Chapter 28
Ngumiti kay Selestina si River habang nakalahad ang isang kamay. “Puwede ko bang isayaw ang pinakamagandang binibini sa gabing ito?” Guwapong-guwapo ito sa suot na itim na tuxedo. Mamahalin ang pormahan ng binata. Amoy mamahalin din.
Pinigilan ni Selestina ang sariling yumuko at magtago kahait na hiyang-hiya siya dahil lahat ng mga usyusong kakilala ng binata ay nakatuon ang paningin sa kanilang dalawa.
Kaagad niyang tinanggap ang kamay nito at nakangiting tumayo. Mabilis na umalalay sa kanya si River. Iginiya siya ng binata sa gitna ng dancefloor. Dahan-dahang tumugtog ang malumanay na kanta. Napapiksi siya nang higitin siya ng binata palapit at nagtama ang kanilang paningin. Parang naghahabulan ang mga paruparu sa kanyang tiyan habang hawak ng binata ang kanyang likuran.
“Akala ko hindi mo tatanggapin ang kamay ko,” Nakangiti ngunit may bahid ng kaba sa boses ng binata.
“Akala ko rin hindi ka sisipot,” nakangusong sagot ni Selestina. “Hinahanap kita,” dagdag niya pa.
Biglang sumilay ang ngiti sa labi ng binata. “Hinahanap mo na pala ako?” nanunukso nitong tanong. “Na-traffic ako. Sorry kung natagalan ang prinsipe mo.”
Parang tinambol ang puso ni Selestina. Biglang nag-init ang kanyang pisngi dahil sa narinig. Bahagya siyang nag-iwas ng tingin ngunit namataan niya ang kaibigang si Jordan na malaki ang ngiti sa kanya at halatang nang-aasar pa. Wala sa sariling naibalik niya ang paningin sa binata na bahagyang tumatawa.
“Huwag mong pigilan ang kilig mo,” nanunukso pa nitong komento.
Napairap si Selestina upang itago ang tunay na nararamdaman. “Hindi ako kinikilig,” aniya.
Tumawa ang binata. Kaswal lamang iyon ngunit nagdulot ito ng kakaibang epekto sa puso ni Selestina. “Alam kong kinikilig ka. Namumula ka, eh,” kaswal pa nitong sabi na nakanguso sa tainga niya.
Kaagad na pinalobo ni Selestina ang kanyang pisngi dahilan upang mas matawa ang binata. “You look cute.”
“H-Huwag mo akong pagtawanan,” naiilang na usal ni Selestina. “Ang daming nakatingin,” nakangiwi niya pang dagdag.
“Sorry, Princess.” Halos tumalon ang puso ni Selestina. Hindi niya maintindihan ang inaasta ng binata. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan nito ang kanyang damdamin.
Mas naging mabilis ang hakbang nila nang tumugtog ang pangalawang kanta. Mas matikas na gumalaw ang binata. Panay naman ang sunod ni Selestina. Hindi siya marunong sumayaw ngunit dahil alam na alam ng binata ang ginagawa, nakasasabay ang kanyang katawan sa bawat kilos nito.
Halos mamula siya nang magtama ang paningin nila ng binatang si Third. Nasa dancefloor din ito at kasayaw nito ang dalagang si Irish. Pansin niyang nakasimangot si Irish at panay ang irap nito sa kanya. Mukhang nagtatalo ang dalawa ngunit hindi ito pinapansin ng binatang si Third.
“Don’t look at them. Just focus on what's in front of you.” Natinag siya nang magsalita si River. Ibinalik niya ang paningin sa kapareha. “May kaldereta na sa harap mo, tumingin ka pa sa adobo.”
“Tss. Mas gusto ko ng adobo.”
“Ouch,” tatawa-tawa nitong sabi.
“Masarap naman talaga ang adobo?” kunot-noo kong tanong.
“I know. It’s my favorite,” seryoso nitong sagot. Iginiya siya pabalik ng binata sa kanilang upuan pagkatapos nilang sumayaw. Halos hindi na rin magkamayaw sa pagsasayaw ang lahat. Pagod siyang umupo at hinilot niya ang kanyang binti. Umupo sa kanyang tabi ang binata.
“Napagod ka ba?” nag-aalala nitong tanong.
Tumango siya. “Medyo. Nag-enjoy naman akong kasayaw ka kaya ayos lang,” nakangiti niyang sabi.
Sumilay ang ngiti sa labi ng binata. “Thank you. Akala ko nga ay magagalit ka.”
“Bakit naman ako magagalit?”
“Well, you rejected me.”
“Ha? Hindi ka naman nanligaw, ah.”
Natigilan silang pareho. Gusto niyang lamunin ng lupa. Nakalimutan niyang niyaya pala siya ng binata bilang date pero tumanggi siya.
Hindi panliligaw ang ibig niyang sabihin ng rejected. Tss! Napakatanga mo naman, Selestina!
Huminga siya nang malalim at pilit na tumawa. “H-Hehehe. Sorry, akala ko kasi, ano.” Hindi niya magawang tumawa. Naging awkward tuloy silang pareho.
Sa kabilang banda…
“Stop looking at her,” galit na usal ni Irish. Nasa dancefloor siya kasama ang nobyong si Third. Well, hindi talaga nobyo. Pinilit niya lang ito dahil gusto niyang mainis si Selestina ngunit parang wala itong pakialam sa kanilang dalawa. Nakatuon ang paningin nito sa binatang kasayaw at walang iba kundi si River.
Ang matalik na kaibigan ni Third.
Pero noon iyon. Simula nang dumating sa buhay nila si Celestine, maging matalik na magkaibigan ang dalawa at naetsapwera siya. Si Celestine ang sumira sa relasyon nila ni Third at nang mawala ito ay ang dalaga rin ang sumira sa relasyon ng dalawang magkaibigan. Nawala na parang bola ang samahan nilang apat.
Ngunit nang dumating ang babaeng kamukha ni Celestine, masisira na naman ang relasyon niya kay Third. Well, matagal ng sira. Pinipilit na lang niyang ayusin kahit na alam niyang ayaw na sa kanya ng binata.
“I am not looking.”
“Well, you are. Kanina ka pa nakatingin sa kanya. She’s not Celestine for pete’s sake, Third. Hindi na siya babalik. She’s gone. Forever.”
Kaagad na binitawan ng binata ang kanyang kamay at iniwan siya nito sa gitna ng dancefloor dahil sa kanyang sinabi. Halos mangisay siya sa sobrang inis. Padabog siyang naglakad paalis habang bigat na bigat siya sa suot na gown.
“Third,” tawag niya sa pangalan ng binata ngunit hindi ito lumingon. Hindi niya pinansin ang mga nagtatakang tingin at bulungan sa kanyang paligid.
“Third, d@mn it!” Halos mamaos siya sa pagsigaw sa pangalan nito ngunit dire-diretso lang itong lumabas ng gym at pumunta sa parking lot.
Galit itong lumingon sa kanya. Nakahawak ang kamay nito sa pinto ng sasakyan. “Stop it!” galit nitong singhal. Nanlilisik ang mga mata nito. “Stop following me! Stop pestering me, Irish. Hindi na kita gusto. Hindi na kita mahal at matagal mo ng alam ang mga ‘yan. Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ka ba napapagod? Dahil ako, pagod na pagod na akong sumunod sa mga gusto mo. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa ‘yo. Pagod na akong makipagplastikan sa ‘yo. Pagod na ako.” Nangislap ang mga mata nito sa ilalim ng liwanag ng buwan.
“T-Third. I—”
“I said stop it already. Ayaw ko na. Tama na. Tapusin na natin itong pagpapanggap na gusto mo. Hindi ako natutuwa.”
Halos sumabog ang kanyang puso sa galit at inis. “No! Hindi ako papayag! Hindi puwede! Dito ka lang!”
Kaagad na sumakay ang binata sa sasakyan at umandar ito. Pinilit niyang pigilan ang pag-alis ng binata ngunit hindi siya nagtagumpay. Umiiyak siyang nagpapadyak dahil sa galit. She tried calling his phone pero dalawang ring lang ay nakapatay na kaagad ang cellphone ng binata. Inis niyang binato ang kanyang cellphone. Tumama ito sa bato at kaagad na nabasag. Nasabunutan niya ang kanyang sariling buhok.
“You’re pathetic.” Kaagad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nabungaran niya si Selestina. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
Kaagad na sumibol ang kakaibang galit sa kanyang dibdib. Nilapitan niya ito at akmang kakalmutin nang bigla itong umiwas kaya tumimbuwang siya papunta sa semento. Napasigaw siya sa sakit. Nagkagalos ang kanyang braso at kamay.
“Argh! That hurts! You biatch!” sigaw niya.
“Tss. Bakit parang kasalanan ko? Ikaw itong gumalaw tapos kasalanan ko pa na tumimbuwang ka riyan?”
“Bakit ka umiwas?” galit niyang tanong. “Bakit ka sabi umiwas?” Dahan-dahan siyang tumayo.
“Tss. Kung hindi ako umiwas ay tatamaan mo ako.”
“Hindi ka dapat umiwas!” sigaw niya at akmang susugurin ang dalaga nang maapakan niya ang sariling damit kaya napasubsob siya sa semento. Napasigaw siya sa sakit. “O-Ouch!”
“Oh, baka sabihin mong kasalanan ko na naman ‘yan? Tss. Pathetic. I pity you.” Kaagad itong naglakad paalis kaya lalo siyang nanggagalaiti sa galit. Hindi man lang niya nagawang saktan ang dalaga. Nagmukha pa siyang t@nga sa harap nito.