Chater 27
Abala sa pag-aayos si Selestina at Jordan. Nilinis ng kaibigan ang kanyang kuku dahil mahilig itong mag-manicure at pedicure. Napa-laundry na rin nila ang susuotin dress at na-plantsa na rin ito. Ang kailangan na lang nilang gawin ay ang magpaganda.
“Ang ganda ng nails mo,” puri ni Jordan nang matapos nitong linisan at lagyan ng kulay ang kanyang mga kuku. “Bagay na bagay ito sa dress mo,” dagdag pa nitong wika.
“Salamat. Hindi ko na maiisip ang mga ‘to kung hindi dahil sa iyo,” aniya habang tinitingnan ang kanyang mga kamay. “Sobrang ganda! At libre pa kaya mas lalong maganda,” tumatawa niyang sabi.
Mas malakas itong tumawa. “Siyempre! Kuripot ka, eh.”
“Tss. Kinabahan naman ako bigla. Ano kaya ang mangyayari mamaya?”
Nagsisimila na ang party nang makarating sila sa bungad ng eskwelahan. Sa mismong school gym ginawa ang party. Sabay na pumasok sina Jordan at Selestina. Panay ang ayos ni Selestina sa kanyang suot dahil pakiramdam niya ay mahuhulog ang straps nito. Hapit naman sa kanyang katawan ang suot pero hindi lang talaga siya sanay. Gayumpaman ay maayos naman niya itong nasuot.
Lumapit sila sa mismong table ng mga ka-grupo nila. Lahat naman ay napabaling kay Selestina. Maiksi ang kanyang buhok at pinlantsa ito ng kaibigan kaya lalong bumagsak ang dating at sobrang shiny. Hapit na hapit rin sa kanyang katawan ang suot na cream silky dress na lagpas tuhod ang haba. Suot niya rin ang gold stiletto na pinahiram sa kanya ni Jordan. Suot niya rin ang silver earrings na dalawang pulgada ang haba.
Hindi niya pinansin ang mga taong nagtitinginan sa gawi nila. “They are all looking at you. Nakakapanibago nga naman ang hitsura mo ngayon,” proud na wika ni Jordan.
“Of course! Ikaw ba naman ang personal makeup artist ko,” nakangising sagot ni Selestina. Warm up pa lamang at hindi pa dumadating ang mga bisita.
Itinuin ni Selestina ang paningin sa stage. Naroon ang ilang mga importanteng tao pero wala roon ang hinahanap niya. Mamayang gabi ay ia-announce kung sino ang face of the night at makakatanggap ang mga ito ng sash at cash bilang premyo kaya kitang-kita naman na ang lahat ay nag-effort talagang magsuot ng mamahaling mga damit at accessories.
Napatingin naman siya sa kanyang hitsura. Simple lang siyang tingnan. Ang importante ay madali lang sa kanya ang kumilos. Mahihirapan siyang tumakbo kung mabibigat at malalaki ang gown na suot.
“Good evening ladies and gentlemen! Let us all welcome—” Hindi na pinakingnan ni Selestina ang mga sinasabi ng MC. Iginala niya ang paningin sa paligid. May hinahanap ang kanyang mga mata. Si River. Usapan nila na sa school na sila magkikota ngunit hindi niya ito mahagilap. Nakalimutan niya ring dalhin ang kanyang cellphone dahil naka-charge ito at nagmamadali silang pareho ni Jordan.
Napabuntonghininga siya. Maingay ang paligid dahil may nagsasayaw sa stage bilang dance number. Iginala niya ulit ang paningin at hindi niya pa rin mahagilap ang binata. Sa dami ba namang estudyante, napapailing siyang bumuntonghininga. Nagsisi siguro ang binata nang siya ang yayain nito kaya hindi ito nagpapakita sa kanya. Napangiwi siya. Wala siyang pakialam.
Nilingon niya ang kaibigan. “Hoy, akala ko ba may date ka ngayon?” nagtataka niyang tanong.
Tumawa ito saka nagkibit-balikat na sumagot. “Wala. Excuse ko lang ‘yon para walang mangulit sa akin,” anito.
“Huh? Tss. Okay. Pero nasaan ba ang comfort room dito?” tanong niya.
Ngumuso ang kaibigan. “Doon sa likod. Bandang dulo na.”
“Sige. Pupunta muna ako. Naiihi na kasi ako,” nakangiwi niyang sabi.
“Samahan na kita,” presinta ng kaibigan at akmang tatayo na sana ito nang pigilan niya.
“Huwag na. Ako na lang. Kaya ko namang pumunta roon saka mag-enjoy ka na lang diyan sa panonood. Babalik ako,” aniya at nakampante naman itong umupo ulit.
Naglakad si Selestina papunta sa dulong bahagi ng gym at may iilang nakapila para mag-cr. Nakipila na rin siya at nang kaunti na at dalawa na lang sila ay kaagad siyang pumasok sa bakanteng comfort room. Naghugas siya ng kamay nang matapos. She dried her hand using paper towels na provided naman ng school. She was eyeing her reflection in the mirror nang biglang bumukas ang isang comfort room at bumungad sa kanya ang dalagang si Irish. Hindi siya kaagad nito nakilala kaya hindi niya ito binigyan ng pansin.
“Ha!” paasik nitong singhal. “Look at you!” nang-iinis nitong sabi. “Hindi ko naman aakalain na magmumukha kang tao ngayon.”
Nilingon niya ang dalaga. “Bakit? Ano ba ang tingin mo sa akin?” panghahamon niyang tanong.
“Trash. Basura,” matapang nitong sagot sabay buga ng malakas na hangin.
“Oh, ganoon ba? Bakit ka naman nandito?”
“Ha? Tanga ka ba? Comfort room ‘to at natural lang na nandito ako.”
“Tss. Truck ka ba ng basura?”
“Ha?”
“Sus! Bingi ka pala, eh. Ang sabi ko, truck ka ba ng basura?”
“What? You’re unbelievable! What do you think of me?” naiinis nitong tanong sa kanya.
Tumawa nang mahina si Selestina. “Hindi ba at sinabi mong basura ako? So, ano ka pala? Truck ng basura? Nandito ka sa harap ko, so, kokolektahin mo na ako? Tss,” pasiring niyang sagot.
“What?”
“Aba’y bobo ka pala? Tss.”
“Did you just call me stupid?” nanlilisik ang mga matang tanong nito sa kanya.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Hindi. Hindi ko naman na kailangan pang sabihin, st*pid ka naman talaga. Ikaw na nga nagsabing basura ako pero hindi mo man lang naintindihan ang joke ko? Tss. Tabi nga!” Tinabig niya ang dalaga dahil nakaharang ito sa kanya.
Mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay kaya padarag siyang napabalik sa kinatatayuan. “A-Aray,” angil niya dahil pakiramdam niya ay umikot ang kanyang braso sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanya ng dalaga. “Bitiwan mo ako.”
Tumawa lang ito. “Pagkatapos mo akong insultuhin, lalayasan mo ako?” nandidilat nitong tanong.
“Ha! Pagkatapos mo akong insultuhin, dadaragin mo ako?” balik niyang tanong sa sinabi ng dalaga. “For your information, ikaw ang nauna. Itatak mo riyan sa maliit mong kokote na ikaw ang nauna. Binalik ko lang sa ’yo ang klase ng masamang ugali na pinakita mo sa akin. Huwag kang tang@,” palaban niyang sagot.
“Grrr!” Lumipad ang kamay ng dalaga papunta sa mukha niya ngunit kaagad niya itong nasangga. Mas malakas at hindi niya inaasahang masasaktan ito. Tumama kasi ang kamay nito sa sementong pader kaya napairit ito sa sakit. “How dare you!” nanggagalaiti nitong singhal.
“No. How dare you! Ang kapal ng mukha mong lumapit sa akin tapos ikaw pa ang galit? Eh, kung ihian ko ‘yang mukha mo? Ang dami kong satsat, tang@ naman.” Kaagad suyang humarap sa salamin at inayos ang sarili.
Napansin niyang nanlilisik pa rin ang mga mata ng dalaga. Nilingon niya ito. “Alam ko, nakakapangit yung ganiyang ugali. Mabuti naman at nagustuhan ka ni Third. Hay, kung ako si Third, hindi kita papatulan. Masyado kang maarte.”
“Tigilan mo ako.”
“Wow. Eh, ikaw itong nauna? Tss. Walk the talk, Miss.” Kaagad siyang lumabas ng comfort room at naglakd papalapit sa kaibigan. “Oh, malapit ng matapos?” taka niyang tanong.
“Ang tagal mo nga, eh. Ano ba ang ginawa mo roon?”
“Tss. Nakasabay ko ang malas.”
Lumingon si Jordan sa pinanggalingan ni Selestina at nakita niya ang paglabas ni Irish. Nakasimangot ito at mukhang galit na galit.
“Ladies and gentlemen, bring your date to the dancefloor!”
“Oh my god! Dancing time!”
“Sino kaya ang mapipiling face of the night?”
“Siyempre! Si Irish pa rin ‘yan. Siya naman palagi, eh.”
Naririnig niyang bulungan sa paligid. Nakatayo na rin ang kaibigan niyang si Jordan at sumasayaw kahit walang kapares. Tumatawa pa ito habang kumikembot at sabay sa beat ng kanta ang galaw ng katawan. Magaling siyang sumayaw. Biglang umingaw ang paligid sa hindi niya malamang dahilan.
“Hala!”
“Ang gwapo niya!”
“Sh*t! Sino kaya ang date niya? Nakakainggit!”
Hindi pinansin ni Selestina ang kinikilig na boses ng kanyang mga kaklase. Kumuha siya ng pagkain sa kanilang table at kaswal na umayos ng upo bago sumubo ng finger foods. Namilog ang kanyang mga mata nang mag-angat ng paningin.
Nakatunghay ang binatang si River at nakalahad ang kamay. Nakangiti ito sa kanya. Gwapong-gwapo ito sa suot na tuxedo.
“Puwede ko bang isayaw ang pinakamagandang binibini sa gabing ito?” nakangiti, ngunit may pilyong ngiti sa labi na tanong ng binata.