Chapter 5.2 - Battle Part 2

2494 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Now, let the battle begin!" saad ng MC kaya na naging senyales para magtapat-tapat na ang magkakalaban sa gitna ng Arena. It's a coincidence that both gangs have the same number of group members kaya lahat sila may katapat. This is the line up of their battle. Daredevil Princess (Haibara Ai Hyde) versus Dark Knight (Conan Edogawa) Despicable Ash (Natasha Wailey) versus Vodka (Jarvey Lim) Kir (Yui Frenzwich) versus Hiei (Akai Shuichi) Chianti (Miwa Fritz) - Korn (Chris Vineyard) Vermouth (Grae Ford) versus Shinigami (Mitsuhiko Yushida) Gin-Crasher (Ginea Athena Wailey) versus Gin (Nathaniel Lim) Seryoso silang nagtitigan sa isa't-isa at halatang kinikilatis ang magiging kalaban nila. Ang Cephrins Gang ay walang mga maskara na suotdahilan para makilala agad nina Haibara na sila talaga nag Cephrins na nambulabog sa buhay nila. ''Ano magtitigan nalang ba tayo dito?" nakangising saad ni Dark Knight. Pagkasabi niya no'n ay agaran siyang lumapit kay Daredevil Princess. Nanatiling nakatitig lamang sa kanya si Daredevil Princess gamit ang matitingkad nitong pulang mga mata na tila ay walang pakielam sa nagyayari at makikita mo rito na blangko lamang ang ekspresyon ng mukha niya. Ngunit sa loob-loob ng dalaga ay para itong bulkan na sasabog dahil sa pagkasabik. Matagal-tagal din kasi siyang tigang....sa pakikipaglaban. Nang makalapit na si Dark Knight kay Daredevil Princess ay agaran niya itong dinambahan ng suntok. Pagdating sa G-Point at sa buong Gangster World, hindi uso ang mga gentleman. Lalo na pag nasa gitna sila ng laban. Wala namang pinagkaiba sa tunay na mundo ang pagkawalan ng gentleman ng mga ito. Imbes na tumama sa mukha ni Daredevil Princess ang kamao ni Dark Knight, sinalubong niya ito ng kaniyang palad at agarang ipinilipit. Habang hawak pa ang pulso ni Dark Knight ay agad gumilid si Daredevil Princess at inabot ang batok nito. Sa isang iglap ay nakasubsob na ang mukha ni Dark Knight sa sahig. ''Not so fast dude.'' saad ni Daredevil Princess gamit ang nang-aasar na tono. Agad namang tumayo si Dark Knight na parang walang nangyari. Pinahiran niya ang dugong umaagos sa gilid ng bibig niya gamit ang likod ng kaliwang kamay niya. "You got me in there." Nakangising saad ni Conan. Sa kabilang banda ay pinauulanan na ni Despicable Ash ang kaniyang kalaban na si Vodka ng suntok pero wala paring bumabagsak sa kanila. Competitive parehas. Walang nagpapatalo. Tila ba sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo at may lihim silang kasunduan na hanggang kamatayan ang kanilang labanan. Si Kir naman, pa-easy easy lang habang nakiki[aglaban sa mga atake ni Hiei. Nakasuot pa ito ng headphones at nakikinig ng musika. Ang galaw niya rin ay mabilis at parang hangin lang siya sa harap ng kaniyang kalaban. ''Iyan lang ba ang kaya mo kaya puro iwas ka na lang?''nakangisinghamon ni Hiei kay Kir. Naiyukom ni Kir ang kanyang kamao at sinuntok sa tiyan si Hiei kaya siya'y tumilapon sa sahig. ''Tss.'' singhal ni Kir. Agarang tumayo muli si Hiei at pinahid ang dugo sa na dumadaloy mula sa kaniyang bunganga. "Interesting." saad ni Hiei at nakipaglaban kay Kir. Sa pagkakataong ito ay tumutugon na sa mga atake si Kir. Gaya ni Kir, si Chianti ay pa-easy-easy lang din sa pakikipaglaban at tila nasayaw pa dahil nasabay lamang ito sa musika sa kanyang beats sa loob ng arena habang nakikipaglaban kay Korn. Hindi maiipagkaila na bahagyang nainis si Korn sa tinuturan ni Chianti na nakapikit pa habang nilalabanan siya na ani mo'y minamaliit siya. "Kung hindi lang siya sexy sumayaw, kanina ko pa 'to pinatumba." saad ni Korn sa kaniyang isipan at nagkibit-balikat na lamang. Si Vermouth naman ay sarap-sarap pa sa subong lollipop habang nakikipaglaban kay Shinigami. Halata sa bawat galaw at atake nila sa isa't isa ay para lang sila naglalaro sa kalagayan nila ngayon. "Uy Vermouth, patikim naman ng lollipop mo!" parang batang saad ni Shinigami. Dinilaan nalang siya ni Vermouth at kumindat. Napatulala naman dito si Mitsuhiko at parang bumilis pa ang t***k ng puso nito. "Ang cute niya." saad ng hormones ni Shinigami. Kahit nagtataka, sinamantala nalang ni Vermouth ang pagkakataon at sinuntok si Shinigami sa tiyan. Napataas naman ng kamao si Vermouth sa ere at sandaling hinugot ang lollipop sa bibig. "Whooh! Naisan kita! Yey!" bulalas ni Vermouth habang tumatalon-talon pa. "Tss, ngayon lang kaya!" bulyaw naman ni Shinigami habang namimilipit parin ngunit nakapaskil sa mga labi nito ang isang ngiti. Si Gin-Crasher na ata ang pinaka-GG sa lahat. Ang pinakaayaw kasi ni Gate-crasher ay 'yung may kaparehas siya sa kahit anuman pang bagay. At nataon naman na ang codename ng kalaban niya ay kaparehas ng nickname niya. Sobra ang pwersang inihahatid niya sa bawat pagsuntok at sa pagsipa sa kaniyang kalaban na si Gin kaya't halos hindi sa kaniya makasabay ang ungas. "I really hate girls." reklamo ni Gin at iniwasan ang tira ni Gate-Crasher. Napasinghal naman si Gate-Crasher at akmang susuntok ulit nang umiwas bigla si Gin. Tila nawalan ito nang balanse kaya muntik pa siyang sumalampak sa sahig. Buti nalang talaga at nahawakan agad ni Gin ang braso nito bago pa mahuli ang lahat. Agad naman 'yong iwinaglit ni Gate-crasher at napaiwas ng tingin. "I really hate guys." saad nito sa kaniyang isipan. Tanging mga tunog lamang ng mga paglapat ng kanilang mga kamao sa isa't isa ang maririnig at ang mga pagsalpok nila sa sahig dahil sa pagsipa ng bawat isa. Lumalakas narin ang hiyawan at cheers ng mga manunuod dahil nagugustuhan nial ang nasasaksihan. Panigurado na marami na naman ang nagsusugalan sa tabi-tabi kung sino ang mananalo sa dalawang Gangs. Tinaas ni Daredevil Princess ang Mid Finger niya sa ere at ngumisi kay Dark Knight. Sinamaan naman siya ng tingin nito. "Kababaeng tao." komento ni Dark Knight sa kaniyang isipan. Subalit, lingid sa kanilang kaalaman, isang senyales ang ginawa ni Daredevil Princess para tapusin na ang paglalaro nila. Gamit ang kanilang mga finishing blow, pinatumba nila ang Cephrins ng isang atake lang. Mas lalo namang dumagundong ang buong lugar nang malaman na kung sino ang nanalo. Ang all-female gang na hanggang sa ngayon, hindi parin nagpapakilaal sa madla. Umakyat ulit ang MC sa Arena at nagsabi pa ng ending remarks nito. Lumingon ito kay Daredevil Princess. "What's the name of your gang?" The MC asked and handed Daredevil Princess the microphone. Tumahimik naman agad ang lahat para marinig ang pangalan ng tumalo sa kasalukuyang namamayagpag na Cephrins Gang. Naalimpungatan naman na sina Dark Knight at tila nag-aabang din sa pangalan ng grupo na nakatalo sa kanila. "Kami ang Maja's Gang. The Legendary Gang." saad ni Daredevil Princess gamit ang nakakakilabot nitong tono. Tila nawalan ng boses ang mga manunuod at maging ang MC ay natigilan din. Kinuha na ng MC ang microphone at napatingin na sa madla. "The winner is the undefeated legendary gang, the Maja's Gang!" saad nito at lumapit kina Daredevil Princess. Ang grupo naman ni Dark Knight ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Halatang nabigla sila sa katauhan ng kanilang mga kalaban. "Picture tayo, please?" pahabol ng MC at nagpa-cute sa Camera para sa selfie niya with the Maja's Gang. **** HAIBARA "Ano namang gustong sabihin sa amin ni Dad?" tanong ko Maid na nakasalubong namin dito sa Mansyon. After our battle with the Cephrins, hindi na kami nagtagal doon. All we want is the to satisfy our bloodlust, not to show off. "Hindi ko rin po alam, younglady." mahinahon niyang tugon. Napabuntong hininga ako. Ni hindi manlang kami nakapagpalit muna ng damit. "Nasaan pala si Kuya Shuichi? Andito ba siya?" pag-iiba ko ng usapan. "Nasa may Gym po siya, younglady." tugon nito. Tumango nalang ako. "How I wish we can fight again in the arena." saad ni Grae habang sumisipsip ng lollipop. "Tiis-tiis muna tayo. Pahinga narin siguro 'to." pag-aalo naman sa kaniya ni Gin. Kinatok ko na agad ang Study Room ni Dad at pinapasok naman niya kami agad. Ibinba niya muna ang hawak niyang mga papeles at inalis ang reading glasses niya. Umupo na kami sa mga sofa na naroroon. Hindi pa nga pala siya nakakauwi sa Japan. Siguro dahil hinihintay niyang maging ready si Kuya Shu bilang heir niya. "As far as I can remember, my princess is only the one I suggested to wear glasses. Tapos ngayon, kayo palang lahat. Alam ko naman na gusto niyo lang damayan ang leader ninyo but with that get up, hindi ba't masyadong obvious?" mahinahon na saad ni Dad. Tumaas ang kilay ko. "Bakit po ngayon niyo lang 'yan sinabi?" banat ko. Huminga siya nang malalim. "Kung hindi mo sana sila dinamay, edi sana okay lang 'yung pinaggawa niyong pagpatol sa mga nambu-bully sa inyo. At least, ikaw lang ang nagmumukhang..." he trailed off. "Fragile." dugtong niya. Tinitigan ko lang siya at hindi tumugon. Dad is fully aware how my tongue cuts my words. At sa ganitong pagkakataon, baka hindi niya magustuhan ang tabas no'n. "These past few days, may nakuha akong impormasyon na may nakapasok na invalid student sa Hyde University. The identity is not confirmed yet so I recommend that you should go lowkey." My Dad suggested. Tumahimik lang din ako at hindi ulit nagsalita. "Do you want my abilities to secure the system, Tito Satoshi? To prevent this kind of scenarios." Gin said. "No!" bulalas ni Dad na ikinunot ng noo ko. "I mean, sure. Pero sa ngayon, susubukan namin muna 'tong lutasin ng mga kasamahan namin ni Tita Ayumi ninyo." saad niya habang tinutukoy ang aking ina. He even flashed a smile. "Sa ngayon, ipinagbabawal ko muna ang pagpatay at kung maari, huwag na kayo ulit papatol sa mga nanghahamak sa inyo. I will do everything in my power to keep you all safe if the assaults had crossed the line. But as long as tolerable pa naman 'yung ginagawa sa inyo, just drop it." saad ni Dad. Napabuntong hininga nalang ako. What can we do? He might be in a light mood today para maging mahinahon siya sa amin but his words speak authority. Indirectly niya lang na sinabi na dapat maging mahusay kami bilang mga nerds. Nang matapos na ang munti naming pagpupulong ay nagpaalam agad ako sa mga ka-gangmates ko na pupunta ko muna ang Kuya ko. Nagsipasukan nalang din sila sa mga kwarto nila para magpahinga. Actually, I want to jump on my bed and loose myself on dreams but I still need to attend Kuya's Training, Kargo ko pa kasi siya. Naabutan ko naman si Kuya na pawisan at sinusuntok 'yung human punching bag namin. He's topless, revealing his toned muscles and six pack abs and wearing only a blue jersey and sneakers. Hindi niya ako napansin kaya pinagmasdan ko siya sandali para mabigyan siya ng tiyansa na maramdaman ako. I rolled my eyes when ten seconds past and he didn't even turn his damn head to look at me. Napailing-iling ako at kumuha ng isang punyal sa combat shoes na suot ko. "Hey!" tawag ko sa atensyon niya. Humarap siya sa gawi ko at nagliwanag pa ang mukha. "Oh Haibara! Andito ka na pal---" naputol ang sasabihin niya nang biglang may tumarak na punyal sa human punching bag na nasa likuran niya. '"Haibara naman! Muntikan na ako!" pagmamaktol niya. Ngumisi lang ako. Parang nawala ata antok ko. Tumakbo naman ako papunta sa kaniya at pinaulanan siya ng suntok ngunit nasasangga niya ang bawat suntok ko gamit ang mga braso niya. "Ayos ah." komento ko. Ngumisi naman siya at akmang magsasalita nang suntukin ko siya sa sikmura. Napalayo siya agad sa akin at namilipit sa sakit. Napaupo sa sahig. Kinuha ko naman ang mga shurikens sa tabi kong lamesita. "Kuya, kung gusto mong maging malakas, Dapat huwag mong gawing laro ang pakikipaglaban." saad ko at biglaan siyang binatuhan ng mga shurikens. Iniwasan niya 'yung lahat habang nakaupo siya at tsaka siya agarang tumayo at pinaulanan ako ng mga suntok. Pagkasuntok ko sa kaniya gamit ang kanan kong kamao ay nakuha niya ito at pinilipit papunta sa likod ko. Napangisi ako. ''Nice try.' saad ko at inapakan ang paa niya. Lumayo siya sa akin at bahagyang nakataas ang paang inapakan ko at umaaray na naman siya. Napailing-iling nalang ako at inabot 'yung dalaang Katana na nakasabit sa pader. Ibinato ko 'yung isa sa kaniya. Sumugod na siya sa akin at winasiwas agad ang talim ng Katana niya. Nilapat ko naman ang talim ng Katana ko sa kaniya at nagpadausdos. Humiwalay kami nang walang nagpatalo sa paglapatan ng talim. Ang sarap sa tenga ng pagkalansing ng aming mga patalim na parang mga metal na nagsasalpukan. Biglaan niyang itaas ang talim ng katana niya at tsaka tinangkang ipanghiwa sa akin ngunit nasalo ko lamang ito gamit ang dalawang daliri ko. Napatigil siya at nagulat kaya ginamit ko ang tiyansang iyon para matutukan siya ng talim ng katana ko sa kaniyang leeg. "Waah! Rematch!" saad niya. Inalis ko ang talim ng katana ko sa leeg niya at tsaka tumango. Sumugod siya ulit at iniba niya ang istilo ng pag niya sa Katana. Naglapat ulit ang aming mga patalim. Ngunit hindi pa nga ako nadadala sa tensyon nang bigla niyang hatiin ang damit na suot ko. Naka-black sando lang ako dahil inalis ko 'yung vest nung makauwi kami rito mula a G-Point. Lumantad tuloy 'yung kulay puting kong brassiere sa harap niya. Tinutok naman niya agad 'yung talim ng Katana niya sa leeg ko. "Ang hot mo, Lil sis." pang-aasar niya. at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Hindi naman ako nailang sa titig niya. "Kaso may humps ka sa tiyan." dugtong niya kaya agad ko siyang binigwasan. Flat kaya tiyan ko. Sipain ko siya riyan e. Magparehas nga kaming may six pack abs. Tumatawa-tawa nalang siya roon nang kumuha ako ng bago naming armas. Ibinigay ko sa kaniya 'yung isang Colt 45. "Kung sinong madaplisan, siya ang talo." saad ko. Sinimulan ko nang paulanan siya ng mga bala ngunit naiiwasan niya ang mga ito. Nagkakaroon tuloy ng mga butas 'yung pader ng Gym. I mean, nadadagdagan pa. Hindi na kasi nire-repair ang mga 'yon kasi nagkakaroon din naman ng mga butas ulit. Hindi naman siya naging dahilan para maging pangit ang Gym. Cool nga e. Pinaulanan niya rin ako ng mga bala ngunit naiiwasan ko rin 'yon. Matagal kaming nagpaulan ng aming mga bala hanggang biglaan akong nagpadausdos sa sahig at pinaputukan siya sa gilid ng kaniyang jersey. Damit lang at hindi ang kaniyang laman. Inangat ko naman ang aking paningin at pinakita ang kaliwa kong kamay na nakasalo ng ilang mga bala. "Whoah! Paano mo 'yan nasalo?" gulantang niiyang saad. Tumayo ako at pinagpagan ang aking damit. "Paputukan mo ulit ako ng tatlong beses at kahit saang direksyon." saad ko. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pag-sang ayon at tsaka niya ako pinaputukan. Piniramdaman ko ang mga bala at sinalo ko lahat ng mga ito gamit ang mga pagitan ng aking mga daliri. "Whoah!" bulalas niya. Ngumiti ako at tsaka binitawan ang mga bala kaya bumagsak ito sa sahig at tumalbog-talbog pa. "That's the end. Bahala ka na. Matutulog na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD