Lucas Ian Anderson (Lucien) “Yes, ikaw na muna ang bahala sa UL. Aasahan kita, Gavin,” sabi ko habang kausap siya sa kabilang linya. Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib. Hindi pwedeng mapabayaan ang Underground Laboratory kahit isang araw. Lalo na ngayon—may isyu sa media, may mga matang nakatingin, at hindi imposibleng may sumubok sumingit sa lugar na hindi dapat. “Relax,” sagot ni Gavin, may halong biro. “Kaya ko ’to. Basta ikaw, siguraduhin mong hindi kayo maabutan ng reporters.” Napabuntong-hininga ako. “Oo. Bantayan mo rin si Diamond. At kung may kakaibang galaw sa security logs, ikaw na bahala.” “Copy, boss,” tugon niya. “Enjoy your trip.” Hindi ko na pinatulan ang tono niya at pinutol ang tawag. Paglingon ko, nadatnan ko si Ysabelle sa may h

