HAIBARA Tests eh? Sounds interesting for a game. Nakahalumbaba ako ngayon at sinusundan lang ng tingin ang teacher namin sa Science na si Mailyn or known as Lyn dito sa Campus. Ang boring ng pagtuturo niya o dahil sa alam ko na kung ano ‘yun? Either of them, boring talaga. Napatingin siya sa akin habang nagdi-discuss pero hindi ako kumibo at tinitigan lang din siya. ''Ms.Fujiwara, please answer this equation.''saad niya at tinuro ang board. Hindi niya ata ako kilala kaya kaya niya akong tratuhin ng ganito. Siguro baguhang teacher palang ito at walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay. Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan. “Girl, look! Sasagutan ng nerd na ‘yan ang equation!” Tapos? “Hah! Pustahan ‘di niya ‘yan masasagutan. Puro kasipsipan at kalandian lang naman ata alam niyan

