Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ako agad nakatulog. Hindi dahil maingay ang villa—kasi sobrang tahimik dito, parang hindi totoo—kundi dahil sa bawat pagdampi ng hangin sa bintana, pakiramdam ko may kasama siyang bantang hindi ko nakikita. Humiga ako, nakatalikod, yakap ang unan, pero sa utak ko, paulit-ulit pa rin yung salitang sinabi ni Victor kanina. Targeted. Parang ang bigat-bigat niyang pakinggan kahit isang word lang. Kaya sa gitna ng dilim, kinuha ko ulit ang phone ko. Hindi ko binuksan ang message ni Mister. Hindi ko rin binuksan yung unknown number. Tinitigan ko lang ang screen na parang naghahanap ako ng sagot sa liwanag nito. Pero wala. Huminga ako nang malalim, tapos naalala ko yung sinulat ko sa notebook. Kapag natatakot ako, puwede pala akong magsabi. Ang simple no’n

