Chapter 20

997 Words
Maraming dumalo sa lamay ng Mama ko. Halos lahat ay may dalang malalaking bulaklak para sa kanya. Maraming nakiramay at marami ring nagpaabot ng mensahe para sa kanya. Alam nila kung gaano kong kamahal ang Mama ko. Oras oras, siya lang kagi ang nakakasama ko. Wala akong ibang kinakausap kundi siya lang. Siya lang ang naging kaibigan ko sa buong buhay, maliban kay Harper. Nand'yan siya lagi sa tabi ko sa tuwing may problema ako, pero wala ako sa tabi niya nung mga panahong naghihirap na siya sa sakit niya. Nand'yan siya lagi sa tabi ko at handang makinig sa mga hinanakit ko, ngunit wala ako nung mga panahong nand'yan siya at nabubuhay sa mga hinaing na nararamdaman sa katawan. Nand'yan siya palagi sa tabi ko pero akong anak niya, wala sa tabi niya nung mga panahong mag isa na siyang lumalaban. Oo, isinisisi ko sa dalawa kung bakit namatay si Mama. Kasalanan nila dahil hindi man lang nila nagawang tanungin ang Mama ko kung may masakit ba siya, kung bakit guma-grabe ang mga pag ubo niya, kung bakit madalas siyang nagkukulong sa kwarto, kung ano ano ang mga gamot na iniinom niya, kung nakakaramdam ba siya ng hirap sa paghinga.. Oo! Isinisisi ko sa kanilang dalawa dahil kasalanan naman talaga nila, hindi ba? Inuna nilang magpakasasa sa relasyon nilang dalawa habang ang Mama ko, ang asawa ni Daddy, ang iniharap niya sa altar, ang nagpalaki sa'kin, ang pinakasalan niya.. naghihirap nang dahil sa sakit na maging ako ay walang kaalam alam. Pero sa bawat salitang ibinabato ko sa kanila sa isipan, yung mga paninisi ko sa kapabayaan nilang dalawa.. hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil..  Nasaan ba ako nung mga panahong nay dinaramdam si Mama? Inuubos ko lang naman ang oras ko sa bahay ng iba. Inuubos ko lang naman ang oras ko sa paglilibang sa sarili ko. Inuubis ko lang naman ang oras ko sa mga walang kwenta at walang kabuluhang bagay kasama ni Harper. Sa halip na ubusin ko ang oras ko sa mga nalalabing araw ni Mama sa mundo, inubos ko ito sa pamamagitan ng pagkakasasa sa mga tanawing alam ko namang walang kabuluhan. Sobrang sakit kapag nalaman mong nawala sa mundo ang Mama mo nang hindi mo man lang nasasabi sa kanya kung gaano mo siyang kamahal, kung gaano ka ka-saya na maging nanay siya. Sobrang sakit sa pakiramdam na nawala siya nang dahil sa kapabayaan ko. Bakit hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng mga bagay na iniisip ko? Sa mga huling oras niya sa mundo, ang kapakanan ko pa rin ang naiisip niya samantalang ako.. ako na walang ibang inisip kundi ang relasyon ng Daddy ko at ni Tita Sharon lang ang iniisip at pino-problema. Napaka walang kwenta kong anak. Hindi ko deserve ang isang katulad niya na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ko lang. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa mga desisyong pinapakawalan ko. Naiinis ako sa mga bagay na nasasayang nang dahil sa pagiging makasarili ko. Naiinis ako dahil sa mga pagkukulang ko. Nanatili lang akong nakaupo sa damuhan habang hindi iniinda ang tirik ng araw sa kapatagan. Sa harap ko ay ang lapida na may pangalan ni Mama. Sampung araw na ang nakalilipas simula nung inilibing siya pero.. heto pa rin ako, umaasa na sana.. makausap ko man lang siya kahit na sa panaginip lang. Wala na akong kakampi, Mama. Sana masaya ka na kung nasaan ka man. Wag kang mag alala kay Daddy dahil kaya niya na ang sarili niya. Nand'yan sa tabi niya si Tita Sharon. Okay lang ako rito, lagi mong tatandaan na lalaban ako sa laban na ipinakita mo sa'kin. Hinding hindi ako susuko kahit na naisipan ko na ring sumunod d'yan sayo. "Faience. Let's go." Rinig kong pag aaya ni Daddy mula sa malayo dahilan upang mabigat ang katawan kong tumayo at sumunod kung nasaan man siya. Ito ang pinaka unang pagkakataon na muli akong nakasakay sa sasakyan ni Daddy kasama ni Tita Sharon na nasa front seat. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong huli naming gawin ito. Ilang araw na ring hindi kumikibo si Tita Sharon pero alam ko sa sarili ko na tuwang tuwa siya sa pagkawala ni Mama. "Ang saya, 'no?" Tanong ko na parang natatawa sa naisip. Kita ko ang pagbaling sa salamin ni Daddy sa pwesto ko sa likuran, ngunit nanatili lang naman ang tingin ni Tita Sharon sa harapan. Para bang walang narinig sa singhal ko. Tamang bingi bingihan lang ba? Masakit bang mawalan ng pinsan na itinuring mo na ring kapatid? Kasi kung para sa akin, oo. Sobrang sakit mawalan ng nanay na palaging nariyan sa tuwing mag isa ako. Hinding hindi mararamdaman ni Tita Sharon iyon dahil makasarili siya. Hindi niya mararamdaman ang sakit ng paghihinagpis ko dahil makasarili siya. Puro sariling kaligayahn niya lang ang naiisip niya. Walang ibang itinataya kundi ang sariling kapakanan lang. Makasarili ka. Kung totoo man ang sinasabi mong nanay kita, hinding hindi kita matatanggap dahil unang una pa lang.. sobrang layo na ng ugali natin sa isa't isa. "Masaya bang mawalam ng karibal?" Usal ko na para bang sa isang sipol lang ay bubuhos na ang mga luha sa mata ko. "Sana masaya ka na.. masosolo mo na si Daddy kaya wala ka nang daoat na ipangamba pa.." "C-Courtney.." sabat niya na mabilis ko ring pinutol. "Wag na wag mo akong tatawagin sa pangalang hindi ko kinalakihan, Sharon." Tawag ko na sinet-aside ang paggalang para sa kanya. "Faience.. wag kang magsalita ng ganyan." Singhal ni Daddy dahilan upang siya naman ang balingan ko ng masamang tingin. "Siguro naman karapatan kong hindi galangin ang mga taong walang galang at respeto sa relasyon ng iba, di ba?" "Courtney, ano ba!" Biglaang sigaw ni Tita Sharon na ikinagitla ko. "Hindi kang ikaw ang nawalan, okay? Nawalan rin kaming dalawa!" "Hindi ba't dapat maging masaya ka? Kasi nawalan ka na ng kaagaw, di ba?" Singhal ko pa na hindi niya na sinagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD