come on! Bago pa magbago ang isip mo,” seryoso nitong sabi saka siya inakay papunta sa parking lot. Lalong nangunot ang noo ni Selestina habang nagpapatianod sa gusto ni River. “Ano? Naguluhan ako roon,” nakanguso niyang saad. “Hahaha! Alam ko kasing nag-iisip ka kung sasabay ka ba sa akin o hindi kaya I grabbed the opportunity bago pa magbago ang isip mo.” “Tss.” Napahalakhak siya dahil sa kalokohan ng binata. “Ang witty non,” komento niya. Kaagad siya nitong pinasakay pagdating. Seryoso naman itong nagmaneho pauwi kaya tahimik lang din sa tabi si Selestina. Malapit lang naman kung lalakarin ang dorm nila ngunit nakaramdan naman siya ng safety habang kasama ang binata. “Gutom ka ba?” Basag ng binata sa katahimikang namutawi sa kanilang dalawa. “We can order something. May driver thru sa kabilang lane if you want,” pagbibigay alam sa kanya ng binata. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Selestina. “H-Hindi naman pero bakit nag-aalok ka bigla? Gutom ka ba? Pwede naman tayong sumaglit muna kung gusto mo,” aniya. Nahihiya naman siyang tumangi at baka nga gutom ang binata. “Good. I’m kinda hungry too.” “Hmm.” Lumiko ang binata pagkatapos mag-go signal at ilang minuto lang ay nasa driver thru na sila. Dalawang sasakyan ang nasa unahan. Napansin niyang biglang naging tensyonado ang kasama. Pinagmasdan niya ang mahigpit nitong pagkakahawak sa manibela. Ganoon na rin ang pagtiim ng mga bagang nito. Panay ang buntonghininga ng binata kaya hindi alam ni Selestina kung paano mag-react. “Bakit? May problema ka ba? Mukha kang natatae,” hindi niya napigilang bulalas. Kaagad niyang natakpan ang sariling bibig nang bigla itong matawa habang nakatingin sa kanya. “What? Hahaha! What do you mean?” nagtataka nitong tanong. Mabilis siyang umiling. “Ay, wala ‘yon. Huwag mo ng pansinin. Nagha-hallucinate lang siguro ako,” nakangiwi niyang rason sabay iwas ng tingin. “Are you sure?” naninigurado nitong tanong. Kaagad siyang tumango. “Yes. Saka gutom lang siguro ako. Pasensya na at hindi ko napigilan ang aking bibig.” Kaagad niyang tinapik ang sariling labi. “Ito naman kasing bunganga ko, hindi nag-iisip. Basta-basta na lang nagsasalita.” Malakas na tumawa ang binata. Napahampas pa ito sa manibela dahil sa tuwang pagtawa. “You’re funny,” komento nito sa kabila ng pagtawa. Hindi halos makapagsalita nang maayos si River dahil sa narinig mula kay Selestina. Nasa linya na sila at nag-order ng pagkain. Hindi siya makapaniwala na kayang mag-joke ng dalaga. Natural ito kaya naman hindi niya inaasahan ang sinabi ng dalaga. Pati siya ay nabigla at natawa. Tahimik na silang pareho habang papauwi. “Hindi mo ba iyan kakainin ngayon?” usisa ni Selestina. “Why? Do you want to eat together? Puwede naman tayong pumunta sa parke. Doon na lang din tayo tatambay,” alok ng binata. “Eh? Seryoso ka ba? Hindi ba mukhang weird ‘yon?” “Bakit naman?” “You are casually asking me to eat out in a park. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita?” Natigilan ang binata saka nag-isip. “Hmm. You are right. Puwede rin namang sa rooftop na lang tayo, right?” suhestiyon nito kaya napailing na oang si Selestina. “Sige. Sa rooftop na lang. Mas safe ‘yon,” sang-ayon niya kahit hindi niya alam kung bakit inaalok siya ng binata para sabay na kumain ng fast food. “Okay. I’ll wait for you there. Don’t make me wait for too long.” Tumango lang si Selestina. Mabilis siyang umakyat sa sariling silid pagkauwi at nagbihis ng pambahay. Mabuti na lang at wala pa ang iba niyang kasama dahil paniguradong marami na naman itong tanong at nahihiya na siya rito. Nagsuot siya ng hooded jacket dahil malamig na ang simoy ng hangin sa labas. Gumagabi na rin at nagsisimula nang dumilin ang paligid. Naroon na kaagad ang binata pag-akyat ni Selestina. Nakasuot ito ng kaswal na itim na shorts at puting t-shirt na malaki. Nakaayos din ang buhok nito at kumikinang ang suot nitong kwentas. Seryosong lumapit si Selestina. Mabuti na lang at napigilan niya ang sariling ngumiti. Binabagabag pa rin siya sa mga aksyon at pinapakitang kakaiba sa kanya ng binata. Pakiramdam niya ay may malalim itong dahilan kung bakit ito napalapit sa kanya. At hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na iyon. “Hello,” nakangiti nitong bati sa kanya. Inaya siya nito palapit sa mga supot ng pagkain. Mukhang ininit pa nito ang mga iyon dahil umuusok pa ang mga pakpak ng manok. “Here’s your plate. Kinuha ko sa cafeteria. Hiniram ko lang para naman mas safe tayo kumain. Here’s your soft drinks with ice. Nagpabili pa ako dahil mas masarap kapag malamig. Eat,” animo’y nag-uutos nitong sabi. Napalunok si Selestina. Natatakam siya sa mga nakikita. Hindi pa siya kumakain kaya kumakalam na rin ang kanyang sikmura. “Salamat.” Nagsimula na rin siyang kumain. Paminsan-minsan at tinitingnan niya ang binata na tahimik na kumakain sa kanyang tabi. Parang malalim ang iniisip nito at mukhang nakalimutan nitong kasama siya nito. “May tanong ako sa ‘yo,” basag ni Sel sa katahimikan. Ibinaba ni River ang iniinom na soft drinks sabay tingin sa kanya. “What is it?” “Ano ang pumasok sa isip mo pagkatapos mo akong makita?” Nag-isip ang si River. Naghahagilap ng sagot. Inalala niya ang unang pagkakataong nakita niya ang dalaga. “Are you a twin?” seryosong sagot ng binata. “That’s the thought that kept longering through my mind after seeing you. Hindi ako makapaniwala na nakita kita. I mean, you looked exactly like Tin. Pero magkaiba kayo ng personality. And what if you're a twin?” Natahimik si Selestina at kusang nilipad ng hangin ang kanyang isipan. Ganoon din ang naisip niya pagkatapos niyang makita ang litrato ni Celestine. “Iyan din ang tanong ko. Tinanong ko si Mama pero hindi siya sumagot. Binabaa niya lang ang tawag,” aniya na animo’y nagsusumbong. “Hindi ko alam, eh. Alam mo ba ‘yong lukso ng dugo? Naramdaman ko iyon kanina. Biglang kumabog nang mabilis ang aking dibdib at kinabahan talaga ako. Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na may kamukha ako. Hindi pang kamukha, kamukhang-kamukha pa.” Iiling-iling na tinapos ni Selestina ang kanyang pagkain. Natahimik din ang binata habang nakamasid sa madilim na langit. Walang bituin kahit isa. Kahit buwan ay wala. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa mga poste ang nagbigay liwanag sa paligid. “What if,” pambibitin ng binata habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Napalunok si Sel dahil seryosong-seryoso ito. “You are really a twin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD