Chapter 29

997 Words
Walang permanente sa mundo. I mean, may permanente pero hindi nagtatagal. Gets niyo ba point ko? Ako kasi hindi. Anyways.. Wala talagang permanente sa mundo. Lugar, tao, bagay o kahit na pangyayari pa 'yan. Kapag sinabing magbabago ang lahat, magbabago talaga lahat. Sa posisyon sa kabinete ay may nagbabago. Nababago ang namumuno at pinapalitan ang umaalis o di naman kaya ay ang mga nagkakasala.  Ganoon rin naman sa posisyon. May naluluklok sa pinakamataas na posisyon pero at the same time ay meron rin namang nasa pinakamataas kang posisyon ngayon pero ibababa ka rin di kalaunan sa pinakamababang posisyon. Lagi nilang sinasabi, walang permanente sa mundo. Let's just say na experience lang ang lahat. Binibigyan ka ng pagkakataong maiangat ang sarili mo sa pinakamataas na hagdan at kapag hindi mo napanatili ang posisyon mong iyon na nasa taas, tuluyan ka nang maliligwak sa pinakamababang baitang ng hagdan. Lahat ng bagay sa mundo ay walang permanente. Yung mga buildings na gawa sa pinaka high standard na material ay masasabi kong hindi permanente kahit na sabihin pa nilang ang pinaka sikat na inhinyero pa ang namahala sa plano nito. Kahit na pagsama samahin ang matataas at mga de kalidad na produkto sa pagbuo nito, kapag dumaan ang pinakamalakas na bagyo.. mawa-wipe out rin ang lahat ng iyan. Speaking of bagyo or kahit na anong natural disasters, hindi sila nagiging permanente sa isang lugar. Isang buga at bugso lang ng hangin, wasak na ang buong planeta. Hindi ba dapat ay magpasalamat tayo dahil ang mga ganitong klase ng sakuna ay hindi nagtatagal sa iisang lugar lang at hindi nagiging permanente sa pagwasak ng maraming buhay sa iisang lugar.  Ang pagpapayo ng ating mga kaibigan at kakilala sa'tin sa tuwing may problema tayo, hindi rin nagiging permanente iyan dahil dadating rin ang araw na magsasawa sila sa paulit ulit na pagpapaalala sa'tin sa iisang bagay. Ganito rin naman sa mga magulang natin na halos araw araw tayong binubungangaan sa hapag. Mapa almusal, tanghalian, meryenda at hapunan pa 'yan, hinding hindi ka nila tatantanan sa panenermon. Pero sasabihin ko sa inyo, kung may ganitong klase ka ng magulang na paulit ulit kang pinapakain ng sermon sa hapag.. nararapat lang na magpasalamat ka sa kanila. Biruin mo 'yon, hindi sila nagsasawang paalalahanan ka sa maraming bagay kahit na medyo pasaway ka at pinapalabas sa kabilang tenga ang mga salitang naririnig mo sa kabilang bahagi. May iilan kasi sa mga magulang natin ang nagsasawa o hindi naman kaya ay mawawala rin ng walang paalam, gaya ng ginawa ni Mama. Isa sa mga hindi permanente ay ang buhay rin ng isang tao. May aalis at lilisan ng walang paalam, pero may darating rin kalaunan. At ang mga taong nang iiwan sayo, sila din ang nagsisilbing leksyon para sa atin na mamili ng taong pakikisamahan natin. Nung bata tayo, inakala natin na kapag nabungi ang ngipin natin, inaasahan pa natin na muli itong tutubo. Ni hindi man lang nga nagbigay ng babala na iisang beses lang pala na tutubo ang mga ganitong klase ng ngipin. Malay ba natin na iyon na pala ang pinakahuli? Isa na rin doon ang itinatalakay na hindi lahat ng bagay na pagmamay ari natin ay mananatili sa mga kamay natin. Dahil maaari rin na maagaw sa atin ito o hindi naman kaya ay manawa sa'tin at iwanan tayo, hindi ba? Dahan dahan kong ipinihit pasara ang seradura ng pinto ng kwarto ko. Pasado alas kwatro pa lang ng madaling araw pero kailangan ko nang umalis upang maghanap sana ng trabaho. Gaya nga ng sinabi ko, hindi patas ang mundo at mas lalong walang permanente sa mundong ibabaw.  Bakit ko nasabi ang bagay na iyan? Well, marami akong ebidensya. Bankrupt lang naman ang simpleng negosyo ni Aling Susan. Ano bang word ang swak para sa bankruptcy? Hmm.. well, nalugi lang naman ang kaisa isang source of income ni Aling Susan at ng alaga nitong si Mapple. Hindi ko alam pero para sa'kin, ako yata ang naging dahilan at tila ba mitsa ng pagkalugi ng negosyong pinagkakakitaan nilang dalawa. Pasimpleng buntong hininga ang ginawa ko nang tuluyan ko nang maisara ang seradura at halos mapatalon nang may narinig akong nagsalita sa likuran ko. "Saan ka pupunta, Faience?"  Agad kong nilingon ang taong nagmamay ari ng boses na iyon at lihim na nangiti sa sarili nang makita ko si Mapple na taas kilay at nakahalukipkip na nakatingin sa'kin, tila ba matiing pinag aaralan ang kilos ko. "Wag kang mag alala, Mapple. Wala akong balak na takasan ang pagkakautang sa inyo ni Aling Susan." Biro ko dahilan upang ambaan niya ako ng sapok sa ulo. "Siraulo ka!" Asik niya na ikinatawa naming dalawa. Bukang liwayway na nang makarating ako ng bayan. May iilang bukas ng store at mas marami pa rin ang stall na nananatili pa rin sa pagkakasara dahil medyo maaga pa. Hindi ito yung tipikal na bayan di tulad ng bayan na iniwan ko kung saan nakatira sila Daddy. Anyways, dalawang bayan lang naman ang inilayo ko sa kanila. At kapag nagkaroon ako ng sapat na pera, baka sakaling makaluwas ako ng Maynila at doon makipagsapalaran sa buhay. Isang matamis ngunit mapait na ngiti ang iginawad ko sa matandang lalaki na mariin akong pinagmamasdan magmula ulo hanggang paa. "Wala kang experience sa trabaho, Fayins-" "Faience po. Fa-yens." Pagtatama ko na nginiwian niya bago prenteng inilapag sa table na nasa pagitan namin ang resume na tanging pangalan lang ang nakasulat. "Willing naman po akong mag train. Kaya ko namang kumilos ng mabilis.." "Pero mabigat ang trabaho rito, Iha." Putol niya. Isang nakakalokong tingin ang ginawa ko nang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng maliit niyang tindahan. "Anong mabigat sa pagdutdot ng item sa scanner?" Asik ko na ikinataas ng kilay niya. Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya bago yumuko sa magkasalikop nitong mga kamay na nasa mesa. "Sige. Tanggap ka na." At ito ang sikreto para matanggap ka agad sa trabaho, pakitaan mo ng magic. At ang magic na iyon ay magpaka sarkastiko ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD