Akala ko tapos na ’yung panginginig ko noong naibigay ko na kay Steven ang phone. Akala ko kapag may ibang taong humawak ng problema, bababa na rin ’yung bigat sa dibdib ko. Pero hindi pala ganun. Kasi kahit hindi na nasa kamay ko ’yung phone, nasa isip ko pa rin ’yung mga salita. Laruan. Cute. What’s mine. Parang may kumapit na malamig na daliri sa batok ko, at kahit anong pilit kong magpakatapang, naroon pa rin ’yung feeling na kaya akong abutin kahit nasaan ako. “Dito,” sabi ni Steven, sabay turo sa maliit na upuan sa hallway. Umupo ako agad, hindi na nakipagtalo, hindi na nag-“okay lang.” Kasi sa totoo lang… hindi na okay. Tahimik siyang tumayo sa harap ko, parang pader. Hindi siya masyadong malapít para maging uncomfortable, pero hindi rin siya lumayo para maramdaman kong

