Chapter 1.2 – The Library

1965 Words
Nakakotse kami nang pumasok pero sa likod kami nag-park. Masyadong agaw tingin ang mga kotse kaya mas maganda kung ipa-park namin ang mga 'to sa hindi masyadong kita. "Ang laki." pansin ni Ash habang ginagala ang kaniyang paningin. Red and White ang color ng Hyde University, at ang uniform namin ay red and white din. Skirt na pula na hanggang ibabaw ng tuhod, blouse na puti na may pulang necktie na may badge ng Hyde University at black na blazer. Nang dumaan kami sa mismong Entrance, sinalubong agad kami ng iba't-ibang klaseng tao. May mga nagbabasa lang sa may bench habang katapat ang malaking fountain. May mga nagtsitsismisan sa ilalim o kaya sa canopy ng mga puno, at marami ring nadaan sa amin na halatang mayayaman. This is a prestigious school after all. Pagdating sa standards, sobrang taas nito. Kumbaga sa mga hotels, maaring five star ang ranggo nito. Napasulyap ako kay Yui nang suminghal siya. Nahulaan ko na naiinis na siya sa atensyon. Ganiyan siya. Even though she's pretty, lalaki siya manamit. Maputi ang balat, layered ang buhok na hanggang balikat lang. Brown-eyed, balingkinitan ang katawan at may mga singkit na mata. All in all, Maganda nga talaga siya and her beauty reminds me of the Japanese features. "Haibara...." banggit ni Grae sa pangalan ko. Napalingon ako sa kaniya. Kung si Yui, halos maging lalaki na, ito naman halos maging bata pa. Naka-piggytail ang buhok, maputi ang balat, medyo matangkad at balingkinitan ang katawan. Napapa-tsk nalang ako sa pagka-childish ng ayos niya pero bumagay naman sa kaniya kasi baby face ang meron siya. Sinundan ko naman ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko sa nasilayan ko. "You rat! How dare you spill your milkshake at my uniform!' saad nung babaeng wavy ang buhok na nakapuyod habang nangangalaiting nakatingin sa nakabanggaan niya. Nakatingin naman ang mga taong nasa paligid niya at nanunuod lang. I clenched my fists. Alam kong dapat hindi ako mangielam pero...hindi naman ako ganun kasamang tao para manahimik lang. "Sorry po, Ms. Nathalie." maluha-luhang sambit nung babaeng naka-braid ang buhok at may salamin. My lips twitched. Parang hindi lang ako ang nerd dito ah. Ngumisi 'yung Natalie at sinenayasan 'yung dalawa niyang kasama. May hindi ako magandang kutob dito. "Maghanda ka." saad ni Nathalie at biglang sinugod ng dalawa niyang alipores 'yung babaeng ginugulpi nila. Hinawakan ng mga 'yon ang blazer nito at sapilitan itong hinubad. Nalaglag ang mga butones nito sa sahig. s**t. They're stripping her in public! Babae pa ba ang mga 'to? They should act with more dignity, dammit. Hahakbang pa lamang ako para pigilan sila nang biglang may humawak ng braso ko. Napatingin naman agad ako kay Yui at umiling-iling siya. Tinapik din ng mga kasama ko ang balikat ko. "Huwag ka nang mangielam, Ichi. Mapapahamak ka lang." saad ni Ash. I gritted my teeth nang makita kong inalis na ang necktie ng babae at iyak na nang iyak habang ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay tawa lang nang tawa. "Pero.." saad ko. "Ako na ang kikilos." saad ni Gin. Napatingin naman ako sa kaniya. Nilabas niya ang beanie na nasa loob ng blazer niya at sinuot ito. Inalis niya rin ang salamin at nilagay sa bulsa ng skirt niya. Inayos niya rin ang buhok niya para hindi masyadong makita ang mukha niya. Ngumiti siya sa akin. "Masyadong crucial kung ikaw ang sasabak, Hannah. Ipagkatiwala mo na ang mga 'yon sa akin." saad niya at nilagpasan ako. Pinagmasdan ko lang siya hanggang makalapit na siya sa pinagmumulan ng kaguluhan. Ia-unbutton palang ng dalawang babae ang blouse nung ginugulpi nila nang may humarang na agad na kamay rito. Napatingin sila parehas kay Gin. "At sino ka para mangi---" naputol naman sila nang ngumisi si Gin at pag-untugin ang mga ulo nila. Tanging labi nalang kasi ni Gin ang nasisilayan dahil sa nakaharang niyang buhok. Maraming nagulat at marami ring humiyaw sa nangyari. "Wow! Mas lalo atang tumindi ang eksena!" "Sino kaya 'yung nakabeanie? Emo kasi yung hairdo niya. Hindi ko maaninag ang mukha." "Go Nathalie!" Tumingin naman si Gin kay Nathalie. "Miss, kailangan niyo nang tigilan ang ginagawa niyo. Sa pagkakaalam ko ay may mga kaniya-kaniya tayong locker dito na may mga uniform sa loob. I reckon na dapat mo nalang 'yon gamitin imbes na pinaparusahan ang babaeng nakatapon sayo ng Milkshake." suhestyon ni Gin. Naiyukom naman nung Nathalie ang mga kamao niya. Tinulungan ni Gin 'yung babae na tumayo. "You b---" "Hep. You should say that word for yourself, miss." pagputol ni Gin. Mas lalong namula ang mukha nung Nathalie at padabog nalang na umalis. Nawala na rin ang nanunuod. Lumapit sa amin si Gin habang binigay niya sa babae ang blazer at necktie. The blazer is a mess. "S-salamat." nauutal na saad nung babae habang nagpupunas ng luha niya. Luminga naman agad si Gin sa paligid at sinuot ang salamin niya. Inalis niya narin ang beanie. I think hindi naman threat sa amin 'tong babaeng 'to. "A-ako nga pala si Jane. Jane Suzuki." pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya. Tinignan ko lang 'yon. "You don't need to know our names since hindi narin naman tayo magkikita." saad ko at nilagpasan siya. Her smile is creepy. I swear. "Wait!" saad niya at hinawakan ang braso ko. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakangisi. "Nice meeting you, Haibara." saad niya at bigla-biglang tumakbo paalis. "Paano ka niya nakilala?" tanong ni Ash. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang umiiling. "Hindi ko rin alam." saad ko. ***** Tumigil ako nang makarating na ako sa lugar kung saan dapat talaga ako pumunta. Ang Library. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng matandang Librarian. Her spectacles are gray, just like her hair. I think she's in late 50's or such. Lumapit ako sa kaniya. "Excuse me?" saad ko. Lumingon naman siya sa gawi ko at tinaliman ako ng tingin. She even touched the metal between her lens before replying. "What are you going to do at the Library? Bawal tambay rito. Pero sa tingin ko naman ay magre-research kayo dahil isa kayong grupo ng...." saad niya at pinagmasdan kaming lahat. "Nerdsssss." she hissed at binalik ang tingin niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Hindi ko papatulan ang matandang 'to. I swear to God. "Iwan niyo ang mga I.D niyo rito." saad niya at tinuro ang isang sabitan. Sumunod naman kaming lahat at pumasok na nang diretso sa library. 2 floors ang Library at kada palapag ay nasa around 20 Bookshelves ang meron. May mga lamesa rin at mga upuan para sa mga nagbabasa. Nang makahanap kami nang upuan ay umupo na kami. Nanatili namang tahimik ang mga kasama ko at iniintay ang sasabihin ko. I cleared my throat. "So first of all, natutuwa ako dahil mas pinili niyong samahan ang pagdidisguise ko as nerd. Second, about our Gang, well, hindi tayo lay-low kung 'yun ang tatanungin niyo. There will come the time na sasabak tayo sa laban dito sa Pinas, pero hindi muna ngayon. And third, ayoko munang pumasok sa klase natin dahil wala rin namang kwenta ang pagpapakilala." saad ko. "Pero Ichi, bakit nga ba ang Library tayo nagpunta? Pwede namang Music Room nalang para mas pabor sa amin ni Yui." reklamo ni Miwa, ang babaeng layered din ang buhok na parang gupit ng isang punk girl. Medyo singkit at maliit din ang mga kulay itim niyang mata. Japanese beauty rin katulad ni Yui. I clicked my tongue. "Gusto ko rito e." pagtataray ko. Napasinghal nalang siya at sumandal sa upuan niya. Siniko niya pa si Yui siguro dahil para magreklamo pero hindi ito kumibo. "Nabanggit ng Dad mo na matatagpuan mo rito'yung kababata mo, hindi ba?" biglang singit ni Gin. Tumango naman ako agad. "Is he clever enough to solve a riddle?" tanong niya. Humalumbaba naman ako at inayos ang salamin ko. "I'm not really sure. Bakit?" tanong ko. Naglabas siya ng papel at ballpen at nilatag ito sa mesa. Tumingin siya sa akin. "Let's create a code na magpapahiwatig na naririto ka. Malay mo naman dumaan siya rito sa Library diba?" saad niya. Ngumisi naman ako. "So clever. I'll consider your suggestion." saad ko. Nagsulat naman agad siya sa papel. Titig na titig din ang mga ka-gangmates ko sa ginagawa niya. Well, she's the strategist in our group, and also the techy one. Maasahan talaga siya sa mga critical na bagay, kaya nga minsan, kahit mga simple lang na bagay, nababangag siya kung paano gawin. Makalipas ang ilang minuto ay pinakita niya sa akin ang natapos niya. .-|..|-.-|..-|-. Morse Code. "Kung may nakakaalam kung paano magbasa ng Morse Code, madali niya itong maci-cipher." saad ko. Nakangiti namang tumango si Gin habang inaayos ang gamit niya. "So Ichi, pagba nahanap mo na 'yang Cy-kun na 'yan, babalik na tayong Japan?" tanong ni Ash. Pinaikot ko ang papel sa mesa gamit ang daliri ko. "Hmmmmm. Hindi ko rin alam." "Pero Hannah, bakit hindi mo pinakilala sa amin si Cy-kun dati?" pagtataka naman ni Miwa. Napaiwas agad ako ng tingin sa tanong niya. "The truth is...ayoko lang magkaroon ng kaseselosan." bulong ko at dahan-dahang tumingin sa kanila. Nalaglag naman ang mga panga nila sa narinig at tumawa nang napakalakas. "Shh!' sita nung Librarian kaya hininaan nila. Tinignan ko nalang 'yung Morse Code na ginawa ni Gin. Um, napaka-absurd ba ng rason ko? E bata pa naman ako no'n. "Selosa pala 'tong si Ichi. Akala ko maganda rin gusto nito kasi wala manlang matipuhan sa mga nirereto natin tuwing nagbo-boy hunting tayo." saad ni Miwa. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin dahil sa mga konklusyon niya sa utak niya. Napakamalisyosa talaga. "Um, Ichi?" napatingin kami lahat nang biglang nagsalita si Yui. Wow. Minsan lang 'to magsalita kaya dapat kaming makinig. "Ano 'yon?" saad ko. Yumuko siya at bahagyang namula. "Music..Room." bulong niya na sapat narin para marinig namin. Nagtinginan kami nina Ash. "Sige tara. Ibibigay ko lang 'to sa Librarian at aalis na tayo, okay?" saad ko, pertaining to the paper that I'm holding. Sunod-sunod na kaming tumayo at pumunta sa Librarian. Nang makita niya ako ulit ay pinukulan na naman niya ako ng matalim na tingin. "Ito na ang mga I.D niyo." saad niya at binagay sa amin ang mga I.D. Kinuha naman namin ang mga 'yon. I cleared my throat. "Um, maam. May nakaiwan po kasi ng papel na 'to sa isang lamesa. Hindi ko po maintindihan 'yung nakalagay. Kung alam niyo po kung sinong mag-ari, pakibigay nalang po." pagsisinungaling ko. Nang maibagay ko ang papel ay sandaling nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Her reactions are suspicious. Ibubuka dapat niya ang bibig niya para magsalita but her tongue refused to obey her. Huh? "Okay. Kilala ko na kung kanino 'to. You may leave." saad niya. Nagulat naman ako sa aking narinig. Gawa ni Gin ang sulat, at nagsinungaling lang ako na may nakaiwan nito para ipakita niay sa mga papasok sa Library kaya anong ibig niyang sabihin? "Teka po. Paano niyo po---" "Go out." matigas niyang saad. Nagtinginan naman kaming lahat at nagpasyang umalis. That old hag...she's weird. Nang sumulyap ulit ako sa may Library ay nakita kong may tinatawagan siya gamit ang makalumang telepono. That piqued my curiousity but I chose to ignore it. "Parang alam niya magbasa ng Morse Code." saad ni Gin. "Oo nga. Pero ang kataka-taka e 'yung reaksyon niya nung na-c***k niya 'yung code. Hindi kaya kilala niya 'yung Cy-kun?" sabat naman ni Miwa. "Pero hindi niya inimikan si Hannah nung tinatanong siya nito." singit naman ni Ash. Tumigil ako at tumingin sa langit. Nakita ko naman ang mukha ni Cy-kun dito. How I miss you, Cy-kun. "I think that Librarian knows something at kung anuman 'yon, malalaman din natin 'yon." saad ko at dumiretso na kaming Music Room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD