Lucas Ian Anderson (Lucien) “Oo, bakit? Aangal ka?” inosenteng tanong nito. Sa simpleng tanong na iyon, parang may biglang humampas sa dibdib ko. Hindi dahil sa tono niya—kundi dahil sa tapang. Hindi ko inaasahan na aamin siya, at lalong hindi ko inaasahan na ganoon niya iyon sasabihin: diretso, walang paligoy, walang pag-aalinlangan. Nagulat ako nang matapang niya akong sagutin. Ang akala ko ay iiwas siya. Tatawa. Magbibiro. O kaya’y magpapanggap na wala siyang narinig. Pero hindi. Pinili niyang harapin ako nang ganoon lang—parang normal lang sa kanya ang konsepto ng selos, na para bang karapatan niya iyon. Hindi ko napigilang huminto sa paghinga ng ilang segundo. Parang biglang nagdiwang ang loob ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Parang may fireworks na pumutok sa isip ko, s

