Chapter 5.1 - Battle (Part 1)

1979 Words
HAIBARA Pagkarating namin nina Ash dito sa mansyon ay dumiretso na kaagad kami sa HQ. Kailangan pa naming maghanda para sa laban mamaya pero kailangan pa naming dumaan sa mga passage rito. "Na-eexcite na ako mamaya." saad ni Miwa. "Bare-handed mga ang labanan e kaya lakas laban sa lakas talaga." singit naman ni Ash "Teka, andito na tayo sa Walk-In Closet ni Hannah. Calm your balls down already." sita naman ni Gin at sinenyasan na akong buksan ang passage. Kinapa ko ang isang button katabi ng switch ko ng ilaw at pinindot 'yon. "Ang dami talagang ek-ek!" bulalas ni Grae habang nakasunod lang sila sa akin. "Well, security purposes." saad ko at tinuro ang isa pang passage na lumitaw sa harap namin. "Magkaparehas lang ang password ng HQ natin sa school at dito kaya may acess din kayo rito." saad ko at ininput na sa maliit na keypad ang password. Nang matapos ko nang ilagay 'yung code ay bumukas agad iyon at dinerekta kami sa HQ. Sa unang tingin, ang meron lang dito ay isang hilera ng Mac Computers, isang 63" na Screen para gamitin sa pang-navigate or entertainment purposes, at basic furnitures para pagstay-an namin. "Nasaan na 'yung mga weapons? Bakit mga pictures na natin ang nakasabit sa pader?" tanong ni Miwa. Ngumisi ako. "Masyado ka kasing nagmamadali." saad ko at idiniin ang isang ballpen sa sticky note. In cue, biglang nagrotate ang mga pader at napalitan ito ng samu't saring armas na pwede nating gamitin. "So the friction between the sticky note and ballpen had caused this? Hmm. I'vegot theories in my mind." saad ni Gin habang nakahawak sa baba niya at malalim na nag-iisip. Ang singkit niyang ring mga mata ay lalong naningkit. "Huwag mo munang isipin kung paano 'yan nangyari Gin. Let's go back to our business." saad ko at umupo sa may swivel chair. Ipinagdaop ko ang mga palad ko at tinitigan sila. Understanding my gesture, nagsimula na silang gumalaw. ''Anong susuotin natin Miwa?" tanong ko sabay lingon kay Miwa na kasalukuyang tumitingin sa sketchpad niya. Siya kasi ang nagdedesign ng damit namin pag may laban. Actually, fashion is her second name. "Ito Ichi." Aniya at pinakita sa akin ang sketch ng susuotin namin. Tumango ako. Lahat ng naka-sketch sa sketchpad niya ay gawa na kaya siya na mismo ang namimili para mas mabilis. I don't like the idea of rummaging every single cloth in our Close just to choose our outfit. Pumunta ako kay Yui na dumiretso agad sa mga isang lamesita kung saan nakalatag ang mga armas namin. Pagdating sa mga armas, Si Yui ang eksperto rito. "Anong gagamitin natin,Yui?" tanong ko. Nanatili lang siya sa kaniyang ginagawa na pag a-asemble at hindi lumingon sa akin. ''Butterfly knives, Double-Blade Katanas, mga Kunai at mga maliliit na talim na nakalagay sa talampakan ng mga boots natin. Are these okay with you,Ichi? ''pagkukunsulta niya sa akin. Nginitian ko lang siya at nagthumbs-up. "Alam kong alam mo na bare-handed fight ang ni-request ko pero mas maganda naring sigurado diba?" saad ko. Ngumiti ako. Si Yui, pagdating sa mga ganito na interes niya ay nawawala ang pagiging tahimik lalo na't kagustuhan niya ito. She is obsessed with weapons after all. Iniwan ko na siya roon at tsaka tumungo naman kay Gin. Hinawakan ko ang ibabaw ng bakal na upuan niya at tsaka sinilip ang screen ng computer niya. "Gin, may nadiskubre ka na bang kaayon-ayon na impormasyon sa Cephrins Gang?" tanong ko sa kaniya habang hindi parin lumilingon papunta sa direksyon niya. Naramdaman kona gumalaw siya at may narinig akong wasiwas ng papel. "Ito Hannah." saad niya at tsaka nilagay sa harapan ko ang isang folder. Dumako ang paningin ko roon kaya kinuha ko ito at agarang binuksan. CEPHRINS GANG The name of the Gang is derived from the rumbled word of Princes. In addition,they added letter H on their name to signify Hell. Basically speaking, the true meaning of Cephrins is Princes Of Hell. In the current system, Cephrins showed their talents in any fields of battles. Short-range, long-range, endurance and influence. Below is a coverage of their latest fight versus Red--- Mahaba naman masyado pero ang mga importanteng impormasyon lang ang binasa ko rito dahil doon lang ako interesado. "Mas maganda kung makakakuha pa tayo ng mas maraming data kapag nakasagupa na natin sila." komento ni Gin at inayos ang earpiece na nakasabit sa tenga niya. Tinapik ko ang balikat niya. "I'm counting with you. Gin. Iaasa ko na sayo ang gawain na 'yon." saad ko at iniwan na siya. Sunod akong pumunta kanila Ash at Grae. Nasa garahe sila at namimili pa ng gagamitin naming sasakyan. Lumapit ako sa kanila. ''Ash, Grae. Anong gagamitin natin?'' tanong ko sa kanila at tsaka ginala ang mga mata ko sa buong garahe. Hmm, ano naman kayang napili ng Race addicts na mga 'to? ''Yamaha Motorbike, Hannah.'' saad ni Ash. Yamaha Motorbike? Not bad but it's kinda common. ''Or kung car naman, Lamborghini Aventador.'' saad ni Grae. Conyo girl ba siya or Childish lang talaga? Kadalasan, nagugulumihanan narin ako sa babaeng ito. "Tara sa loob." saad ko at tsaka tumalikod sa kanila. Naramdaman ko namang sinundan nila ako hanggang makapasok kami sa loob. Tumigil ako at pumalakpak ng ilang beses para mapukaw ang atensyon nilang lahat at hindi naman ako nabigo roon. "Anong gusto ninyo? Motorbike or Car?" tanong ko sa kanila. Nilagpasan ako nina Ash at Grae para pumunta kanila Yui. Nag usap-usap sila at tsaka sabayang tumango nang nakahanap na sila ng desisyon. ''Car.'' They said in chorus. ''Then it's settled then.'' saad ko. Tumingin ako sa relo ko at napagtantong 5:45pm na. 15 minutes nalang at 6:00pm na. Hindi kami pwedeng magpalate nang lagpas trenta minutos dahil baka manalo sila dahil sa default. "Magbihis na kayo. Miwa, siguro naman nilagay mo na sa bawat dressing room natin dito ang mga damit hindi ba?" Ani ko. Tumango naman si Miwa bilang tugon. Sinimulan ko nang kumilos at pumunta na sa dressing room. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. All-Black outfit. Isang fitted-sando sa loob ng Black Vest ko. Nakasuot ako ng isang wasted jeans showing the shape of my legs at naka-combat boots. Sleeveless ang Vest kaya kitang-kita ang tattoo ko na may pigura ng isang Yinyang at isang cursive form ng Daredevil Princess. Sinuot ko na ang maskara ko na may disenyo ng isang Yinyang din at Tinitigan ko ang mga mata ko sa salamin. Marahan ko itong sinara at huminga ako nang malalim. Pagmulat ko ay pula na ang mga ito. The legendary eyes of Daredevil Princess. Lumabas na ako ng Dressing Room at tsaka umupo sa isang stool para hintayin silang matapos. "Miwa, your designs are perfect!" puri ni Ash. Ngumiti naman si Miwa habang ang mga kasama ko'y nanlumo. "Dapat hindi mo na siya pinuri." "Ugh. Here she goes again...." "Ti-nake note ko kasi ang mga posisyon ng mga Tattoo natin. Kay Ichi, nasa right arm niya kaya sleeveless ang gamit niya." saad ni Miwa at tinuro ako. "Kay Ash naman ay nasa likod ng tuhod kaya tokong na hindi magkapantay ang ibinigay ko sa kaniya." saad ni Miwa habang nagegesture pa kay Ash. "Kay Yui naman, nasa likod ang tattoo niya kaya backless ang ginawa ko. But knowing how boyish she is, medyo inangasan ko pa ang design." saad ni Miwa at kinindatan si Yui. Err.. "Kay Grae, well nasa tenga naman 'yung tattoo niya kaya pinaalis ko nalang 'yung earrings niya. I based her oufit on her personality. I want her to look like a Doll but at the same time, killing machine." saad niya. Pumaikot naman si Grae at tuwang-tuwa sa dress niyang maraming ruffles. "I love it." bulalas niya. Pumunta naman si Miwa kay Gin na nagtitpa parin sa Phone niya. "Kay Gin naman, nasa bandang kaliwang side ang tattoo niya kaya corset ang sa kaniya. She looks very daring diba?" saad ni Miwa at tumawa. Mas lalo namang napailing si Gin. They're the other sides of the coin. Gin is techy, Miwa is errr...Kikay. "And last! Since mine is on my shoulder, off shoulder ang get up ko." saad niya while clapping her hands. "Okay, tapos na ang Fashion Show kaya tara na." bagot kong saad at nauna na palabas. Dumiretso na agad kami sa Garahe para sumakay na sa mga kotse. Dala rin namin ang mga armas na kakailanganin mamaya. Nilusot ko na ang susi sa Keyhole nito at umarangkada na. **** Sa kalagitnaan ng pagpunta namin sa mismong G-Point ay nagtaka ako sa GPS ko. Ang tinuturo kasi nito ay diretso lang din pero nahaharangan na ang daan ng maraming puno't mga vines. It's my first time in here sa Underground G-Point ng Pilipinas kaya naninibago pa ako ng onti. I think may passage rito para makapunta ng direkta sa G-Point. Tumigil muna ako at tsaka lumabas ng sasakyan ko. Nilapitan ko ang isang puno na malapit sa akin at sinubukan itong kapain. Tinignan ko ang compass ko at dito sa mismong puno ito nakaturo. Ang nade-detect kasi ng compass kong ito ay ang magnetic mass galing sa mga metal at para namang nakakapagtaka na dito ito nakaturo subalit isa lamang itong puno. I think ito ang daan. Kinapa ko pa ng kinapa ang puno hanggang may nakapa akong bahagyang nakalubog na parte kaya diniinan ko ang parteng iyon. Nagsiwalaan ang mga vines at mga puno sa mga dadaaanan namin. Now I know it. Ito ay hindi isang ordinaryong gubat. Camouflage. Sumakay ulit ako sa kotse ko at kinapa ang earpiece na nakapormang hikaw sa aking tenga. "Sundan niyo lang ako. Diretso lang at walang liliko." saad ko at pinaandar ulit ang kotse ko. Lumipas ang sampung minuto bago kami lubusang makapasok dahil sa pinaka-dulo ng diretsong daan na ito ay may isang malaking Gate at mayroon itong scanner sa gilid. Binuksan ko ang wind shield ko at pina-scan ang G-Card ko sa scanner. Kaya may scanner rito ay para ang tanging makakapasok lang ay ang mga Gangsters or mga Assassins dahil bawal rito ang mga civilians. Mamaya may mangyaring Gang War edi damay sila. At isa pa, hindi pwedeng ma-peke ang G-Card ng kahit sino lang dahil pagdating rito sa scanner, oras na may na-detect silang may kulang na detalye, kahit napaka-liit pa niyan, Invalid na agad 'yun. Pagkatapos mag-scan ay awtomatikong bumukas ang Gate at pinapasok kami. Dumiretso agad kami sa Parking Lot at naghanap ng Parking Slots. Pagkatapos naming mag-park ay pumunta na kami sa loob nang G-Point kung saan nagsama-sama ang mga masasamang kulto--este Gangsters. "So, Let's start the Countdown! 10! 9! 8!" "Teka, nagka-countdown na sila!" bulalas ni Ash kaya binilisan na namin ang galaw para makakuha ng perfect na grand entrance. "5! 4! 3! --" countdown pa nung MC. Pumasok na ako sa Arena at tsaka tumakbo patungo sa kaniya. Napatigil naman siya sa pag-countdown at napatingin sa akin. Nilapit ko ang bunganga ko sa kaniyang tenga. "Kami ang humamon sa kanila kaya stop that countdown." bulong ko. Napatango naman siya at ngumiti na naman ng napakalapad. Ganiyan pala ang MC. "Everyone! Dumating na po ang Gang na humamon sa Cephrins Gang! Ahm, Miss? Pwede ko bang itanong kung ano ang pangalan ng iyong Gang?" magalang na tanong niya at tsaka tinutok sa akin ang Microphone niya. ''Mamaya na lang.'' tugon ko gamit ang malamig na tono. Maraming naghiyawan dahil sa tonong ginamit ko at sinasabi pa nila na baka may babatbatin daw kami or pasikat lang. Tss, marami talagang mapanghusga sa mundo. Binalik na ng MC ang sarili niyang microphone sa bibig niya. "Listen up, verybody! Ngayong gabi ay hand to hand combat lamang ang mangyayari sa pagitan ng Cephrins Gang at sa Unknown Gang na naandito ngayon sa Arena." saad nung MC. Naramdaman ko tuloy ang paglala ng bloodlust ng mga kasamahan ko at ang manunuod. "Now, let the battle begin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD