Chapter 39

990 Words
Tahimik lang akong pumasok sa silid. Siguro isa na ito sa mga bagay na nagiging hideout ko sa tuwing makikita ko ang grupo nila Brittany sa labas. Kahit na wala akong takas sa kanila kahit na may isang klase kami sa major na kasama ko ang buong grupo nila. Well, yun ang sinasabi kong impyerno gaya ng paulit ulit kong sinasabi. Agad akong napayuko sa pagsusulat nang maramdaman kong may bumato ng isang makapal na libro sa ulo ko. Wala akong nagawa kundi magpatuloy sa pagsusulat at hayaan na lang kung sino man ang nagbato ng aklat na iyon mula sa likuran. Nang dahil sa pambabalewala ko ay narinig ko ang kabi kabilang singhapan mula sa likuran at di kalaunan ay nauwi iyon sa tawanan na ikinapintig ng mga tenga ko. "Ano na, Faience? Magpapalipat ka nanaman ba ng klase sa tuwing nakakasama mo kami?" Sambit ni Brittany at tiyak kong siya rin ang nagbato ng libro sa ulo ko.  Aaminin kong nakailangang palit na ako ng subject sa tuwing malalaman kong kasama ko sila sa iisang klase. Mukha namang wala akong kawala sa   Law na isa sa major subject ng kursong kinuha ko, dahil ito lang ang available na klaseng maaari kong pasukan at kailangang kailangan ko. Hindi bale, Faience. Hindi rin naman matagal ang dalawang buwan, hindi ba? Kaya ko naman siguro itong lagpasan kahit na matapos ko lang ang dalawang buwan. Ramdam ko ang paglapit niya sa kinatatayuan ko at halos mapabalikwas sa pagkakaupo sa gulat nang maramdaman ko ang pahampas niyang pag akbay sa balikat ko. "Natatakot ka nanaman ba?" Ngisi niya. "Kung mukha mo lang ang makikita ko sa buong araw, yun ang ikatatakot ko. Maliban doon, wala na." Singhal ko na ikinalawak ng ngiti niya. Ramdam ko ang pagsapok niya sa ulo ko na muli kong ikinayuko. "Yung mga pagsagot sagot mo sa'kin.. gusto ko 'yan. Mas lalo mo pang pagbutihin nang matuwa ako sayo, ha?" Ngisi niyang singhal bago muling itinulak ang ulo ko at tuluyan akong nilubayan. Ramdam ko ang nga nakakawang tingin sa gawi ko ng mga kaklase kong saksi sa pang aalipusta ni Brittany at ng grupo niya sa'kin. Wala naman akong ibang nagawa kundi lihim na lang na magbuntong hininga at hayaan sila. Well, hindi roon natapos ang lahat. Kung gaano karami ang pasang natanggap ko kay Brittany at sa grupo niya, ganoon rin karami ang ginugol kong oras sa sarili ko upang makahanap ng butas at mabuwag ang grupo nila. Masyadong mahaba kung isasalaysay ko kung paanong naghirap sa mga kamay ko si Brittany at ang mga babarng kabilang sa nagpahirap sa'kin nung mga panahong mahina pa lang ako. Pinanood ko siyang lumuhod sa harapan ko kasama ng grupo niya na lihim kong ikinangisi. "Gagawin namin ang lahat, Faience. Ilakip mo lang kami sa grupo mo." Pakiusap niya. Sa loob ng isang taon kong paghihirap sa mga kamay niya ay dumating rin ang hinihintay kong paglubog ng sorority na binuo nila, lalong lalo na siya. Daglian kong inilahad ang kamay ko sa gilid kung saan taimtim na nakatayo si Mikaela at abala pa rin sa pagtitig sa grupo ng mahihinang nilalang sa harapan ng grupo ko. Nang maramdaman ko ang paddle na gawa sa kahoy na lumapat sa palad ko ay mabilis ko itong hinatak mula aa kanya at pinatunog sa hangin. "Apatnapung hataw." Sambit ko na tinanguan nila. Saksi sila Mikaela at ang grupong binuo ko sa kung paano kong hinatawan ang mga kawawang binti ng mga babaeng nagmamakaawa at nakaluhod sa harapan ko kanina. Isang alulong mula sa mga bibig nila ang nagsisilbing enerhiya sa'kin upang magpatuloy sa paghataw sa kanila. Bawat iyak at pagmamakaawang tapusin ang pagpapahirap sa kanila ang nagsilbing bitamina na pumupuno sa kaluluwa ko upang magbigay ng lakas. "Welcome sa grupo ko, Brittany." Ngisi ko bago ibinato sa gilid ko ang paddle na may tilamsik pa ng mga dugo mula sa kawawang katawan ni Brittany. Mas masahol pa d'yan ang pinagdaanan ko bago makarating dito sa tuktok dahil iilang lalaki ang dumaan sa'kin para lang sa posisyong pinagmamalaki ko sa ngayon. Nakakatawa lang na nagawa kong ipaglaban ang dignidad ko sa masahol na r****t na iyon nung nakaraang taon tapos ngayon naman nagawa ko na lang na maipamigay sa iba para lang sa isang kakarampot ngunit mataas na posisyon na matagal ko ring pinaglaanan ng oras. "Faience.." walang buhay na tawag sa'kin ni Harper dahilan upang mag angat ako ng tingin sa kanya. Kanina pa ako tahimik at mag isang nagsusulat sa libro para sa isang minor subject na hindi ko naipasa kanina nang dahil sa trabaho ko kahapon kay Mang Rudy. Tahimik rito sa school garden at ito lang ang ginagawa ko para lang taimtim na makapag isip. Isa sa pros ng pagkakaroon ng malalakihang sorority sa school ay walang kahit na sino ang pwede at maaaring gumalaw sayo dahil sa oras na kalabanin mo ang leader nila, which is ako, daan daan ang pwedeng manakit at magbantay sa lahat ng kilos niyo. Simula nang sumali ako at namuno  sa sorority na binuo ko, wala nang naglakas ng loob na gumalaw sa'kin. At kasama na rin doon ang pagkakalayo ng loob ko kay Harper, aware siya sa mga kilos ko dahil halos lahat ng estudyante sa campus na narito ay kilala ako bilang isa sa mga namumuno ang pinakamalaking sorority sa campus. Maging ang mga teacher at prof na naririto ay kilala ako. Pero alam naman nila sa sarili nilang wala akong intensyong masama sa pagbuo ng sorority kaya naman hinahayaan na lang nila ang grupo ko. Isa sa mga batas ko sa grupo ko ay ang mahigpit na pagbabawal sa miyembro ng sorority na bawal pumasok sa gulo at makipag away. Dahil ang kung sino mang maglalakas ng loob na sumuway ay papaluin ng paddle hanggang sa mabalian ng buto sa tadyang. "Hindi na ikaw yung Faience na kaibigan ko, nagbago ka na.." ani niya na ikinatigil ko sa pagsusulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD