HAIBARA Pinaulanan ako ng mag suntok ni Ate at patuloy ko lang itong iniiwasan. Ilang taon, ilang taon na kaming hindi nakikipaglaban sa isa’t-isa at bata pa lamang ako noon kaya hindi ko siya matalo-talo. Siya dapat ang magmamana ng Black Organization ngunit mas pinili niyang bumukod sa amin at magsimula ng ibang buhay. Binigyan niya ko ng roundhouse kick pero nasalag ko ‘yun gamit ang kaliwang braso ko at sinuntok siya sa tiyan niya na hindi niya naiwasan kaya napaatras lang siya ng ilang hakbang. Sunod ay ako naman ang umatake. Pinaulanan ko siya ng mga suntok para mawala ang konsetrasyon niya sa lowered-body niya. Dahil doon ay hindi niya napansin ang tuhod ko na papunta na sa sikmura niya. Napaubo siya ng dugo. “Stronger than before.” Nakangising saad niya at pinunasan ang dugong

