Chapter 27

1007 Words
"Hindi ba't sinabi ko sayong hindi mo kailangang idawit sa isang argumento ang pangalan ng mga taong patay na?" Gigil kong bulong bago muling nag angat ng tingin sa kanya. Expected ko na na magugulat siya sa pagputol ko sa kanya ngunit halos pumalakpak ako nang hindi man lang nagbago ang walang kwenta nitong reaksyon magmula pa kanina. "Talaga bang abogada ka o abogaga ka lang talaga?" Sarkastiko kong tanong dahilan upang ambaan niya muli ako ng sampal. Daglian akong pumikit kahit na may ngiti sa labi. Tila ba hinahanda ko na rin ang pisngi ko sa isa pang pinalakas na sampal. Ngunit ganon na lang ang pagtataka ko nang hindi ko man lang naramdaman ang pagdampi ng palad niya. Daglian akong nagmulat at nakangising tumitig sa mga mata niya. Gusto kong natawa sa nasaksihan ko ngunit isang ngisi lamang ang iginawad ko dahil paniguradong magsasabunutan kaming dalawa kung sakaling magkamali nanaman ako sa ikikilos ko. Natagpuan ko siyang nanggigigil na nakatitig sa'kin. Marahas ang paghinga niya at bakas talaga sa mga mata nito ang tila ba nag aapoy sa galit. Nakataas pa rin magpahanggang ngayon sa ere ang kamay niya na para bang nanginginig pa sa sobrang panggigigil. "Nagagawa niyo na akong saktan.." tango ko na para bang nangongonsensya sa kanilang dalawa sa ginawa nila kanina. "Ganyan ba ang magulang? Ganyan ba kayo magpalaki ng anak?" "Wala ka sa tamang pag iisip, Courtney. Kulang ka sa disiplina." Sagot ni Sharon na tinawanan ko. "At sa tingin mo tama ang paraan mo ng pagdedesiplina?" Halakhak ko. "At sino ka para disiplinahin ako? Nanay ba kita?" "Wala kang alam, Faience.." sabat muli ni Daddy. Sa katunayan nga ay ako ang nahihilo sa bawat iling niya sa tuwing nagsasalita ako eh. "She's your Mom.." "She's f*****g not." Pagmamatigas ko. Ramdam ko ang muling pagrahas ng pagkaka-kapit ko sa mga bagahe ko sa tuwing ipapamukha nilang dalawa sa'kin na si Sharon ang Mama ko. Never kong matatanggap na magiging magulang ko ang isang kabit na katulad niya. Wala akong pakialam kahit na kasal na silang dalawa. Wala rin akong pakialam kung magkaroon man sila ng anak. Wala akong pakialam. "Iisa lang ang itinuturing kong nanay sa buong buhay ko. Na kahit wala na siya sa munodng ginagalawan ko, alam ng Diyos na siya lang ang tatanggapin ng puso ko." Diin ko. Bakas ang hinanakit sa kanilang mga mata. Si Sharon nga lang ang naglakas ng loob na mangiti at suminghal sa mga salitang binanggit ko na tiyak ko namang ikasasakit nilang dalawa. "Matigas ka pa rin magpahanggang ngayon, Courtney. Tingnan natin kung hanggang saan aabot 'yang pagmamatigas mo." Singhal niya bago umatras sa harapan ko na sinunod ni Daddy. "Umalis ka sa pamamahay na ito at wag ka nang maglalakas ng loob na lumapit pa saming dalawa."  Kita ko na ang pamamasa sa gilid ng mga mata niya ngunit alam ko sa sarili kong pinipigilan niya lang na hindi maluha sa harap ni Daddy at lalong lalo na sa harap ko. Isang malumanay na ngiti ang iginanti ko sa walang reaksyon niyang mukha. Ramdam ko ang dismaya ni Daddy sa sinabi ni Sharon dahil sa magkakasunod nitong iling at paghilot sa sintido. "As if naman na muli akong lalapit at babalik sa inyo?" Sagot ko sa bilin niya. "Kahit na gumapang ako sa lupa sa sobrang hirap.. hinding hindi ko na kayo babalikan.." "Then go!" Sigae niya bago ko nakita ang magkakasunod na patak ng luha nito. "Wag na wag ka nang magpapakita saming dalawa ng Daddy mo kahit kailan!" Sambit niya bago tumalikod af naglakad palayo. Nanatili sa kinatatayuan nilang dalawa kanina si Daddy na magpa hanggang ngayon ay nakatayo at pinag aaralan ako magmula ulo hanggang paa. "Courtney Abegaile Uson.." "That's not my name, Dad." Sambit ko na ikinaayos niya sa pagkakatayo. "Kailan mo ba kami matatanggap ng Mommy mo?" "Matatanggap kita, Dad. Kung iiwanan mo siya. Waka kang problema sa'kin kung hindi mo lang siya dinampot at pinagpalit kay Mama." "She's not my legal wife, Faience." Singit niya na ikinakunot ng noo ko. "Hindi ko asawa si Gwyneth.." "Dahil hindi kayo nagpakasal." Sarkastiko kong tawa. Tama naman, hindi ba? Hindi niya pinakasalan si Mama pero nagawa niyang magkaroon ng anak sa kanya. Imoral ang tawag sa bagay na iyon, hindi ba? Binuntis mo ang isang babaeng hindi mo mahal tapos hindi mo magawang pakasalan. May nangyari sa inyong dalawa ng babaeng naging parte ng buhay mo pero ni minsan, hindi man lang pumasok sa isip mong panagutan siya. Oo. Pinanagutan mo yung batang binuo niyong dalawa, pero yung kasal na pinapangarap ng bawat o halos lahat ng babae sa mundo.. hindi mo nagawang panagutan. Bata na lang ba ang pinapanagutan sa panahon ngayon?  Kaya kokonti at bawas na rin ang respeto ng ilang babae sa mundo. Nakakagago lang talaga. "Mali ka ng iniisip.." sambit niya bago lumapit sa'kin. Agad rin siyang natigil sa pag ambang paglapit nang makita niya akong umatras sa kinatatayuan ko at tila ba natatakot na baka may gawin siyang masama sa'kin. Kaya naman nagdesisyon siya na wag na munang lumapit dahil kapag lumapit pa siya ng tatlong hakbang sa gawi ko, baka nakatakbo na ako palabas ng bahay. "Hindi kami nagpakasal ni Gwyneth dahil hindi ko naman siya minahal-" "Wow." Namamangha kong tawa na ikinagitla niya. "Pagkatapos mo kaming makasama ng halos dalawang dekada, sasabihin mo sa'kin ang bagay na 'yan? Na hindi mo man lang minahal ang babaeng halos kalahati na ng buhay mo nakasama? Anong klaseng lalaki ka?" Tawa ko pa na tila ba dismayado. Pumait ang mukha niya sa sinambit ko kaya naman hindi ko naiwasang mangiti dahil tama nanaman ako sa mga sinasabi ko. "Kapatid lang ang turing ko kay Gwyneth, Faience. Si Sharon ang pinakasalan ko dahil nung umpisa pa lang-" "Niloko mo na kami ni Mama." Ngisi kong dagdag na ikinatigil niya. "Tama nga siguro ang naging desisyon niyong dalawa. Wag kang mag alala dahil magmula sa araw na ito, wala nang mang iistorbo sa pagmamahalan niyong dalawa." Dagdag ko bago tumalikod paibis sa bahay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD