Ysabelle Cuevas (Ysa) May mga umagang hindi mo kailangang magdasal para kabahan ka. Kasi kahit wala kang alam na masamang mangyayari, naroon pa rin ’yung pakiramdam na parang may mata sa likod ng ulo mo. Bumangon ako nang maaga ulit, hindi dahil excited lang ako matuto, kundi dahil hindi ko na kayang magkunwaring normal ang t***k ng puso ko kapag naaalala ko ’yung messages kagabi. Tinignan ko ang phone sa mesa. Tahimik siya. Walang bagong text. Pero hindi ibig sabihin no’n ligtas na ako. Huminga ako, tapos bumaba ako ng kama, maingat sa tuhod ko. Mas maayos na ’yung bandage, mas konti na ang kirot, pero ramdam ko pa rin—parang paalala na may mga nangyari talagang hindi mo pwedeng i-delete. Paglabas ko ng kwarto, naroon na si Steven. Parang lagi siyang naka-schedule sa buhay ko k

