Ysabelle Cuevas (Ysa) Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Sa unang segundo, hindi agad utak ko ang nagising—parang mga mata ko lang ang gumalaw. Puting kisame. Malambot na kama. Malamig na simoy ng hangin na hindi galing sa aircon kundi parang natural na lamig ng umagang sariwa. Hindi ito kisame sa mansyon. Hindi rin ito kisame ng hospital. “Nasaan ako?” tanong ng utak ko, pero sa isip ko lang. Napapikit ulit ako, parang ini-replay ang kahapon sa slow motion: ulan, gubat, madulas na lupa, ang malakas na kulog, sigaw ko, bisig ni Mister, malamig na tubig ng waterfalls, ilaw sa ilalim ng lupa, at ang sandaling parang binitbit niya ako palabas ng mundo papasok sa panaginip. Sa muling pagbukas ng mga mata ko, hindi na kisame agad ang nakita ko. Siya. Si Mister. Nakatalikod n

