HAIBARA
Sinalubong na namin ang atake ng mga kalaban. Naging maingat ako sa paglapat ng mga bats sa katawan ko dahil kung nagkataon ay napakalaking damage ang matatamo ko galing doon. Walang emosyon ang mga butlers at para lang silang mga robots na sumusunod sa utos ng amo nila---si Nathalie.
Tatlong butler ang kumorner sa akin. Sa una ay walang gumalaw at pinakiramdaman ang isa. Obviously, I am outnumbered. Tatlo sila, isa ako. But heck, quality over quantity. Kung ikukumpara kami sa mga paninda sa isang tindahan, sila ang mga malapit nang ma-expire at ako naman ay ang bagong labas palang sa stocks.
"Matapang ka, younglady." komento ng isa at binalak akong hampasin nang bat niya. Hinatak ko agad ang katabi kong butler at siya ang pinatama ko roon sa atake ng isa. Nawalan naman agad ng malay ang ginamit kong pangsangga at bumagsak sa sahig. Pinulot ko ang bat na hawak nito at hinarap ang natitira pang dalawa.
"Parang ang unfair naman diba kung ang younglady na nasa harapan niyo ay wala manlang armas?" saad ko at inatake sila. Sinalubong nung isa ang tira ko habang ang isa naman ay nagpunta sa likod ko. Agad kong sinipa ang nasa likuran ko nang akma niya akong hahampasin ng bat na hawak niya. Dahil natuon na ang atensyon ko roon ay hinampas ng kaharap ko ang bat niya sa akin. Pinilit kong makaiwas pero nag-landing parin ang bat niya sa balikat ko.
"So, hindi nga kayo ordinaryong butlers, huh?" komento ko at sinapo ang balikat ko. It screams pains. Nanunuot sa kalamnan ang pwersa ng bat na hinampas niya.
"Ipagpatuloy niyo lang 'yan! Doble-pay kayong araw." komento ni Nathalie. Tinignan ko siya nang matalim at akmang lalapitan nang bigla akong itulak sa sahig ng mga butlers na kalaban ko. Mabilis akong tumayo pero naunahan agad nila ako. Inatake nila ako kahit nakaupo parin ako sa sahig. Sinalubong ko ang mga atake nila.
"Grab the opportunity nga naman." saad ko at pinuwersang ilayo ang mga bat nila sa akin gamit ang bat ko. Nang mailayo ko ay akmang tatayo ako nang salubungin nila ako ng mga bat na magkasalunga ang direksyon---isa sa harap at isa sa likod. Kaya imbes tumayo ako ay napahiga nalang ako ulit.
"Trabaho lang, walang personalan." sabay nilang saad at sinubukan akong atakihin kahit nakahiga pa. Gumulong-gulong ako para maiwasan ang mga atake nila. Jeez. Laking pagpapahirap ng mga 'to. Isama pa ang nanakit kong balikat.
Mabilis kong ginala ang mga mata ko sa kanila at nakita kong open ang mga paa nila. Nagpatuloy lang ako sa pag-iwas ng mga atake hanggang makalapit sa gawi ng mga paa nila.
"Sorry but the game is over." saad ko at pinulupot ang magkabilang binti ko sa mga paa nila. Hinatak ko ang mga 'yon palapit sa akin kaya natumba sila agad at humampas sa kanila ang mga bats nila. Kinuha ko ang tyansang tumayo at agad na pinag-untog ang mga ulo nila.
"Sleepwell." saad ko at binagsak na ang ma ulo nila sa sahig.
"Ichi!"
Naalerto agad ako nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Kulang na ang oras para makaiwas o lumingon paharap. Kusang gumalaw ang katawan ko pakaliwa nang may bumagsak na kung ano sa sahig.
Isang walang malay na butler.
Pagtingin ko sa gilid ko ay andoon si Yui na ibinababa palang ang butler niyang hawak. Pinasadahan niya ako nang tingin at tsaka bumalik kina Miwa. Doon ko lang napansin na tapos narin pala sila at napabagsak narin ang mga butlers na kinalaban nila.
"I-impossible." narinig kong saad ni Nathaliesod kaya napalingon ako sa kaniya. Akmang tatakbo siya nang bigla siyang hawakan sa braso ng magkapatid na Waileys.
"Think you can escape from her wrath?" saad ni Ash.
"Be ready. It's payback time." dagdag naman ni Gin at binalibag si Nathaliesod sa harapan ko. Marahas kong inabot ang wavy niyang buhok at hinigit ang ulo niya para humarap sa akin. Nangingilid na ang luha niya at nanginginig narin ang labi niya. Nanlambot na nga ang tuhod kaya hindi na siya makatayo pa at nanatiling nakaluhod sa harapan ko.
"Don't you dare to leave your business unfinished." saad ko at sinampal siya. Napahawak naman agad siya sa pisngi niya at lumingon sa akin. Nasa harapan na niya ako ngayon at mas nakikita ko pa ang takot na idinudulot ng aking ginagawa sa kaniya.
Pero...
Parang may kakaiba sa takot sa mata niya.
Parang......
Hindi totoo.
"Please don't hurt me. Please. Nagkamali ako." maluha-luha niyang sambit. Napakurap ako. Imahinasyon ko lang ba ang mga 'yon?
"Ichi, mag-uumpisa na ang klase." saad ni Miwa. Huminga ako nang malalim at tinitigan nang matalim si Nathalie.
"Don't mess with us anymore, understand?" saad ko. Desperada naman siyang tumango-tango.
''I-I understand.''nangangatal na saad ni Nathaliesod. Sinipa ko na ang sikmura niya at sumubsob ang mukha niya sa sahig.
"Now leave. Huwag mo nang ipakita sa akin 'yang mukha mo." saad ko. Agad naman siyang tumayo at tumakbo palayo.
''What a stupid bitch.'' komento ni Gin. Napailing-iling nalang ako at pinagpagana ng damit ko. Masakit parin ang balikat ko at hula ko ay may pasa 'yon pero hindi ko nalang pinansin. Minsa kasi, pagmas lalo nating pinapansin ang sakit, mas lalo tayong masasaktan.
"Hannah, sigurado ka bang hindi niya ipagsasabi ang mga ito?" tanong ni Ash. Tumingin ako sa kaniya at tinignan muli ang dinaanan ni Nathalie paalis.
"Hindi. Sa tingin ko, hindi maganda sa titulo niya bilang Queen Bee kuno kung malalaman nila na ginulpi siya ng isang hamak na grupo ng nerds." saad ko.
"Dumiretso nalang tayo sa Cafeteria, kanina pa nag-start 'yung Science Class natin e." saad ni Grae. Sumang-ayon naman ang lahat at naglakad patungo sa Cafeteria. Nang nasa tapat na kami ng Cafeteria ay pumasok na kami at lahat ay nakatingin sa amin.
Ano bang problema nila?!
Lahat sila 'di nadaan sa gitna at sa gilid lamang nadaan habang may ngisi sa kanilang mga labi. Napataas ako ng kilay mentally. Hmm? Parang may inaabangan silang mangyari. Agad naman akong napatingin sa sahig dahil sa mga reaksyon nila.
"Slime..." bulong ni Yui. Tsk. Booby Traps. Umiwas agad kami sa gitna at dumiretso sa nag-iisang bakante na 6 - seater na upuan. Uupo na dapat kami nang biglang magsalita si Yui.
"Tape..." saad niya. Gumala agad ang paningin ko sa pagkakainan namin at napagtanto ko na nakatape lamang ang mga upuan doon. Pag nga naman umupo kami roon ay matik na hahalik ang mga pwet namin sa sahig. Tsk, seryoso? Ang childish ng mga naiisip nilang traps. Nag-iinit na aking ulo.
"Tara na nga't lumabas." inis na saad ni Gin at nauna na. Halatang na-disappoint ang mga itsura ng mga tao rito sa Cafeteria pero nakapaskil din dito na hindi rito magtatapos ang kalokohan nilang inihanda para sa amin. Hm, I wonder kung sino ang may pakana nito. Si Nathaliesod parin kaya?
Pagkalabas naman namin may nagbato bigla sa amin ng mga itlog at kamatis, pero naiwasan namin 'yon at minsan pa nga ay sinasalo. Tsk, sinasayang lang namin ang oras namin dito. Dapat hindi nalang kami nag-cutting classes.
"Parang dati, tayo ang nanti-trip tapos ngayon, tayo ang pinagti-tripan." komento ni Ash. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag-iwas at pagsalo ng mga binabato sa amin. Napabungis-ngis ako ng hindi maganda.
''Ichi's chuckling guys.''nakangiwi na saad ni Miwa sa aming lahat. Ngumisi ako sa kaniya.
''Don'tcha worry. Makikipaglaro lang tayo sa kanila." saad ko sabay kindat. Umupo ako sa sahig habang sila ay naiwas parin. Kinilabit ko si Yui at napatingin naman agad siya sa akin kahti nagmumuka siyang sumasayaw dahil sa pag-iwas.
"Pahiram ng beats." saad ko. Kinuha niya naman ang beats na nasa leeg niya at ibinigay sa akin. Hindi na ako nagpasalamat at sinalpak na ang dalawang pisngi ng beats sa tenga ko.
What's that sound? What's that thang that's got me like wow?
I'm tryna beat beat it up twelve rounds
Girl, look at that body, I just gotta say
Ayos ah. Twerk it like Miley pa ang tugtog. Habang nagpapatugtog ako ay binato ko ang mga nararamdaman kong estudyante na malapit sa amin.
When you back back back back back it up
And you drop it down low
And you pick pick pick pick pick it up
Girl, I'm ready to blow
May isang estudyanteng nag-aabang sa likod ng basurahan kaya pinuntirya ko agad siya. Tinira ko agad at binato ng kamatis ang nasa taas ng puno na nasa malapit sa amin. Nag-aabang kas siya ng tiyempo para batuhan ulit kami.
I'm a stack stack stack stack stack it up
And I'm spending it all
When I throw throw throw throw throw it up
Pagkatapos' yung dalawang itlog ay pinagsabay kong batuhin sa dalawang patuloy parin kaming pinagbabato. Sapul 'yon sa ulo nila at dumaing agad sila sa sakit. Medyo sapol kasi sa mata 'yung isa kaya siguro lumusot doon ang balat o kaya liquid substance ng either kamatis o itlog.
Start twerkin' like Miley
Twerk it like Miley
Start twerkin' like Miley
Twerk it like Miley
'Yung binato kong estudyante sa may puno, nahulog. Tumayo na ako at napaindak sa tugtog. Ang ganda ng tugtog. Nasabay pa sa beat ang pagbato ko sa mga nanti-trip sa amin. Buti naang at napapalibutan ako ng mga Gangmates ko kaya hindi nila napapansin na nagbabato narin ako sa kanila ng mga ibinabato nila sa amin.
"Ayoko na makipaglaro. Tara na sa susunod na klase." saad ko nang naubusan na ako ng ibabato. Ibinalik ko na ang beats kay Yui at tumungo na sa susunod na klase. Bagsak narin naman ang mga nanti-trip sa amin at wala silang kaalam-alam na kami ang may gawa no'n.
"Ba't mo naman kasi siya binato?"
"Oy hindi ako bumato sa kaniya no!"
Tsk, dimwits.
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya sinagot ko na 'to kaagad.
''Hello?'' saad ko sa kabilang linya.
''Oh, younglady Haibara. Napaaga po 'yung laban ninyo. Instead of 7:30 pm ay naging 6:00 pm na.'' saad sa akin ni Butler Lim sa kabilang linya.
Napangiti ako.
''Is that so? Much better. Gawin mo naring maaga ang uwian ngayon. Bye." tugon ko sa kaniya at tsaka ibinaba ang tawag ko sa kaniya. Lumingon ako sa mga gangmates ko at nagtataka silang nakatingin sa akin.
''Guys, napaaga ang laban natin. Instead of 7:30 pm naging 6:00pm na lang.''saad ko sa kanila.
''Yeah!' they said in unison maliban kay Yui. May malalim na rason kung bakit silent-type 'yang si Yui pero hindi pa ito ang tamang oras para kausapin siya tungkol doon.
"Sino kaya sa tingin niyo ang may pakana nung pambubully sa atin kanina?" Tanong ni Grae. May tinipa naman si Gin sa cellphone niya.
"Tingin ko ang Cephris Gang ang may pakana no'n. Eliminated na si Nathalie sa List, kahit si Jane na kahina-hinalang alam ang pangalan ni Hannah kahit hindi pa naman niya ito nakikilala." saad ni Gin.
RIIIIING!
"Ano naman ang basehan mo kung bakit 'yon ang naisip mong konklusyon?" tanong ko. Lumiko kami sa isang pasilyo at nagsisitalunan na ang mga estudyante sa classroom. Tsk, kung hindi dahil sa akin ay hindi kayo makakauwi nang maaga.
"Well, pakinggan niyo nalang 'to." saad ni Gin at nilapit bahagya ang phone niya sa amin.
"Tsk, hindi sila umupo roon sa table."
"Nagsikap pa naman tayong magset-up para lang matugunan 'yung gustong mangyari ni Prince Conan."
"Hayaan mo na, hindi pa naman dito nagtatapos to e."
And everything goes static.
"Those jerks..." nangagalating saad ni Miwa. Tinapik ko naman agad ang balikat niya para kumalma siya. Tinaas ko ang phone ko kaya napatingin silang lahat sa akin.
"We still have a business to attend with. 5 pm palang. In a span of one hour, makakapaghiganti na tayo sa kanila." saad ko. Nagliwanag naman agad ang mga mukha nila dahil sa narinig.
"Maghintay lang sila."
"Magtutuos din tayo mamaya."
"Nangangati na 'tong kamao ko maglanding sa mga mukha nila."
Ngumisi ako sa mga narinig ko.
Oh, Cephrins Gang, y'all have jumped over the line. Handa na ba kayong magbayad sa mga ginawa niyo?