Maaga akong gumising para mag-ayos ng sarili. Ipapakita ko sa Peniss na yun ang kagandahang hindi nya makita kita.
Maglalaway ang lalaking iyon kapag nakita nya ako ngayon. Humanda sya sa akin!
After kong maligo ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko ng malalaki para lumabas ang hugis bigas kong mukha.
Inilatag ko sa aking kama ang ibat ibang brand ng make ups. Napakarami kong mamahaling brand ng make up kahit pa ba, hindi ko naman masyadong nagagamit ang lahat ng iyon. Lipstick at blush on lang ang madalas kong gamitin ay ayos na. Maganda na talaga ako.
Ginuhitan ko ang kilay ko para lumabas lalo ang magandang shape nito. Bagay na bagay sa akin ang color brown.
Naglagay ako ng eyeliner, eyeshadow at mascara sa aking mata. Aww! Perfect talaga sa ganda ohh!
Naglagay ako ng matte lipstick sa makipot kong labi. At contour sa perpekto kong cheekbone.
Oh! Sa ganitong kagandang mukha ewan ko na lang kung hindi sya maglaway sa akin ngayon.
Nagpout ako ng lips sa harapan ng salamin. "Lagot ka sa akin Peniss. Makukuha ko din ang atensyon mo! Mababaliw ka din sa kagandahan ko! Tandaan mo yan!" Sabi ko.
Gumalaw ng bahagya ang mga balikat ko dahil sa munting tawa na nilikha. Natatawa ako sa naiisip ko.
Pagbaba ko sa dining area para kumain ng almusal ay agad nilang napansin ang kakaiba kong ganda.
Muntik pang mabuga ni Kuya Jordan ang iniinom na kape ng makita ako. Nagulat siguro talaga sya sa ganda ko.
Lahat sila ay sinusundan ako ng tingin na lagi naman nilang ginagawa.
"Bakla! Saan ang sagala? Ang kapal ng make up mo. Mas mukha ka pang bakla sa akin!" Pang aasar ni Kuya Jordan.
Hindi ko sya pinansin dahil alam ko naman na inaasar nya lang ako. Inggitera at insekyorang palaka kasi sya.
Si Ate Liza naman ay nakatitig pa sa mukha ko.
"Ganda ko ba teh?" Tanong ko kay Ate
Pero nakita kong napangiwi sya sa akin.
"Hindi ba masyadong makapal yan Kate? Or sobra?" Sabi ni Ate Liza
Humagalpak sa tawa si Kuya Leighton at kuya Jordan.
"Hindi parang! Talagang makapal at sobrang O.A ang make up ni bunsoy!" Sabi ni Kuya Leighton.
"Yung ganyang make up kapatid pang awards night yan. San ba punta mo? Di ba sa school? Bakit ka ba kasi nakaganyan?" Natatawa pa ring sabi ni Kuya Jordan.
Napanguso na ako sa mga sinasabi nila. Kelan ba nila ako titigilan? Wala ba talaga silang suporta sa kagandahan ko?
"Tigilan nyo na ang kapatid nyo! Kung yan ang trip nya wag nyong basagin. Basta mag-aral kang mabuti anak ha! Yun lang ang masasabi ko!" Sabi ni Mama Emz.
"Wala na kayong ginawa kundi mang-asar. Hayaan nyo na lang ang kapatid nyo. Basta walang boypren ha? Kate?" Sabi ni Papa
"W-wala papa!" Sigaw ko
Biglang parang namula ang mga pisngi ko sa sinabi ni papa. Boyfriend? Wala naman talaga? Pero kaya ako nag make up ng ganito ay para talaga sa isang lalaki na hindi mapansin ang ganda ko? Kabaliwan na ba yun? Umiling iling ako. Ayoko nang mag isip pa. Basta, gusto kong magtagumpay ngayon. Basta makita lang ni Peniss ang kagandahan ko ay ayos na ako. Ititigil ko na ito.
"Masisira lang yang pinaghirapan mo kapag umangkas ka sa akin!" Sabi ni Kuya Migz
Inarkuhan ko ng kilay si Kuya Migz.
"Sorry kuya. Hindi ako sasabay sayo. Magtataxi ako! May naipon naman ako galing sa mga binibigay ni papa. Ayokong mahuggard sa motor mo!" Sabi ko
"Aba buti naman!" Sabi ni kuya Migz
Lumapit sa akin si Mama at hinatak ang buhok ko.
"Hoy! Bakit ka magtataxi? Gagastos ka lang jan! Saka baka makatagpo ka pa ng masamang taxi driver eh kung saan ka pa dalhin! Sumabay ka sa kuya mo!" Galit na sabi ni Mama.
Napanguso ako sa sinabi ni Mama. Ayoko ngang sumakay kay Kuya Migz dahil masisira ang pinaghirapan ko.
Agad naman napansin ni Ate Liza ang pagkainis ko.
"Sige na, ihahatid ka na lang namin ni Brent. Ngayon lang ha, ayoko namang sabihin ni Brent na umaabuso ako sa kanya. Ayoko ngang nagpapasundo sa kanya eh!" Sabi ni ate Liza
Biglang ngumiti ang puso ko sa sinabi ni Ate Liza.
"Wow! Thanks ate, sa wakas makakasakay na rin ako sa magarang sasakyan ni Kuya Brent." Sabi ko.
Nakaparada na sa labas ng bahay namin ang napakaeleganteng sasakyan ni Kuya Brent. Lahat ng kapitbahay namin ay nakasilip sa kanilang bahay at nakikichismis.
Bagay na bagay ang magandang sasakyan na ito sa napakagwapong boufriend ni Ate Liza. Si Brent Razon, ang may-ari ng Razon's Paint. Grabe! Sobrang yaman nya!
Sumakay na kami ni ate Liza sa sasakyan. Ang bango bango sa loob. Amoy mayaman talaga!
"Salamat kuya ha! Sana araw araw na to!" Biro ko sa kanya. Baka kasi pwede naman, si ate Liza lang ang nag-iinarte.
Naramdaman ko ang pagkurot ni Ate Liza sa hita ko. Pinipigilan nya ang mga sasabihin ko sa boyfriend nya.
"Pwede naman little siz!" Sabi ni kuya.
Namilog ang mga mata ko. Sabi ko na eh, pwede naman!
"Ah! Hindi, okay lang si Kate. Si Migz talaga ang naghahatid sa kapatid kong yan. Nagkataon lang na. Na ano.. ahhm baka masira ang make up nya. May program kasi sila sa school ngayon." Sabi ni ate Liza
Hala! Ang ate Liza ko natuto nang magsinungaling. At kelan pa? Ayaw nya lang talaga akong makaranas na ganitong kakumportableng byahe papunta sa school. Ewan ko ba kung bakit sya nahihiya sa boyfriend nya. Kung ako yan baka kung ano na ang hiniling ko sa kanya. Basta alam ko naman na mahal ako ng boyfriend ko at hindi ako kayang tanggihan, go push sa pagrerequest.
Pero kakaiba talaga si ate Liza, kabaligtaran ko sya. Hiyang hiya pa rin sya sa boyfriend nya hanggang ngayon.
Ibinaba na nila ako sa tapat ng university. Nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat.
Nagsimula na akong maglakad papasok ng St. Francis University. Iwinagayway ko ang aking buhok at parang modelong naglakad papunta sa room ko.
Nasaksihan ko ang pagbilog ng mga mata ng ibang estudyante sa tuwing mapapadako ang tingin nila sa akin.
Matipid akong ngumiti at derecho lang ang tingin ko sa paglalakad. Parang sumasayaw ang buhok ko habang naglalakad ako.
Nang bigla kong makita ang target ko sa di kalayuan.
Si Makisig Peniss!
Boom! Lagot sya sa patibong na inihanda ko sa kanya! Kapag tumitig sya ay talo sya!
Parang bumagal ang oras habang papalapit ako sa kanya. At gaya ng inaasahan ay nagkatitigan kami sa mata.
Pinasadahan nya ng tingin ang mukha ko.
Huli sya!
Alam kong mangyayari ito. Malapit na. Nagagandahan na ba sya sa akin? Ngumiti ako at ginalaw galaw ko ang ulo ko para lalo nyang makita ang kagandahang hindi nya dapat pinapalampas.
Pero parang bumagsak ang balikat ko nang talikuran nya ako.
Nakita kong naglakad sya patungo sa aming room. Aba! Talagang iniinis ako ng lalaking to? Deadma lang ang kagandahan ko? Wala man lang reaksyon? Kahit simpleng, 'ang ganda mo', o kaya naman 'nakakainlove ka'. Wala man lang?
Grabe! Anong klaseng lalaki to?
Agad ko syang hinabol.
"Hoy Peniss!" Sigaw ko
Agad naman syang lumingon na nakakunot ang noo. Parang nagulat sa pagtawag ko sa kanya.
"Oh bakit Ms. Kantout?" Tanong nya
Nagulat ako nang tawagin nya din ako sa aking apelyido? Aba talagang nang-aasar ang isang to ah!
Napalunok ako nang masilayan ko na naman ang asul nyang mga mata. At gaya ng inaasahan ko yung puso ko halos gustong kumawala sa loob ng katawan ko. Wait lang. Kalma lang!
"Wala ka bang napapansin sa akin?" Sabi ko habang nakataas ang kilay ko sa kanya.
Mas lalong kumunot ang noo nya sa akin.
"Alin? Yang make up mong sobrang kapal? Ang pangit mo lalo!" Sabi nya
Tinalikuran na nya ako. Nagsimula ulit syang maglakad palayo sa akin. Syet!
Naiwan akong parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Grabe naman ang lalaking to? Masyado nyang pinapasakitan ang puso ko. Pero bakit ko ba talaga nararamdaman ang lahat ng to! Nakakainis!
Pinigilan kong huwag maiyak. Hindi ang kagaya nya ang makakasira ng araw ko.
I hate him!
Sobra!
Bago ako pumasok sa room ay nagpunta muna ako sa C.R. Doon ay binura ko ang lahat ng nilagay ko sa mukha ko.
Sobrang natural na lang. Ayoko nang mageffort. Saka bakit ko ba to ginagawa? Kung ayaw nya sa akin, at kung hindi sya nagagandahan sa akin ay bahala sya.
Hinding hindi ko na sya papansinin. Hindi na! Nagmumukha lang akong tanga.
Naglagay lang ako ng lip balm at nagtungo na ako sa room namin.
Pagpasok ko ay binati agad ako ng mga kaklase kong lalaki. Buti pa sila ay laging napapansin ang kagandahan ko. Samantalang ang isa jan, deadmatology talaga! Ganun ba talaga kagaganda ang mga babae sa pinanggalingan nya? Teka, ano ba ang lahi nya? Amp! Wala na pala akong pakialam!
"Hi Kate! Ang pretty mo naman kahit walang make up!" Bati ni Lea
"Salamat!" Sagot ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya.
Sa peripheral vision ko, nakita kong nakatingin sa akin si Peniss. Unti unti kong inarko ang mga kilay ko. Baka nagulat sya sa sinabi ni Lea na wala akong make up. Nang makita nya kasi ako kanina ay nakafull make up ako. Baka sinulyapan nya lang kung totoo ba? At nagulat na rin siguro kung bakit ko tinanggal! Bahala sya sa buhay nya. Hinding hindi ko na sya papansinin pa!
"Buti tinanggal mo yung kolorete sa mukha mo? Feeling mo ikiniganda mo yun?" Sabi ni Peniss.
Nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala sya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko sya papansinin. Never!
Nakita ko na naman na kinilig ang dalawa kong kaibigan. Pero ako? deadma sa kanya. Kahit na nga nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Nagkunwari akong nagbabasa ng notes.
"Sungit!" Narinig kong sabi nya.
Bumalik na sya sa kinauupuan nya. Sa tabi ni April na GGSS. Nakakagigil.
Kunwari ay inayos ko ang bag ko na nasa aking likuran. Pero ang pakay ko naman talaga ay ang sulyapan si Peniss kung ano ang ginagawa nya.
Pero pagtingin ko ay masaya silang naghaharutan ni April. Ang isang kamay ni April ay nakadapo pa sa binti ni Peniss.
Nakita ko ding parang may inaalis si Macky na dumi sa mukha ni GGSS at magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila.
Syet!
Agad akong bumaling ng tingin sa harapan kung saan hindi ko sila makikita.
Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang may tumutusok sa parte ng puso ko? Ayoko ng ganito.
"Ok ka lang?" Tanong ni Trish
Agad kong inayos ang sarili ko.
"Oo naman!" Sagot ko habang nagbasa muli ako ng notes
"Alam nyo sa tingin ko, liligawan ni Macky yang si April. Sobrang close nila eh." Sabi ni Trish.
Lalong parang nadurog ang puso ko sa mga sinabi ni Trish. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko at kunwari ay parang walang narinig. Wala akong pakialam!
"Nabanggit kasi ni Macky may liligawan daw sya eh.. baka si April na nga yun!" Sabi naman ni Lea.
Napatingin ako kay Lea? Liligawan? May liligawan si Peniss?
Dito ay mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko!
Matapang kong tinitigan sila Peniss at April. Nakakainis! Bakit hindi ako? Di hamak namang mas maganda ako sa babaeng yan.
Hindi ko napansin na mahigpit na pala ang hawak ko sa isang pahina ng notes ko at halos malukot na ito sa pagkakapiga ko.
Maya maya lang.
"Girls, sasabay sa atin si April maglunch ha? Welcome naman sya sa grupo di ba?" Sabi ni Peniss na bigla na namang sumulpot sa likuran namin.
"Oo naman!" Sabay na sabi ni Lea at Trish
Tumingin sila sa akin at parang hinihintay ang sagot ko.
Napatango lang ako sa kanila at nagpanggap muling walang pakialam.
"Go push!" Sabi ko
Kinuha ko ang libro sa bag ko at nagkunwaring abala sa pagbabasa.
Pero ang totoo ay kinababahala ko ang pagsama ni Peniss at April sa grupo namin. Hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable na kasama namin sila. Nakakainis!
"By the way, kate maganda ka kapag walang make up!" Sabi ni Peniss sabay alis at bumalik sa tabi ni April.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Nabingi lang ba ako. Pero malinaw naman eh!
'Maganda ka kapag walang make up'
Umalingawngaw sa utak ko ang sinabi nyang ito. And suddenly my heart smiles.
Pakiramdam ko ay ang pula pula ng mga pisngi ko sa sinabi nya. Sa wakas. Nagandahan na rin sya sa akin. Yun lang naman ang gusto ko.
"Ay kinikilig sa sinabi ni Macky?" Pang aasar ni Lea
Lalo akong ngumiti sa sinabi ng kaibigan ko. Pero pinigilan ko ang mga ngiti ko.
"Hindi ah!" Pagtanggi ko
Pero sa totoo lang. Labis na ikinaligaya ng puso ko amg sinabi nyang iyon. Nagtagumpay ako. Nagandahan na sya sa akin. Tama na ba yun? Yun lang naman ang gusto ko di ba?
Pero hindi! Parang may gusto pa akong mangyari.
Gusto kong mapaibig ko sya. Gusto kong mainlove sya sa akin.
Tumingin ako kay Peniss and I gave him my evil smile.
I will make him fall deeply inlove with me! Sisiguraduhin kong mababaliw sya sa akin!