Gavin “How can I? Mia finally woke up,” seryoso kong sabi habang tinititigan ko si Lucien sa screen. Kita ko kung paano dahan-dahang nanigas ang panga niya. “Make sure to make your departure right now if you still want to see her, since her mother is also on the way here to claim her daughter after saying na dadalhin niya ito sa U.S. for better recovery.” Sa unang pagkakataon sa tagal naming magkakaibigan, kitang-kita ko sa mukha niya ang hindi niya kayang itago. Gulat. Pagkalito. At ’yong klase ng pagkatarantang bihira mong makita sa isang taong sanay mag-desisyon para sa buhay ng iba. Hindi siya nagsalita. Hindi na rin kailangan. Tumingin siya saglit sa gilid, parang may hinahanap, tapos bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng frame. Sa may gilid ng screen, natanaw ko pa si Ysa

