Vincent Thor Vanderbilt (Victor) “Where’s Lucien?” tanong ko agad pagkapasok ko sa kwarto ni Mia. “Kinausap ni Mommy,” sagot niya, mahinahon, parang wala lang. What the hell? Kung nandito na si Lucien, bakit wala akong nakitang Ysa sa daan? Bakit wala siyang bakas kahit saan? “Hi, Gavin. I was shocked when you suddenly left last night right after I woke up. Akala ko matutuwa kayo,” nakangiti pang sabi ni Mia, nakatingin kay Gavin na parang siya lang ang tao sa loob ng kwarto. “So, where’s Ysa?” tahimik na tanong ko sa sarili ko, ramdam ang unti-unting pagsikip ng dibdib. “Of course I was busy. I needed to update Lucien about your condition,” sagot ni Gavin, halatang may halong inis at sarkasmo. “Oh, is that so?” ngumisi si Mia. “I was wondering why Lucien wasn’t here when I woke up.

