Kung ako ang tatanungin, hindi naman siya mukhang babae sa porma niya. Kaya naman ang makakita ng napkin na nahalo sa mga pinamili niya.. masyadong nakakatawa. Nakakatawa lang actually.
Kung hindi lang siya costumer, baka kanina pa ako humagalpak sa pagtawa.
"Nice name." Sambit niya habang abala ako sa pagi-scan ng mga pinamili niya.
Alam kong ang pangalan ko na nakalagay sa nametag ang tinutukoy niya kaya naman hindi ko naiwasang mapangiti.
"Salamat po." Magalang kong ani habang abala pa rin sa pagsisinop ng mga pinamili niya.
Kita ko ang marahas niyang paghablot ng napkin na ilalagay ko sana sa paperbag. Nagulat ako sa ginawa niyang paghablot at nang mag angat naman ako ng tingin sa kanya ay nakita ko na siyang nakapamulsang naglalakad palayo at pabalik sa estanteng pinuntahan niya kanina.
Okay. So. Hindi para sa kanya ang napkin na iyon ha?
Kibit balikat akong nagpatuloy sa pag iiscan sa mga pinamili niya. Ramdam ko ang muli niyang pagbabalik sa harapan ko ngunit nanatili lamang akong nakayuko at abala sa trabaho.
Para bang naglaho ang kagustuhan kong makita ang mukha niya kanina. Mukha namang maayos at matino siyang tao. Talagang pang badboy lang ang awra niya para sa araw na ito.
Sino ba naman ang tangang magsusuot ng itim na hoodie jacket na maangas na pumasok sa isang grocery shop at para bang timang na nakabalot ang buong katawan kahit na tirik ang araw sa labas.
Parang.. nakakagago lang.
Nang matapos ay isang mabilis na tipa lang sa keyboard ang ginawa ko nang lumabas ang resibo ng mga pinamili niya. Isang mabilis na pilas at pirma lang dito bago ko idinikit sa plastic niya ang resibo at prenteng inabot sa kanya.
"Four hunderd twenty seven lahat, Sir." Tikhim ko bago nag angat ng tingin sa kanya.
Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang magsalubong ang mga mata naming dalawa.
Tila ba kuminang ang mga berde nitong mga mata nang magtama ang tingin naming dalawa at prenteng napukol sa isa't isa.
Alam kong iisang tao lang ang alam kong may ganoong klase ng mga mata.
"Harper?" Gulat kong pagbigkas sa nagmamay ari ng pangalang iyon.
Pansin ko ang mabilis na pagkunot ng mga noo niya nang marinig ang pangalang binanggit ko kaya naman nang umamba siyang magtatanong ay mabilis ko na siyang pinutol.
"Sorry, Sir. Nagkamali lang." Ngiwi kong tango bago siya itinabi at binati ang dalawang taong kakapasok lang sa store.
"Nagpapa cash in ba kayo sa gcash, Ineng?" Tanong ng matanda na nakangiti kong tinanguan.
Hanngang sa ibinaling ko na sa dalawang matanda nag atensyon ko ay hindi ko naman inaasahang mananatili sa pagkakatayo ang lalaking nasa gilid lang kanina.
Nang sinadya ko siyang harapin ay halos mapatalon ako nang makita ko ang matalim nitong titig sa'kin.
"May kailangan pa po ba kayo, Sir?" Tanong ko.
Ngunit kung gaano kaangas ang pagkakapasok niya kanina sa shop, ganoon rin naman kabastos ang pag uugali niya nang hindi ako sinagot at nilagpasan na lang ako upang malaya na siyang makalabas sa shop.
Ano kayang problema ng lalaking iyon?
"Grabe ang init ng panahon ngayon." Reklamo ng isang matanda na nginitian ko.
"Oo nga naman. Ang init ng panahon tapos may makikita ka pang naka jacket. Galing ba sa winter wonderland iyon?" Biro ng matanda na nginitian ko na lang.
Eh kasi naman, totoo naman talagang mainit ang panahon ngayon.
Yung sa halip na maaawa ka sa lalaking pinag uusapan ng dalawang matanda ay wala ka nang magagawa kundi tumango na lang kasi at the same time, may punto naman silang dalawa.
Saan ka makakakita ng taong sobrang init ng panahon pero nagagawa pa ring magsuot ng jacket.
Ilang oras lang ang nakalipas ay dumating na si Mang Rudy na may dalang plastic bag sa magkabilaang kamay.
Alam ko na ang bagay na ito at hindi ko na naiwasang mangiti nang inangat niya ito sa ere upang ipakita sa'kin.
"Faie, nagluto ako ng kimchi rice at kani rolls!" Maligalig niyang tawag sa pangalan ko bitbit ang mga pagkaing madalas niyang ipauwi sa'kin.
Sinamahan ko pa siya ng isang oras sa counter nang dumagsa ang mga pasahero sa shop upang mag dinner at maghanap ng pang pasalubong sa mga mahal nila sa buhay once na makauwi sila sa kaniya kaniyang tahanan.
"Salamat, Faie. Maaga kang pumasok bukas ha." Bilin ni Mang Rusy na masaya kong tinanguan at inangat ang mga paperbag na naglalaman ng mga pasalubong niya para sa'kin.
"Salamat po ulit sa pabaon!"
Nakangiti kong pinagmasfan ang paperbag bago nagdesisyong lumabas ng shop upang magsimula nang maglakad.
Medyo malamig ang simoy ng hangin ngayon dahil umulan kanina. Sa kalangitan ay unti unti ko nanamang nararamdaman ang mahihina at iilang ambon.
Mukha namang hindi mauuwi sa pag ulan ang mga ambon at maliliut na patak na iyon kaya naman sa halip na magmadali ay matiwasay lang akong naglakad kasama ng mga paperbag ko.
Nang makarating ako sa isang madilim na kalyeng madalas kong nilalakaran sa tuwing male-late ako ng uwi sa gabi, nakaramdam ako ng mga bakas ng paa na tila ba sumusunod sa likuran ko.
Nang sandaling balingan ko ito ng tingin ay wala naman akong nakitang anino ng kahit na sino sa likuran ko kaya naman bahagya pa akong nakahinga ng maluwag.
Hanggang sa nagdesisyon akong magpatuloy na lang sa paglalakad at nang maagang makauwi.
Siguro.. wala naman sigurong masama kung may mangyari man sa'kin ngayon, hindi ba?
Mas pipiliin ko na lang na mamatay ngayon kaysa sa magpatuloy sa buhay.
Kasi minsan, kung kelan mo naiisipang magpatuloy sa buhay, siya namang pagdating ng mga problemang hindi mo inaasahan.
Hanggang sa ang mga problemang iyon ay ang magiging sanhi rin ng pagdedesisyon mong pagkitil sa buhay.
Minsan ay nawawalan na rin ako ng tiwala sa Diyos. Yung mga problemang ibinibigay niya na wala namang solusyon. Minsan ay hindi ko maisip kung pagpapasakit ba ito o magsisilbing aral na lang para sa'kin balang araw eh.
Nang sandaling makatapak ako sa sementadong bahagi ay siya namang paghila sa'kin sa madilim na bahagi at ang pagtakip sa bibig ko.