Pagdating nila sa lower service kitchen, saka lang naniwala si Kleo na seryoso si Vincent sa sinabi niyang kakain siya. Hindi dahil umupo ito nang maayos. Hindi dahil humingi siya ng tray. Kundi dahil literal na hinila siya nito papasok sa maliit na breakfast prep room sa likod ng main kitchen at agad nagsabi sa unang cook na nasalubong nila— “Anything fast. Real food.” Napatingin si Kleo sa kanya. Then sa cook. Then back. The cook, na halatang matagal nang sanay sa mga hindi normal na request sa bahay na ito, tumango lang at nagsimulang maglabas ng tinapay, itlog, at kung anong mukhang puwedeng lunukin ng isang lalaking mas mahalaga ang plan kaysa pulse. Kleo leaned against the counter and folded her arms. “Wow.” Vincent didn’t look at her. “Ano na naman.” “Nothing. Naka-witne

