Chapter 3

1958 Words
Nasira ang araw ko dahil sa mga tukso nila. Sumingit pa sa buhay ko ang Peniss na yun? OMG! Kantout-Peniss na ang tawag sa amin! I really hate my name! Kung pwede lang palitan ko ang pangalan ko ngayon mismo ay gagawin ko na! Nakakainis! "Ms. Kantout!" Si Peniss. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Talagang ipinapahiya nya ako. "Just call me Kate!" Mataray kong sabi. Pero ang lokong si Peniss tinatawanan lang ako. "Just call me Kate! Napakaarte naman!" Panggagaya nya sa akin. Lalo kong kinainisan ang pagkatao nya! Isa syang malaking bwiset sa buhay ko! Tinalikuran ko na sya sa sobrang inis ko! "Hey! Sorry naman! Nagjojoke lang ako! Eto naman matampuhin! By the way you can call me Macky!" Sabi nito. Panay ang pangungulit nya sa likuran ko. Tapos na ang klase namin at lunch time na rin kaya inaayos ko na ang gamit ko para pumunta na sa cafeteria ng university. Pinagmamasdan lang kami nila Trisha at Lea. Alam ko na kilig na kilig sila sa presensya ng Peniss na to! Pero ako?? Syet! No way! Paglingon ko sa kanya.. Parang matutunaw ako sa mga titig nya. Ang mga ngiti nyang sobrang perfect nakakabihag ng puso. At speaking ng puso.. syet! Kumakalabog na naman ang puso ko sa hindi ko alam na dahilan. Napakagat labi ako at tumalikod ulit sa kanya. Ano ba to?? Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Tumayo na ako at sumunod sa akin ang dalawa kong bagong kaibigan na sila Lea at Trisha. At si Peniss ay nakasunod na rin sa amin. "Sasabay ako ha? Okay lang naman siguro!" Sabi nito. Umarko ang kilay ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko sya. Tinitigan ko sya ng masama. Napaurong sya nang sugurin ko sya ng titig ko. "Bakit ka ba sumusunod? May gusto ka sa akin noh? Gandang ganda ka kasi sa akin kaya gusto mong mapalapit sakin?" Matapang at prankang sabi ko sa kanya Napameywang na rin ako sa harapan nya. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi ko. May gusto sya sa akin at gandang ganda sya sa akin! Tanging malakas na tawa lang ang itinugon sa akin ng lalaking ito. Lalong umarko ang kilay ko sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo?? Teka lang Miss. Ako may gusto sayo? Wow! Gusto ko lang sumabay may gusto na agad? Saka gandang ganda? Sorry ha. Kasi sa bansang pinanggalingan ko ordinaryo lang yung ganyang mukha. Mas madaming mala-diyosa sa ganda doon!" Sabi nya. Parang gustong sumabog ng puso ko sa mga sinabi nya? Ibig sabihin hindi ako maganda sa paningin nya? Ako? Hindi maganda? Ako? Ordinaryo lang ang itsura? I really hate him! Tinalikuran ko sya at nagtungo na sa cafeteria. Napahiya din ako sa dalawa kong kaibigan! Sobra sobra na ang pagpapahiya nya sa akin. I can't believe na may lalaking hindi naaakit sa akin? Hindi nagagandahan sa akin? O baka naman bakla sya! Tama insekyorang bakla! Gigil! Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay nakasunod pa rin sya sa amin. Halos lahat ng estudyanteng babae o bakla ay napapatingin sa kanya. Yes! Gwapo naman kasi talaga sya at malakas ang dating. Nakakainis yung idea na nagagwapuhan ako sa kanya, pero sya hindi nagagandahan sa akin. Nakakainis yun! Natatapakan nya ang p********e ko! At first time itong nangyari sa akin! Hindi ko sya pinapansin. Sila Trisha at Lea lang ang matiyagang nakikipagkwentuhan sa kanya. At kitang kita ko sa mata ng mga kaibigan ko ang kilig. Hmp! Tse! Paminsan minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. Sa tingin ko nagpapanggap lang to na hindi nagagandahan sa akin eh. Pero sa mga tingin nya parang gustong gusto na nya akong sunggaban ng halik? Namula ang pisngi ko sa mga naiisip ko? Syet! Bakit ko ba naiisip na gusto nya akong halikan? Pero yung puso ko tumalon sa tuwa! Syet talaga! "Ikaw Kate, saan ka nakatira?" Tanong ni Macky Napagkwentuhan kasi nila kung saan sila nakatira. At lahat sila ay sa mga exclusive subdivision nakatira. Lahat sila may malalaking mansyon. My Gad! "Ah.. sa West Ville Subdivision!" Sabi ko. Hindi naman nila malalaman ang totoo. Hindi ko naman sila dadalhin sa bahay namin. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga kami nakatira sa subdivision. Pero hindi rin naman sa squatters area. Wala kaming malaking mansyon. Inshort nasa middle class lang kami. Nakakainis. "Wow. Maganda daw jan at sobrang safe!" Sabi ni Lea. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Sana lang hindi ako mabuko! "Ano naman ang ginawa nyo last vacation? Yung family kasi namin nagpunta sa Maldives. Grabe sobrang ganda talaga doon. " pagkukwento ni Trish Napalunok ako. Syet! Ano naman ang ikukwento ko? Eh nung bakasyon nagbantay ako sa tindahan ng ukay ukay ni mama Emz. "Wow!! Sosyal ha! Yung family namin sa Croatia lang naman. Nandun kasi yung brother ko kaya dinalaw lang namin!" Si Lea "Oh.. not bad! Croatia also has the best beaches right?" Si Trish "Yup!" Maikling tugon ni Lea "Nice! Kami dito lang sa Philippines. Pero sobrang ganda ng CamSur!" Si Macky. Lahat sila ay may ngiti sa labi. Habang ako ay parang gusto ko nang tumakas sa usapang ito! Maya maya ay lahat sila nakatingin na sa akin. "How about you Kate?" Tanong ni Lea Hilaw pa rin akong ngumiti sa kanila. Kailangan kong paganahin ang utak ko! Hindi ako pwedeng magpatalo. "Ah! Last summer?? Ah.. we.. we went to Iceland! Yeah! Ang init kasi dito kaya doon kami nagbakasyon!" Sabi ko. Kinuha ko ang bote ng softdrinks at agad kong sinipsip ang straw nito. Natetense ako.. "Wow! Iceland! Pangarap kong pumunta jan! Sabi ng daddy ko, sa birthday ko dadalhin nya kami sa Iceland. Sobrang lucky mo naman at nakapunta na kayo doon. So did you witnessed the Aurora Borealis?" Si Trish Halos mabilaukan ako sa tanong nya. Ano b yung aurora buralis? Dito pa yata ako mabubuko? Bakit ba naman kasi Iceland ang nabanggit ko? Bakit ba hindi na lang Japan o Singapore? Isang syet na malagkit talaga! "Ah! Yes.. ofcourse.." sabi ko na lang kahit wala akong ideya kung ano yang Aurora Buralis na yan. "Wow!!!" Sabay sabay silang tatlo. Lalong nanlaki ang mata ko. Bakit ba silang manghang mangha. Ano ba kasi yun? Syet naman oh. Nagmumukha na akong tanga dito. Napangiwi na lang ako at pasimpleng kinuha ang cellphone ko. Sinearch ko ang Aurora Buralis na yun. Habang panay pa din ang tanong nila. "Ang lucky nyo talaga. Nagpakita sa inyo ang aurora borealis. So how does it feels? Talagang goosebumps ba?" Si Trish ulit Pangiti ngiti lang ako dahil loading pa ang cellphone ko. Syet! Aurora Borealis pala. Ang bobo ko dun ah. A natural light displays on Earth sky. Parang mga rainbow pala. "Hey! Anu na. Magkwento ka about Aurora Borealis!" Si Lea Ngumiti ako. Ngayon alam ko na! "Ay sobrang ganda talaga ng langit nung makita namin yun. Sumasayaw sayaw pa. Grabe. The best talaga!" Sabi ko Kilig na kilig ang dalawa kong kaibigan. Samantalang si Macky ay nakatingin lang sa akin. Parang hindi sya kumbinsido sa mga sinabi ko. Ano bang problema nito? "Talagang sobrang swerte nyo naman at nagpakita sa inyo ang Aurora Borealis huh!" Sabi nya na parang may pagdududa Napalunok ako at tinitigan ko sya.. "Talagang maswerte kami! Pakialam mo ba!" Sabi ko Naiinis talaga ako sa buong pagkatao nya! "Ang cute nyo naman mag-away! Bagay kayo!" Panunukso ni Lea. Nandiri ako sa sinabi ni Lea at mas lalong umarko ang kilay ko. "Excuse me! Hindi kami bagay noh! Ang gusto kong mapangasawa eh isang Prinsepe hindi kagaya nya!" Sabi ko. Nakatingin lang sila sa akin nang marinig ang sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko? Yun naman ang totoo. Gusto ko ng literal na Prince! "Asawa agad? Ang bilis naman! Saka sorry, hindi kita type eh. Hindi ka naman ganun kaganda kasi!" Sabi ni Macky. Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa galit na nararamdaman ko! Talagang inulit pa nya na di sya nagagandahan sa akin? "Ouch! Kung di ka nagagandahan kay Kate, paano pa kaya kami!" Sabi naman ni Lea Tinaas ni Macky ang dalawang kamay nya. "Oops! Sorry. I did not intend to offend you. Para sa akin may kanya kanya namang ganda ang mga babae eh. At kayong dalawa. Well maganda kayo sa paningin ko. Gusto ko kasi yung Filipina Beauty eh. Iba ang ganda ng mga pinay eh! Alam nyo yan!" Sabi pa ni Macky na mas lalo kong kinainisan! Nakita ko kung paano kiligin ang dalawa kong kaibigan. Samantalang ako ay parang binuhusan ng kumukulong mantika sa mga sinabi nya. Sya lang talaga ang hindi nagagandahan sa akin. Sya lang!! Makisig Peniss kinamumuhian kita!!! Hanggang mag-uwian ay nakabuntot pa rin ang lalaki na yun sa amin. Nakita ko agad sa malayo ang kuya ko. Inaayos na nya ang motor nya. "Bye!" Sabi ko sa dalawa kong kaibigan At isang malaking irap ang binigay ko kay Macky Peniss. Whatever! Agad na akong nagtungo sa kinaroroonan ni kuya Migz. Sinuot ko ang helmet at umangkas na sa kanya. Nakita ko ang pagtitig ni Macky sa amin ng kuya ko. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng tingin na yun. Basta ang alam ko naiinis ako sa kanya. Nakarating kami ng bahay na nagdadabog. Galit na galit pa rin ang puso ko. Syet? Bakit ba sobrang apektado ako? Napansin ni mama Emz ang nakabusangot kong mukha! "Oh anong problema?" Tanong nya. Nagmano lang ako sa kanya at umiling iling. Padabog kong hinagis ang bag ko sa sofa. Muntik pang matapon ang iniinom na softdrinks ni Papa Edz dahil nagulat sa ginawa ko. "Ma! May isa akong kaklaseng lalaki na hindi nagagandahan sa akin? Ma? Naniniwala ba kayo? At kagaya ko, napakapangit din ng pangalan nya! Naging tampulan tuloy kami ng tukso!" Pagrereklamo ko kay Mama Emz. Nakalabas na ng banyo si Kuya Jordan nang marinig ako. Nakatapis lang sya ng tuwalya. Naghahanda na sya para pumasok sa trabaho. "Hoy! Yan lang ang problema mo eh akala mo magugunaw na ang mundo? Para sabihin ko sayo hindi lahat nagagandahan talaga sayo. Gaya ko. Hindi ako nagagandahan sayo kapatid. Maputi ka lang!" Pang aasar ni kuya Jordan. Nagtawanan sila Mama Emz at Papa Edz sa sinabi ni kuya Jordan. Pero ako? Naiinis ako sa kanilang lahat. Inaasar na naman nila ako. Seryoso akong nagsusumbong sa kanila tapos aasarin lang nila ako. Napasalampak ako sa sofa. Nakabusangot ako sa kanilang lahat. Naramdaman kong tumabi sa akin si Mama Emz. "Niloloko ka lang ng kuya mo. Wag mo nang pansinin. Maganda ka ah! Pero tama din sya na hindi lahat pwedeng magandahan sayo. Depende kasi yan sa tumitingin. Pero para sa amin, sobrang ganda mo anak!" Pagpapakalma ni Mama. Nalungkot ako sa sinabi ni Mama. So ibig sabihin talagang hindi nagagandahan sa akin si Macky? Pero bakit ako naaapektuhan. Sa palagay ko kung ibang tao iyon ay matatanggap ko pa. Pero bakit ako naaapektuhan kay Peniss? Bakit? "Ma.. isa pa yung pangalan ko. Bakit mo ba kasi pinagamit sa akin ang apelyido ng tatay ko? Hanggang ngayon tinitiis ko lahat ng pambubully nila!" Iyak ko sa kanya. Tumabi na din sa akin si Papa Edz at hinaplos ang buhok ko. "Huwag mo na kasing intindihin ang sinasabi nila. Huwag ka na lang magpaapekto. Nandito lang kami ng mama at mga kapatid mo! Pagtawanan ka man ng lahat, nandito kami para yakapin ka!" Si Papa Edz Mas naiyak ako sa mga sinabi ni Papa. The best talaga ang papa namin. Nang mapadako ang tingin ko kay Mama Emz ay nag-iba na naman ang mood nya. Sobrang lungkot ng mukha nya. Sobrang apektado sya sa tuwing mababanggit ang aking apelyido at pangalan. Nararamdaman kong may nililihim si Mama Emz tungkol sa aking pangalan. Kung ano man yun ay kailangan kong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD