Chapter 5.3 - Villafuerte

1445 Words
HAIBARA "Tara na." saad ko at umikot ulit kami para makapunta sa Entrance ng School na ito. Another Day again. Parang ayoko na atang pumasok kung magpapanggap din naman pala kaming mahina. Pagkatapak namin sa Entrance ay nagsimula na naman ang bulung-bulungan. Naiyukom ko ang mga kamao ko. f**k this! Lumunok ako at tumikhim. "Remember what Dad told us. Indirectly man 'yon, kailangan nating magmukhang mahina. Drop your cold attitudes." bulong ko sa kanila at sinimulan nang maglakad dito sa pasilyo. "Ih. Bakit Ikaw Ate Haibara ay cold pa rin?" bulong naman pabalik ni Grae. Napatigil ako. "O-okay." saad ko at nautal dahil sa pag-iwas sa hindi malamig na tono. Ugh! Ayoko nito. "Hannah, isipin mo nalang 'yung lalaki sa Music Room para humarot ka nalang at hindi maging yelo." pang-aasar sa akin ni Ash. Sinamaan ko siya agad ng tingin kaya nag-peace sign nalang siya. Lumingon ako kay Gin at pilit siyang nginitian. '"Anong oras na Gin?" tanong ko sa kaniya. Tumalima naman siya at tumingin sa wristwatch niya. "Wow! Ichi, nag-iimprove ka na!" bulalas ni Miwa. Napalingon ako sa kaniya at nginitian siya ng tipid. Namangha siya. "Gusto mo mamatay?" saad ko habang nakangiti. Nawala ang ngiti niya at napangiwi sabay iling. Napadako ang paningin ko nang magsalita ulit si Gin. "It's already 7:50 am. Tara na. Dapat kasi hindi tayo mahuhuli sa klase." Aish! Ang boring na talaga. Nakasandal ako sa upuan at nagpapanggap na nakikinig. Ayoko na maging nerd! Nakaka-irita. Napukaw ang atensyon ko nang biglaang pumunta si Ms.Cynthia doon sa may pintuan at may kinausap. Sino naman kaya 'yun? Pumunta ulit si Ms.Cynthia sa harapan at tsaka pumalakpak ng tatlong beses. "Class, may transferee." saad ni Ms.Cynthia at lumingon sa bandang pintuan. "Please enter, Mr.Villafuerte." saad niya. Villafuerte? Hindi kaya-- Nagulat ako mentally dahil sa nakita ko. Ang lalaking iyon. "Hi! I'm Alexander Villafuerte. Nice to meet you!" Anong ginagawa niya rito? Naiyukom ko ang aking mga kamao ko. ***** ASH Alexander Villafuerte. s**t! Anong ginagawa niya rito?! Bakit? Kung hindi ako nagkakamali, siya ang anak ni Clyde Villafuerte na pinatay namin dati dahil sa isang misyon. Andito kami ngayon sa teritoryo ng target namin at nag-aabang. Ang pangalan niya ay Mr.Clyde Villafuerte. Siya ay isang Drug dealer at inutos ng Black Organization na patayin siya at ang time limit ay hanggang bukas ng madaling araw kaya kumikilos na kaming ngayong gabi. Ang oras palang naman ay 11:00pm. Andito ako sa isang puno at nagmamasid habang si Blood Queen (Haibara) ay katabi ko tapos si Raven Princess(Miwa)at Silent Killer (Yui) ay naging decoy. Kumbaga, magpapanggap silang bibili ng drugs at meron din silang dalang briefcase na may lamang mga pekeng pera na kayang idaya ang isang tao. Si Black Thunder (Grae) at Poison Tricker (Gin) ay magkasama. Habang hinaha-hack ni Poison Tricker 'yung security cameras para maging malinis ang trabaho namin ngayong gabi, si Black Thunder naman ang magbibigay ng signal saamin kasi siya ang may contact sa mga security cameras gamit ang neon cellphone niya. Naramdaman kong biglang nag-vibrate 'yung earpiece ko kaya pinindot ko iyon ay sinagot. Narinig ko ang boses ni Black Thunder. "Hacked." saad ni Black Thunder na senyales na maghanda na kami dahil magsisimula na. Pagkatapos ay narinig ko mula sa earpiece namin ang pagsabi ni Black Thunder kanila Raven Princess at Silent Killer na mag-start na ang acting nila. Manunuod lang kami habang isinasagawa na ang pag-arte nina Silent Killer at Raven Princess. Ngunit kahit malayo sila ay naririnig namin ang usapan nila dahil sa hikaw nina Silent Killer at Raven Princess na isang earpiece. Naka-disguise sila. May suot silang face mask na ang mukha ay pang adik na babae. Na tipong parang adik talaga sa drugs dahil sa laki ng eyebugs. Naka blue tank si Raven Princess habang si Silent Killer ay naka black tank tapos nakapantalon silang maong na may chain malapit sa bulsa. Nilagyan namin ng lipstick na black at eyeliner na black ang face mask nila at pati narin ang eyeshadow na black sa ilalim ng mga mata para ipamukha na may eyebags tapos nakalugay lang ang buhok nila. "So you are Sanae and Ryou that will order drugs, eh?" saad ni Mr.Clyde. Tumango nalang sila Silent Killer. Pagkatapos ibigay ni Mr.Clyde 'yung drugs, nagbigay na ng signal si Black Thunder kaya ako na si Crimson Princess at si Blood Queen ay pumunta na sa mga tauhan ni Clyde without them knowing. Isa-isa namin sila hinampas sa kanilang mga batok dahilan para makatulog sila agad. Hindi kami napansin ni Clyde kaya tahimik na pumunta si Blood Queen sa kaniya at tinutukan siya sa likod ng kaniyang ulo. ''Move or your dead.'' mapagbantang saad ni Blood Queen sabay kasa ng pistol. Nanginginig na tumingin saamin si Clyde. Binaba ni Blood Queen ang pistol. "What do you want? Easy?" tanong sa kaniya ni Blood Queen at itinaas ang pistol. Natameme si Clyde. "Or....hard?" pahabol ni Blood Queen at tsaka tinaas ang punyal niya. Tinangka ni Clyde na tumakas ngunit naharangan agad siya ni Silent Killer. Nakatanggal na ang mga disguise ni Silent Killer at nakamaskara na rin ito katulad namin. Sumunod din si Raven Princess. "Where do you think you're going huh?'' saad ni Raven Princess habang kasama si Silent Killer na may hawak na chain. "Silent Killer, turn ko ngayon pumatay, remember?''pang-uuyam ni Blood Queen habang nakataas ang kilay. Napasinghal nalang si Silent Killer sa kaniya. Lumabas narin sa dilim sina Poison Tricker at si Black Thunder. ''Silence means right,Clyde.'' saad ni Blood Queen sabay bato ng isang dagger na sakto sa hita ni Clyde. "Ack!" daing nito. Napahalakhak si Blood Queen ng sobrang sama na parang nasisiyahan siya sa nasisilayan niyang pag-agos ng dugo sa mga hita nito. ''Ngayon mamatay ka na, Bastard!!'' bulyaw ni Blood Queen. Una niyang sinaksak sa braso si Clyde. Pagkatapos ay sa tiyan, tapos sa puso at sa ulo. Kaya ang resulta ay humandusay na sa sahig ang patay na katawan ni Clyde na puno ng saksak. Napadako ang pangingin namin nang may sumigaw. "Bakit niyo pinatay si Papa?!" Sigaw ng isang lalaking kasing edad din namin. Umiiyak itong pumunta sa bangkay ng tatay niya. Tumakbo na kami paalis at pumunta sa dilim pero bago pa kami makaalis ay may sinigaw ito. "Pagbabayaran niyo ito! ***** CONAN Ba't andito ang pinsan ko? Naalala ko tuloy 'yung mga araw na kasama ko pa si Tito Clyde at gumagala kami dati-rati nung mga bata pa kami. Naalala ko rin tuloy kung bakit ako naging Gangster. Gusto kong maging malakas at gusto ko ring mahanap ang pumatay sa pinakamamahal kong Tito. Si Alexander ay ang hidden card sa grupo namin. Siya si Nameless dahil hindi siya madalas nasama saamin. At pinangako ko sa kaniya na ipaghihigante ko ang pagpatay ng 6 Killing Sakuras sa Tito Clyde ko. Wala akong pakielam kung sino sila basta mamatay sila sa sarili kong mga kamay. Umupo si Alexander sa tabi nung isang nerd na ang alam ko'y pangalan ay Jane. Sa unang tingin palang, parang may paraan sa pagitig nilang dalawa. Pakiramdam ko tuloy parehas silang tinamaan ng pana ni Kupido. "Tignan mo nga naman oh. Bagong salta palang, nangchi-chix na." komento ni Chris. Humarap ako sa kaniya. "Syempre, ganiyan talaga mga lahi namin. Mabibilis." makahulugan kong saad. Inakbayan ako ni Chris. "Kaya pala parang naaliw ka kay Haibara ah." pang-aasar niya. Napatawa nalang ako at napailing-iling. "Siraulo." balik ko rito at parang hinimas ang aking invisible balbas. "Pero pwede na siya." mahina kong saad. Parehas kaming sumulyap sa gawi ni Haibara at parang bored na bored ito sa mga nangyayari sa paligid. "She's cute. Siguro kung tanggalin ang glasses, pwede na. Her body is..." bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Pinakiramdam ko rin si Chris at medyo humigpit pa ang hawak nito sa balikat ko. "Hot. Ano kayang size ng boobs niya?" bulong ko kay Chris. Napahimashimas din ito ng invisible balbas niya. "Siguro 36 cup c." tugon niya gamit ang manyak niyang boses. Napatango-tango ako habang suot ang nakakalokong ngisi. "Flat din tiyan niya no? Hindi kaya nagwo-work out siya? Firm e." gatong ko pa. "Ang alin?" malokong saad ni Chris and wiggled his blonde eyebrows. I smirked. "Ano 'yung firm?" tanong ko. He nods his head thrice. "Behind." maikling tugon ko. Pasikreto kaming nag-apiran at tumawa-tawa. Nasa gitna parin kasi kami ng klase kahit papaano. "Class, we will be having a sports fest and if you want to participate, may mga listahan akong pinapakalat ngayon para malagay ang mga pangalan ninyo." anunsyo ni Ms. Cynthia. Lumayo na agad sa akin si Chris at naging abala sa panunuod ng p**n. Syempre, biro lang 'yon. Maginoo kaya kami kahit medyo..manyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD