HAIBARA
"Oops. Sorry, we slipped our hands. Anyways, what we have here? A bunch of nerds." pang-aasar na saad nung nagbuhos sa amin. Tinignan ko ito at nakita ako ng isang pamilyar na mukha. Ang babaeng nakapuyod na kulot ang dulo ng buhok na nagtatagalay ng nakakainis na ngiti. No other than Nathalie and her “alipores”. Damn.
"Ano? Napipi ata kayo kahit bakas naman sa mga mukha niyo ang inis." saad niya at bumungisngis. Nagtawanan naman lahat ng nasa Cafeteria at sumabay sa kaniya.
"Dapat lang sa kanila 'yan. Nadagdagdan na naman ng mga wirdo ang Hyde University."
"Hail the Queen Bee!"
"Hail!"
Halos pumintig ang mga tenga ako sa narinig ko. Queen Bee? Itong Nathalie na 'to? Tsk.
"Ichi, kumalma ka. Kung hindi lang sa contact lens mo, malalaman nila 'yung kulay ng mga mata mo ngayon." bulong sa akin ni Miwa. Huminga agad ako nang malalim. Kalma, Haibara. Kalma.
"What's happening here?" napatingin agad kami sa bungad ng Cafeteria nang biglang may nagsalita rito. Napansin ko ang pagtahimik ng lahat at ang pagkagulat ng tatlong babaeng tilapia na nagsaboy sa amin ng juice.
Anim na lalaki ang naglalakad papalapit sa amin. Bawat yabag ng mga sapatos nila ay nagdadala ng tensyon sa buong paligid. Ngumisi ako nang palihim. Sila ba ang sinasabi ni Gin na mga Gangsters na namununo rito?
"P-prince Conan." nauutal na saad ni Nathalisod. Palihim na humakbang paatras ang mga kasama niya para siya nalang ang matira. Aww. Iniwan na siya ng mga alipores niya.
"Ano na naman ba 'to, Nathalie?" saad nung nasa gitna. May kulay itim 'yung buhok at mga kulay kape na mga mata. Kahit na naka-uniform lang siya, ang angas niya paring tignan ngayong nakalagay sa mga kamay niya ang bulsa niya.
Oh wait.
Did I just checked him out? Oh s**t.
"Leave. Now. Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo, Nathalie Soji." saad nung Conan. Natalie stiffened on her position but she managed to obey what Conan said. Even if she's trembling, she ran away as fast as she could, fearing that the man in front of her could slap her oras na may mali siyang masabi. Bumalik na ang mga tao sa ginagawa nila dahil tapos narin naman ang munting palabas.
Nagtama ang tingin namin nung Conan at hindi ko mabasa ang mga mata niya.
"Is this the time you'll say thank you?" tanong niya. Ngumisi naman ako at umiling-iling.
"We didn't ask for it." saad ko. Sinamaan niya ako ng tingin at biglang hinatak ako patayo. Nakahawak siya sa leeg ko at nangingitngit siya sa galit.
"You..." usal niya. Nanatili lang blangko ang mukha ko at hindi ako nagpakita ng kung anumang reaksyon dahil sa ginawa niya.
"What?" sabat ko. Nagtitigan pa kami. Ha. Matira matibay.
Sa huli ay umiwas na siya at binitawan ang braso ko.
"If someone helps you, you should say thank you, lady." May diin niyang saad at naglakad na patungo sa kasunod naming table. Inismiran ko nalang siya at kumain na.
"Um, Ichi, hind pa ba tayo magbihihis? Nanlalagkit na ako e." saad ni Miwa.
"Mamaya na. Tapusin mo na muna 'yung pagkain. Sayang." saad ko.
Minsan ay napapatitig ako kay Conan at nahuhuli ko siyang nakatingin. Iniirapan ko nalang siya at hindi ko pinansin. If only looks can kill, I'll be lying in the floor right now, bathing with my own blood.
*****
CONAN
"Sino sa inyo ang nakakakaalam kung sino ang matapang na nerd na 'yon?" saad ko pag-upo namin sa table kasunod nung mga Nerds. Tinititigan ko pa nga nang matalim 'yung sumagot sa akin pero iniirapan at iniismiran niya lang ako. Langya. Siya na nga 'yung tinulungan, siya pa 'yung mayabang.
Nahuli ko namang nangangalikot na si Jarvey ng phone niya dahil sa sinabi ko. Tinititigan ko lang siya at hinintay ang mga datos niyang sasabihin. Pero imbes na gumuhit ang ngiti na lagi niyang suot pagmay nakukuha siyang data, isang kunot noo lang ang nagawa niya.
"Bakit Jarvey?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at ipinakita ang phone niya.
"Dati, I have the access sa lahat ng mga impormasyon dito sa Hyde University pero ngayon, hindi ko alam pero nagka-crash ang phone ko kapag binubuksan ko ang mga files ng bagong salta. Sinubukan kong buksan ang atin pero ayos naman. Sa mga bagong salta lang talaga." saad niya. Napahawak naman ako sa baba ko dahil sa pagtataka.
"Paano nangyari 'yon? I really feel something fishy sa kanila." saad ni Charles Vineyard at bahagya pang sumusulyap sa mga Nerds na nasa katapatan lang namin.
"Leader, I have an idea." suhestyon ni Nathaniel.
"Dahil binastos ka rin naman nung isang babae kanina, siya nalang 'yung gawin mong pain ngayon sa mga kakalabanin mo mamaya sa G-Point." saad ni Nathanile. G-Point stands for Gangster Point at doon ako madalas tumatambay para makapagbanat ng buto. Tinitigan ko 'yung babaeng nambastos sa akin kanina at hindi ko maiwasang kumulo ang dugo sa tuwing nakikita ko siya.
"Sige sige. Maganda ang idea mo, Nathaniel." saad ko.
"Since binuhusan sila ng juice nina Natalie, pupunta ang mga 'yan sa Locker Room. Doon mo nalang siya kornerin." saad ni Mitshiko. Tumango naman ako kaagad at sinenyasan si Akai na bilan kami ng pagkain.
Let's see how tough you are, nerd.
*****
Nang matapos kaming kumain ay sinunod ko agad ang bilin sa akin ni Mitsuhiko. Sinundan ko agad sila at tama nga ang hula niya, sa Locker Room sila nagpunta. Sumandal ako sa malapit na pader at hinintay sila lumabas.
Habang naghihintay ay kinuha ko ang papel na nakuha ko kay Miss Beatrice. Hindi ko parin alam kung paano nalaman ni Ms. Beatrice na Ai-kun ang nakasulat dito pero may tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako kayang lokohin.
Napatitig ako agad sa Locker Room nang may nagbukas no'n. Doon ko nakita 'yung babaeng nambastos sa akin kanina kasama 'yung mga babaeng may mga salamin din. Tsk. Group of dorks.
"Nakasalamin siya pero hindi ko na matandaan ang mukha niya."
Narinig ko bigla ang boses ni Ms. Beatrice sa utak ko. Nakasalamin? Napatingin ako sa babaeng binastos ako kanina. Nakasalamin siya at bagong salta palang. Siya kaya si----
Hindi! Hindi ganiyan ang ugali ni Ai-kun. Nakakamuhi ang babaeng sumagot sa akin kanina.
Bago pa sila makaalis ay lumabas agad ako sa pinagtataguan ko at hinarang 'yung babaeng nambastos sa akin kanina. Halata naman ang pagtataka ng mga kasama niya dahil sa ginawa ko.
"What do you need?" tanong nito. Ngumisi ako.
"You should come with me, nerd." saad ko at biglang hinatak ang braso niya.
"Ichi!"
"Hannah!"
"Haibara-nee-chan!"
Tinawag siya nung mga kasama niya pero hindi na sila nakahabol. Nagpumiglas 'tong babaeng hatak-hatak ko.
"Ano ba? Ba't mo ba ako hinihila?" tanong niya. Ngumisi nalang ako sa kaniya at binuksan ang sasakyan ko nang nakarating na kami sa Parking Lot na malapit lang sa Locker Room. Marahas ko siyang tinulak sa loob at ni-lock siya. Pumunta naman agad ako sa Driver's Seat at in-on ang engine.
"Hoy. Saan mo ko dadalhin?" Tanong niya. Tumingin ako sa rear view mirror at pinagmasdan siya.
"Dadalhin kita sa impyerno." saad ko at pinaharurot na ang kotse.
"What?" bulalas niya.
I like to see fear etched in your face, nerd. Magbabayad ka sa pagsagot sa akin.
*****
HAIBARA
Nang bumaba na kami ng sasakyan ay hinawakan ulit ako ni Conan sa braso. Napatingin ako sa paligid at marami akong nakikitang mga nasa idad lang din namin na nakabihis barumbado. Huh? Tumingin ako sa taas nang may mapansin plaka rito at doon ko nakita ang salita na sobrang pamilyar sa akin.
"G-Point." saad ko. Tumingin sa akin si Conan at ngumisi.
"Magandang lugar 'to para sa mga katulad mo, nerd." saad niya at pumasok na sa loob. Sinalubong naman agad siya ng isang lalaking nakapulang shirt, at nakaitim na pantalon. Nakashades din siya at may balat sa pisngi.
"Wow. May dala ka na naman palang chix. Siya ba ang itataya mo ngayon?" saad nung lalaki. Napatingin naman agad ako kay Conan nang tumango siya. W-what? Ako ba ang pinag-uusapan nila?!
"At syempre, kung mananalo ako, akin na 'yung Ferrarri mo Red Viper. Deal?" saad ni Conan at binitawan ako. Akmang tatakbo ako nang biglang hawakan ng ibang lalaki ang mga braso ko.
"Oo na. Hind na ako tatakbo." saad ko at inalis ang mga braso nila.
"Deal." saad nung Red Viper habang tinititigan ako nang malagkit. Ugh. Bakit ba ako nasangkot dito?
Nag-umpisa na 'yung laban ng pinuno sa pinuno tapos ang bet ay ibibigay ako sa leader ng Red Viper kung matatalo si Conan at kung manalo si Conan, Ferrari Carera ang mapupunta kay Conan. Tss. f**k them! Sino sila para ipagkalulon ako?
Sinuntok ni Red Viper si Conan pero naiwasan ito ni Conan sabay suntok ni Conan sa tiyan ni Red Viper kaya napaatras ito. Magaling din pala 'tong lalaking ito. May ibubuga. Kaya naman pala nail-link sa amin. Para kasing boy version ng Gang namin.
"Whoooo. Go Conan. Ipinalo mo 'yan." cheer ko nang mahina. Aba. Ayokong mapunta sa manyak na si Red Viper. Eww.
Sunod na umatake si Conan at pinaulanan nito ng suntok ang leader ng Red Viper. 'Yung leader naman ay walang magawa kundi ipag-krus ang kamay at sanggain ang mga atake sa kaniya ni Conan. Weak pala tong isang 'to. Tss. No wonder kaya hindi siya masyadong sikat. Ni hindi ko nga siya kilala.
Sa isang iglap, tinuhod ni Conan ang pinuno ng Red Viper kaya napaluhod ito. Hindi pa nakuntento si Conan dahil habang nasa ganoong sitwasyon ang pinuno ng Red Viper ay inapakan niya ang likod nito at diniinan pa. Napadaing naman ang pinuno ng Red Viper. Ganyan nga, Conan. Talunin mo.
Hindi nagtagal ay sumuko ang Red Viper kaya tumigil narin si Conan at inangat na ang paa niya ngunit aakmang paalis na siya nang biglang bumangon ang pinuno ng Red Viper at umatake sa kaniya. Ngunit bago pa lumapat sa balat ni Conan ang suntok ng pinuno ng Red Viper ay napisil na kaagad ni Conan ang leeg nito kaya ang resulta, bagsak.
Tss. Ang lakas manghamon pero mahina rin naman pala. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ako ipangsusugal.
Pero 'yun ang akala ko.
"Gusto mo ba talaga ang chix na dala ko ngayon, Red Viper?" Nakangising saad ni Conan. Tumago naman ang mga ka-gang ni Red Viper. s**t!
"Mahawakan niyo lang siya, sa inyo na siya." saad ni Conan. Goddammit! He's really betting me over a piece of s**t!
"Tumakbo ka agad pag palapit na ang Red Viper Gang para hindi ka nila mahuli. May pag-asa ka pa." saad ni Jarvey. Lumingon ako sa kaniya. Aba't, naririto pala ang mga 'to?
"If he wanted a game, I'll play his game." saad ko sa kaniya at ngumisi. Halata ang pagdaan ng pagkatinag sa mga mata niya pero nawala rin 'yun agad.
"Ano--" naputol siya sa kaniyang sasabihin nang sumugod na ang Red Viper Gang. Hinarap ko sila. Malalagkit ang mga tingin nila sa akin at kung nakakatunaw lang ang mga tingin, tunaw na ako ngayon. Pumwesto ako ng buwelo at pinatama ang kanang paa ko sa mga tuhod nila habang ang kaliwa ko naman ay nakasuporta sa sahig. Pinadulas ko ang mga daliri ko sa aking buhok.
"Weaklings." pang-aasar ko at sinulyapan sila bago umalis. Oops.