Marikit Pagkalabas ko ng ospital ay isang linggo akong hindi pumasok muna sa University. Hindi naman ako nawalan ng komunikasyon sa aking mga kaibigan, nalaman din nila ang malagim na sinapit namin ni Benedict sa kamay ng BuLeAg Gang. Pinag-iingat na ang lahat ng mga estudyante sa University na pinapasukan namin. Ngunit kasabay ng paglaya namin sa mga kamay ng malulupit na sindikatong iyon ay sya namang pag-alis ni Benedict sa University. Sa ibang bansa na maninirahan si Benedict Chua upang makalimutan ang traumang inabot nya sa mga sindikato. Sa totoo lang, mas natrauma pa ako nung malaman ko kung sino ba ang tunay na Buwitre sa likod ng kanyang maskara. Mas binalot pa ako ng takot ng mabulgar sa akin ang tunay nyang pagkatao! Pero nangako ako sa aking sarili na ililihim ko ang tu

