Ysabelle Cuevas (Ysa) After Lucien left... Natulala na lang akong nakatingin sa unti-unting nawawalang imahe ni Mister habang sakay sa isang motor. Ramdam ko pa ang mahina pero tuloy-tuloy na ihip ng hangin na tumatama sa aking pisngi, para bang nang-aasar na rin sa akin. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng aking puso, na para bang may kung anong hinihila rito papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung babalik ba ako sa loob para maghintay o manatili na lang dito sa labas, nagbabakasakaling maalala niyang narito pa ako. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang eksena kanina, kung paano siya umalis na parang wala lang, na parang hindi naman mahalagang naiwan niya ako rito. "That jerk!" Nangingilid ang luha ko nang mapalingon ako s

