Chapter 1.3- Cephrins Gang (Princes' of Hell)

1288 Words
HAIBARA Pagkarating namin sa tapat ng Music Room ay may tumutugtog ng Piano. Pinakinggan lang namin ang tugtog. "Hannah, ang ganda ng boses niya." komento ni Ash nang magsimula nang kumanta 'yung nasa loob. I met you in the dark You lit me up You made me feel as though I was enough We danced the night away We drank too much I held your hair back when You were throwing up Napapapikit nalang din ako habang dinarama 'yung boses niya. Ang sarap pakinggan. Ang lamig ng boses niya. Para siya mismo 'yung kumanta. Then you smiled over your shoulder For a minute I was stone-cold sober I pulled you closer to my chest And you asked me to stay over I said, I already told you I think that you should get some rest Napapasabay nalang din sina Miwa at Yui sa kumakanta. Pagdating sa music, si Miwa at Yui ang adik sa aming anim. At ako, mahilig din pero hindi ako masyadong biniyayayaan ng magandang boses. I knew I loved you then But you'd never know 'Cause I played it cool when I was scared of letting go I knew I needed you But I never showed But I wanna stay with you Until we're grey and old Just say you won't let go Just say you won't l ---- Naalerto kami nang bigla siyang tumigil sa pagkanta at pagpia-piano. Napadako ang paingin ko sa pintuan at medyo nakabukas ito. Sumilip ako sa loob at nakita ko ang isang lalaki na may kausap sa Phone. Hindi ko marinig ang boses niya pero batay sa paggalaw ng mga balikat niya, parang na-excite o nagulat siya nung sinasabi sa kaniya nung kinakausap niya sa phone. Napaatras agad ako nang tumayo siya at humarap sa pinto. Sinenyasan ko agad sina Ash na magtago pagdumaan 'yung lalaki. Nagtago ako sa likod ng isang pillar at nanatiling nakasilip. Medyo madilim naman dito kaya sigurado ako na hindi niya kami makikita. Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya. Tumigil pa nga siya sa tapat ng pinto at luminga na parang may hinahanap. This guy...matalas ang pakiramdam niya. Nang wala siyang napala kakalinga, umalis na agad siya. Dahil madilim dito at nasa bandang pupuntahan niya ang liwanag, ang nakita ko lang ay isang silhouette. Nang masiguro ko na malayo na siya ay tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko. His voice.....nadadala ako. Parang meron siyang tao na nawala sa kaniya nang tuluyan. "Uy, si Hannah. Na-inlove ka no?" pang-aasar ni Ash. Umiling-iling alang ako habang nakangiti. "Baliw." saad ko at pumasok na sa Music Room. Sumunod naman agad sila sa akin. ***** CONAN "Ms. Beatrice, totoo po ba ang sinasabi niyo?" tanong ko pagkapasok ko sa Library. Nagulat naman siya sa boses ko nang marinig niya ako at napahawak pa siya sa dibdib niya. "Conan, matanda na ako. Huwag mo ako basta-bastang gugulatin." saad nito. Lumapit ako sa kaniya at tinanong agad siya. "Asan na 'yung papel? Asan na?" pangungulit ko. Kinuha naman agad niya ito at pinakita sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa nabasa ko. "Ano 'to? Puro dots at dash lang naman 'to e." saad ko. Totoo naman. Puro dots at dashes lang naman. Akala ko matuturo na ako sa kinalalagyan niya. Hays. Napa-tsk si Ms. Beatrice habang umiiling-iling. "Conan, morse code ang tawag diyan." saad niya. Nangunot naman ang noo ko. Code? "Kung Code 'yan, sabihin mo na agad kung anong ibigsabihin niyan!" bulalas ko. Desperado na ako, oo. Matagal ko na siyang hinahanap, at ngayong may lead na ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na masabik. "Ang mga bata nga naman ngayon mapupusok na." komento niya at nilapag ang papel. "Ai-kun ang nakasulat diyan sa Code na 'yan. Hindi ba't 'yan 'yung tawag mo sa kababata mong nawawala dati, Conan Cytokine Edogawa?" saad niya. Napatingin naman agad ako sa kaniya. "Kailangan talagang banggitin ang buong pangalan ko?" saad ko at tinitigan agad ang papel. Kung Ai-kun ang nakasulat dito, ibigsabihin... "Sino ang nagbigay nito sa'yo?" tanong ko. Umiling-iling siya. "May salamin siya pero hindi ko tanda ang mukha niya. Pasensya na." saad niya. Kinuha ko ang papel at tinago ito sa bulsa ng uniform ko. "Hindi. Ayos lang. Atleast pwede ko nang masabi na baka andito siya." saad ko. Ngumiti rin naman siya. "Sige. Sana mahanap mo na siya, Conan." saad niya. Ngumiti ako at naglakad na palayo sa kaniya. Paglabas ko ay tumingin agad ako sa kalangitan. Nakita ko ang mukha niya sa mga ulap. "Sana nga po." bulong ko. "Leader!" napatingin agad ako sa mga ka-gangmates ko nang tawagin nila ako. "Recess na. Tara na't kumain!" saad ni Charles Vineyard, ang kagangmate ko na may ginintuang buhok at mga asul na mga mata. Inakbayan naman ako ni Mitsuhiko Yushida. 'Yung hilaw kong kagangmate na inexport pa mula Japan. "Parang ang lungkot mo na naman ata, Conan." saad niya pa. Umiling-iling nalang ako at nagsimula nang maglakad. "Leader, ba't hindi ka pumasok sa first, second, at third period? Hinahanap ka na ng mga kaklase nating tinitingala ka." saad ni Nathaniel Lim, isang lalaking may itim na buhok at singkit na mga mata. Mahilig siyang mag-eye liner kaya malimit siyang pagkamalaman na barumbado. "Oo nga, Leader. Miski fingerprints mo ata gusto nila makuha." sabat naman ni Jarvey Lim, nakatatandang kapatid ni Nathaniel na may kakaibang kalikutan ang isip. Hindi siya green-minded, techy-minded lang. Haha. "Osu." bati lang sa akin ni Akai Suichi, ang kagangmate namin na once in a blue moon lang magsalita. Huminga ako nang malalim. "Hayaan niyo na sila. They can admire me but they can't own me." saad ko. Inalis naman ni Mitsuhiko ang pagkakaabay niya sa akin at sumabay sa paglalakad. "Bakit? 'Yung kababata mo parin ba ang nilalaman ng puso mo, Leader?" tanong nito. Tumango naman ako agad habang nakaiwas ng tingin. Narinig ko ang tawa nila. "What's funny?" tanong ko. Umiling-iling sila habang naghahampasan. "Ang cheesy ni Leader, no?" sabat ni Charles at naghalakhakan pa. Huminga nalang ako nang malalim at tumingin sa Cafeteria na malapit na namin pasukin. Jesus Christ, hindi ko po sila kasama. ***** HAIBARA "Hmm. Ang sarap talaga kumain." komento ni Grae habang nilalasap ang spaghetti niya. I clicked my tongue because of disgust. Ang amos niya kasi kumain. Lumingon ako kay Gin at may kinakalikot parin siya sa phone niya at hindi wala manlang balak galawin ang pagkain niya. "Hoy Gin. Kumain ka na, aba." saad ko. Parang wala naman siyang narinig. Aba't. "Hoy." tawag ko sa atensyon niya. Sinulyapan naman niya ako sandali at binalik sa phone niya ang tingin niya. Aba't. Ba't ba busy 'to? "Hannah, alam mo bang may gangsters na naghahari-harian dito?" saad niya na pumukaw ng atensyon ko. Gangsters? Dito? Pinakita niya naman ang phone niya sa amin. "Cephrins Gang or mas kilala bilang Princes Of Hell. Anim silang lahat at dito nag-aaral. Ang leader nila ay si Conan Edogawa. Actually, kaklase natin sila." saad niya. Princes Of Hell? Parang pamilyar. Anyways, kaklase naman pala namin kaya siguro, makikita rin namin sila maya-maya. "Aha! Sila 'yung palaging nail-link sa atin kasi nga diba, Maja's Gang ang pangalan ng Gang natin na ang ibigsabihin ay Princess' Of Hell. Batay kasi sa Urban Dictionary, ang Maja daw ay tumutukoy sa mga taong may abilidad na alisin ang mga tanga-tanga sa daan nila!" bulalas ni Grae. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ang daldal mong bata ka." sita ko. "Oops. Sorry." saad niya. "Anyways, gusto niyo ba silang labanan? " tanong ko at medyo hininaan ang boses ko. Napatigil naman sila sa pagkain at napatingin sa akin. Tumango sila. "Then it's settled then. Soon, isesettle natin sa Gan---" Naputol ang sasabihin ko nang may magtapon ng napakalagkit na juice sa aming lahat. Wtf?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD