HAIBARA
"Hindi na ako magtataka." saad ko at pinalibutan siya.
"What are you looking at? Chinecheck out mo ba ang vital statistics ko?" tanong niya nang may mapaglarong ngiti sa labi. Umirap ako.
"Your muscles are stiff but as soft as marshmallows. Siguro may muscles ka ngang nabuo kaka-Gym mo pero what's the sense of having them without using them?" untag ko. Nangunot naman ang noo niya habang napatango naman agad ang mga kasamahan ko.
"What do you mean~ Yeah yeah~" kanta niya. Napailing ako at tumigil sa harapan niya.
"Sa madaling salita, mahina ka. Kailangan nating palakasin ang stamina mo at endurance. Siguro pati narin ang balance at agility. Since lalaki ka naman, mas lalong papalakasin pa natin ang power ng katawan mo. You cannot be a leader if you cannot even protect yourself." saad ko. Napalunok naman agad siya. Siguro nahuhulaan niya na ang gusto kong ipahiwatig.
"I-ibigsabihin, m-marahas na training ang mararanasan ko sayo, tama?" tanong niya. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis at tumango. Nalukot naman ang mukha niya at parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Ugh. Naalala ko tuloy ang training sa atin ni Hannah dati."
"Oo nga e. Halos sumuko na katawan ko."
"Isama mo pa 'yung wala niyang awang pagpapagawa ng mga pinapagawa niya."
Mas lalong nabahiran ng takot ang mukha ni Kuya sa mga komento ng ka-gangmates ko. Ngumisi ako. Walang katotohanan ang mga pinagsasabi nila pero epektibo para matakot si Kuya.
"Haibara, 'wag mo naman akong pahirapan." pagmamakaawa niya at akmang lalapitan na naman ako nang hinarang ko agad ang palad ko sa kaniya. I touched the bridge of my glasses and smirked. Kina-career ko na talaga ang Nerdy Glasses na 'to.
"Ikaw na nga lang ang lumapit para magpa-training tapos choosy ka pa?" saad ko. Bumusangot naman siya agad. Luminga ako sa paligid at tinignan kung may mga estudyanteng umaaligid. Kahit hindi ko man sabihin kay Kuya, head-turner ang isang 'to. Maganda lahi namin e.
"Tara na muna sa built-in Head Quarters namin dito sa Hyde University. Magwa-warm up na tayo." saad ko at nauna nang lumabas.
"Shu, mag-ingat ka ha." saad ni Ash habang tinatapik-tapik ang likod ni Kuya. Mahinang tumango naman si Kuya.
"Ipagdadasal ka nalang namin, Shuichi-nii-chan!" masiglang sabat ni Grae.
"Goodluck." komento ni Yui at ngumiti nang katakot-takot kay Kuya. Hindi naman mapigilang kilabutan ni Kuya. Kitang-kita ko kung paano tumaas ang balahibo niya sa braso niya.
"S-s-s-s-s-salamat." utal niyang tugon kay Yui at lumingon kay Gin. Inaasahan niya atang may sasabihin itong makakasimpatya sa kaniya pero wala itong sinabi. Lumingon sa kaniya si Gin at itinaas ang Phone niya. May ipinakita siya kay Kuya na litrato.
"Kung hindi kakayanin ng katawan mo, matutulad ka kay Midoriya ng Boku no Hero Academia. Palaging nagkakabali ang mga buto sa tuwing gagamitin niya ang kapangyarihan niya." pagpapaliwanag ni Gin. My brother's eyes widened and swallowed an imaginary lump on his throat. Lumingon siya sa akin at may akmang sasabihin nang hindi ko na siya nilingon at tumigil sa isang Human Sinkhole sa likod ng University.
"Papasok tayo riyan?" tanong ni Kuya. Tumango naman ako agad.
"Oo. Dito ko pinalagay ang HQ namin dahil walang ninuman ang magtatangkang pumasok sa isang septic tank." saad ko at inalis na ang takip ng human sinkhole. Lumaki agad ang ngisi ko nang makita ko ang maninipis na bakal na hagdanan pababa. Ako na ang nauna at sumunod naman agad sila.
Pagkababa ay binuksan agad namin ang mga flashlight sa cellphone. Ang dilim kasi at nasa gilid laang ang daluyan ng err, maruruming tubig na nanggaling sa sama ng loob ng mga tao.
"Sa dulo pa ang HQ." saad ko. Tumango naman agad sila at sabay naming tinahak ang daanan.
****
Nang makarating na kami sa Dead End ng daanan, nangunot ang noo ko nang walang makitang lagusan o ano. Okay. Nagkamali ba ako?
"Bakit parang wala namang H.Q?" tanong ni Kuya. Napahawak ako sa baba ko at nalunod sa pag-iisip. Imposible. Dito ko sinabi kay Mom na i-set up ang HQ kaya anong ibigsabihin nito?
"Wait Hannah, let me handle this." singit bigla ni Gin at lumapit sa Dead End. Pinagmasdan niya ito at kinapa-kapa.
"There must be something here. Ash, pak-ilawan nga." saad ni Gin. Tumalima naman agad ang kapatid niyang si Ash at pinailawan ang pader. Maya-maya lang ay may natulak si Gin na isang block at umugong ang pader. Lumingon siya sa akin at nagthumbs up.
"Ayos ba?" tanong niya. Nauna na ako pumasok.
"Ayos na ayos." saad ko at inin-put ang password sa keyboard na nakausli sa pader. Awtomatikong bumukas ang pabilog na bakas na harang at bumaba ang sementadong hagdanan. Inakyat namin ito at bumungad sa amin ang HQ. Kumpleto ang lahat. Puti ang sahig at ang pader ay kulay brown. Plain pero simple.
Dumiretso ako sa isang couch at umupo.
"Miwa, Yui, pakikibuksan nga 'yung kurtina." saad ko.
"Okay!" tugon ni Miwa at tinabi na ang puting kurtina. Nakita namin ang Garden. Hmm, malapit pala sa Garden 'tong Head Quarters.
"Parang Janitor's Room ata ang camouflage nito mula sa labas." suhestyon ni Ash at kumuha ng Dutch Mill sa Ref.
"Oo nga at ang tanging paraan lang para makapasok rito ay gamitin 'yung human sinkhole. " dagdag naman ni Miwa at umupo narin.
"Hindi ah! May maliit na lagusan 'yung kisama e." saad ni Grae at tinuro ang bubong. Tama nga siya, may daanan doon. Maliit lang pero kasya na kaming lahat. Nilingon ko agad si Kuya na kanina pa tahimik.
"Okay ka lang?" tanong ko. Umiling siya agad.
"Hindi." tugon niya. Umiling ako at tumayo.
"Samahan mo ako sa Training Room." saad ko at sumunod naman agad siya. Kumuha agad ako ng black na sando at hinagis sa kaniya.
"Masyado kang pagpapawisan kung 'yang sweatshirt mo ang gamit mo." saad ko nang hindi siya nililingon. Hinubad ko muna ang itim kong vest, at pulang necktie tsaka dumiretso sa Lambaras. Pinukpok ko 'yon at hindi marupok ang metal na ginamit dito. Nilingon ko si Kuya at nakabihis na siya.
"Lumambitin ka rito araw-araw. Kada sampung lambitin ay isang set. Tatlong set ang gawin mo para hindi mabigla 'yang katawan mo. Papalakasin natin ang grip mo at braso mo." saad ko. Tinignan niya naman ang lambaras at tumingin ulit sa akin.
"Walang time limit?" tanong niya. Umiling ako.
"Walang time limit. Basta matapos mo 'yung set na binigay ko sayo. Hindi rin kita mamo-monitor kasi may klase pa kami. Ngayon, mag-umpisa ka na at magwarm up narin sa iba pang motor dito sa training room. Papasok na kami." saad ko at kinuha na ang vest kong itim at pulang necktie. Sinukbit ko na ang necktie ko sa leeg ko at tinali ito.
"Siguraduhin mong susundin mo ang mga sinabi ko. Bukas pa tayo magco-combat training." saad ko at sinuot na ang Vest.
"Yes ma'am!" sigaw ni Kuya bago ako umalis ng Training Room.
Pagbalik ko ng Salas ay nag-aayos narin ang mga ka-gangmates ko. Napatingin agad sila sa akin nang mapansin nila ang presensya ko.
"Ready to go?" tanong ko.
"Ayos na."
"Okay na."
"Pwede na."
"Tara." saad ko at pumatong sa isang upuan na kahoy. Bahagya akong tumalon at pinatong ang braso ko sa bubong nang makalabas na ang upperbody ko sa lagusan sa may kisame. Hinatak ko agad ang lower body ko at nakalabas naman agad.
Lumabas narin 'yung iba at bumaba na sa Head Quarters namin aka Janitor's Room. Pagbaba namin ay biglang lumapit sa akin si Yui.
"Pink." saad niya.
"Huh?" pagtataka ko. Ngumisi siya at tinitigan ako nang malagkit. Naramdaman ko agad ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko.
"I-ikaw!" bulalas ko at akmang hahabulin siya nang may humarang sa amin. Magsta-start na ang susunod na klase kaya wala nang masyadong nadaan dito sa Garden at tumatambay.
"Nathalie.." banggit ni Ash sa pangalan ng Babaeng medyo wavy ang buhok. Napunta naman ang mga tingin ko sa mga kasama niya. Mga lalaking naka-tuxedo. Tsk, butlers niya ba ang mga 'to? Ito ba ang sinasabi niyang payback niya sa akin?
"Magsisisi kayo sa mga ginawa niyo, nerds." untag ni Nathalie at tinignan ang mga butlers niya.
"Sige lang, matakot kayo. Hahaha." tawa niya pa. I burrowed my eyebrows and frowned. Mukha ba kaming natatakot?
"Tara na nga." saad ko nalang at akmang pupunta sa kasalungat na direksyon nang may sinabi si Nathalie.
"Ano? Nadadaga ba kayo? Mahina na naman pala kayo e." saad niya. Naiyukom ko ang kamao ko.
"Talagang papatulan mo sila, Ichi?" bulong sa akin ni Miwa. Sumulyap ako kay Nathalie at ngumisi.
"We'll give you a good game then." saad ko nang may nakakapangilabot na tono. Natinag naman agad si Nathalie dahil sa sinabi ko habang 'yung mga butlers naman ay walang reaksyon. May hawak kasi silang mga armas tulad ng mga bats kaya kampante sila. Tignan natin ang tigas ng mga bungo niyo mamaya.
"Hannah, huwag kang magpadalos-dalos." bulong sa akin ni Ash pero hindi ko siya pinansin. Wala akong pakielam. Gusto ko ring turuan ng leksyon 'tong si Nathaliesod.
"Malakas ang loob niyo ha." saad ni Nathalie at hinarap ang mga butlers niya.
"Eliminate them." saad niya at sabay-sabay na nagsuguran ang mga butlers. Napamulsa ang kaliwang kamay ko at hinawakan ko nang bahagya ang salamin ko.
It's showtime.