Chapter 29
Sinundan ng tingin ni Selestina ang nagdadabog na si Irish. Umabot sila hanggang parkong lot at narinig niya ang mga sinabi ng binatang si Third. Mabuti na lang at hindi siya napansin ng dalawa. Halos maglupasay pa ang dalagang si Irish. Hindi makapaniwala si Selestina sa kanyang narinig. Nangba-blackmail lang pala ang dalagang si Irish upang pagbigyan ng binata ang mga gusto nito. Gusto niyang tumawa sa nakita lalo na nang takasan ni Third si Irish at pumaharurot ito paalis.
Mukha itong pinagsakluban ng langit at parang. Parang nalugi. Kaya naman hindi napigilang magkomento.
“You’re pathetic,” anas ni Selestina nang makalapit sa binata. Pinagkrus niya ang dalawang braso at buntonghininga pinagmasdan ang dalaga.
Mabilis itong napalingon sa gawi niya. Pinanliitan siya nito ng mga mata. Kaagad niyang napansin ang biglang panlilisik ngmga mata ng dalaga. Tumayo ito at akmang susugurin siya kaya mabilis siyang umiwas. Nagulat siya nang bigla na lang tumikbuwang ang dalaga papunta sa semento. Sumubsob ito roon. Malakas itong napairit dahil sa sakit.
Nagkagalos ang braso at kamay ni Irish. Nanlilisik ang mga matang lumingon sa kanya ang dalaga. “Argh! That hurts! You biatch!” sigaw pa nito sa kanya.
Napangiwi si Selestina sabay kunot ang noo. “Tss. Bakit parang kasalanan ko? Ikaw itong biglang sumugod tapos kasalanan ko pa na tumimbuwang ka riyan?” nagtataka niyang tanong. “Tss. Para kang tang@,” dagdag niya pang sabi.
“Bakit ka umiwas?” galit nitong tanong. “Bakit ka sabi umiwas?” Dahan-dahan na tumayo si Irish.
Lalong nalukot ang noo ni Selestina. Ano ba ang pinagsasabi nito? “Tss. Natural talaga na iiwas ako dahil kung hindi ako umiwas ay tatamaan mo ako!” singhal niya.
“Hindi ka dapat umiwas!” sigaw nito.
“Huh? Aba! Talagang may sira ang ulo mo, ano? Sino ba naman ang gusto matamaan ng kamandag mo? Iiwas ako kung gusto ko dahil may utak naman ako, okay!” inis niyang sigaw.
Lalo lang nanggigil ang dalaga at akmang susugurin ulit siya nito nang maapakan nito ang sariling damit kaya napasubsob ito sa semento. Napasigaw si Irish sa sakit. “O-Ouch!”
Iiling-iling na bumuntonghininga si Selestina. “Oh, baka sabihin mong kasalanan ko na naman ‘yan? Tss. Pathetic. I pity you.” Kaagad siyang naglakad paalis kaya lalo itong nanggalaiti sa galit.
Sinundan lang naman niya ang dalawa pero hindi niya aakalaing marami siyang marinig at malalaman. Kagaya na lamang ang pagpapanggap ng dalawa bilang couple kahit na ang totoo ay si Irish lang naman talaga ang may gusto sa ganoong setup nila.
“Tss.” Napangiwi siya. Nagmamadali siya sa pagbalik sa loob ngunit nakaramdam siya ng tawag ng kalimasan kaya lumiko siya at pumasok sa pambabaeng banyo. Walang tao kaya kampante siyang namili ng bakante saka pumasok. Lumabas siyang maginhawa ang nararamdaman. Napapikit pa siya habang palapit sa sink. Hindi niya pinansin ang babaeng naghuhugas din ng kamay. Yuyuko na sana siya para maghugas ng kamay nang bigla na lang itong napasinghap.
Nag-angat ng paningin si Selestina. Nakataning sa repleksyon sa salamin ang ginang. Mukhang isa ito sa mga bisita ng school nila dahil hindi naman ito estudyante. Baka isa ito sa mga lecturers? Hindi niya malalaman kung hindi siya magtatanong.
“Bakit po?” taka niyang tanong sa ginang. Nakatingin ito sa salamin pero nasa repleksyon niya ang buong atensyon nito.
Lalong nanlaki ang mga mata nito. Napahawak pa ito sa sariling dibdib. Parang kinakapos ito ng hininga. Nakaramdan nang matinding kaba si Selestina. Hindi niya maitangging nakaramdan siya ng takot dahil na rin sa mga nangyari nitong nagdaang mga araw.
“Ayos lang po ba kayo?” nag-aalala na niyang tanong dahil mukhang nahihirapang huminga ang ginang. Nilapitan niya ito at hinawakan sa likod. Hinaplos niya ang likod nito. “Tatawag po ba ako ng medic? Ano po ang problema?” sunod-sunod niyang tanong dahil hindi na rin niya alam ang gagawin.
“Celestine.”
Bigla siyang natigilan. Nilingon niya ang kanilang repleksyon sa salamin. Titig na titig sa kanya ang ginang na para bang nakakita ng multo. Ganoon na lang ang gulat niya nang maalalang tinawag siya nito sa pangalang hindi pamilyar sa kanya.
Naiilang siyang ngumiti. “Pasesnya na po kayo. Selestina po ang pangalan ko, hindi Celestine,” aniya.
Lumingon ito sa kanya at doon niya natitigan nang mabuti ang mukha ng ginang. Hindi niya ipinakita ang gulat sa kanyang mga reaksyon. Doon niya napansin ang pagkakahawig ng ginang at Celestine.
Siguro ito ang ina ni Celestine?
Hindi niya magawang tawagin itong ina dahil hindi naman ito ang kinalakihan niyang ina. Sumibol ang inis sa kanyang puso. Ang kapal naman ng mukha nitong umiyak sa harap niya? Hindi niya alam kung paano ito pakikitinguhan gayong ngayon lang niya ito nakita at umiyak pa ito sa harap niya.
“Bakit po kayo umiiyak?” may bahid ng inis sa kanyang boses nang tanungin niya ang ginang.
“Celestine,” umiiyak nitong sambit sa pangalan ng anak.
Lalong nakaramdan ng inis si Selestina. “Tss. Tawagan n’yo na lang po ang anak ninuo para makauwi na kayo. Mukhang kailangan na ninyong magpahinga.”